SOPHIE'S POV
After 1 week of preparation sasabak na ako sa pageant. Kinakabahan talaga ako. Buti nalang nandito si Trixxie at ang mga classmates ko. Tapos ang dami pang sumusuporta sakin na hindi ko kilala. Pero galing yata sila sa ibang courses. Karamihan sa kanila ay lalaki. Pero yung taong gusto kong sumuporta sakin nandun sa malayo... sinusuportahan ang taong mahal niya at kitang kita ko na full support sya sa kaniya. Pero hindi ako magpapaapekto sa kanila. Kailangan kong galingan para sa mga taong sumusuporta sakin ngayon. Lalo na kay Trixxie.
"Ano Sophie? Ready ka na ba?" - Trixxie.
"Oo naman." - Sophie.
At yun nga nagsimula ang pageant. Nung umakyat sa stage si Casey kinabahan ako dahil sobrang daming nagcheer sa kanya. Pero nawala naman yun nung turn ko na dahil mas marami pala akong supporters. At nakita kong ngumiti sa akin si Linus. Bestfriend ko.. I miss you.. T.T
Pero nung pagbaba ko ng stage. Nagulat ako sa taong sumalubong sa akin.
"Bes." - Linus.
"Linus?" - Sophie.
"Pwede bang tigilan mo na to?" - Seryosong sabi niya?
"Ha? Anong titigilan ko? Wala naman akong ginagawang masama a." - Sophie. Alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin pero ayoko lang intindihin. Dahil na naman ba sa girlfriend niya? Ano bang ginawa ko at ganoon na lang ang pagkainis niya sa akin?
"Yung pagsali dito sa pageant. Pangarap kasi 'to ni Casey e. She wants to win at nakikita ko na hindi niya ito maaabot kung itutuloy mo pang sumali dito." - Linus.
Nakakatawa naman. Syempre ngumiti ako. Yung ngiti na kahit minsan hindi pa nakita ni Linus. My evil smile.
"Ganun ba? Bakit? Inutos na naman sayo ng jowa mo? Wow ha? Willing ka talagang ibigay lahat sa kanya. Swerte naman nya. Pero wag namang siyang selfish. Hindi lahat pwede niyang makuha ng mabilisan. Matuto siyang lumaban sya ng patas. Walang dayaan." - matapang kong sabi sa kanya.
Alam ko nagulat si Linus sa inasal ko. Pero hindi na tama ang lahat ng nangyayari. Kailangan mabawasan ang pagiging spoiled brat ng girlfriend nya dahil hindi sa kanya lang umiikot ang mundo.
"Sorry Linus. I-comfort mo nalang yung girlfriend mo kapag natalo siya dahil hinding hindi ko siya pagbibigyan sa request niya. Kung pangarap niya ito, paghirapan niya dahil ayoko din naman sayangin ang effort ng mga taong sumusuporta sa akin dahil lang sa kanya. " - Sophie.
Umalis na ako dahil nahihirapan din akong sabihin sa kanya lahat ng yun. Ang sakit. Hindi na nga niya ako magawang suportahan tapos gusto niya pa akong magback out para lang sa girlfriend nya.
"O. Bakit ka nilapitan nun?" - usisa ni Trixxie ng makalapit siya sa akin.
"Wala lang yun. Hayaan mo na." - Sophie.
Hindi ko na sinabi kay Trixxie yung sinabi sakin ni Linus. Mahirap na baka awayin pa nya ang dalawa. Ayoko naman na ganun.
Ibinigay ko nalang ang best ko para sa pageant na ito. Para ito sa lahat ng taong sumusuporta sakin.
At ng matapos ang pageant tuwang tuwa ang lahat sa resulta.
FLASHBACK
"This is the part that we've all been waiting for.. The next Ms. Campus is....." - Emcee.
Kinakabahan ako. Natahimik ang lahat.
Mr. Emcee sabihin mo na kasi kung sino.
"Ms. Sophia Cassandra Park from Bachelor of Science in Business Administration major in Management." - Emcee.
Natigilan ako bigla. Nangingilid pa yung luha ko. Ganito pala ang feeling nun. Habang isinusuot sakin ung crown at sash ng Ms. Campus unti unti na tumutulo ang luha ko. Kung nandito lang sana si Mommy at Daddy siguradong matutuwa sila. Magbi-video call nalang ako sa kanila mamaya.
"Uy Bestie! Nakita mo ba yung itsura ni Casey kanina? Inis na inis sya." - tumatawang sinabi ni Trixxie.
"Hayaan mo na sya. May Linus naman siya na magcocomfort sa kanya e." - sarkastikong sabi ko.
"Parang may kasamang bitterness yun a." - Trixxie.
"Wala no. Tara na nga sa bar. Magcelebrate nalang tayo kasama yung mga sumuporta sakin kanina." - Sophie.
Tuwang tuwa naman sila. At nung makarating sila dun sa bar na syempre pagmamay-ari ng pamilya ko...
"Sophie bakit parang tayo tayo lang ang tao dito." - Daphney.
"Ano ba kayo sina Sophie ang may-ari nito kaya ipinaclose nya muna para sa atin." - Trixxie.
"Talaga? Big time ka pala Sophie." - James.
Ngumiti nalang ako.
Sobrang saya ng araw na to. Sana ganito nalang palagi. Pero alam ko naman na lahat, may katapusan. Wala naman kasing forever.
Pero sana maging ok na kami ni Linus. Kahit naman ganun yun namimiss ko pa rin yun at hindi pa rin talaga ako nakakamove on sa kanya.