SAFE
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako para makalayo kay Luis o mananatili na lang na nakahiga at protektahan ang sarili
Higit sa lahat, hindi ko alam na magagawa ito sa akin ni Luis. Akala ko noong una ay biro lang ang mga banta niya sa akin tungkol kay bradley
Hindi dapat ako nagtiwala basta kay Luis lalo na at hindi ko pa siya ganon kakilala. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon na ang taong ngumingiti at nagbibiro sa harap mo ay katiwa-tiwala.
I shoudn't let my guard down, but still no man has the right to do this to any one. They don't have the right to molest a lady just because she gave her trust. They don't have the right to be called a man if they will just used it to justify their carnal needs.
May mali ako dahil hindi ako nag-ingat pero hindi ako mali dahil nagtiwala ako sa kaniya. Mali siya dahil ginamit niya iyon para pagsamantalahan ako
"Huwag mo akong hawakan! Huwag please, Luis tama na!" I histerically shouted again as I felt someone caress my arms
I tried to open my eyes to see who he is. All I can see is his furious dark eyes. He is livid, his jaw is cleanching repeatedly like he is ready to kill someone right now
"Marcus!" I hopelessly whispers before I put my body on him. I hugged him as tight as I can and somehow I felt protected.
"Marcus" all I can say is his name as I sob in his arms. He didn't said anything but I can sense his anger. He carried me with tenderness as we headed on his car
Doon ko lang napansin ang mga tauhan niya. Hindi sila mga ordinaryong tauhan dahil ang mga ito ay may dalang malalaking kalibre ng baril. Nagulat pa ako ng iabot ni Marcus ang baril na hawak sa isang tauhan
"Clean this mess, I call again later," iyon lang ang sinabi niya. Agad ay nagtanguan naman ang mga lalaking nakaitim sa paligid
"H-hindi pa siya patay diba?" nakaramdam ako ng ibang takot. Hindi naman siya pinatay ni Marcus dahil sa akin diba? Hindi tama ang ginawa niya pero hindi rin tama na kitilin na lang ang buhay niya. May tamang batas para dito
He sighed sharply. "No. If that is what you want then I'll tell them not to kill him," he said in cold menacing voice
"Kung hindi ko ba iyon ipag-uutos ay p-patayin mo siya?" may takot na tanong ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang galit. He is cold and mysterious but his aura right now is far more deeper than we first met. He screams danger
He looked at me again with his furious eyes but when he saw the fear and worried in me, he bacame tender. "If I were to decide, I'll kill him. He molested you. He nearly r**e you, if I didn't come in time then—"
Hindi niya maituloy ang sinasabi sa galit na posibleng hindi niya ako nailigtas. But still, he came, he saved me. All that matters to me now is that I am protected by him. I felt safe in him
Ibinaba niya ako sa passenger seat ng sasakyan niya. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt sa akin bago umikot at mabilis na nagmaneho papunta sa kanilang mansiyon. Magkaiba ang daan papunta sa mansyon namin at sa kanila
"I'll brought you here in the mansion for now. Luis is still out there, but rest assured that my men will find him," he manuevered the car and parked it
Mabilis siyang lumabas at umikot muli para buhatin ako. Marami ang sumalubong sa amin na mga kasambahay nila pati ang Don ay nasa hagdan naghihintay
"Is she okay, Marcus?" Don asked in a cold authoritative voice but his eyes are worried about me. I smiled weakly at him to assure him that I am okay even though I am not
He didn't buy it instead he looked at Marcus the same way Marcus looked at him. They were both cold and dangerous that even their maids are bowing to us
"Nahuli mo ba ang gumawa sa kaniya niyan?"
"He run before I catch him. Mas pinagtuunan ko ng pansin si Ophelia pero hinahanap na siya ng mga tauhan," Marcus said before he ascend
He carried me to a room and put me in the bed. He stood up and go to the closet to get a towel and a t-shirt then go to the cr. I look around, this room is double size of my room. All I can see is color white and black, even the mattress of the bed are black. The design of this room is modern minimalistic
Tinignan ko ang sarili sa ibabaw ng itim na sutlang kutson. Ngayon ko lang napansin na suot ko na ang jacket ni Marcus. Madumi ang pantalon ko pati na ang buong katawan ko. Kumikirot rin ang iba't ibang parte ng katawan ko dahil siguro sa pagpupumiglas at mahigpit na hawak ni Luis kanina
Napa-angat naman ang aking tingin ng maupo sa harap ko si Marcus. Anger is still visible in his eyes
"Buti dumating ka. K-kung hindi baka kung ano na ang nagawa sa akin ni Luis." My eyes started to get sting again. I supressed my sobs for him not to see that I am still scared right now
He is clenching his jaw at the same time his fist. Inabot niya ang aking buhok at bahagya itong sinuklay kahit na maputik at basa. "Dadating ako. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. I can kill someone just to protect you. So hush now, baby" he said as he hugged me
Umupo ako sa kaniyang mga hita bago siya niyakap ng mahigpit na para bang isinisiksik ko na ang sarili ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking bewang at hita para suportahan sa pagtayo niya
Dinala niya ako sa banyo. Nasa loob na rin ang tshirt at boxers na kinuha niya para sa akin. Dahan-dahan niya akong iniupo sa lababo bago pinatay ang tubig sa bath tub
"Kailangan mong maligo, I prepared a warm water for you to relax," mahinahon na sabi niya bago mabagal na tinanggal ang jacket na suot ko. Inilapag niya iyon sa gilid at sunod naman na tinggal niya ay ang pantalon ko
Hinayaan ko lang siya na tanggalin ang pantalon ko dahil wala akong lakas para kumilos sa sarili. He look at me in the eyes before it goes down to my body. Pati ako ay napatingin din at nagulat na puro ako pasa sa hita at braso. Ang pinakamalala ay ang nasa hita ko. Nagkulay ube na ito
I heard his silent but sharp curses. He is imprisoning me with his arms. His right callus hand slowly touched the bruise part of my legs and caress it with his thumb, I can't help but to moan in pain
Bumalik ang tingin niya sa aking mga mata bago ako muling binuhat at inilapag sa kanilang bath tub. "Iiwan muna kita dito. Babalik ako kaagad may tatawagan lang ako"
Tumango lang ako at tinignan siyang umalis. Tinitigan ko muli ang aking braso at hita. Hindi ko alam na magagawa iyon ni Luis. Hindi ko alam na kaya niya akong pagsamantalahan.
Pilit kong winaglit ang nangyari kanina at pinilit na ipahinga ang aking isip at katawan. I am exhausted because of what happened, emotionally and mentally.
Ilang minuto pa ang itinagal ko bago nagpasiya na tumayo. Sinuot ko ang damit na ibinigay niya bago lumabas. Sakto naman ang pagpasok niya at may bitbit na itong tray ng pagkain
"I cooked you a meal. Hindi ka pa ata kumakain. May dala rin aking gamot para sa mga pasa mo at pain reliever," sinabi niya habang inaasikaso ang maliit na mesa sa gilid
"Alam na ba ni Lola ang nangyari?" sigurado ako ngayon na nag-aalala na siya dahil wala pa ako sa bahay. Hindi ko rin alam kung alam na niya ang nangyari sa pagitan namin ni Luis
"Hindi ko pa sinasabi dahil baka mag-alala siya ng husto. Kaya dito rin kita dinala para hindi ka niya makita sa ganoong ayos" seryoso pa rin siya hanggang ngayon, medyo kumalma na ngunit makikita pa rin ang galit sa mga mata
"Salamat, Marcus" ngiting sabi ko sa kaniya. Hindi namab nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ipinaghila na lang ako ng upuan
Nagsimula na akong kumain dahil sa gutom at pagod. "Masarap ang luto mo," ngiting papuri ko kay Marcus. Napansin ko naman na hindi pala siya kumakain
"Hindi ka kakain?" nakakahiya dahil pinapanood niya lang ako habang nakahalukipkip
"I'm thankful nothing happens to you or else I won't forgive myself," seryosong sinabi ni Marcus. Mukhang ito ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip niya kanina pa
"Hindi mo kasalanan, Marcus—" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang telepono ni Marcus. Agad naman niyang tinignan iyon bago ako tinignan na parang humihingi ng kaonting oras para sagutin ang tawag
Tumango lang ako sa kaniya. Tumayo na siya at sinagot ang tawag, "What is it Kevin?" He is seriously looking at the mirror door of his balcony, standing massive and proud while his other hands are in his pocket
"What? Hindi niyo—" he heavily sigh pinching the bridge of his nose. Mukhang may problemang hatid ang katawagan niya ngayon
"I don't care," he gritted his teeth. "Just bring him to me" he stop and look at me "Alive. Understood?" then end the call
"Eat. May gagawin lang ako" sinabi niya bago ako tinalikuran at umalis
Kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Marcus kay Luis. Tumayo ako at mabilis na hinabol si Marcus ngunit wala na siya sa pasilyo paglabas ko. I sighed then go back to his room and continue eating
Mabilis lang akong kumain dahil nawalan na ako ng gana sa pag-alis ni Marcus. Inayos ko lang ang pinagkainan ko sa mesa at humiga na sa kama niya. Mabilis naman akong nakatulog dahil na rin sa pagod
I woke up when I heard an angry voice. I look around to see if Marcus is already home. I saw him in the balcony hitting his cigarette while talking to someone on the phone
"Alam ko Rosh, ipinapahanap ko na sa mga tauhan ko. Hindi ko lang magalaw dahil iyon ang gusto ni Ophelia," sabi niya bago hinithit ulit ang kaniyang sigarilyo
"She's with me. I also told Lola Anista that Ophelia are in the mansion" sabi pa niya
Ilang segundo siyang tumahimik para pakinggan ang nasa kabilang linya. "Wala akong gagawin na masama sa kaniya Rosh. Magtiwala ka sa akin"
Ito ang unang beses na makita ko siyang nanigarilyo. Naubo naman ako dahil pumapasok sa loob ang usok na binubuga niya. Napatingin siya sa akin bago itinapon ang sigarilyo at namaalam sa kausap niya
"Did I wake you up? Sorry for the smoke. I thought I closed the door," mahinahon na siya ngayon. Umupo naman siya sa tabi ko at inayos ang kumot na nasa hita ko na ngayon dahil sa biglaang pag-upo
"Nakita na ba si Luis?" pagtatanong ko kahit na inaagaw na naman ng antok ang aking diwa. He pressed his lips tightly and shake his head
"Kung ganoon ay nasa paligid pa rin ba siya?" natatakot ako sa maaring mangyari ulit. I can feel it, Luis have a mental problem. I just don't know what exactly it is and those kind of person can bring harm again if not prevented
I unconciously bite my lips while fidgetting my fingers because of fear. "P-paano kung bumalik siya? Paano kung gusto niya talaga akong makuha Marcus?" natataranta kong tanong sa kaniya
Marcus held my left cheek and my waist to calm me. Sa simpleng haplos niya na napapakalma ako. His thumb are making circles on my waist. He drew me close to him and hug me
"No shhh, calm down. No one can hurt you as long as I am here. Hindi ko hahayaang makalapit siya ulit sayo," pag-aalo niya sa akin
He made me sit on his lap. Ang mga hita ko ay nasa magkabilang gilid ni niya. Inihilig ko naman ang aking katawan at ulo sa kaniyang dibdib. We were like that for a minute. No one is talking. No one is initiating a conversation. We were just hugging each other on his bed
Naririnig ko ang mabilis na t***k ng puso niya na nagpapakalma at nagsisilbing musika na masarap pakinggan sa tainga. Mga musika na nakakahalina at nakakatanggal ng takot na aking nadarama
I felt safe. No, I am safe. His touch are assuring me that everything will be alright and with that I slowly closed my eyes.