CHAPTER 21

2511 Words
TAKE HER HOME  Hindi ako makahinga sa nararamdaman ko. Pilit ko mang ikalma ang sarili ngunit hindi ko magawa ng maayos. Ang kaninang pait na pilit kong winawala at ibinabaon sa kaloob-looban ko ay humuhulagpos. Namamanhid ako sa nakikita ko. "Breathe, Amara." Leon whispered beside me. His hands are on Laira's waist while Laira's are on his shoulder and the other one is on his face. Mukhang kakapahid pa lang ng cake sa mukha niya. Ang dibdib niya ay nakadikit sa dibdib ni Marcus. Marcus remove Laira on his body. Nakita ko naman ang bigla sa mukha ni Laira pero wala naman siyang nagawa. Nang magtama muli ang tingin namin dalawa ay sinikap kong ngumiti sa harap niya. I stood straight beside Leon but my hands are gripping his arms. "Ophelia," sambit niya pagkalapit sa akin. Tangka niya akong hahawakan ngunit pinigilan iyon si Leon. "She's my date, Kuya. You should pay attention to Laira since it looks like you two are having fun." Nakita ko ang galit at inis sa mga mata ni Marcus. Tumagos ang tingin na iginawad ko sa kanya at napunta kay Laira. Seryoso at nakataas ang isang kilay dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung nasabi na ba ni Marcus ang relasyon namin sa kanya. "Get off of Ophelia. Mali ka ng babaeng hinahawakan." I looked back at him again. He is now dangerous. Ang bawat salita niya ay mababa ngunit gigil na ilang saglit pa ay mapuputol na ang kontrol na ipinapakita. "Mukhang sayo ko dapat sabihin yan. Mali ata ang babaeng hawak mo kani-kanina lang." Muntik na akong mapasigaw ng biglang kwelyuhan ni Marcus ang kapatid. Kahit si Laira na kanina ay nasa likod lang, ngayon ay nasa tabi na ni Marcus at umaawat. "What's with the two of you, Leon! Marcus!" she said before she hold Marcus. Para akong nabilaukan dahil hindi ako makapagsalita sa harap nila. I—I can't handle my emotions properly. "Let go of me. Ayusin mo ang sarili mo pati si Laira. Mom will go down in a minute." seryoso na rin si Leon bago hinawakan ng mariin ang pulso ni Marcus. Hindi naman natinag si Marcus at mas lalo lang dumiin ang pagkakahawak sa damit ni Leon. "You should clean yourself, Marcus. Isama mo na rin si Laira baka maabutan pa kayo ni Signora." I softly said before giving him a smile. Laking pasasalamat ko na hindi ako nautal sa pagsasalita. Mabagal ngunit mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Kita rin ang pag-igting ng kaniyang panga na wari'y doon kumukuha ng kontrol para sa nangyayari. Control yourself Marcus. Nakontrol ko ang sarili ko kaya ikaw din dapat. Hindi ako ang hindi matawagan at matext dito. Hindi rin ako ang may kapahiran ng cake sa mukha. Hindi ka nagpaalam na may dadaluhan ka na ganito at kasama mo si Laira. Hindi ko pa malalaman kung hindi ako napilit ni Leon na sumama sa kaniya. "We will talk later, Ophelia. Magpapalit lang ako." seryoso niyang sambit. Tumalikod na siya agad at dumeretso sa kwarto niya ng hindi man lang nililingon si Laira. Mula kay Marcus ay bumagsak ang tingin ko kay Laira. Mukhang naramdaman naman niya ang titig ko kaya napabaling ito sa akin. "Good evening, Laira. Let me introduce my date for today, Amara." "Ayokong mangawit ang babaeng kasama ko ngayon kaya kung di mo mamasamain, mauuna na kami sa hapag," dugtong pa niya. Iginiya na ako ni Leon sa kanilang hapag. Siya na rin ang kumuha ng aking upuan bago maupo sa tabi ko. "I'm sorry for the mess, Amara. Sabihan mo lang ako at iuuwi kita ngayon din kung gusto mo." His body is facing me. I can see that he is genuine, na kung magsasalita ako ngayon sa kanya na umuwi ay uuwi kami kahit na hindi pa nagsisimula ang hapunan. "I am okay, Leon. Besides I am your date for tonight remember and I don't want to leave my date alone," I smiled on him. Naputol naman ang aming pag-uusap ng may pumasok sa hapag. Nilingon ko ito at nakita si Signora at si Don na papasok. Bigla naman akong napatayo dahil sa kaba. Isa ito sa iniisip ko kanina, baka ayaw ni Signora na nandito ako ngayon. Tinignan ko naman si Leon dahil mukhang hindi man lang siya nagulat na nandito na ang kaniyang lolo at mama. Kinurot ko ang kaniyang braso para mapatayo siya. Humiyaw naman ito sa sakit kaya nakuha niya ang atensyon ng dalawa. Tumayo na siya ngunit bakas pa rin ang sakit na natamo sa kurot na iginawad ko sa kanya. "Masakit iyon ah, kurutin din kaya kita!" parang bata niyang sabat sa akin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata dahil nasa harap na namin ang Signora pati si Don. "G-good evening po Signora, Don." gusto ko na lang kainin ng lupa dahil sa pagkakautal ko. Napayuko ako sa hiya ngunit hindi nakatakas sa akin ang mahinang tawa ni Don. "Where's Marcus, Amara?," tanong ni Don na ikinalaki naman ng aking mata. Napatingin naman ako kay Signora at iyon na naman ang tingin na iginagawad niya. Walang nagbago, malamig pa rin at may disgusto. Sa sobrang kaba ko ay hindi ako makasagot agad. Kagat labi habang pinipisil ko ang aking daliri sa likod ay nag-iisip kung ano ang isasagot ko kay Don sa paraang matutuwa ang Signora. "She is my date, Don. Don't asked her about kuya when she's with me." Si Leon ang sumagot. Naramdaman ko naman ang kaniyang kamay sa aking bewang at bahagya iyong pinisil. "Who are you again, iha?," Signora asked. Kahit sa pagtatanong niya ay hindi mababakasan ng pagtanggap. "O-Ophelia Amara Roque po, Signora." "Roque? Are you the daughter of Arthur?" "Opo... " gusto ko man dugtungan ngunit ng makita ang salubong na kilay ni Signora ay natahimik na lang ako. Ang pagbabagong iyon sa kaniyang ekspresyon ay nababatid kong hindi maganda. "Mama, Don." Napaangat ang tingin ko kay Marcus na pababa pa lang ng kanilang hagdan. Sa tabi ay si Laira na nagsisikap na sabayan sa paglalakad si Marcus. Mabilis ang lakad ni Marcus kaya wala pang ilang segundo ay nasa loob na ito ng hapag. Kasunod lang niya si Laira na kumapit agad sa braso ni Marcus. "Tita! I'm sorry nagpalit at naglinis kami ni Marcus ng damit. Medyo nagkatuwaan po kasi dahil ngayon lang ulit kami nagkita," masaya niyang sambit bago nakipagbeso kay Signora. "Remove your hands, Leon. Kanina ka pa," seryosong sabi naman ni Marcus na nagpabalik ng tingin ko sa kaniya. Nagtititigan silang magkapatid na para bang nag-uusap at naghahamunan sa isa't isa. "Hindi pa ba kayo mauupo?," maotoridad na sabi ni Don. Ang tingin ni Marcus ay bumagsak sa akin ngunit hindi ko kayang salubungin ito kaya umiwas ako. Hindi muna ngayon Marcus. Nagsiupo na kami. Si Don ang nasa dulo samantalang nasa kabilang dulo naman ang Signora. Ako ang nasa kanan ni Don at sa kaliwa naman si Marcus. Habang katabi ko si Leon at ang kaniya naman ay si Laira. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang ang dalawang lalaki ay kausap ni Don tungkol sa negosyo. Si Signora naman ang kausap ni Laira na paminsan minsan sumisingit sa usapan ng mga lalaki. "Kailan ang alis mo Leon?" "Bukas na Don. Dapat ay ngayon pero gusto ko munang magpaalam kay Amara kaya pinagpabukas ko na lang." Malakas na kalabog ng kubyertos ang nakaagaw sa amin pansin na galing kay Marcus. Kahit sina Laira at Signora na masayang nag-uusap natahimik dahil sa ginawa ni Marcus. Habang si Leon naman ay nagpatuloy sa pagkain. "Amara, iha. Kumusta ka na nga pala?" Laking pasasalamat ko at nagtanong si Don. Ang tensyon sa pagitan ni Leon at Marcus ay mas lalong nag-iinit sa hindi ko malamang bagay. Parang galit sila sa isa't isa at naiipit ako sa galit nila. "Ayos lang po, Don. Nakabalik na po sa dati." "Sino ngayon ang nagbabantay sa kapihan? Si Anista pa rin ba?" "Si Rosh na po, Don. Hindi pa po siya naalis ulit simula nang nangyari iyon." Tumango tango naman si Don. Muli ay natahimik ang hapag kainan. Tanging tunog lamang ng kubyertos ang naririnig sa loob. Kanina ko pa nararamdaman ang nanghuhuling tingin ni Marcus ngunit hindi ko ito pinauunlakan. Gusto kong matapos ang gabi na ito ng matiwasay. "Ikaw ba Laira ang nagbake ng cake na ito?" tanong ni Don kay Laira habang kumukuha ng isang slice sa cake na kaninang pinaglalaruan nila ni Marcus. "Yes, Don. Nagrequest kasi si Marcus na magbake daw ako since namimiss na niya yung mga luto ko." masayang sabi ni Laira na ikinatuwa naman ng Signora. "Masaya ako na bumabalik na ang samahan niyong dalawa ni Marcus," may ngiti sa labi ni Signora bago uminom sa kaniyang kupita ng red wine. "Ang laki na nga po ng pinagbago ni Marcus, tita. Medyo nakakatampo. Parang dati lang ay hindi siya sumama sa paghatid sa akin sa airport dahil ayaw niya akong umalis." Okay. Edi wow diba. Wala na akong ganang kumain. "Nako iha, you have the time to catch up now. Marami na kayong oras at panahon para makasama muli ang isa't isa." Di ako makahinga sa bigat ng pakiramdam ko. Subukan ko man huminga ng malalim at dahan dahan ay hindi nakakatulong. Pabigat lang ng pabigat ang nararamdaman ko. I bit my lips to stop the trembling of it. "Yun nga tita. Buti bumawi naman siya at suot niya ang regalo kong necktie sa kaniya, right babe!" masayang sabi ni Laira bago nito hinawakan ang kamay ni Marcus. Hindi sumagot si Marcus kay Laira at nanatiling nasa akin ang tingin. Naninimbang ngunit bakas rin ang pagkaseryoso niya. Hindi rin ito kumibo kahit na hawak na ni Laira ang kaniyang kamay. Nag-iwas ako ng tingin dahil unti-unti ng nanunubig ang aking mga mata. That's it. I'm done. I can't handle this situation anymore. I bit my lips more to stop the tears coming out. I can't even talk to Leon because I might breakdown here in any minute. I bowed down my head as if it will erase everything I am feeling right now. "Gusto mo na bang umuwi?" I can't look at Marcus right now or even look at the reaction of others. Kung gagawin ko iyon ay alam ko na bubuhos ang lahat ng nararamdaman ko na pilit kong pinipigilan. "Kanina pa masakit ang ulo ni Amara. So, if you excuse us, iuuwi ko na siya ngayon." Si Leon ang nagsalita. "Ako na ang mag-uuwi sa kaniya." I breathe in heavily. Naramdaman ko na lang na inaalalayan na ako ni Leon patayo dahilan ng marahas na pagtayo rin ni Marcus. Hingang malalim. Tinignan ko ang mga tao sa hapag. Ang lahat ng atensyon ay nasa akin na. Kuno't ang noo ni Signora at hindi nagugustuhan ang inaasta ng kaniyang mga anak. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Laira habang si Don ay prente lang na umiinom ng rum. "U-uuwi na po ako, medyo hindi po maganda ang pakiramdam ko. Salamat po ulit sa pag-imbita." I hold my breath before showing a small smile. Paalis na ako sa aking inuupuan ng biglang nabasag ang isang snifter glass. Nang tignan ko kung kanino ito galing ay tahip-tahip ang kaba ko. It was from Marcus. "Marcus! What is your problem? Kanina ka pa wala sa hulog!" nakatayo na si Signora pati na si Laira sa nangyayari. "Anong problema mo, Leon? Nananadya ka ba?," galit na wika ni Marcus. Sasagot pa sana ni Leon kung hindi ko lang napigilan ang kaniyang braso. Ang tingin ni Marcus kay Leon ay bumagsak sa kamay ko. Marcus chuckled dangerously. Isang pitik na lang at alam ko na mapuputol na ang hibla ng kontrol na pumipigil sa kaniya. "Sige na Leon. Mukhang kailangan na ni Amara na magpahinga. Baka hinahanap na rin siya ng mga Roque dahil anong oras na." maotoridad na sabi ni Don. Hudyat iyon ng pag-alis namin kaya tumalikod na kami ni Leon. Naririnig ko pa ang lintaya ni Signora sa nangyari habang papalabas ng hapag. Muntik pa akong matapilok sa paglalakad dahil sa panghihina ng mga tuhod ko, buti na lang at nakaalalay sa akin ni Leon. "I'm sorry for the mess, Amara." may pag-aalalang sinabi niya sa akin. "Wala yon, ano ka ba. Isa pa aalis ka na bukas ako pa dapat ang magpasalamat dahil naalala mo na magpaalam sa akin. Malaking bagay iyon." Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ngunit bago pa ako makasakay ay may humila na sa aking kamay. Napalingon ako sa pag-aakalang si Leon ito ngunit nang makita na si Marcus ay hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. "Marcus!" "I'll take you home." "No. I am the one who will take her home." Leon is calm but his voice are ice cold. I know that he is serious now. But Marcus... he's formidable. Pumikit ito ng mariin bago yumuko na para bang makakakuha siya doon ng kontrol sa sarili. "Kanina pa akong napipikon sayo, kanina ka pa." "Kung hindi ka sana nagdala ng ibang babae edi hindi ka sana mapipikon ngayon," he mockingly answered back at Marcus. Tila ang manipis na pasensyang natitira kay Marcus ay tuluyang naputol. "Marcus! Stop!" I screamed and get in between them to stop him from smacking the hell out of Leon. "Si Leon ang kasama ko kaya siya ang mag-uuwi sa akin. You should also take Laira home." He seems to protest but I don't reallt have the energy to talk to him right now. Mag-aaway lang kami kaya mas okay na huwag muna kami mag-usap. "It is not what you think it is, Ophelia. Let's talk for a minute, please." Ang bawat salita na binitiwan niya ay parang hangin sa sobrang hina at gaan nito ngunit hindi pa rin nito mapapawi ang nararamdaman ko ngayon. I wanted to talk to him but I might break out in front of him if I would do it. "Leon, ihatid mo na si Ophelia," dagundong na salita ni Don. He is alone, watching what is happening on the three of us. "It is a courtesy to let the man who bring her in to take her home. Hindi natin ugali na iwan sa iba ang ating mga kasamang babae tama ba, Marcus?" Kahit ang Don ay seryoso na rin. "Go on, Leon. Take her home. Mag-ingat kayo." baling nito kay Leon. Leon's famous smirk showed up before he salute to his grandfather. "Pasensya ka na sa dalawang lalaki ko, iha. Masyadong maiinit ang kanilang ulo." "Wala po iyon, Don. Masaya po ako sa pagdalo sa pribadong handaan ni Signora," I smiled at him. I look at Marcus. He is not leaving his eyes on me since then. Malalalim ang tingin nito at seryoso. I smiled at him then turn my back to get in the car. "Looks like I got my girl ba—" hindi ko na naintindihan ang sinabi nito dahil sa pagsara ng pinto ng sasakyan. And when I look on the window I saw Marcus angrily talking to Leon. Pasalamat ko at nandoon ang Don. I wonder what they are talking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD