CHAPTER 1

2987 Words
SUPLADA Nagising ako sa tunog ng aking cellphone dahil sa mensahe ni leah. Tinignan ko ito at pasado ala-sais na pala. Bumaba ako ng kama at dumeretso na sa closet. "Bakit ba naman kasi nakalimutan kong mag-alarm" lintaya ko habang namimili ng isusuot para sa araw na iyon. Pagkatapos kasi naming uminom ng kape ay nakipagkwentuhan pa ako kay lola bago umakyat at inayos ang aking mga damit. Hindi rin ako makatulog agad kagabi dahil na rin siguro sa pamamahay. "Malalate pa ata ako sa usapang oras namin ni leah" nagmamadali kong kinuha ang isang tattered high-waist jeans at isang spaghetti sando. Inihagis ko na lamang ito sa aking kama at tumakbo na papunta sa cr para maligo ng mabilis. Halos trenta minutos lamang ang itinagal ko sa pagligo at nag-ayos na ako ng aking sarili. Pinatuyo ko ang mahaba ngunit kulot na buhok. Maganda naman ang pagkakakulot nito kaya hindi ko naisipan naipaayos man lang. Hindi rin ako masyadong nagm-makeup dahil na rin siguro sa makinis naman ang mukha ko. Katamtaman lang ang tangos ng ilong ko na bumabagay sa maamong mata, mapupulang labi at bilugang mukha. I apply a right amount of foundation to enhance my face and a lip balm. I stare at my reflection "I think I'm ready to go". Tumayo na ako at hinigit ang windbreaker na nasa gilid ng kama at lumabas na. Pababa pa lang ay natanaw ko na si leah na naghihintay sa sala. I look at my watch and realized I am already late. Pasado alas syete y' media na. "Pasensya na leah. Tinanghali ako ng gising, hindi kasi ako nakatulog agad kagabi" bungad ko sa kaibigan pagkalapit ko. Usapan kasi ay aalis kami ng alas syeta sakto. "Ayos lang, mara. Dahil na rin siguro sa ininom nating kape kahapon" sagot nito. Para na talaga kaming magkaibigan na wari'y matagal nang magkakilala kung mag-usap. Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan. Dapat pala nagpasundo nalang ako kahapon hindi na sana ako naglakad ng pagkalayo layo. "Mara, isuot mo yang jacket mo pagkarating natin sa school ah" magtabi kami na nakupo sa sasakyan. Tinignan ko ito "Oo leah. Nagmamadali na kasi ako kanina dahil anong oras na kaya't hindi na ako nakapaghanap ng mas maayos na damit" at ngumiti ito sa akin. "Ayos lang. Kahit kasi dito sa lalia ay hindi mawawala ang mga lalaking hayuk sa laman, jusko" eksaheradang sabi ni leah. "May mga nababalita rin dito minsan na nararape. Hindi pa nga lang nahuhuli kung sino" dugtong pa nito. Kinabahan naman ako sa sinabi n'yang ito. Nahalata n'ya ata sa aking mukha ang takot. Tumawa ito "Ano ka ba, wag kang kabahan meron ka namang taga hatid at sundo" tama sya. Nandyan lang naman si mang Rodolfo hanggang sa mag-uwian, yun din kasi ang bilin ni lola. "Sumabay ka na sa akin lagi sa pagpasok at pag-uwi para na rin sa kaligtasan mo" sabi ko dito. "Talaga? Nako maraming Salamat!" at bigla ako nitong niyakap. Napatawa nalang ako sa reaksyon nito. Malayo layo rin pala ang local na unibersidad ng Lalia. Halos pasado alas otso kinse nang makarating kami sa unibersidad. "Ma'am dito lang po ako sa parking mag-iintay" sabi sa akin ni manong. "Sige po mang Rodolfo, Salamat ho" at bumaba na ako ng sasakyan kasunod si leah. Malaki ang unibersidad halos kapareho lamang ng mga school sa maynila. Marami ring mag-aaral dahil nag-ooffer ang unibersidad ng edukasyon simula sa elementarya hanggang kolehiyo.  "Doon ang building ng mga college students at dito naman naman ang sa mga elementary at highschool" tinuturo ni leah ang dalawang building habang naglalakad kami papasok. "E yung building sa likod na 'yon? Para saan?" takang tanong ko. Kung bibilangin kasi ang mga building sa loob ng Unibersidad ay apat ito. Meron rin itong field na kakasya pa ata ang isa't kalhating building. "Lahat yan ay sa mga college students na. Kolehiyo kasi talaga ang ino-offer rito sa Lalia. Nagdagdag lang ng elementary at highschool dahil na rin sa medyo malayo pa ang karatig eskwelahan" huminto kami sa tapat ng registrar na hindi naman kalayuan mula sa pagpasok. Pumila kami dahil medyo marami na ang tao na nag-eenroll sa mga oras na iyon. "Wag kang mag-alala, hindi naman mahirap pakisamahan ang mga tao rito sa Lalia" sabi ni leah. Pumila na kami. "Ay sandali, hintayin mo nalang ako rito. Kukuha na ako ng form doon para mas mabilis tayong makapag-enroll" tinuro naman ni leah ang tabi ng registrar kung nasaan ang mga forms. "Sige, hintayin kita rito" umalis na si leah at gumagalaw na rin naman ang pila. Siguro dahil na rin sa nadagdagan ang nag-aasikaso. "Hoy leon! Sa bahay mamaya? Inom tayo" narinig kong sabi ng isang lalaki. Hinanap ko ang may-ari ng boses na ito at natanaw ko ang grupo ng kalalakihan na palabas ng campus. "Subukan ko, may pupuntahan kasi si kuya mamayang hapon. Gusto ako isama" sagot naman ng lalaking nagngangalang Leon. Napatitig ako sa mukha nito. May angking kagwapuhan ang lalaki. Matangkad ito. Kung tutuusin hanggang balikat lang ako nito. Halata rin sa itusra nito ang banyagang itsura. Maganda at mapupungay ang mga mata nitong may kulay abo. Matangos rin ang ilong at katamtaman ang pula ng labi. "Hindi ka pa naman graduate leon, bakit sinasama ka na agad ng kuya mo sa mga negosyo nyo. Magsaya muna tayo huling taon na natin to" pilit ng lalaking kasama nito. Tumawa nalang ito sa sinabi ng kaibigan at napatingin sa gawi ko. Mapaglaro ang kanyang mga mata, kita mo na agad sa unang tingin pa lang. Napangisi ito sa akin na ikinataas ko naman ng kilay. Nilagpasan ako nito. Sakto namang dumating si leah. "Leah? Sino yon?" tanong ko agad rito kararating pa lang. "Sino?" tinignan nito ang tinuturo ko. "Ah sya ba? si Leon iyan. Graduating na iyan at kasali sa basketball team kaya kilalang kilala dito. Bakit nilapitan ka ba?" tanong naman nitong pabalik. "Hindi naman, naitanong ko lang" at iniiwas na ang tingin sa likod ng lalaki na papunta ata sa field. "Kung may iiwasan kang lalaki isa na doon si Sir Leon. Hindi sikreto ang usap usapan dyan tungkol sa paglalaro sa mga babae. Palibhasa hinahabol ng mga babae kaya sige nalang ng sige" babala ni leah. "Hindi, naitanong ko lang" sagot ko. Sunod na kami sa pila kaya't nagfill-up na ako ng forms. Tapos na ni leah ang kanya. "Oh, leah. Parang napa-aga ata ang enroll mo ngayon" sabi ng babae sa registrar at kinuha ang mga forms namin. "Oho aling Nelia. Pinasabay na ho ako ni lola Anista rito kay Mara para may kasama s'ya" nakangiting sagot nito. "Pirmahan nyo nalang yung baba tapos dumeretso na kayo sa pagpapa-ID" sabi nito at iniabot ang forms. Sabay na naming pinirmahan ni leah ang forms. "Ito na ba ang anak ni Sir Arthur? Aba kamukhang kamukha nya. Kagandang bata rin" sabi ni aling Nelia habang pumipirma kami. Napatingin naman ako sa kanya na pinagmamasdan ako sa ibabaw ng kanyang suot na salamin.  "S'ya nga ho. Eto na po pala ang mga forms" at iniabot na ni leah ang forms pabalik. "O s'ya eto na yung ipapakita nyo sa computer department para sa ID. Eto naman ang sa mga libro" ako na ang kumuha nito mula kay aling nelia. "Salamat ho" ngiting sabi ko rito. Gumanti naman ito ng ngiti. "Ito ang sayo. Saan ang computer department?" tanong ko kay leah ng papaalis na kami. "Nandoon sa kabilang building. Dyan sa field ang daanan" turo ni leah. Tinahak na namin ang daan papunta sa field. Medyo malayo pala ito at mainit ngayon. Mabuti nalang at merong parang shed ang daanan sa gilid ng field papuntang kabilang building. Malayo pa ay nakikita ko na ang grupo na nakita ko kanina sa registrar. May mga kasama na silang iilang mga babae. Maingay ang grupo kaya't rinig agad sila rito. Inisa-isa ko ang mga kalalakihan hanggang sa nataw ko na naman ang tinatawag nilang Leon na nakatayo at nakatalikod malapit lang sa daanan. Tumatawa ito sa sinasabi ng babaeng nakaupo sa bench sa kanyang harapan. Nakatitig ako rito habang naglalakad. Napalingon ito sa gawi ko, ang tawa n'ya kanina ay naging ngisi. He tilt his head while still wearing the smirk on his face. Napaiwas ako ng tingin dahil dito. Tumingin na lamang ako sa harap. Nakakahiya na nakita nito akong nakatitig sa kanya pero mas nakakainis ang ngisi sa mukha nito na wari mo'y tuwang tuwa sa nakikita. Nang matapat ako sa grupo nila ay nagulat ako ng bigla itong humarap at humarang sa harap ko. Tumama tuloy ako sa dibdib nito. Naghiyawan naman ang mga kasama nitong lalaki dahil sa nangyari na ikinapula naman ng pisnge ko. 'Takte, siraulo ata tong lalaking to e' sa isip isip ko. Napahinto rin si leah na nanlalaki ang mata nang tignan ko upang hingan ng tulong. "Bago ka rito? Ako nga pala si Leon" mayabang na naglahad ito ng kamay. Kung kanina lang ay na nahihiya ako sa inasal nitong lalaking 'to ngayon naman ay naiinis na ako. Gumagawa ito ng eksena. Ilan sa mga babaeng napapadaan ay nakatingin at nagbubulungan. Isama mo pa ang masamang titig sa akin nang babaeng kausap n'ya kanina. Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi ko tinatanong" sagot ko naman na mas lalong ikinahiyaw ng mga kasama niyang lalaki. Tumaas rin ang kilay nito sa narinig at isinukbit na lamang ang kamay sa bulsa. Nakabalandra pa rin sa mukha nito ang ngisi na parang hindi naapektuhan sa sinabi ko at kantyaw ng mga kaibigan. "Wala ka pala Leon e hahaha" "Akala ba namin hindi ka tinatanggihan?" tumawa ng malakas ang iba pang mga kasamahan dahil dito. "Suplada. Maganda sana e" sabi nito at kinuha na ang bag na nasa babaeng kausap n'ya kanina. Hindi humiwalay ang tinginnito sa akin. Wala na ang ngisi ngunit ang mapaglarong mga mata ay nandoon pa rin hanggang sa lagpasan ako nito. "Aalis na ako, baka hinahanap na ako ni kuya" sabi nito na hindi lumilingon at kumaway patalikod sa mga kaibigan. Hindi ko na pinansin ang mga ito at hinigit na si leah na kanina pang tulala sa nangyayari. Sinamaan ko ito ng tingin ng makalayo at siniko ito. "Sana man lang tinulungan mo ako kanina diba?" pataray na sabi ko. Sobrang pula ng itsura ni leah ngayon. Nagulat pa ako ng bigla itong umirit. "Ang gwapo nya talaga mara" kinikilig na sabi nya. Binatukan ko ito "hoy akala ko ba layuan ang lalaking iyon 'tas ikaw naman pala ang kilig na kilig dyan" "Oo nga, pero hindi mo naman mapagkakaila ang kagwapuhan ni Sir Leon. Jusko! Nastarstruck ako sa kanya kanina kaya di na ako nakaimik hahaha" pinapaypayan pa nito ang sarili na akala mo ay pawis na pawis. "Gwapo nga, mayabang naman hmp" sabi ko. "May ipagmamayabang naman kasi talaga" sabi ni leah na parang ipinagliligtas ang lalaki "So? Kahit na may ipagyayabang pa s'ya ay hindi dapat s'ya ganoon. Sabi nga sa kingsman, Manners Maketh Man" argumento ko kay leah. "Oo alam ko yun pero ganon na si leon. Sa tatlong magkakapatid siya ang pinakamapaglaro" sabi nito na saktong pagkarating naman namin sa computer department. "Nandito na pala tayo" pumasok kami ni leah sa loob at hinanap kung saan ang processing ng ID. Tumuloy na kami rito. Hindi naman ganon katagal ang pagpa-process. Mga labing limang minuto lang ang itinagal nito. "Leah Martina Y. Abuelos. Ophelia Amara G. Roque" Rinig kong tawag sa mga pangalan namin. Nakaupo kasi kami sa labas hinihintay na matapos yung ID. Tumayo na kami at kinuha ang kanya kanyang ID. "Ang haggard ko naman dito! Nakakainis! Isang taon ko na namang dadalhin to" naiinis na sabi ni leah ng tignan ang kanyang ID. "Patingin nga ako nung sayo" iniabot ko naman sa kanya ang akin. Tinignan nya ito "Buti ka pa kahit napagpawisan na ay maganda pa rin ang kuha" nakangusong sabi nito. "Wag kang mag-alala, tutulungan kitang mag-ayos sa sarili tuwing pasukan. Para naman mas presentable ang itsura natin" "Tagala? Nako salamat mara. Hulog ka ng langit. Buti dumating ka kung hindi wala pa rin akong magiging kaibigan rito" sabi nito habang nakayakap sa akin. 'Ako ang nagpapasalamat sayo leah' nakangiting sabi ko sa isip. "Tara na. Malapit na magtanghalian, baka hinahanap na tayo ni lola anista" aya ko kay leah. Nagtungo na kami sa parking lot kung saan nakapark si manong Rodolfo. Kinatok ko ang bintana sa passenger seat para ipaalam kay manong na uuwi na kami. Tinanggal ni manong ang lock mula sa loob. Pumasok na kaming dalawa ni leah na naghihikab na at mukhang inaantok. Inilock ko na ang pintuan at umalis na kami. Tanaw ang magandang tanawin sa labas ay naisip ko na naman ang nangyari kanina. Sigurado akong magiging usap usapan iyon sa pasukan. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Malapit na kami sa bahay at tulog pa rin si leah "Leah, gising na. malapit na tayo" maaga siguro itong nagising kanina kaya 'to ganito. Gumising na ito at naghikab muli. Papasok na ang sasakyan sa loob ng gate. Hindi pa man nakakaparada ito ay natanaw ko na ang isang pulang Mazda na nakaparada "Nandito na pala sila" sabi ni leah nang makita rin ito. Naunang bumaba si leah sa sasakyan at sumunod naman ako. Umuwi muna ito upang magpalit ng damit. Tahimik lang akong pumasok sa bahay. Inilapag ko ang aking gamit sa sala at dumeretso na sa kusina. Naabutan ko na tumutulong si lola sa paghahain sa hapag. "Saktong sakto apo. Kumain na muna kayo at kaninang umaga pa kayo sa eskwelahan" "Susunod na lang raw ho si leah, magpapalit lang ng damit dahil masyado na daw itong naiinitan at pawis" sabi ko naman kay lola. "Lola, kanino po yung sasakyan sa labas? Dumating na ho ba ang mga pinsan ko galing sa states?" tanong ko pa kay lola at hinila na ang upuan sa kanang bahagi. "Hindi, apo –" naputol ang sinasabi ni lola ng may marinig akong baritonong boses sa pintuan ng kusina. "I think next month we can harvest it" seryosong sabi nito sa kausap. Lumingon ako at nakita ang isang matikas na lalaking nakikipag-usap sa isang tauhan. Naramdaman ata nito na may nakatingin kaya lumingon ito sa pwesto ko. Hindi ko alam pero hindi ako kumportable sa tingin na ibinibigay nya. Masyadong malalalim ang mga ito. Tinignan n'ya muli ang tauhan "Sige, ser sasabihin ko sa kanila" at umalis naman na ito. Nag-iwas ako ng tingin at itinuloy na muling kumuha ng pagkain. Hindi ko alam pero kahit nakatalikod ay ramdam ko ang mga titig nito sa akin. "Oh Marcus, kumain muna kayong magkapatid bago umalis. Salamat nga pala sa pag-aasikaso sa taniman ng kape" sabi ni lola Anista. Marcus? Napatingin akong muli rito. Naabutan ko naman ang kanyang mga titig sa hindi man lang iniwas kahit na nahuli ko ito. Sa 'di malamang dahilan ay kinakabahan ako sa presensya nito. His aura screams too much authority. "No worries, Lola. My secretary will inform you the reports about the harvesting and sales of it" Pumasok na ito sa hapagkainan at hinarap si lola. "Mabuti pa nga at nang ma-check ko kung magdadagdag pa ba ng tanim o hindi na. Pansin ko kasi na dumarami ang umaangkat ng kape maliban sa inyo" sabi ni lola. "Halika ipakikilala ko kayo sa apo ko" Nang marinig ito ay tumayo ako at humarap sa lalaki. Hindi pa man nakakapagsalita si lola ay may pumasok na muling lalaki sa loob ng hapagkainan. Tinignan ko ito at laking gulat ko nang makita si leon. Leon chuckled at my reaction. Napataas naman ang kilay kong tinignan s'ya "Ms. suplada, ikaw pala yan" "Leon" seryoso itong tinignan ni Marcus "Nagkita na kami sa school kanina, kuya" sagot naman ni leon. "Nagkita na pala kayo kanina nitong si leon, mara" Iniwas ko ang tingin kay leon at tumango sa sinabi ni lola. "Nako mabuti at may kakilala ka na agad sa eskwelahan. Ito nga pala si Marcus" turo ni lola sa lalaking nasa harapan ko. "Marcus Apollo De Mariano" naglahad ito ng kamay. Kinuha ko naman ito at nakipagkamay rin "Ophelia Amara Roque" sabi ko at bumitaw na rin. Ramdam ko sa mga kamay nito ang gaspang na para bang sanay ito sa mabibigat na trabaho. Matangkad ito, magkasing tangkad sila ni leon. Kumpara sa itsura ni leon, this man is rougher and more dangerous. Malalim ang mga tingin at misteryoso kung tutuusin. Maganda rin ang mga mata nitong kulay abo, samahan mo pa ng mahahabang pilik mata. Moreno ito samantalang sakto lang ang kulay nang balat ni leon. His lips look soft and red lalo pa ng dilaan nya ito. Nagising nalang ako diwa ko ng marinig na sumipol si leon "Marunong naman palang makipagkamay" at ngumisi. Napatingin naman ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na may ahit pala ito sa kilay. Typical badboy looking. "Leon Caius" tamad na pakilala muli ni leon. "Oh siya, maupo na kayong mga bata kayo at magsikain na" aya ni lola. Umupo na akong muli at ganoon din sila lola. Si lola ang nasa gitna at ako ang nasa kanan, habang nasa kaliwa naman ang magkapatid. Nagsimula na kaming kumain nang makatanggap ako ng mensahe galing kay leah. 'Dito na ako kakain sa bahay nakapagluto na si mama e' basa ko rito. 'Sige. Thank you pala sa pagsama kanina' at sinend ito sa kanya. Napatingin naman ako kay Marcus na kausap si lola tungkol na naman sa negosyo. Mamaya nga itatanong ko kay lola bakit si Marcus ang nag hahandle ng mga reports nang taniman. Napunta ang mga tingin ko kay leon na mukhang kanina pang nakatingin sa akin. He seriously looking at me and when he realized that I am already looking at him, he smirked again. I crease my forehead at his reaction. Parang hindi man lang natinag. Nauna na akong natapos kaya in-excuse ko na ang sarili ko at umakyat na sa silid upang magpahinga.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD