PROLOGUE

2243 Words
LALIA "May mga alaalang nangyari sa atin na ayaw na nating balikan at meron ding alaalang gusto nating maulit muli. Sabi nga nila ang mga alaala na ito ang magpapahubog sa atin bilang tayo."  Sabi sa libro na binabasa ko. Lulan ako ng sasakyan papunta sa probinsya nila Lola. Pinadala ako rito ni mama dahil gusto akong makasama ni Lola pero alam kong hindi 'yon ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Isinara ko ang libro na aking binabasa at tumingin sa labas ng bintana, tanaw ko ang magandang dagat mula rito. "Manong, ito na ho ba ang Lalia?," tanong ko kay manong na syang nagdadrive nang taxi na aking sinasakyan ngayon. "Oo ineng, sa kanto na lang kita ibababa dahil hindi na makakapasok ang sasakyan sa loob. Malapit nalang naman iyon kung lalakarin," ngiti n'yang sabi sa akin at tinignan ako sa rearview mirror. Ngumiti na lang ako pabalik at isang simpleng tango ang ginawa. Humarap akong muli sa bintana at ibinaba ito upang makalanghap ng sariwang hangin. Ang aking mga buhok ay nagsasayaw dahil sa lakas ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Hindi maalis ng malamig na hangin ang pait na nararamdaman ko. Gusto kong bumalik sa maynila pero hindi ko magawa. Kalhating minuto pa ang itinagal ng byahe. "Dito nalang kita ibababa ineng" huminto ang sasakyan sa tapat ng isang daanan na puro puno ang makikita. Inabot ko ang bayad kay manong. "Salamat ho manong" at bumaba nang taxi. Kinuha ko na rin ang isang malaking maleta ko at isang backpack na naglalaman ng mga damit at gamit ko. Sinimulan ko ng suyurin ang daan papunta sa bahay ni lola. Alam ni lola ngayon na darating ako kaya siguro kanina pa iyon nag-aabang sa patio ng bahay. Lubak lubak ang daan papasok kaya't nahirapan ako sa paghigit ng aking maleta. Halos kinse minutos na akong naglalakad pero hindi ko pa nahahanap ang bahay ni lola. "Nawawala na ata ako" ani ko sa kawalan habang lumilinga linga sa paligid. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si lola. Nakatatlong ring ito bago sumagot. "La, nandito na ho ako sa lalia kaso hindi ko ho mahanap yung bahay mo" sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad sa malubak na daan. "Ay nako apo, sige hintayin mo ako dyan susunduin kita" may pag-aalalang sabi ni lola. "Sige po, la. Salamat ho" ibinaba ko na ang tawag at ibinalik ito sa aking bulsa. Kung titigan mo ang paligid, maaliwalas ito at hindi gaanong mainit. Hindi rin masyadong mapuno ngunit mapapansin ang pagiging probinsya nito. Matatanaw mula sa kinatatayuan ko ang bundok na hindi ko alam kung nasaan at kung ano. Maganda ang tanawin kung tutuusin. Medyo makakalapit ang mga bahay ngunit kung ikukumpara sa maynila ay talagang magkakalayo. Hindi sila tabi tabi. Ang mga bahay na nagmimistulang lumang mansyon. Magara at malaki ngunit mahahalata mong hindi na ito tulad ng dati. "Apo!" rinig kong sigaw sa harapan. Nilingon ko ito at napangiti ng makita sya. "Lola! Akala ko nawawala na ako" sabi ko ng makalapit ito sa akin. Agad ako nitong niyakap. "Ano ka ba naman apo, sana kanina mo pasinabi na nandyan ka na para sinundo kita doon sa babaan" sabi nito sa akin pagkakalas ng kanyang yakap. "Akala ko ho kasi malapit na, sabi ho kasi nung driver kanina malapit na daw kung lalakarin" may ngiti sa labing sabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni Lola. Halata sa mukha nito ang pagtanda. Iba sya noong nakita ko sya dalawang taon ang nakakaraan. Pero kahit na ganon, mabait pa rin si lola at masaya ng makita akong muli. "Malapit na nga apo pero hindi ka pa sanay" sabi nito at sinabayan pa ng tawa. "Halika ka na para makakain ka na ng tanghalian. Alam kong gutom ka na" kinuha nito ang bagpack ko na magaan naman buhatin. Naglakad na kami ni lola halos tatlong minuto nalang pala abg layo ko kanina mula sa bahay ni lola. Huminto kami sa isang malalumang masyon ngunit tanaw pa rin ang ganda. The mansion has a touch of Mediterranean spanish design. It looks like an old. It will be back to its beauty if ever lola decides to renovate it. Umakyat kami sa hagdan papasok sa bahay. Kung nalula ako sa disenyo at laki nang mansion sa labas, mas lalo sa loob. It is like I am back at renaissance period. Every furture are looking old but still classic. "Lola, ang laki po pala nitong bahay mo" di ko mapigilang sabihin sa kanya "Minana namin ito ng iyong lolo mula sa kanya ama. Ito ang regalo noong ikinasal kami" sabi ni lola at ibinaba ang bag na dala nya kanina sa sofa. "Nasa pangalawang palapag ang iyong silid, apo. Pag-akyat mo kumanan ka at makikita ko yung pangalawang pinto. Magpalit ka muna, ipaghahain lang kita" dumeretso na ito sa kusina. Sumunod ako sa sinabi ni lola. Napakalaki rin ng kwartong nakalaan para sa pagtira ko rito. Hindi ko alam na ganito kalaki ang bahay nila lola. Ngayon pa lang naman ako nakarating dito e.  Itinabi ko na ang maleta sa tabi ng malambot na kama at ibinaba ang bagpack ko rito. Simula na ng bagong yugto ng aking buhay. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at tumitig sa kisame. "Anak, alam mo naman na gusto ka ng lola mo doon sa probinsya para may makasama sya. Nag-iisa nalang sya doon" sabi ni mama. Kinukumbinsi ako nitong tumira sa Lalia kasama si lola. May pangalawang asawa na si mama. Dalawa ang mga kapatid ko sa ina. Ang aking ama naman ay matagal ng pumanaw. Si lola na kasama ko ngayon ay ina ni papa. Mayaman ang side nila papa simula pa sa mga ninuno nito. Sila mama naman ay katamtaman lang. "Ma, huling taon ko na ito sa senior ngayon pa ba ako lilipat" naglakad ako upang maupo sa sofa. Kanina pa nya akong kinukumbinsi pauwi palang galing sa eskwelahan. "Alam ko yun, pero kailangan na talaga ni lola mo ng kasama. Isa pa, mas m-magagastusan ka doon dahil mayaman ang papa mo" sabi nito sa akin at iniiwas ang kanyang mga tingin na umupo rin sa pag-isahang sofa. Nag-init ang sulok ng mga mata ko ng marinig ito mula sa kanya. "Kaya mo rin naman akong alagaan dito, ma. Di naman ako naggagasta ng pera para ipadala ako doon" may pait na sabi ko. Gumaan ang ekspresyon sa mukha ni mama "Sa susunod na buwan uuwi ka na sa Lalia" pinal na sabi nito at tumayo na. Wala na rin akong nagawa sa desisyon nyang ito. Pumapasok at umuuwi ako sa bahay na parang nakalutang ang pakiramdam. Hindi ko na rin nagawang ipaalam ito sa mga kaklase ko dahil wala namang gustong makipagkaibigan sa akin. Mayaman rin ang pamilya ni tito cris at ayaw na ayaw ni lola crisanta na nasa bahay ako palagi kapag darating sya. Ang iniisip nya palagi ay mapupunta sa akin ang pera ng anak nya na hindi naman dapat. Nasa silid ako ngayon, kararating ko lang galing school. Tinamaan ako ng uhaw pero nasa hagdan pa lamang ako kanina ay naririnig ko na ang kumusyon sa baba. "Kriela, alam mong naiinip na ako sa pagpapaalis mo dyan sa bastarda mong anak" masungit ngunit buong sabi ni lola crisanta. "Ayokong nakikita iyan dito at baka sa kanya pa ibigay ni cris ang ilan sa mga properties nya. Hindi ko alam dyan kay cris kung bakit napakabait sa bata" dagdag pa nito. "Ahh, lola nagawan ko naman na po ng paraan. May bahay naman po ang lola Anista nya sa Lalia doon ko nalang sya ipadadala" mahinang sagot ni mama. Hindi ko na narinig ang iba pa dahil bumalik na ulit ako sa aking silid. Nag-iinit ang mga sulok ng aking mata. Dumeretso ako sa aking kama at doon humiga at nagtalukbong ng kumot. Sana sinabi nalang ni mama agad na yun ang dahilan. Maiintindihan ko naman e, alam ko na ayaw nila lola sa akin pero hindi ko kukunin ang mga bagay na hindi akin. Hindi ko hinangad ang yaman nila. May kumatok bigla sa aking silid "Apo, tapos ka na bang magbihis? Handa na ang tanghalian mo" Nagising ang diwa ko dahil dito at tumayo na ako ng kama. Mamaya ko nalang siguro aayusin yung mga damit ko. "Opo, la. Susunod na po ako" sigaw kong pabalik at nagmadali ng mag-ayos at bumaba ng hagdan. May nakita akong mga kasambahay nang makarating ako sa hamba ng pintuan papasok sa hapagkainan. Hindi ko sila nakita noong dumating ako, baka siguro may ginagawa. Pumasok na ako at naabutan kong nakaupo si Lola Anista sa sentro ng pangsampung upuang lamesa. Umupo ako sa kanang bahagi nito "Amara, nagpaluto na rin ako kanina nitong mga paborito mong ulam. Tikman mo kung magugustuhan mo" sabi nito bago naglagay ng adobo sa aking plato. "Ayos na po, lola. Ako na po ang magsasandok ng pagkain" nahihiyang sabi ko sa kanya at kinuha sa mga kamay nito ang ulam. Halata ko sa mga titig ni lola na alam nya ang nangyari kaya ako naririto pero wala s'yang binaggit na kahit ano. Tahimik kaming kumain sa hapag. Habang nasa gitna ng pagkain ay nakita ko ay isang babae na pumasok sa hapagkainan. Meron itong tuwid at mahabang buhok. Nakasuot ito ng lumang tshirt at pantalon. Pansin ko na ito lang ang hindi naka-uniporme sa lahat. Kasing edad ko ata ito. Bilugan ang kanyang mukha at katamtaman ang kulay ng balat. Nahihiya pa syang lumapit at tumabi sa isang kasambahay na nasa likod ni lola. "Mara s'ya pala si Leah" tukoy ni lola sa babae habang naglalakad ito papunta sa kanyang likuran. "Kasing edad mo sya at grade 12 na sa pasukan tulad mo. Sakanya kita pasasamahan sa pag-enroll at paglilibot mo rito sa Lalia" dagdag pa nito. Napatingin ako sa babae at nginitian ito. Ibinalik naman nito ang ngiti. Mukha naman syang palakaibigan at mabait. Napatingin ako kay lola ng muling magsalita "Hindi na kita masasamahan at aasikasuhin ko pa ang taniman natin ng kape d'yan sa likuran ng bahay" ikinalaki ko ito ng mata. "Ho!? May taniman pa ho kayo?" gulat kong tanong kay lola. Kung ganoon ay mayaman pala talaga sila papa. Itong malamansion palang na bahay ay nakakalula na dagdagan pa ng taniman. Tumawa ng magaan si lola sa naging reaksyon ko "Oo apo. Malawak ang taniman natin kaya't kailangan ng magmamando. Hindi pa rin kasi nabalik ang mga pinsan mong lalaki mula sa states kaya ako muna ang namamahala" Natapos ang hapagkaininan sa kwentuhan naming iyon. Pinasamahan ako ni lola kay Leah upang maglibot sa taniman ng mga kape. "Ikaw po si Ms. Ophelia Amara diba? Lagi po kasi kayong nakukwento ni lola Anisa sa amin" Naglalakad lakad kami ngayon upang maghanap ng kape na pwede nang mapitas. Gusto ko kasing mamitas nito. "Ako nga. Wag mo na akong tawaging Ms. dahil magkasing edad lang naman tayo. Tsala pwede tayong maging magkaibigan" ligon na sabi ko kay leah. Mababakas rito ang saya sa narinig. "Tagala? Kung ganoon ay tatawagin na lamang kitang Mara, gaya ng tawag sayo ni lola Anista" "Mabuti pa nga yan leah" pinitas ko na ang mga nakikita kong kape na maaari ng gawing inumin. Sobrang laki ng lupain at taniman dito. Nakakamangha na kayang patakbuhin ito ni lol ana mag-isa. "Ano bang gagawin mo rito sa mga kape?" tanong ni leah. Pauwi na kami ngayon dahil medyo mainit na at napapalayo na kami sa pamimitas. "Ititimpla ko sana. Mahilig kasi akong magkape. Black coffee to be exact" "Nako edi pareho po pala kayo ni Sir Marcus!" sabi ni leah. Ibinaba na nito ang basket ng sa counter table ng kusina nangangalahati ng kape at sinimulan ng ihanda ang gagamitin para maging inumin ito. Nasa tapat naman ako nito na nakaupo at naghihintay. Kuno't noong napatingin ako sa kanya "Marcus? Pinsan ko ba sya?" "Hindi, Mara. S'ya ay anak ng Don Julio na tumutulong sa lola mo tuwing inaani ang mga kape at ibinibenta ito sa bayan" sagot ni Leah habang patuloy na inilalagay ang kape sa coffee grinder upang madurog. "Tauhan sya ni lola?" naaamoy ko na ang aroma ng kape. Tumayo ako at tinulungan si leah sa paghahanda. "Hindi rin, Mara. Bagong graduate si Sir sa kolehiyo kaya gusto nitong pag-aralan ang kanilang negosyo. Isa rin kasi ang pamilya ni Sir Marcus sa mga umaangkat ng kape mula kay lola Anista" Nagpakulo na ng tubig na mainit si Leah pagkasabi nito at kumuha naman ako ng dalawang tasa. Hindi na ako muling sumagot pa sa sinabi ni Leah at inabala na lamang ang sarili sa pagtitimpla ng kape. ako ang nagtimpla para sa aming dalawa. "Masarap nga sya, Mara. Katamtaman lamang ang pait at tamis" napangiti ako sa sinabi ni leah. "Mabuti at nagustuhan mo" sabi ko ng mapansin ang pagpasok ni lola sa kusina. "Nandito lang pala kayong dalawa apo. Bukas ay sabay na kayong mag-eenroll ni leah sa Lokal na Unibersidad ng Lalia. Dadating bukas si Marcus upang tignan kung pwede na bang maani ang mga kape sa likod bahay. Samahan mo ito leah ah" sabi ni lola. "Oo naman po, la. Ikaw pa malakas ka sa akin e" kumindat pa si leah na ikinatawa naming tatlo sa kusina. Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng buhay ko rito sa Lalia kahit na hindi maganda ang nangyari sa akin sa maynila. Ininom ko ang kape at napangiti sa maayos at mainit na pagtanggap sa akin dito nila lola.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD