CHAPTER 12

2272 Words
FIRST Ang saya at ngiti na nadama ko kagabi ay baon ko hanggang sa paggising. Para akong nakalutang sa alapaap habang humuhuni ang mga ibon ng isang awit na nakakahalina sa aking damdamin. Kung dahil ba ito sa panliligaw ni Marcus?, ay hindi ko sigurado. "Balita ko ay nagpunta dito si Marcus kagabi?," tanong ni lola. Nasa hapag kami ngayon at kumakain ng umagahan. Ngayon na rin ang alis nila Rosh at Ricko papunta sa maynila. "Nagpaalam po sa amin ni Ricko, lola. Hindi ka na namin ginising dahil gabi na noong hinatid si Amara," pagpapaliwanag ni Rosh "Ano namang pinagpaalam ng binata sainyo Rosh?," tanong ni lola bago uminom ng kaniyang tsaa. Tinignan ko ito at nakita ko ang kuryosidad sa kaniyang mga mata Kinabahan ako sa tanong ni lola. Paano kung hindi siya payag? Baka magalit siya sa akin lalo na at bata pa ako para ligawan. Hindi naman lingid sa kaalaman na ang pamilyang De Mariano ay lapitin din ng mga babae "Umakyat po ng ligaw dito kay Amara," turo sa akin ni Rosh habang ngumunguya pa Narinig ko namang nasamid si Leah sa aking tabi. Inabutan ko ito ng tubig habang hinahagod pa ang likod niya. "Ayos ka lang ba?," tanong ko "A-ayos lang ako Amara," nahihiyang sabi pa ng dalaga dahil nakatingin sa kaniya ngayon si Rosh "Akala ko ay sa pangalawang De Mariano ka napapalapit?" bakas sa mukha ni lola ang gulat Kung nagulat si lola sa sinabi ni Rosh ay mas nagulat ako sa sinabi niya. Bakit aakalain ni lola na si Leon ang nagugustuhan ko? Masyadong maraming babae ang lalaki na iyon, baka kuyugin pa ako kung sakali. Isa pa, mapaglaro siya. Ibang iba sa kaniyang kapatid. "Hindi po, lola. Magkaibigan lang po kami ni Leon. Hindi niya po ako nililigawan." tanggi ko kay lola "Akala ko rin ay si Leon ang nanliligaw sayo," mahinang bulong naman ni Leah sa tabi ko. Hindi siya ngayon makakilos ng maayos dahil na rin sa pinsan ko. Magkaharap kasi sila ni Rosh at ang nasa tapat ko naman si Ricko. Siniko ko lang siya palihim at nginitian ng pilit si lola. Naramdaman ko naman ang pagring ng cellphone ko kaya tinignan ko ito sa ilalim ng mesa Apollo: 'I'm here outside your mansion' "I'm here outside your mansion." nanlaki ang mga mata ko dahil binasa ito ni leah na pagkalakas lakas. Pinamulahan ako ng pisnge dahil lahat sila ay sa akin na nakatingin "A-ahm... " hindi ako mapakali kung ano ang idadahilan sa kanila. Tumungo ako at mariin na pumikit bago pasimpleng tinignan ng masama si Leah Talagang nilaglag niya ako sa harap nila lola. Kung ilaglag ko rin kaya to kay Rosh? Yari ka sa akin mamaya, akala mo ha "Emy, papasukin mo si Marcus. Sabihin mo ay nag-uumagahan pa si Amara," seryosong sabi ni lola sa punong kasambahay. Agad namang sumunod si Aling Emy at lumabas na para sunduin si Marcus "Lola, baka may ibibigay po na reports sa kapihan kaya ganoon," pagdadahilan ko para lang hindi nila isipin na kaya nandito si Marcus ay dahil sa akin "Naibigay na ang reports sa kapihan nitong huling linggo, Amara. Isa pa hindi pa nila oras ng pasok." Mas lalo akong nahiya dahil sinundan ito ng tawa nila Rosh at Ricko. Pati si Leah ay nagpipigil na rin ng tawa. Halata na ang pagdadahilan ko sa kanila. Narinig ko ang yabag ni Marcus sa aking likod. Dumeretso ito kay Lola Anista para magmano bago nag-abot sa akin ng isang white tulips. Napatingin naman ako sa kaniya at simpleng ngiti lang ang iginawad nito Umikot na ito at nakipagtanguan kila Rosh bago naupo sa tabi nito. "Totoo bang nililigawan mo na si Amara, Marcus?" deretsahang tanong ni lola. Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ako kumportable sa ganitong sitwasyon. Ito ang unang beses na may manligaw sa akin ng maayos "Totoo po, gusto ko po magpaalam sainyo kagabi pero nagpapahinga na daw po kayo," magalang na sinabi ni Marcus. Seryoso siya ngayon na para bang nasa isang meeting ito na may gustong patunayan Ang suot nito ngayon ay isang dark blue polo shirt at black pants. Sobrang tikas at matipuno niya tignan sa suot dahil mas nadepina ang kaniyang katawan "Nagtitiwala ako sayo, Marcus. Huwag mo sasaktan si Amara dahil nag-iisa lang ito," lola look at me with tender in her eyes. Alam ko kung gaano ako kamahal ni lola at ganoon din ako sa kaniya  "Hindi ko liligawan si Ophelia kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko," he didn't look at me. Ang buong atensyon nito ay nakatuon lamang kay lola na para bang naghihintay siya ng basbas na ligawan ako Kung noon ay hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya. Ngayon ay alam ko na. Hindi basta kaba ang naramdaman ko ng una kaming magkita. Hindi ako kumportable kapag nandyan siya dahil iba ang t***k ng puso ko. Unang kita pa lang sa kaniya ay gusto ko na siya "Dapat lang. Kilala mo ako Marcus, kaya alagaan mo ng mabuti si Amara," sinabi ni Rosh. He's smirking while looking at Marcus. Hindi man seryoso ang itsura at ramdam ko ang pagbabanta niya sa lalaki "Akala ko talaga ay si Leon ang nanliligaw dito kay Amara," singit ni lola. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa panliligaw ni Marcus. I bit my lower lips and looked at Marcus. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang tingin niya ay mas lalong lumalim. Kita din ang kontroladong paggalaw ng panga na para bang hindi natuwa sa kaniyang narinig Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata nito. Tumayo na ako at lumapit kay lola para magpaalam. "Lola, papasok na po ako baka malate pa po ako e," hinalikan ko ang kaniyang pisnge. Nagulat ako dahil tumayo na rin si Marcus. Nakatingin pa rin siya sa akin, "Ihahatid kita." Yun lang ang sinabi nito bago tumalikod at umalis "Easy, Marcus. Nagsisimula ka pa lang," sigaw ni Rosh bago tumawa. Sinundan ito ng tawa ni Ricko bago nakipag-apir sa kapatid Ano namang tinatawa-tawa ng dalawa na ito? Parang wala namang nakakatawa sa sinabi ni Marcus ah. Madalas ay hindi ko maintindihan talaga sila Rosh. Papaalis na ako sa hapag ng hawakan ni Leah ang aking kamay, "Pwedeng sumabay?," she's showing her puppy eyes na akala mo e maaawa ako, it's payback time Ngumiti ako ng malaki sa kaniya bago tinignan si Rosh na katatapos lang kumain. "Rosh, may gagawin ka ba? Pwedeng pakihatid naman si Leah? Kanina pa siya nagrerequest na ihatid mo daw e," inosente kong sabi kay Rosh Hinigit ni Leah ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya, "Anong ginagawa mo?," she mouthed. Pulang pula ang mukha nito at hindi man lang makalingon kay Rosh Mas lumapad ang ngiti ko sa kaniya, "Ikaw talaga ang pinunta ni Leah dito, Rosh. May sasabihin ata sayo" "Really? What is it Leah?," he cooly asked. Mas lalo naman namula si Leah at hindi na makapagsalita sa kinatatayuan kaya hindi ko na napigilan ang malakas na tawa ko. Nasa akin ang huling halakhak "Alis na po ako, Lola." kumaway ako kay lola bago tinanguan sila Rosh at Ricko. Inginuso ko naman si Leah kay Rosh at mukhang nakuha naman ni Rosh ang ibig kong sabihin ng kindatan ako nito Ang sarap lang sa pakiramdam na asarin si Leah. Akala niya, ah. Natatawa pa rin ako ng makarating sa labas ng mansion. Natanaw ko naman si Marcus na nakatayo sa tabi ng sasakyan. May kausap ito sa telepono ngunit mabilis rin ibinaba ng matanaw akong palapit He looks dangerously gorgeous in his outfit today. Ang damit nito ay sakto ang hapit sa katawan kaya makikita agad na alagang alaga ito. May suot din itong silver rolex watch sa kaliwang kamay. Bakat na bakat ang ugat nito sa braso kahit na wala namang ginagawa. He has the aura of being dominant before and even now. It seems like he can get anything he wants, anytime. Huminto ako sa harap niya. Hindi ko alam kung bakit mukhang iritado na naman siya sa akin. Magkasalubong na naman ang mga kilay niya at malamig ang mga tingin na iginagawad sa akin "Galit ka ba?," I asked him softly. He close his eyes tightly like he is in pain. He look at me again and there I saw his tender eyes again "I'm not. Get in the car, you'll be late in your class," magaan na ang pananalita nito ngunit mababakas pa rin ang irita sa mukha niya Pinagbuksan naman niya ako ng pinto bago umikot na rin at nagmaneho. Hindi niya ako kinakausap habang nagmamaneho. Parang may kaaway ito sa daan dahil sa iritadong inis. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela kaya mas lalong nalabas ang mga ugat niya sa braso kumpara kanina Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit ngayon. Parang kanina lang desidido na siya na ligawan ako. Naisip niya ba na mali ang desisyon na ginawa niya kagabi at kanina? Gusto na ba niya ihinto ang panliligaw niya? Dumaan ang pait sa aking dibdib. Kung ganoon ay hindi pala totoo ang mga sinabi nito kagabi? Napatawa ako ng mapakla sa naiisip "Sana hindi ka na nagpaalam kay lola kung hindi mo rin pala itutuloy ang panliligaw mo," mapait kong sabi bago itinuon ang tingin sa bintana ng sasakyan "What?" bakas ang gulat at pagkalito ni Marcus sa sinabi ko. Magkukunwari pa siya ngayon na gusto niya ang ginagawa kahit hindi naman "Kung ayaw mo na pala manligaw bakit mo pa ako ihahatid ngayon?" mataray na tanong ko para maitago ang pait na nararamdaman. False hope. "Sa tingin mo ihahatid kita ngayon kung ayaw ko na manligaw sayo?," seryosong tanong niya. Kapag ganito na ang tono niya ay napapaatras na ako sa kaniya. Para kasi siyang leon na mangangain na lang bigla Inihinto niya naman ang sasakyan sa tabi ng daan kung saan tanaw ang dagat ng Lalia. Kalmado ang dagat, kabaliktaran ng nararamdaman ko ngayon. Narinig kong tinanggal nito ang seatbelt bago ako hinarap. He looked at me like he don't know what he would do I also look at him and saw how he sensually lick his lower lips. I stare at his red lips, it look soft "I wanna... take this slow, Ophelia. So, please look at my eyes, baby," liyo pa sa pagtingin sa labi niya ay nalipat ang tingin ko sa mga mata niya. Nakita ko rin ang biglaang paglunok nito. The sunlight coming from the outside touched his face. He looked miserably handsome right now. "Look, what I said yesterday were all true. I wanted to court you. Its just that you are the first girl I ever pursue," sabi nito na parang pinaiintindi sa sarili ang sitwasyon Ako pa lang ang una niyang niligawan? Anong ginawa niya sa dati niyang mga babae? Hindi niya yon niligawan? Paano niya naging girlfriend ang mga iyon kung ganon? "I got pissed when I heard that Leon is courting you, that's all. Stop thinking about other women," his ash grey eyes are now more visible because of sunlight. Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi ngunit wala itong ginawa. Ngumiti ito bahagya bago lumayo at nagsimula ulit magmaneho. Isang haplos at halik lang niya ay natutunaw ang lahat ng inis at pait na namumuo sa aking dibdib.  Aaminin ko na gusto ko na nga si Marcus. Gusto ko na siya unang beses pa lang kami magkita. Kaya ang ipinapadama niya ay lubos na para sa akin "Leon is a good friend. Mapaglaro ang kapatid mo ngunit nararamdaman ko na mabait naman siya," sinabi ko para mawala ang katahimikan sa pagitan namin. "I know, I just thought he already courted you. Akala ko ay naunahan na ako," sabi niya. Maaliwalas na ulit ang tingin niya sa akin. Wala na rin ang irita sa mga mata niya Pinagtitinginan kami ngayon ng mga estudyante. Pinagbuksan kasi ako ni Marcus ng pintuan. Agaw pansin ang lalaki sa mga tao na nasa paligid. May mga tumatango at bumabati rin sa kaniyang mga kakilala niya. Kahit si manong guard at malaki ang ngiti sa lalaki "Sir kumusta?," maligayang tanong ni manong guard "Ayos lang, inihatid ko lang." turo naman niya sa akin. Sa halip na mahiya ay taas noo akong tumingin sa mga nasa paligid bago dumikit pa kay Marcus at pasimpleng inangkla ang kamay sa braso niya Sa susunod nga ay hindi ko na siya papayagan na ihatid ako. Ang daming kolehiyalang magaganda ang nasa paligid ngayon. Parang hindi naman ganito kapag hinahatid ako ni Manong Rodolfo. Tiningala ko si Marcus at nakitang nakatingin na pala ito sa akin. "Umuwi ka na," pagtataboy ko dahil baka may makita pa siyang mas magandang babae dito "I'll text you later," he simply said before he patted my head. Iniwas ko naman ang ulo ko dahil nagmumukha akong nakababatang kapatid sa ginagawa niya Tumalikod na siya ngunit hindi pa nakakailang hakbang ay bumalik na ulit ito "Please, don't...," he sighed heavily, "let other boys touched or even hug you" I saw worried in his eyes. Ngayon ko lang nakita sa mga mata niya ang pag-aalala at takot. Hindi rin naman nagtagal ang mga emosyon na iyon dahil nawala rin ito bigla at bumalik na ulit sa dati si Marcus. Dominante. Kinurot ko ang aking kamay na nasa likod para mapigilan ang ngiti sa aking labi. Tumango na lang ako at tumalikod na, hindi ipinahalata ang paghaharumentado ng puso. Hinintay niya muna makapasok ako sa loob bago siya umalis. Dumeretso na ako sa unang klase ko na may ngiti sa labi na hindi alintana ang mga mata at bulong sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD