DATE
What a lazy morning for this day. Our class resumed and some of the professors are not attending their schedules, maybe because it is only the start of class after sembreak.
I looked outside the window. Malamig na ang panahon dahil sa nalalapit na pasko. Marami na rin mga parol at christmas light ang nakasabit sa bawat puno sa loob ng Unibersidad ng Lalia. Iilan sa mga studyante ay nasa labas ng kani-kanilang mga silid at doon nagkukwentuhan.
Abala na rin ang iilan sa mga opisyales ng student council sa mga pakulo bago ulit magkaroon ng break. Mukhang magkakaroon na naman ng mga palaro at activities ang Unibersidad. Napukaw naman ang aking pagmumuni-muni nang biglang nagring ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Leah.
Leah:
'May prof kayo? Kain tayo. Wala naman pumapasok na prof sa amin'
Mukhang pati siya ay tinatamad na rin sa pagpasok ngayon araw. Sinimulan ko ng iligpit ang aking gamit ng maramdaman ko na may lumapit sa akin. Tinignan ko ito at nakita ang alanganing ngiti ni Bradley.
Nabalitaan ko kay Leah na nakapagpasa na si Bradley ng project at siya na lamang ang gumawa. Nakakahiya dahil wala naman akong ambag ngunit inilagay pa rin niya ang aking pangalan sa papel kaya hindi rin ako nahuli.
"Salamat pala, Bradley. Nakakahiya dahil wala akong ambag sa project natin," alanganing sabi ko.
"Ayos lang iyon, Mara. Nabalitaan ko ang nangyari sayo kaya hindi na kita tinawagan at ginawa na lang project. Kasama naman kita magplano niyon."
"Nakakahiya man pero salamat talaga. Mauna na ako Bradley magkikita pa kasi kami ni Leah." tumayo na ako at kinuha ang aking bag.
Hindi ako kumportable ngayon lumapit sa mga kaklase ko na lalaki. Simula nung nangyari ang insidente pakiramdam ko laging nakamasid si Luis sa akin at ilang minuto lang ay bigla itong llilitaw at muling magwawala dahil sa pakikipag-usap ko na iba. Hindi pa rin ako napapanatag kahit na alam ko na nag-ibang bansa na siya.
Hindi na rin umuwi si Rosh sa maynila at nagpasiyang dumito muna at tutukan na lang ang kapihan. Nagkaroon rin ng ilang mga bantay sa mansiyon. Ayaw ko man ngunit wala akong magagawa.
Dumeretso na ako sa canteen at naabutan na si Leah na nakaupo sa mesa kung saan kami lagi nakapuwesto. Sa paglapit ko sa mesa ay namataan ko si Leon na kasama na muli ang mga kaibigan ngunit wala na si Luis. Napansin naman ni Leon ang pagdaan ko sa tabi niya.
"Ang tagal mo. Meron ba kayong prof ngayon?," inip na tanong ni Leah. Di ko siya masisisi medyo nagtagal pa nga ako dahil pagtapos namin mag-usap ni Bradley ay nag-cr pa ako para mag-ayos sandali.
"Nag-cr pa ako saglit bago dumeretso dito kaya medyo natagalan ako," sabi ko naman.
"Bumili na ako ng sandwhich at black coffee mo para di ka na pumila."
Kinuha ko naman ang sandwhich at kinagatan na ito. Kahit sa canteen ay maraming studyante ang nakatambay. Iilan ang kumakain ngunit mas marami ang nagkukwentuhan lamang sa loob.
"Leah, I have something to tell you," alanganin kong sabi sa kanya. Hindi ko pa pala nasasabi ang estado ng relasyon namin ni Marcus. Si Rosh at Lola Anista pa lang ang nakakaalam. Hindi rin kasi kami nagkita ni Leah dahil naging busy ito sa pagtulong sa kaniyang mama sa pag-aalaga ng mga kapatid at ako naman ay naglagi sa mansion.
Huling kita namin ni Marcus iyong pagdadala ko ng pagkain sa kaniya. Minabuti ko na muna huwag maglagi sa opisina nila dahil na rin renovation at masyado na nagiging busy si Marcus dito at sa pamamalakad. Isa pa ay dahil na rin sa huling pagkikita namin ni Laira. Hindi pa ako handang tanungin si Marcus tungkol sa kanya.
"Te, curious na ako sa sasabihin mo tapos tutulala ka lang diyan." Naramdaman ko ang bahagya niyang pagsiko sa akin.
"Kami na ni Marcus." Deretsong sabi ko sa kaniya. Nabulunan naman ito sa kaniyang iniinom kaya't inabutan ko ito ng tissue.
"Magdahan dahan ka nga sa pag-inom, Leah."
"Sana lang rin kasi nagdahan dahan ka sa pagsabi sa akin diba. Sino ba naman ang hindi magugulat roon!" eksaherada niyang sinabi bago inabot ang tissue at ipinunas sa bibig.
"Sabi na Mara e! Bet ka talaga niyan ni Sir Marcus. Unang tingin ko pa lang sa inyo alam ko na!" tumawa naman ito ng malakas na para bang tuwang tuwa dahil tama ang kaniyang hula
"Wag ka nga masyadong maingay baka may makarinig sayong ibang tao." pagsuway ko sa kaniya
"Bakit? Patago ba ang relasyon niyo?" kumunot naman ang noo ni Leah sa sinabi.
"Hindi naman...,"namula ang aking pisngi ng maalala ang mga ginawa namin ni Marcus. Hindi ko na siguro iyon sasabihin kay Leah. Kung ito pa nga lang ay halos maghisterya na siya paano pa kung pati iyon ay malaman niya.
"Namumula ka. Siguro may ginawa na kayo ni Marcus ano!" pagbibintang niya na totoo naman.
Mas lalo akong nahiya at pinilit na maging kaswal sa kaniya. "A-ano naman ang g-gawin namin. Jusko Leah kung ano-ano sinasabi mo."
Tumawa naman ito ng malakas. Diyan siya magaling ang hulihin ako lagi. Kahit na hindi ko sabihin ay alam kong nahuhulaan na niya.
"Pero akala ko talaga noong una ay kay Sir Leon ang bagsak mo," sinabi niya habang kinakain ang sandwich na binili naman niya para sa sarili.
"Noong una kasi na magkita kayo ang lakas na agad ng chemistry niyo! Kaya di ko rin alam kung kanino ako boto noon."
"Magkaibigan kami ni Leon, Leah. Alam ko at nararamdaman ko na pagkakaibigan lang din ang meron siya para sa akin kaya wag kang issue diyan," ngiwing sagot ko
"Did I hear my name just now?" halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita si Leon na nakadungaw sa gilid ko. Umupo na ito sa tapat na upuan at makikita agad ang ngisi niya.
"I heard you and Kuya are together now, huh." His playful smile is now evident. Nagsisimula na naman siyang mang-asar ngayong umaga. Hindi naman ako umimik at sinimangutan na lang siya.
Alam kong mang-aasar ka lang bwisit ka pero dedma ako sayo. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa matapos ako.
"Are you free later?," he suddenly asked after he put down his phone. Looks like he is texting someone important.
"Ay oh, mukhang di pa pala susuko si Sir Leon. Lalaban pa kahit sinagot mo na si Sir Marcus," pang-aasar na sabi ni Leah.
"Shut up, Leah." kunot noo ko siyang tinignan at pinanlakihan ng mata bago itinuon muli ang atensyon kay Leon. Hindi naman ito tumigil pa at tinusok tusok pa ang aking tagiliran.
Narinig ko naman ang tawa ni Leon na ikinapula ko ng pisngi. Baka sabihin naman nito ay feelingera ako na may gusto siya sa akin kahit na wala.
"Amara is off-limits now, Leah. Ayokong masapak ako ni kuya," paggatong pa niya kay Leah bago tumawa at naghigh five pa ang dalawa.
"I want to invite you for a dinner. Wear something nice. I'll pick you up at 7 PM," dirediretso niyang sinabi habang kinukuha ang bag at aambang aalis na. Gusto ko man umangal ay tumalikod na ito at umalis. Mukhang wala akong magagawa kung hindi sumama sa kanya.
Marcus isn't answering his phone. I tried to call him but it cannot be reached. I also sent him countless messages. Hindi na siya nagrereply pagkatapos niya sabihin na may meeting siya at hindi ako masusundo. It's fine with me since I know his busy and hectic schedule.
Update is enough for me pero hindi siya sumasagot sa kahit na anong tawag at text ko. Gusto ko man siyang puntahan sa opisina kung hindi lang ako isasama ni Leon ngayon. I am almost donw preparing myself.
Wearing a black formal dress and the heels Rosh bought for me, I decided to go downstairs and wait Leon there. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa ang lalaki. Hindi ko nga lang alam kung para saan ang dinner na ito at kung bakit ako pa ang isinama niya at hindi ang isa sa mga babae niya.
Sa pagbaba ko ay natanaw ko si Rosh na may katawagan na mukhang tungkol sa kanilang negosyo sa sasakyan. Si Rosh talaga ang nagpapatakbo ng sasakyan nila ngunit dahil sa nangyari ay ipinasa niya muna ito kay Ricko.
Natanaw ako ni Rosh habang pababa sa hagdan at mabilis na nagpaalam sa kausap upang salubungin ako at alalayan bumaba.
"You have a date with Marcus?," he asked.
Bago pa man ako makasagot ay pumasok na si Leon sa loob ng bahay. Ang tingin ni Rosh ay nalipat kay Leon. Unti unti ay kumuno't ang noo ni Rosh.
"What's with my cousin, De Mariano's? Kung hindi si Marcus ay ikaw naman Leon," may bahid ng inis sa kaniyang tinig.
"Hindi ikaw ang inaya ko, Rosh." Pambabaliwala niya sa lalaking nagmamaktol sa tabi ko.
"Damn you. Pasalamat ka at nakabihis na si Amara kung hindi —"
"Hatdog," putol naman ni Leon.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya mas lalo lang naasar si Rosh kay Leon.
"Don't laugh, Amara. Hindi talaga kita pasasamahin sa kupal na yan," inis na sabi ni Rosh.
Palibhasa ay pareho sila ng ugali kaya hindi talaga sila madalas magkasundo. Mas madalas sila magbangayan pareho kaysa makita na seryoso sa isa't isa.
"Chill, Rosh. Kaya mas lalo ka inaasar ni Leon e. Don't worry I'll be back before midnight or earlier." Wala nang nagawa si Rosh kundi ang ihatid ako hanggang sa sasakyan ni Leon.
"Ayusin mo, Leon. Bantayan mo si Amara ng mabuti." this time seryoso na si Rosh, wala na ang bahid ng pakikipag-asaran kay Leon.
Nakapasok na ako sa loob habang hawak ni Rosh ang pintuan ng sasakyan at nasa tapat naman niya si Leon. Si Rosh na rin ang nagkabit ng seatbelt ko.
"Alam ko. Ako ang nagsundo at ako rin ang mag-uuwi," simpleng sabi niya kay Rosh.
Tumango lang si Rosh bago ako binalingan at ngitian saglit. Isinarado na niya ang pintuan ng sasakyan. May sinasabi pa siya kay Leon na hindi ko na marinig dahil nasa loob na ako. Isang tango at ngisi lang ang ginawa ni Leon bago niya ito tinapik sa balikat.
"I wonder how Marcus get away easily with Rosh. Parang tatay kung magbilin." sabi kiya pagkapasok sa loob ng sasakyan.
"Hindi pa rin siya napapanatag sa nangyari noon kaya pagpasensyahan mo na," sagot ko.
"Naiintindihan ko naman. Kung ako ang nasa pwesto niya ganoon rin ang gagawin ko."
Hindi na ako sumagot at binuksan na lang ang stereo ng sasakyan niya. Medyo pormal din ang suot ni Leon. Mabuti na lang talaga at napagdesisyunan ko na medyo maging pormal kung hindi ay iwan na iwan ang suot ko ngayon kay Leon.
He is wearing a simple dark pants and tucked in black long sleeve folded up to his elbow. I also noticed his high branded silver bracelet. I think it is a garden tiger bracelet. He looks formal even though he is not wearing a necktie.
Naalala ko naman bigla ang necktie na huling suot ni Marcus. Even though I already knew whom it was, I still want to make sure. Ayokong maghinala kay Marcus. Baka sinabi lang iyon ni Laira sa sobrang tuwa niya sa pagkikita nila ni Marcus.
"Naghihiraman ba kayo ng gamit ni Marcus?," I asked in the middle of silence. Leon glance at my way with furrowed forehead.
"What do you mean by that? Minsan ay naghihiraman kami ng sasakyan," may pagtatakang sinagot niya.
"I mean something personal like .... ahm... a necktie? Like that." mas lalong kumuno't ang noo ni Leon sa sinabi ko. Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot. Sa ekspresyon pa lang na binibigay ni Leon ay alam ko na.
"We don't do that, babe. Hindi tumitira si kuya sa mansion kaya malabo mangyari iyan. Bakit mo naitanong?"
"Stop calling me babe! Wala naisip ko lang kung ganon kayo kaclose magkapatid!" paangil kong sabi.
"Oh ba't ka nagagalit? Sinasagot ko lang naman ang tanong mo," natatawa niyang sinabi bago itinaas ang kanang kamay na parang hindi siya papalag.
Hindi ko na lang siya sinagot at ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana kahit na wala naman akong ibang nakikita kung hindi madilim na paligid at mga dahon. Ayokong magduda kay Marcus pero bakit nga ba niya suot iyon? Sakto pa na dumating si Laira. Ano iyon? Surpresa niya sa babae?
I bit my lower lip to stop the bitterness that is coming from me. I don't want to mess my dinner with Leon but I can't hide the fact that this is new to me. Hindi lang basta babae ni Laira sa pakiramdam ko. Mukhang mas malalim pa ang pinagsamahan nila ni Marcus.
Isa pa hindi pa siya nagrereply sa mga tawag at text ko. I am starting to get frustrated because of that.
"Nagpaalam ka ba kay kuya?," tanong ni Leon. Napansin ko ang paligid at hindi ito papunta sa bayan kung nasaan ang mga restaurant.
"Hindi."
"Ikli ah. Nag-away kayo?," may bahid na pang-aasar na sabi ni Leon.
"Hindi nga sabi! At isa pa hindi ito ang papunta sa bayan ah. Saan ba tayo kakain?" hindi ko napansin ang dinaanan namin kanina kaya hindi ako sigurado kung nasaan kami. Isa pa masyado ng madilim para mapagmasdan pa ang paligid.
"Nireregla ka ba? Masyado ka atang masungit ngayon."Natatawang sinabi ni Leon na ikinapula na lang ng aking pisngi.
"I'm sorry.... Hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon," pagdadahilan ko na alam ko namang hindi bumenta kay Leon ngunit hinayaan na lang niya.
"We're having a dinner in our mansion. Hindi tayo pupunta sa isang restaurant."
Ikinagulat ko naman ang sinabi niyang ito. Isang liko ang ginawa niya at natatanaw ko na ang gate ng mga De Mariano.
"Why didn't you tell me? Nakakahiya na ako pa ang sinama mo." pagrereklamo ko kahit na wala na naman akong magagawa.
"Mas nakakahiya na ako lang ang walang date sa dinner na ito," nakangisi ngunit may bahid na inis niyang sabi.
Nakarating na kami sa kanilang mansion. Agad din naman bumaba si Leon at pinagbuksan ako ng pinto. Maliwanag ang tanggapan ng mansion ngayon. Halatang may magaganap na pagsasalo salo sa loob.
"Ako ang naghatid sayo kaya ako ang mag-uuwi. You are my date for tonight so relax and enjoy yourself being my partner," hambog na sabi ni Leon. Tinaasan ko lang siya ng kilay at kalaunan ay nagtawanan lang kaming dalawa.
"I'm leaving Lalia." bunyag niya habang naglalakad kami papunta sa pinto ng kanilang mansion.
"What?.....Why?," I suprisingly asked. Aalis siya ng Lalia? Hindi naman siguro ako nabibingi sa narinig ko. Ilang minuto pa akong natahimik, nakatitig lang sa kaniya habang palapit sa kanilang pintuan.
Naging kaibigan ko na rin si Leon kaya hindi ko gustong umalis siya. Ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na katulad nila kaya kahit na kailangan niya ay mas gugustuhin ko na dito na lang siya.
"I need to manage our hotels. Ojt ako sa manila dahil gusto na rin ni Don na ibigay sa akin ang pamamahala noon," paliwanag niya. Nakangiti siya ngunit alam ko na ayaw niya rin umalis pa sa Lalia
"Pwede ka naman dito mag-ojt ah. Mayroon naman ata kayong hotels dito o kaya ay resort? Hindi ba pwede kahit sa ibang resort?," mahabang pangungumbinsi ko sa kaniya.
"Looks like someone's gonna miss me, huh." may ngising sabi niya.
Ilang minuto kaming nagkatitigan bago tumawa ulit sa isa't isa. Alam kong pinagagaan lang niya ang pag-uusap namin dalawa pero ramdam ko pa rin ang bigat sa mga sinabi niya. Nasanay lang siguro ako na nandiyan siya at laging sumusulpot na lang bigla.
"Come on, I know they are waiting for us."
Tuluyan na nga kaming pumasok sa kanilang mansion. Dumeretso kami sa isang mini dining room. Mukhang pinasadya ito para sa nga ganitong pagsasalo-salo.
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tawanan mula sa kinatatayuan ko. Mukhang hindi lang kami ang magdidinner. May kasama pa atang iba. Huminto sa paglalakad si Leon kaya napahinto rin ako.
He offered his hands on me na tinaggap ko naman. Iniangkla niya ito sa kanilang braso bago kami nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Remember this, I am here okay. Kapag may problema ako ang bahala." nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit naman magkakaroon ng problema kung dinner lang naman ang ipinunta namin dito. Isa pa saling pusa lang ako sa pagsasalo na ito.
Ginulo lang niya ang aking buhok bago kinurot ang aking pisngi. Sinuway ko lang siya dahil kanina pa ata kaming hinihintay sa loob. Hanggang ngayon di pa rin kami nakakarating sa hapag kainan nila. Nakakahiya kung kami na lang ang hinihintay.
Sa pagpasok namin sa hapag kainan nila ay humigpit ang hawak ko sa braso ni Leon.
"Nandito lang ako, Amara." hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi niya dahil sa nakikita ko ngayon. I bit my lower lips to surpress my feelings. Ayokong sumabog ngayon at masira ito.
Mas bumibigat ang nararamdaman ko at salamat na nandito si Leon kung hindi ay kanina pa akong nabuwal.
"Leon is here, babe. He is with his date." Si Laira ang unang nakapansin sa amin. Lumingon naman si Marcus at nagulat ng makita ako sa tabi ni Leon. Unti unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
Sobrang lapit nilang dalawa at may mga icing pa ang mukha nilang pareho. Napansin ko naman ang cake sa mesa bago ko muling ibinalik ang tingin sa kanila.
So much surprise for tonight, De mariano's.