LILIGAWAN
Malakas at malamig ang hangin na humahampas sa aking balat. Umaalpas na rin ang buhok na nasa kanan bahagi ng aking balikat. Ang tanawin ay nagmistulang buhay at puno ng kulay. Ang mga puno ay sumasabay sa saliw ng sayaw ng hangin.
Ganito rin ang nangyari noong unang beses akong umapak sa Lalia. Ang pagkakaiba nga lang ay ang mga bisig na mahigpit na nakahawak sa tali na animo'y galit na galit. Hindi ko man maipaliwanag ang nararamdaman ngayon pero alam ko na hindi na ito pait.
Napahawak ako sa aking braso dahil sa lamig habang ang isang kamay naman ay nasa kaniyang bisig
"Nilalamig ka?" he asked in low voice. I can feel his breath against my neck, his lips is slightly touching my ears because of Lucho. Magkalapit lang kami ngayon ni Marcus dahil pareho kaming nakasakay sa kabayo niya.
"Medyo lang," sagot ko naman
Nagulat ako dahil sa biglaang paghinto ni Marcus kay Lucho kaya tuluyan na akong napahawak sa parehong braso nito
"Bakit ka huminto?" tanong ko. Sa halip na sumagot ay hinubad nito ang kaniyang puting polo at inilagay sa aking hita. Iniwan na kasi nito ang suit sa mansion nila.
"Isuot mo para hindi ka lamigin"
"Baka ikaw ang lamigin niyan dahil wala kang suot." hindi ko man kita ang katawan nitong walang suot dahil nakatalikod ay hindi ko maiwasang pamulahan ng pisnge. Ang isipin pa lang na wala siyang saplot pang-itaas ay hindi ko na kaya, ang tignan pa kaya
"Hindi ako nilalamig. Sanay ako mangabayo kaya sanay rin ako sa lamig," sinabi naman niya. Kinuha ko ang damit at isinuot ito. Nawala naman ang lamig na nararamdaman ko.
Nagsimula na siyang patakbuhin si Lucho. Kung kanina ay kumportable ako sa aking upo ngayon ay hindi na. Nararamdaman ko ang balat niya sa tuwing uupo ako ng kumportable kahit na doble doble pa ang suot ko ngayon
"Sit comfortably. Baka malaglag ka paharap kakalayo mo sa akin" sinabi niya bago pinabilis pa ang takbo ni Lucho
Dahil sa ginawa niyang ito ay hindi ko na mapigilan ang mapasandal sa kaniyang dibdib at damhin ang init na hatid nito. Napahawak na rin ako pareho sa magkabilang braso niya. Nang tignan ko ang aking mga kamay ay kita agad ang magkaibang kulay ng aming mga balat. Lumalabas din ang mga galit na ugat nito dahil sa pagpapatakbo kay Lucho.
"Marcus, slow down. Baka madulas si Lucho at bumagsak tayo." binagalan naman ni Marcus ang pagpapatakbo kaya nawala ang kaba sa aking dibdib
Pinagmasdan ko muli ang aking paligid. Pamilyar ang daan na tinatahak namin. Nasa gitna na kami ng gubat. Hindi na tumatakbo si Lucho dahil sa lubak na daanan
"Pamilyar sa akin ang lugar na ito," I said while looking at my surroundings. Iniisip pa rin kung saan ko ito nakita
"Dito ka nawala noon at sa bandang iyon naman kita nakita," Marcus said while pointing at my left side. Walang daan papunta roon kundi gubat lang talaga kaya rin siguro ako naligaw dahil nawala ako sa daan.
"No, Marcus. Nakapunta na ako dito, may talon sa dulo nito!" naeexcite ko sinabi kay Marcus. Naririnig ko na ang lagaslas ng tubig hudyat na malapit na kaming makarating
"You've been here? Tago ang talon na ito at ilan lang ang nakakaalam," he said in curious manner.
Pagkasabi niya ay natanaw ko na muli ang magandang talon na nagpabighani sa aking mga mata, unang beses ko pa lang ito masilayan.
"Yes, dito ako galing noong naligaw ako," mangha pa rin ako na sumagot sa kaniya. Naramdaman kong bumaba na ito kay Lucho at hinawakan ang aking bewang para matulungang bumaba rin.
Natanaw ko sa likod nito ang magandang bahay na mistulang villa. "Ayon iyong magandang bahay noong nagpunta ako." sabay turo sa likod nito
Tumingin naman siya sa likuran. "Naiwan ko yung cellphone ko noong huli ako pumunta dito. Sana ay hindi pa naitatapon ng may-ari," dagdag ko pa.
Napatitig ako sa kaniyang katawan. Banat na banat ito na animo'y laman lagi ng gym. His perfect toned muscle are in the right places. Simula sa triceps pababa sa biceps nito hanggang sa kaniyang abs. Ibinaba ko pa ang tingin at nakita ko ang maganda v-line nito
"You're trespassing in someone's house, Ophelia" sabi niya na nagpabalik sa akin sa realidad
"Wala naman nakakita sa akin na pumasok ako, isa pa, naglibot lang ako sa loob wala akong kinuha." defensive naman akong nagdahilan. Nag-iwas ako ng tingin bago niya pa mahuli na tinititigan ko ang kaniyang katawan.
"Don't worry, I won't sue you for tresspassing in my house." he chuckled
"Ikaw ang may-ari ng bahay na iyan!?" nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya dahil sa sinabi
He held my hand and lead the way to his house. Hindi nakalock at pinto niya kaya isang ikot lang ay bukas na agad ito. Bumungad agad ang panlalaking pabango sa loob ng bahay. Kapareha iyon ng pabango na lagi kong naaamoy kay Marcus
"Kumain ka na ba?," tanong niya sa akin bago dumeretso sa master's bedroom
"Hindi pa, dumeretso ako agad sa opisina mo," sabi ko naman pabalik
Ilang minuto pa ang itinagal nito sa loob ng silid bago lumabas. Ang suot na nito ngayon ay isang puting t-shirt at sweatshorts. Kung gwapo ito kapag nakasuit ay gwapo rin ito kapag nakapambahay lang
"Anong gusto mong kainin?," he asked while looking at me. Kung titignan ko siya ngayon ay para kaming mag-asawa. Siya na kanina pang nag-aantay sa akin umuwi at handang pagsilbihan ako
"Marunong ka magluto?," balik tanong ko naman sa kaniya
He shrugged, "Bata pa ako ay kailangan ko na matuto magluto." Sinabi niya sa akin bago ako tinalikuran para pumunta sa kusina
Kumuha ito ng baso at inilapag sa mesa bago bumalik sa ref para kumuha ng tubig. Naupo ako sa countertop habang sinusundan siya ng tingin
"Bakit? Marami naman kayong katulong ah?" ang dami nilang kasambahay pare-pareho pa ng uniporme tapos siya lang ang nagluluto sa sarili niya?
"Umalis si mama noong na aksidente si papa at si Tito Arthur. Kasama niya si Seth noon pero kami? Iniwan niya kami kay Don Julio," pagkukwento niya habang nagsasalin ng tubig sa baso
Iniabot niya sa akin ang baso kaya tinanggap ko naman at uminom na rin. "I was 17 when I decided to leave separately to them. Kaya kinailangan ko matuto ng gawaing bahay dahil hindi naman ako nagpapapunta rito ng katulong," pagpapatuloy niya
"Bakit ka humiwalay ng bahay? Malaki naman ang mansion ah?" may pagtatakang tanong ko. Kinuha naman niya anf mga kakailanganin sa pagluluto
"I'm gonna cook pasta, is that okay with you?," he asked suddenly. Tumango lang ako at hinihintay pa rin ang sagot nito sa mga tanong ko
He started preparing the ingredients for carbonara before he answered my question. "Maraming alaala ang Papa at Mama sa mansion kaya pinili kong umalis. Then, this house became my sanctuary," sabi nito
Hindi ako nag-usisa pa dahil masyado na iyon pribado para sa akin
"How about you? You're from manila right? Why did you decide to live here in Lalia?" tanong naman niya. Naaamoy ko na ang sauce ng carbonara kaya natatakam na ako ngayon pa lang
"Si mama ipinadala ako rito sa Lalia. Sabi niya noong una ay dahil daw sa kailangan na ni lola nang makakasama pero hindi talaga iyon ang dahilan," malungkot akong ngumiti habang tinititigan ang hinahalo nitong sauce
"Nagising ako isang araw, bumaba ako para uminom. Pero narinig ko si lola crisanta na ayaw niya ako makita sa bahay ng anak niya. Si tito cris kasi ang pangalawang asawa ni mama simula noong mamatay si papa," pagpapatuloy ko
Naramdaman ko ang tingin ni Marcus sa akin kaya tiningala ko siya. I saw worried and pity in his eyes and I don't like it. Hindi niya ako dapat kaawaan.
"It's done. Let's eat," he said. Tumayo ako para ilagay sa lababo ang baso na ininuman ko at para na rin tulungan siya na maghain
"Ako na ang kikilos, maupo ka na lang dyan." kinuha naman nito ang pinggan na hawak ko bago ako hinawakan sa bewang para igiya sa inupuan ko kanina
Naupo na lang ako at nag-intay na matapos niya ang paghahain. Sa amoy pa lang ng niluto niya sa tingin ko ay masarap nga.
Nilagyan niya ng carbonara ang plato ko bago kumuha ulit ng tubig sa ref at nilagyan ang baso ko. "Ako na kaya ko naman kumilos," sabi ko dahil nahihiya na ako sa kaniya
"Hayaan mo akong pagsilbihan ka," he said. I looked at him and saw the emotions in his eyes. Madali namang nawala ang emosyon na iyon
"Hindi naman mo ako kailangang pagsilbihan dahil hindi mo naman ako nobya," nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya
"Liligawan kita kung ganon," he seriously said. I looked back at him with wide eyes, he really look serious in what he said. His jaw clenched fiercely before he let go his utensils
Mukha siyang nagpipigil at hindi ko alam kung ano ang pinipigilan niya. Uminom siya ng tubig bago ulit ibinalik ang tingin sa akin
"Ihahatid kita, magpapaalam na rin ako kay lola Anista kung maari ba kitang ligawan. Mas mabuti na rin siguro ito habang nandito pa sila Rosh"
Napanganga na lang ako sa mga narinig galing sa kaniya. Planado na niya agad ang gagawin mamaya at pinal na ito. Parang hindi siya tatanggap ng hindi sa itsura niya ngayon
"Huwag ka munang magbigay ng sagot sa ngayon, hindi kita minamadali." he sighed before he go back eating.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa nangyari hanggang sa matapos ang pagkain namin at hanggang sa makauwi. Tahimik lang kami sa byahe dahil hindi pa rin maproseso ng utak ko na nililigawan na ako ni Marcus at magpapaalam pa siya kela Rosh
Pinagbuksan naman ako ni Marcus ng sasakyan ng makarating kami sa bahay. Nag-aabang na si Rosh sa labas
Nang namataan ako ni Rosh ay nakita ko ang galit sa mga mata nito. Hindi pa man nakakalapit sa pintuan ng mansion ay sinalubong na kami ni Rosh
Nagulat naman ako ng hinaklit nito ang polo na suot ko at tinignan ang aking balikat. Malaki kasi ang polo ni Marcus kaya hindi halata na may uniporme ako na suot sa loob
"f**k! I thought—," hindi na niya naituloy ang gustong sabihin. His lips is pressed together while his jaw clenched.
"Saan kayo nagpunta?," ang tanong na iyon ay hindi para sa akin kundi para kay Marcus. Tinignan ni Rosh si Marcus
"Sa bahay ko, Rosh. Ipinagluto ko lang," simpleng sabi ni Marcus. Pinaningkitan naman ng mata ni Rosh ang lalaki na para bang hindi naniniwala sa sinabi
"May personal chef ka pala hindi mo sinabi sa akin." ginulo nito ang buhok ko bago ako hinila papunta sa tabi niya. Maingat niyang tinaggal ang butones ng polo na suot ko at hinubad sa akin
"Umuwi ka na, salamat sa paghatid kay Amara. Isama mo na itong polo mo," sinabi ni Rosh bago inihagis kay Marcus ang polo. Nasalo naman ito ng lalaki
Akmang tatalikuran na namin si Marcus ng bigla siyang magsalita muli, "Aakyat ako ng ligaw kay Ophelia, Rosh. Iyon ang pakay ko ngayon"
Rosh freeze from his position. He looked back again at Marcus then he tilt his head, "Am I hearing you wrong? Liligawan?" magkasalubong na ang kilay ni Rosh
"Hindi ka naman bingi narinig mo kung ano ang sinabi ko," Marcus said. Mapaglaro niyang tinignan si Rosh na para bang nang-aasar
"Get inside, Amara." tinalikuran niya si Marcus at hinarap naman ako. "Magpalit ka ng damit, hindi ko gusto na amoy lalaki ka ngayon. Call Ricko in his room also, tell him I need him here," seryosong sinabi ni Rosh
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa namumuong tensyon sa pagitan ni Rosh at Marcus. Hindi naman sila mag-aaway hindi ba? Magkakilala naman sila noon
Wala na akong nagawa kundi ang tumango at sundin ang utos niya. Umakyat na ako at nagtungo muna sa silid ni Ricko. Nakatatlong katok ako bago ito buksan
Halatang bagong ligo ang lalaki dahil sa basa nitong buhok. Wala rin itong saplot pang-itaas. May tuwalya naman na nakasabit sa kaniyang batok at ang tanging suot ay boxer
"Rosh needed you downstairs," kabado kong sabi kay Ricko
"May bisita ba tayo?," tanong naman niya pabalik habang tinutuyo ng tuwalya ang kanyang buhok
Umiling lang ako dahil kabado pa rin ako sa kung ano na ang nagaganap sa baba.
Tumango ito sa akin, "give me a second, magpapalit lang ako"
Dumeretso na ako sa aking silid at mabilis na naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapag-ayos ng maayos ng mukha dahil sa pagmamadali.
Pagbaba ko ay hindi ko sila nakita kaya nagpunta ako sa patio ng mansion. Naabutan ko doon silang tatlo na nag-iinuman
Naramdaman ata ni Ricko ang presensya ko kaya napalingon ito, "Amara, gising ka pa?"
"Ahm..." napahawak ako sa mga daliri ko habang nag-iisip ng maidadahilan kung bakit bumaba pa ako
"We're only talking here, milady. No need to worry," si Rosh naman ang nagsalita
"I'm not worried!" napataas naman ang boses ko dahil sa sinabi ni Rosh. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtawa ni Ricko
"Okay, you're not worried. Don't get mad at me," itinaas ni Rosh ang dalawang kamay nito sa ere na parang ipinapahiwatig na hindi siya papalag
Napatingin naman ako kay Marcus. He is smiling at me, assuring me that everything is okay. Napanatag naman kahit papaano ang loob ko kaya tinalikuran ko na sila at umakyat na aa aking silid
Hindi pa man nakakahiga ay nakareceive na ako ng message mula sa unknown number. Kinuha ko na ito kanina kay Marcus
'Goodnight, hindi ako maglalasing'
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Nililigawan ako ni Marcus.