CASEY'S POV
"Nakakainis! Bakit sya ang nanalo?! Akala ko ba kinausap mo siya ha?" - galit na galit na sabi ni Casey.
"Ayaw niyang makinig sa akin. Galit siguro sakin 'yun." - mahinahong sabi ni Linus.
"May gusto siguro siya sayo kaya ganun siya. Kaya gusto niya akong matalo sa lahat para mapatunayang mas lamang siya sa akin." - inis pa rin na sabi ni Casey.
"Ha? Wala namang ganun sa amin. Kilala ko si Sophie at siguro nahihiya lang siya sa mga classmate niya na todo support sa kanya kaya mas pinili niya na ipagpatuloy ang pagsali sa pageant." - paliwanag pa ni Linus.
"A ganon? Pinagtatanggol mo siya?" - mapaghinalang tanong ni Casey.
"Hindi naman sa ganoon babes." - depensa ni Linus.
"Wag na muna tayo mag-usap." - sabi ni Casey sabay alis.
Nakakainis siya. Alam ko naman na may gusto sa kanya si Sophie. Manhid lang talaga ang hindi makakahalata at si Linus 'yun. Kawawang Sophie. Nagkagusto sa manhid.
Pero bago 'yan magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Casey Mae Lin. Hindi naman talaga ako galit kay Sophie e. At hindi ko din gusto si Linus. Naguguluhan siguro kayo 'no? Ganito kasi 'yun.
FLASHBACK
When we were in elementary and I'm on the top of my class. I catch all the attention of everyone, the students and even the teachers.
"Ang galing mo naman Casey." - Phoebe.
"Turuan mo naman ako." - Jill.
"I want to be your friend." - Mikee.
Iyan ang lagi kong naririnig sa lahat. Nakakatuwa.
"Casey can you go to the faculty? We have something to discuss to you." - Ms. Chloe.
"Yes po Ma'am" - magalang na tugon ko.
Pinag-usapan sa faculty yung about sa regional quiz bee. Syempre ako 'yung ipanglalaban nila. As expected at masaya ako dahil doon.
Pero bigla nalang dumating ang bangungot sa buhay ko.
"Class I would like you to meet your new classmate from Korea. Please come in." - Ma'am Chloe.
"Annyeong haseyo.. I'm Sophia Cassandra Park." - pakilala ng bago naming kaklase.
Nung una gusto ko siyang maging kaibigan. Mabait naman siya e.
"You can sit beside Casey." - Ma'am Chloe.
"Yes po." - magalang na sagot ni Sophia.
"Can you can speak tagalog?" - tanong ni Ma'am Chloe.
"Opo. My Mom taught me when we were in Korea because she is a Filipino." - Sophie.
Tapos 'yun na nga. Naagaw na niya ang attention ng lahat. At ang masakit pa noon, pati yung mga quiz bee, pati pagiging representative ng buong school, maging ang pagiging valedictorian nakuha din niya. Galit na galit tuloy sina Mommy sa akin. Nawalan na sila ng tiwala sa kakayahan ko.
END OF FLASHBACK
At dahil nalaman ko na gustong gusto niya si Linus. Kinuha ko siya sa kanya. Hahaha.
Kung hindi ko maaagaw ang academic title niya. E di 'yung taong mahal nalang niya.