CHAPTER 22

2201 Words
BESTFRIEND It's been three nights since the dinner happened and two days since Leon left Lalia. Hindi na kami ulit nakapagkita dahil maaga siyang lumuwas pamaynila. I only texted him my goodbyes. I admit it, Leon maybe annoying as hell but I will miss his little tricks. "Hi Ma'am! Do you need an assist po?" Pinili ko na magpunta muna sa mall at nagliwaliw, wala naman kasi akong magawa sa bahay. Busy si Rosh sa negosyo namin, kahit si Leah ay tumutulong rin sa kaniyang papa sa pagbebenta ng gulay sa palengke kaya hindi ko rin siya maisama. "Is there a small size of this?" I liked the dress. It is casual and simple white longsleeve, button down dress. It is body hugging which caught my eye outside the boutique. Well, I already have a chanel boutique where I can pick dresses. I just want to relax and chill right now. Nagkakasabay sabay na rin kasi ang mga requirements na ipinapapasa. Idagdag mo pa na hanggang ngayon ay hindi kami gaanong ayos ni Marcus. Nakakapag-usap kami sa tawag ngunit hindi pa sa personal. Pilitin man ni Marcus na magkita kami ay ako na ang tumatanggi. Naririnig ko kasi sa pag-uusap nila Lola at Rosh kung gaano kabigat ang trabaho ngayon ni Marcus. "Yes, Ma'am. Kunin ko lang po. Maari po kayong maghintay muna doon." Tinuro ng babae ang isang couch sa vanfang gilid. Ngumiti lang ako at nagpasalanat bago siya tinalikuran. I heave a sigh. I already miss Marcus. I don't think I can still last longer not seeing him. Apollo: 'How are you? I miss you already.' I typed then hit the send button. Sakto naman ang dating ng babaeng nag-aassist sa akin. Dumeretso na ako sa fitting room para isukat ang damit. "It looks good on you po, Ma'am. Sakto sa hugis ng katawan at kulay niyo." Nakangiting sabi ng saleslady. Pinagmasdan ko naman ang sarili ko sa salamin at mukhang maganda nga ang damit. "Kukunin ko," ngiting sabi ko bago isinara ang kurtina at nagpalit ng damit. Lumabas na ako at nagpunta na sa cashier para bayaran ang damit na binili ng biglang tumunog ang aking telepono. It's Apollo. I answered the phone, "Apollo?" "Where are you right now?," tanong niya. Ramdam ko ang pagod sa kaniyang boses. "I'm in the mall right now. Nagpapahangin lang." "One of your bodyguards texted me. Ayaw mo daw magpasama sa loob. Paano kung may mangyari sayo?" I rolled my eyes. Ito na naman kami sa pangangaral niya. Ang gusto niya ay kung saan ako magpunta nandoon ang bodyguard. Kung hindi lang pumayag si Rosh ay kahit sa loob ng room ay may nagbabantay sa akin dahil sa kagustuhan ni Marcus. "Nakikita naman nila ako dito sa loob, Apollo. Hindi ako tatakas sa kanila. Isa pa para na silang security guard sa labas kaya hindi agad makapasok ang ibang tao." pagpapaliwanag ko. I heard him sighed. "I miss you, baby. It's been three days." dama ko ang pagsusumamo sa tinig niya. Kahit ako naman ay miss na miss na siya ngunit kailangan siya ng kumpanya nila. "Can I see you now? I am trying to finished my work early so I can have time to see you." Sasagot pa sana ako ngunit naputol ng muli siyang magsalita. "Huwag mo na sagutin ang tanong ko. Susunduin kita. I only have one meeting left with the board and after that I call you." Hindi na ako makahindi dahil gusto ko na rin na magkita kami. I nooded even though he can't see me. He said his goodbyes before he let me hung up the call. Ni isang beses ay hindi pa ako napagbababaan ni Marcus ng tawag. He always make sure na ako ang unang magbaba. I paid the dress and decided to eat. Magtatagal pa si Marcus sa meeting na iyon panigurado at wala na akong gustong bilhin. I can't hide my smile that even my bodygurads seems to notice it. Nginitian ko sila at alanganin naman silang ngumiti pabalik. "Saan po ang sunod, Ma'am?" nagkakamot na tanong ng head nila. Tatlo lang kasi ang kasama ko at ang iba ay nakakalat sa loob at labas ng mall. "Kakain po ako, kuya. Gusto niyo rin bang kumain? Sagot ko!" Alam kong naninibago ang mga ito sa inaasal ko dahil ito ang unang beses na kumausap ako ni isa sa kanila. Hindi ko lang talaga maitago ang saya na nararamdaman ko dahil magkikita kami ni Marcus. "H-hindi na po, Ma'am. Magbabantay na lang kami sa paligid." Nagpasya akong sa isang filipino restaurant kumain. Nagugutom na rin ako at wala akong ibang mapili na kakainan. I already ordered my food. Hindi na rin nagrereply si Marcus dahil siguro sa nagsimula na ang kanilang meeting. I'm just scrolling through my phone when I saw someone seat infront of me. I am in shock when I saw Laira seating elegantly. "Do you mind if I seat with you?" she smiled but it didn't reach her eyes. I smiled back, "No. I don't mind. Besides magkakilala naman na tayo." She really looks elegant and sophisticated. Walang tapon sa itsura niya. Matangkad rin siya at mahinhin. Kung tititigan ay bagay talaga sila ni Marcus. "I saw you outside and decided to eat here since nandito ka na rin naman." Tinawag niya ang isang waiter at umorder ng kakainin niya. Ilang minuto pa bago siya natapos sa pagpili at pagsasabi ng order. "Nakaalis na pala si Leon. Hindi mo man lang siya hinatid sa airport." Pagbubukas niya ng usapan. "Maaga kasi ang alis niya besides I already said my goodbyes to him." "Hmm. I wonder how you can go here and do shopping kahit na kaaalis pa lang ni Leon." Kibit balikat niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit namin pinag-uusapan si Leon at kung saan patungo ang usapan na ito. Nagpunta lang ba siya dito para sabihin sa akin yan? Ang effort naman niya. "Ano namang kinalaman ng pags-shopping ko kay Leon?," hindi na maganda ang tono na lumalabas sa aking bibig. Simula noong makita ko siya hanggang ngayon ay pakiramdam ko ang liit liit ko at hindi ko siya kayang tapatan. Pakiramdam ko ay kaya niya akong higitan wala pa siyang ginagawa. I've never been this insecure in my life aside from not having a complete family. Dumating naman ang waiter at inilalapag nito ang inumin namin dalawa. Mukhang hindi siya naapektuhan sa tono ng boses ko. "Sabagay bata ka pa naman at hindi mo pa naiintindihan ang nga bagay bagay," she said before she sipped on her juice. "How old are you again? 19? 20?" "I'm not a child anymore. I am already 20." Ang saya na nararamdaman ko kanina ay unti unting napapalitan ng iritasyon sa kaniya. "Ah yes, 20 years old. Well, noon kasi na iwan ko si Marcus ay hindi ko nagawa ang ginagawa mo ngayon. Puro pagmumukmok ang ginawa ko noon kaya hindi rin ako natiis ni Marcus, sumunod din siya para magkita kami." Naputol naman ang kaniyang sasabihin ng dumating na ang inorder namin. Isa isa iyong nilapag sa mesa. "Magkaibigan na kami ni Marcus simula pagkabata. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa kaniya. Alam ko rin kung kailan siya naglalaro sa babae." Nagulat ako sa sinabi niya. Matagal na silang magkakilala? Nasa buhay na siya ni Marcus bago pa man ako dumating. "Dederetsuhin na kita. Alam ko na ikaw ang kinahuhumalingan niya ngayon." Napahinto siya sa pag-aayos ng pagkain niya at tumingin sa akin. Bakas na ang pagkaseryoso sa mga mata niya. "Gusto lang kitang paalalahanan. Ayokong sa huli ay iiyak ka dahil napaniwala ka niya sa lahat ng sinabi niya sayo. Hindi lang ikaw ang unang babae na ginawan niya ng ganito." Hindi ko pinahalata ang pagkabigla sa mga sinasabi niya. "Hindi ko alam kung ano ang pinupunto mo at kung bakit mo iyan sinasabi sa akin but I feel privileged na nagpunta ka rito para lang bantaan ako." I smirked hiding all of my insecurities and bitterness inside of me. She may look sophisticated and elegant but her attitude doesn't seem like that. I scoffed at her, mukhang hindi naman pala lahat ay nakuha niya. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkairita. She sipped on her juice to hide her emotions. Natahimik ang hapag namin at ng magsimula siyang kumain ay nagsimula na rin ako. Tanging ang ingay ng mga kubyertos at iilang bulungan galing sa ibang mga kumakain ang maririnig. Ang mga bodyguard ay nasa labas at naghihintay. Ang ilaw sa paligid ay naghahatid ng aliw sa mga taong nasa loob ngunit hindi nito mapawi ang pait na nararamdaman ko ngayon. Nag-angat ako ng tingin ng biglang magsalita muli si Laira. "Nasa edad na si Marcus para magkapamilya, sa tingin mo ba ay magtatagal siya sayo? Ilang taon ka pa lang at hindi mo iyon maibibigay sa kaniya." "Bakit ikaw ang magdedesisyon niyan? Desisyon ni Marcus kung kailan siya mag-aasawa at desisyon din niya kung sino ang pipiliin niya bilang asawa." Umismid naman ito bago binitawan ang kubyertos na hawak. "Masyado ka pang bata kaya ipaiintindi ko sayo ang sitwasyon." Humalukipkip ito bago nagdekwatro at sumandal sa kaniyang upuan. Every moves she make screams being prim and proper. Mukhang sanay na siya na humarap sa mga naging babae ni Marcus. Malayo sa mga babaeng makikipagsabunutan para lang sa lalaki. "Before an heir of a De Mariano claimed their family business, each of them should marry and have a son who can be the next heir. Nasa tradisyon na nila iyon. Simula pa sa ninuno nila. Kung hindi makakapangasawa si Marcus ay mapupunta sa mga pinsan niya ang pangalan ng kompanya." "Saksi ako sa paghihirap ni Marcus sa kompanya nila. Bata pa lang kami lagi na siyang nasa tabi ni Don para masanay sa magiging trabaho na iniatang sa kanya. Ayokong mapunta sa wala ang paghihirap ni Marcus. At ang bagay na iyon ay hindi mo kayang ibigay sa kanya." I shut my lips tight and crossed my arms. "At sa tingin mo kaya mo iyon ibigay sa kanya? Kung gustong bumuo ni Marcus ng pamilya sayo matagal na sana niyang nagawa. Ikaw na rin ang nagsabi nasa edad na siya pero bakit hindi ka niya sinundan at nagmakaawa na pakasalan mo siya?" Kung kanina ay maitatago pa niya ang inis at galit ngayon ay hindi na. Malalalim na rin ang paghinga niya para lang makontrol ang emosyon na nararamdaman. "Listen Laira. I may look a child but I'm not. Hindi ako ipinanganak kahapon. Alam ko na may nararamdaman ka kay Marcus kaya mo iyan nasasabi. Ngayon kung gusto mong lumayo si Marcus, siya ang dapat mong kausapin hindi ako." I breathe in heavily. "Kaibigan ka lang ni Marcus. You should know your position in his life. Hindi mo siya dapat pangunahan." Ang kaninang inis at galit ay napalitan ng pangungutya. Nagawa pa niyang tumawa na para bang sobrang natuwa sa mga salitang binitiwan ko. "Iyan ba ang sabi sayo ni Marcus? Kaibigan lang kami? I pity you, Amara. You should ask him that. Mas magandang sa kanya ka rin magtanong." I bit the side of my lips. Ang totoo ay hindi ko alam kung ano talaga ang koneksyon ni Marcus sa kanya. Hindi ko rin alam kung may dapat ba akong ikabahala sa presensiya niya ngayon. I fake a smile. "I'm done eating. Masarap ang pagkain nila pero sabi nga nila hindi ka mabubusog kung hindi kaaya aya ang kasama mong kumain." I raised my hand to signal the waiter for my bill. Bago pa man makalapit ang waiter ay nagdalita muli si Laira. "Don't bother. I already paid your food, akala ko kasi kailangan mo pa tumawag sa lola mo para lang makabayad ka." Binasa ko ang aking labi bago ako uminom ng tubig. Nakakatuyo ng lalamunan ang kaharap ko ngayon, kung isaboy ko kaya sa kanya ang tubig na hawak ko ngayon? Ang pag-upo niya sa mesang ito ay may dahilan. Pero mas malaki ang tiwala ko kay Marcus. Alam ko na sa kanilang dalawa ay mas dapat akong magtiwala kay Marcus. And about their connection? I'll ask him later. Akmang tatayo na ako para umuwi nang may inilabas itong pulang sobre mula sa kaniyang bag. Hindi ko sana ito papansinin kung hindi lang niya inilapit ang sobre sa akin. "By the way, your family is invited. It's for my birthday celebration. I hope you'd come." Malaki ang ngiti sa labi niya. Bakas sa kaniyang mukha na may itinatago siya. "And oh! I hope you don't mind? Hindi kasi ako nakauwi noong nakaraan kaya sa kwarto muna ako ni Marcus natulog. Sinabi naman niya sayo diba?" Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko ng marinig ang salitang binitiwan niya. Marcus said that he's already resting that night, na gusto niya akong makita pero dahil ayaw ko ay magpapahinga na lang siya at bibigyan ako ng espasyo para makapag-isip. I blinked my eyes unconsciously before plastering a smile on my face. Tinanggap ko ang sobre na ibinigay niya at inilagay sa aking bag. Hinarap ko siya na ngayon ay tuwang tuwa sa nangyayari. "Marcus never lied to me. Of course, he said that." I smiled. She only shrugged and smiled back at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD