Chapter 9

907 Words
SOPHIE'S POV Habang lumilipas ang mga araw, mas nararamdaman ko ang paglayo sa akin ni Linus. Minsan nga hindi ko na siya nakikita sa campus. Pero sabi naman ng mga source ko pumapasok naman daw siya. Busy lang siguro sa academics. 'Yun nalang ang iniisip ko. Ayokong maging negatibo. "Bestie!" - maingay na salubong sa akin Trixxie. "Bakit parang may humahabol sayo?" - nagtatakang tanong ko. "Nabalitaan mo na ba?" - balik tanong nito sa akin. "Yung ano? Tungkol kanino?" - naguguluhang tanong ko din sa kanya. Hindi pa ito nakakasagot sa akin ng may biglang lumapit sa aming lalaki. Gwapo ito, matangkad, at chinito. Pero para sa akin mas gwapo pa din si Linus. "Hi Sophie." - bati sa akin nito. "Hi." - bati ko din sa kanya kahit na nagtataka ako kung paano ako nito nakilala. Sino kaya ito? Bakit ganoon ang reaction ng mga classmate ko? Maging si Trixxie ay hindi ko maintindihan dahil kinukurot ako nito sa tagiliran. "Can I invite you for lunch later?" - yaya nito sa akin. "Ahm..." - hindi ako makasagot dahil hindi ko naman ito kilala. Bakit ako sasama sa isang taong hindi ko kilala? "Pumayag ka na." - bulong sakin ni Trixxie. "Hindi ko nga yan kilala e." - sagot ko dito. Hindi ko napansin na napalakas pala ang pagkasabi ko. Nakakahiya. "Sorry. I forgot to introduce myself first. I'm Joshua Lee from BS Engineering. So, do you accept my invitation?" - pakilala nito sa akin. At sa lahat ba naman ng pagkakataon biglang dumaan sa classroom namin si Linus kasama si Casey at mga haragan niya. "Sige. See you later. ^_^" - biglaang naisagot ko na lang. Nakita kong napalingon si Linus sa amin. Sorry Linus but kung lumalayo ka na sa akin mas mabuti siguro kung magmove on na ako. CASEY'S POV "Nakita nyo ba yun girls? Inaya ni Josh si Sophie magdate." - Chika ko sa mga kaibigan ko. Hindi ito pwede. Wala na siyang pakialam kay Linus. Ang dali naman niya magmove on. Ganoon ba kababaw ang feelings niya dito? Nakakainis. Paano na lang 'yung plano ko? "Babe. May problema ba? Parang kanina pa lumilipad ang isip mo." - puna ni Linus sa akin. "Hindi mo ba nakita 'yun? Pinopormahan ni Josh ang bestfriend mo." - tanong ko dito. "Kaya nga e. Dalaga na yung bestfriend ko, tumatanggap na ng manliligaw." - proud pa na tugon niya. "Ganun nalang 'yun?" - wala ba siyang pakialam kahit pormahan ng iba ang bestfriend niya? "Bakit? Ano ba dapat reaction ko? Di ba pinalayo mo na ako sa kanila? Siguradong magagalit pa 'yun lalo sa akin kapag nakialam pa ako." - walang pakialam na sagot nito. Nakakainis naman itong lalaking 'to. Walang pakinabang. Dapat palayuin niya si Sophie kay Josh. At pag nangyati 'yon syempre aasa na naman si Sophie sa kanya. Aaahhhh! Sinisira niya ang plano ko. SOPHIE'S POV "Ano ba 'yan?.. Kinakabahan ako. Ni hindi ko nga kilala yung lalaking 'yun e, tapos sasama ako sa kanya?" - kausap ko kay Trixxie. Bakit ba kasi hindi ako nakapag-isip kanina bago sumagot? "E bakit kasi ang bilis mo magdesisyon kanina? Tapos aarte ka ng ganyan ngayon?" - Trixxie. "Nakita ko kasi si Linus e." - sagot ko dito. "'Yan tayo e. Pano ka makakapagmove on kung presence palang niya apektado ka na. Dapat sanayin mo ang sarili mo na nakikita siya. Para kapag nakita mo siya ulit, kaya mo na siyang harapin. No hard feelings." - paliwanag nito sa akin. "E kasi.. Hindi talaga ako makamove on e. Hindi ko kayang balewalain ang presence niya." - Sophie. "Nung high school tayo tapos nag-away kayo ni Kathy na dati nating bff, anong ginawa mo?" - Trixxie. "Nilayuan ko siya." - Sophie. "Madali lang di ba?" - Trixxie. "Iba naman 'yun e." - Sophie. "Hay naku Sophie. Ikaw lang naman nahihirapan e." - naiinis na sabi ni Trixxie. Dumating bigla si Josh. Sabay nga pala kami maglunch ngayon. "Sophie. Lets go?" - yaya nito. Tumango nalang ako. Naging maayos naman ang lunch namin, maliban na lang dun sa maraming students na nakamasid. Karamihan babae. Ano bang meron? May kinikilig tapos meron ding kung tumingin parang papatay. "Sophie. I want to court you." - sabi ni Josh na nakapagpagulat sa akin. Hindi ako nakaimik dahil doon. "Sorry kung mabilis. Pero ayoko na kasing patagalin pa to e." - dugtong pa niya. Tahimik pa rin ako. Sino ba naman ang hindi magugulat? Ni hindi ko nga siya kilala. "Kahit naman hindi ka pumayag liligawan pa rin kita. Handa akong maghintay ng matagal para lang sa sagot mo. Pero mas maganda kung mas mapapaaga ang pagbigay mo sa akin ng oo." - mabilis na sabi niya. So... No choice ako? Ano kayang gagawin ko para tigilan ako nito? "Ano kasi e.. Hindi pa ako ready magpaligaw. Bata pa kasi ako." - pagdadahilan ko dito. "Handa akong maghintay hanggang maging ready ka na." - makulit na sabi ni Josh. Ano ba 'yan? Trixxie help! "Sorry pero may iba akong gusto." - sabi ko pa dito. "At sino naman 'yun?" - hindi paawat na tanong niya. Hala. Nagtransform siya. Kakatakot. "Hindi mo na kailangan pa malaman." - tugon ko tsaka ako umalis. Kakatakot naman 'yun. Parang anytime magiging monster siya. Kakalakad ko mula dun sa pagtakas kay Josh napadpad ako sa garden ng campus. May nakita akong lalaki na nakaupo dun sa ilalim ng puno sa tabi ng pond. Sino kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD