CHAPTER 13

2202 Words
FEAR I am in the library right now. I don't have class anymore because our professor attended a seminar. Dito namin napagdesisyunan ni bradley na mag-usap para sa project na ipapasa after exam "Yung lola mo kaya? Diba may kapihan kayo. Mas madali iyon," he suggest. Hindi pa rin kasi namin alam kung sino ang iinterviewhin para sa project na ito. Malapit na rin ang exam namin kaya dapat maasikaso na ito para hindi na sumabay pa "Pwede rin si Lola kaso ipagpapaalam ko muna baka kasi may puntahan sa maynila. Kelan ba natin sisimulan?" tanong ko "Siguro this weekend? Magtatanong din ako kay papa kung may kakilala siya para kung sakali," sinabi niya habang nagtitipa sa kaniyang telepono "Tapos na ba tayo? Pasensya na Amara may pupuntahan pa kasi ako," nagmamadali niyang sinabi habang patuloy pa rin ang pagtitipa. Mukhang importante naman ang pupuntahan niya at wala na rin naman kaming pag-uusapan pa "Sige na bradley. I'll stay here muna habang hinihintay si Mang Rodolfo," sabi ko. Tumango lang siya at nagsimula nang ayusin ang kaniyang gamit bago umalis Isang oras pa bago dumating si Mang Rodolfo kaya mukhang magtatagal pa ako rito. Narinig ko naman tumunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito agad Leah: 'Ang bango ng sasakyan ni Rosh, Amara! Amoy na amoy ko siya kanina grabe!' Ako: 'Sinulit mo naman ba? Malamang sa ngayon ay nakaalis na sila papunta sa Maynila' Leah: 'Hindi ako nakapagsalita pero jusko! Nahawakan ko yung kamay niya. Hindi ko kasi alam na pagbubuksan niya ako ng pintuan kaya nagtama ang mga kamay namin' Natawa naman ako sa nabasa. Malamang hanggang ngayon ay namumula pa rin siya sa kilig. Matagal na siyang may gusto si Rosh kaya alam ko na sobrang saya niya na inihatid siya sa eskwelahan ng lalaki sa unang pagkakataon "Is it true? Nililigawan ka na ni kuya?" napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Umupo naman si Leon sa tapat ko bago inilapag ang isang libro na may kinalaman sa kurso niya. Kasunod niya si Luis na umupo naman sa tabi niya Luis freeze from taking a seat. His face darkened but then it fades when he felt that I am looking at him. He smiled at me like nothing happened "Nagpaalam na siya kay lola at kila Rosh," kinuha ko na rin ang isang notebook ko para tapusin ang dapat ipasa bukas. Madali lang naman ang gagawin "Kelan pa?" ngiting tanong ni Luis. Mukhang may problema lang siya kanina, nakangiti na kasi siya ulit ngayon katulad ng unang beses kaming magkita sa gym "Noong isang gabi lang," sabi ko bago inilipat ang tingin kay Leon. His looking at me intently, reading my every move "May sinabi ba siya sayo?" dagdag na tanong pa ni Leon. Ano naman ang sasabihin niya? Sinabi lang naman niya na manliligaw siya at magpapaalam siya kila Rosh at Lola, yun lang. "Wala naman," kibit balikat kong sagot. Nagtataka ko siyang tinignan "Kung ganoon ay hindi ka dapat pumayag," sinabi niya na para bang mali ang desisyon kong payagan si Marcus na manligaw sa akin I frowned at him, "Bakit, Leon?" His jaw clenched before he shrugged and continue reading. Asarin ko nga siya ngayon, mukhang badtrip kasi e "Siguro nagseselos ka no? Kasi si Marcus ang nanliligaw sa akin," I lean my body on the table to tease him more. Tinignan lang naman niya ako bago ibinalik sa libro na binabasa Napatingin naman ako kay Luis na taimtim na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik Mukhang nagsisimula na silang mag-aral para sa darating na exam. Magkakasabay kasi ang schedule ng exam dito sa Lokal na Paaralan ng Lalia. Pagtapos ng exam foundation naman ang gaganapin sa paaralan bago pa magsembreak Sabay kaming tatlo na nag-aaral. Busy silang dalawa sa pagsolve ng problems. Madalas ay nagtatanungan kung paano kunin. Samantalang ako naman ay gumagawa ng homework ko tungkol sa history Halos dalawang oras kaming nag-aaral, naputol lang ng tumayo na si Leon. Napatingin din naman sa kaniya si Luis. Nagliligpit na siya ng gamit at mukhang ibabalik na ang librong hiniram "Aalis ka na?" naunahan akong magtanong ni Luis. Tumango lang si Leon at tumalikod na bitbit ang bag niya "May problema ba si Leon?" tanong ko kay Luis. Nakatanaw pa rin ako sa likod ni Leon hanggang sa makalabas siya ng library "Hindi ko alam, laging malalim ang iniisip simula noong huling inuman namin, e" kibit balikat na sagot ni Luis "Hindi ka pa ba sinusundo ni Mang Rodolfo? Anong oras na din baka gabihin ka dito," may pag-aalalang tanong ni Luis Pasado alas singko na rin kasi at dumidilim na. Kapag talaga nasa probinsya, maingay pa sa maynila dito ay tahimik na "Wala pa nga si Mang Rodolfo. Nagtetext naman siya sa akin kapag nasa labas na siya," may pag-aalalang sagot ko din. Jusko, wag naman sana akong abutin dito ng alas sais, madilim na noon at nakakatakot pa "Kung gusto mo ihahatid kita sa inyo. Kung ayos lang sayo," suhestiyon naman niya. Alanganin naman akong tumingin sa kaniya "Come on, I have my car with me and I also know where your house is," pagpupumilit niya pa Kung alam ko rin lang na mamaya pa dadating si Mang Rodolfo sana sumabay na ako kay Leon pauwi. Mukhang uulan pa dahil kumukulog at kumukulimlim na Hindi ko sinagot si Luis at tinext si Marcus. Baka wala siyang ginagawa ngayon at pwede niya ako sunduin Ako: 'Are you busy? Can you fetch me in school? Wala pa rin kasi si Mang Rodolfo, e I clicked the send button and waited for his reply. Minutes passed on still no reply from him, so I decided to call him. Baka hindi lang niya napapansin yung text ko. Nagsimula na rin kasing umulan "Sinong tinatawagan mo?" tanong ni Luis. Tinignan ko siya habang naghihintay na sagutin ni Marcus ang telepono "Si Marcus," simpleng sagot ko. Ibinaba ko na ang tawag dahil walang sumasagot. Sinubukan ko ulit tumawag ngunit puro ring lang "Hindi sinasagot? Malakas na ang ulan. Mas dumidilim na rin kung hindi ka masusundo sabay ka na sa akin," giit niya. Tinignan ko siya bago binaba ang tawag Mukhang wala na akong choice kundi ang sumabay nga sa kaniya, lalo na umuulan ngayon mas mahirap kung lumakas pa ito at mastranded ako dito sa school "Uuwi ka na ba?" nahihiyang tanong ko Ngumiti naman siya at tumayo, "Kanina pa kita inaaya, tara?" nagligpit na siya ng gamit kaya ganoon na din ang ginawa ko. Ayoko siyang paghintayin dahil makikisabay lang naman ako Mahangin at may kalakasan ang ulan kaya kailangan namin mag payong papunta sa sasakyan niya. Kung tatakbuhin kasi namin ay mababasa kami ng sobra Hinanap ko ang payong sa bag ko. Ang alam ko naglagay ako ng payong noong nakaraan dahil madalas ay mainit kapag tanghali na "Sandali lang, Luis," sabi ko habang kinakalkal pa rin ang bag. Nakapayong na kasi siya at hinihintay na lang ako kaya naman mas nataranta ako sa pagkalkal "Hindi ko ata nadala yung payong ko," alanganin akong tumingin sa kaniya. Sobra sobrang pakisuyo na ata yung ginagawa ko "Sumukob ka na lang sa akin, malapit lang naman ang lalakarin natin," ngiwi akong ngumiti sa kaniya dahil sa hiya. No choice na naman ako kaya dumikit ako sa kaniya ng bahagya. Tama lang para hindi ako mabasa Nagulat naman ako nang hawakan niya ang aking bewang at hapitin ako papalapit sa kaniyang katawan. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang lumayo Hindi ako kumportable sa paghawak ni Luis. Hindi naman niya hinayaan na maalis ang kaniyang kamay sa aking bewang at nagsimula ng maglakad. Wala na rin akong nagawa kundi ang maglakad dahil sa pagkakahawak niya sa akin Hindi pa man nakakalapit sa sasakyan niya ay tumakbo na ako at iniwan siya. Bukas naman ang pinto kaya dumeretso na ako sa loob. Tinted ang sasakyan niya pero pakiramdam ko ay nakikita niya ako sa loob dahil sa malalalim na titig niya I quickly texted Marcus. I said if he has time, meet me halfway. I also tried calling him but hurriedly put it down when I saw Luis getting in the car "Ah... Luis, Nagreply na si Mang Rodolfo papunta na raw. Iintayin ko na lang siya," pagdadahilan ko dahil hindi na naman ako mapakali sa kinikilos niya "Nakasakay ka na Amara. Ireply mo na lang na pauwi ka na," he said then started the engine and drove away from the school Habang nasa daan ay maya't maya ang pagtetext ko kay Marcus at simpleng pagtawag. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit hindi niya masagot man lang ang text at tawag ko "Stop texting him, Amara" his dark face are now evident as I look at him. His grip on the steering wheel are tightening that I can already see his veins I didn't answer him instead I secretly call Marcus. I am getting a bad feeling about this. His attitude right now are changing again. There no trace of Luis earlier Napapitlag naman ako sa sakit ng maramdaman ang pagpisil ng kamay niya sa hita ko, "Luis ano ba! Nasasaktan ako!" tumaas ng bahagya ang boses ko dahil sa sobrang sakit "Masasaktan ka talaga kapag hindi mo tinigilan ang panlalalaki mo. Akin ka na Amara, hindi pa ba malinaw 'yon ng huli tayong mag-usap?" he is furious. Galit na galit ito na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa hita ko dahil mas lalong humihigpit ang pagpisil niya. "Hindi ako sayo, Luis. Hindi rin ako nanlalalaki. Nababaliw ka na ba!?" natanggal ko naman ang kamay niya pero ramdam ko pa rin ang pagkirot nito "What did you just said?" he said it like he's crazy. Para na siyang nababaliw ngayon, nanlalaki ang mga mata niya sa galit na hindi ko alam kung saan niya hinuhugot "Stop the car!" sigaw ko sa kaniya. Mas lalo lang siyang nagalit at sumigaw ng sobrang lakas bago tumawa. Napapikit ako sa takot sa kaniya "I-I said stop the car, Luis!" para naman siyang walang naririnig at malaki ang ngisi sa mukha. Kaya hinawakan ko ang steering wheel at ginalaw iyon para matigil ang pagmamaneho niya I screamed when I saw that we are going to hit a huge tree. Napapikit ako sa takot ngayon na baka mabangga kami at sa takot ko kay Luis Naipreno naman niya agad bago pa kami mabangga sa puno. Buti na lang din at nakaseatbelt ako dahil kung hindi ay tatama ako sa windshield sa lakas ng impact. Nanginginig ako sa takot ng maramdaman ko muli ang haplos ni Luis sa aking braso "Are you okay, baby?" sinabi niya sa nag-aalala namang tono. Wala na ang bakas ng galit niya kanina. I am crying really hard now because of fear "Why are you crying? May masakit ba?" patuloy ang paghaplos niya sa katawan ko na akala mo ay naghahanap ng sugat. I can't take it anymore, so I pushed him and immediately open the door to get out and run for help "Tulong!" sigaw ko habang humahagulhol at basang basa na dahil sa ulan. Hindi ko na rin alam kung nasaan ako ngayon dahil madilim na. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya kaya mas binilisan ko pa ang takbo Hindi pa nakakalayo ng sobra ay naramdaman ko ang paghaltak niya sa akin,"Saan ka pupunta? Ayaw mo na ba sa akin, huh?  Hindi mo na ba ako mahal?" nababaliw na tanong niya "Stop it, Luis. This is not a g-good joke please," I sob but he didn't listen and instead he hug me tightly I screamed again when he rip the back of my uniform. I felt the cold breeze of the storm on my bare back. I tried to push him but no effect because he is stronger than me. I am now laying down on the dirty and cold land of Lalia. "Stop! Please! Help! Luis don't do it!?" I histerically shouting at him He acted like he didn't hear anything and continue molesting my body. He is now kissing my neck down to my chest. His hand are stroking my legs while the other are pinning both of my hands above "I love you, Amara. I'll own you now so no one can have you. Hindi si bradley, hindi si Leon at lalong hindi si Marcus!" he said under my ear then licked it I kept on screaming out my lungs as I pushed him with my everything. Soaked in the middle of the storm, I am still hoping that someone will come and save me Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtigil niya at pagkawala siya sa ibabaw ko. "Please, I am begging you Luis. Stop it," hagulhol ko pa sa takot Hindi ako makagalaw o maidilat man lang ang mga mata sa takot na nararamdaman. Still screaming, I cover my body using my arms. I curled like a fetus to save myself from another attack coming from Luis. I sob heavily, lying on the mud He harassed me. I can't even protect myself. I felt numb because of the cold rain that is still pouring hard, but what I felt the most is fear. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD