CHAPTER 10

2340 Words
BOYFRIEND Isasama ako ngayon ni Marcus sa Mansion nila. Hindi ko pa nakikita ang mansion, malaki kaya iyon katulad sa amin? Hinawakan ni Marcus ang aking kamay at hinila na ako palabas. Lahat ng tauhan ay nasa amin ang tingin pababa sa kamay namin na magkahawak. Pilit kong binawi ang aking kamay na hawak niya, "Marcus, yung kamay ko" "Hawak ko," sabi naman nito na parang wala lang na marami ang nakatingin sa aming kamay "Nakakahiya Marcus. Marami ang nakatingin," pilit ko pa ring tinatanggal ang aking kamay sa pagkakahawak niya Huminto naman ito at hinarap ako. Nasa tapat kami ngayon ng elevator kung saan kitang kita kami ng nga tauhan "Are you ashamed of me, baby?," may pagsusumamong sinabi nito sa akin. Tinignan ko ang paligid at marami na ang nagbubulungan dahil sa pwesto namin dalawa. Magkapatid nga talaga ang dalawang ito ni Leon. Mahilig sa eksena. Nahihiyang umiling lang ako bago yumuko. Ramdam ko na ang init ng aking pisnge pati tenga sa nangyayari. "Good. Now be a good girl and hold my hands tightly," he said. Inayos naman nito ang pagkakahawak ng aking kamay sa kaniya. He intertwined our fingers kaya wala na akong nagawa pa. Ito na naman ang malakas na tibog ng puso ko. Ganito ang naramdaman ko noong isang gabi na magkasama kami ni Marcus. Hindi binitawan ni Marcus ang kamay ko kaya agaw pansin kami hanggang sa makarating sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan ako nito ng pinto at tsaka pa lang binitawan ang aking kamay para umikot at magmaneho. Hindi rin naman nagtagal ang aming biyahe at nakarating din sa kanilang mansion. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kanilang bahay. Kung nalula ako sa laki ng mansion ni Lola ay mas nakakalula ang kanila Marcus It is white mexican-styled mansion. The details of the door and even the windows are very intricate. In the right side is where they park their cars. In the middle and in front of the mansion is an old fancy fountain. While when you look at the left side is a ranch. In the corner of it is a stable. Sa tingin ko ay nandoon sa stable si Lucho. May mga tauhan din sa rancho nila na nag-aasikaso sa mga kabayo. Alaga ata nila ang mga kabayo "Let's go. I think Don Julio is already waiting for us," sabi ni Marcus. Ipinarada nito ang sasakyan sa gilid at pinagbuksan ako ng pintuan. Hinawakan muli nito ang aking kamay. Pagpasok namin ay napanganga ako sa itsura ng bahay. It has a modern victorian interior design. The ambiance of the mansion screams luxury. "Señorito, kanina pa po nag-iintay ang Don sa balkonahe," sabi ng babae na nakadamit kasambahay. Pare-pareho ang damit ng mga ito na akala mo ay uniporme nila. Nanlaki naman ang aking mata sa itinawag sa kaniya. SEÑORITO!? ganoon sila kayaman para tawagin siya sa ganoon. Ako nga ay napormalan na sa pagtawag pa lang na Miss. Tinignan lang naman ito ni Marcus na para bang sanay nang tawagin na señorito at hinila na ako papunta sa balkonahe nila. Malaki ang balkonahe at makikita mula rito ang rancho. Isang matandang lalaki ang nakaupo sa gitna na para bang kanina pang nag-aantay kay Marcus "Don Julio," iyon lang ang sinabi ni Marcus. Tumayo naman ang Don at lumingon sa amin He screams too much authority. Kung maotoridad na si Marcus ay mas ang kaniyang Don. Tinignan ako nito sa mata na parang lawin pababa sa aming kamay na magkahagpos. Hindi ko tuloy maiwasan ang yumuko at magtago sa likod ni Marcus "Don, stop scaring her," ungot naman ni Marcus na para bang magkaibigan lang sila na nag-uusap. Napatingin naman ako sa Don ng marinig itong tumawa ng malakas na wari'y sayang saya sa nakikita "Pasensya na, Marcus. Sinusubukan ko lang kung kasing tikas pa ako katulad noon," sabi nito habang natatawa pa Lumapit naman kami ni Marcus sa Don. "Don Julio, this is Ophelia Amara. This is Don Julio," turo naman ni Marcus sa Don. Nagulat ako dahil kinuha ng Don ang aking kamay at hinalikan ang likod palad nito. "Tss. You're doing it again, lolo. Kaya ang ibang babae ni Leon ay ikaw na ang nagugustuhan," sabi ni Marcus bago ito inakbayan at inakay na muli para maupo. Sumunod lang ako sa dalawa at naupo na rin sa tabi ni Marcus. "Ikaw pala ang nag-iisang bulaklak sa lahat ng tinik sa pamilya Roque," sinabi nito na may ngiti sa labi. Ngiwing ngiti lang ang ibinalik ko sa Don. May hawig siya kay Marcus pero mas makikita ang pagiging banyaga ni Don Julio. Matikas pa rin ang tindig nito at mahahalatang matipuno noong kapanahunan niya. Siguro kung kaedad ko ito ngayon mas pipiliin ko ang gwapo nito kesa kay Marcus. "What do you want?," Marcus asked me. Nabaling naman sa kaniya ang atensyon ko. Sumenyas siya sa kasambahay at lumapit naman ito. Naiilang ako ngayon, may kasambahay kami pero hindi yung ganito na parang mga men in black na pare-pareho ang suot, jusko. "A black coffee will do," I whispered at him "Two black coffee, please" he cooly said like he is just ordering in some kind of a restaurant Narinig ko na muli ang tawa ng Don, "Huwag kang mailang, iha. Ganiyan talaga si Marcus kapag nasa mansion" "Hindi ko lang po inaasahan na ganito kayo kayaman, Don Julio," sabi ko kay Don Julio. Kinuha niya ang kanyang tsaa para uminom "Ikaw pa lang ang babaeng dinala ni Marcus dito sa mansion." biglang sabi nito at makahulugan itong tumingin kay Marcus "Don, stop interrogating her. Paano niya magugustuhan ang pagtira rito sa mansion kung lagi mong tinatakot" Tumawa ulit ng malakas ang Don sa sinabi ni Marcus. Kahit ako ay nagulat sa sinabi nito. Bakit ako titira sa bahay nila e may bahay naman ako? "Now, he wanted you to keep in the mansion. Tell me young lady, is this man your boyfriend?" seryosong tanong sa akin ni Don Julio. Ibinaba nito ang iniinom na tsaa at pinagsalikop ang kamay habang nakadekwatro. "Not yet," singit naman ni Marcus "Anong not yet ka dyan, pala desisyon ka," sabi ko naman kay Marcus. Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala sa narinig. Tumungin ako kay Don Julio at nakitang nakangisi lang ito kay Marcus "Nako Don Julio, hindi po. Hindi rin po siya nanliligaw," magalang ko naman na sagot sa Don "Hindi naman pala sayo Marcus, inaangkin mo. Akala ko ba ay ayaw mo pa ikasal?" Don arched his eyebrow while smirking at Marcus. Hindi ko alam pero makahulugan ang mga tingin ni Don Julio kay Marcus. Sa bawat patutsada ng Don ay may makahulugang mensahe ito na gustong iparating sa binata. "What do we have in here?" Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita. Si Leon na mukhang kauuwi lang galing sa practice game dahil sa suot nitong basketball shorts at shoes. Nang namataan naman ako nito ay sumilay na naman ang mapaglarong tingin at ngisi sa kanyang mukha. Inirapan ko lang ang binata at inayos ang upo. Nagulat naman ako ng lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking pisnge. Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita agad. Narinig ko naman ang marahas na pagtayo ni Marcus at itinulak si Leon bago kwinelyuhan. "Stop playing around." mabagal ngunit may diin na sabi ni Marcus "I'm not playing around." ngumisi naman si Leon sa kapatid "Umupo na kayong dalawa, nakakahiya sa ating bisita ang inaasal ninyo," kalmadong sinabi ng Don. Kinuha lang nito ang kupita ng tsaa para uminom. Marahas naman binitawan ni Marcus si Leon at naupo muli sa tabi ko. Si Leon naman ay inayos ang kwelyo at naupo na rin sa kaliwa ko. "Pasensya ka na iha sa mga binata ko, mabilis talaga mag-init ang kanilang mga ulo." ngumiti lang ako sa sinabi ng Don "Ako ang nauna Don," iritadong sabi ni Marcus. Nagngangalit ang panga nito sa inis. Hindi ko alam kung bakit sobrang inis na inis siya sa ginawa ng kapatid. Mas nainis pa siya kesa sa akin Leon scoffed, "Bakit hindi mo tanungin si Amara kung sino ang nauna sa atin." ngumisi itong muli at tinignan si Marcus na parang naghahamon. Ibinalik naman ni Marcus ang tingin kay Leon. "I said enough, De Mariano's!" kagat labi akong napapikit sa dahil sa maotoridad na sigaw ng Don. Parang kanina lang ay tumatawa pa ito ngayon ay seryoso na itong nakatingin sa dalawang apo. Mukhang totoo na malupit ito noong kabataan niya. "Easy, Don. Hindi ko naman alam na seloso na pala si kuya." tumawa naman si Leon. Hindi man halata ay ramdam ko na naapektuhan ang dalawa sa sigaw ng Don dahil napatigil sila sa pagbabangayan. "Hindi naman siya ganito dati," dagdag pa na sabi nito "Hindi ako magseselos dahil ako ang nilalapitan ng mga babae mo noon at ngayon." ngumisi naman si Marcus kay Leon. I arched my eyebrow upon hearing what he said. Babae pala, ah? "Kung ganoon ay babae ko rin itong si Amara?" Leon arches his eyebrow at Marcus before he look at me. Tinignan ko si Marcus. Hindi na maipinta ang mukha nito sa inis kay Leon. Mukhang sa kanilang dalawa ay mas pikon si Marcus at mas mapang-asar naman si Leon. Tumayo na si Marcus, "aalis na kami Don. Ipatawag mo na lang ako ulit kung may sasabihin ka." pagpapaalam ni Marcus. Tumayo na rin ako. Hinawakan naman ni Marcus ang kamay ko ngunit iwinaksi ko ito. Tinignan naman ako ni Marcus kaya tinignan ko lang rin siya. Babae pala, ah. Bakit hindi siya doon makipaghawak kamay tutal lahat naman pala ng babae ni Leon ay sa kanya nagpupunta. "Don Julio, aalis na po kami. Salamat po sa pagtanggap sa akin dito sa mansion niyo," magalang kong sabi sa Don. Ngumiti naman ang Don pabalik. Umalis na kami sa balkonahe at kasalukuyang papunta na sa rancho nila. Sinasabayan ko lang ang lakad ni Marcus kaya hindi ko alam kung bakit dito kami pupunta sa halip na sa sasakyan niya "Are you mad?" he asked. Hindi ko naman siya sinagot at patuloy lang sa paglalakad. Nakarating naman kami sa kwadra ng mga kabayo at natanaw ang apat na kabayo. Isang itim, dalawang brown at isang puti ang mga nandoon. Kumuha si Marcus ng dayami na ipapakain sa kabayo at inilagay ito sa gilid bago pumasok sa kwadra at kinuha si Lucho. Pagkatapos pakainin si Lucho ay lumapit naman ito sa akin "Galit ka ba?" tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya pero pilit namab nito hinuhuli ang aking mga mata "Why are you mad suddenly?" he held my chin for me to look at him. Tinignan ko naman siya pero hindi ako nagsalita He sighed heavily. Mariin niyang ipinikit ang mata na para bang hindi aiya sanay sa ginagawa. "Okay, is this about earlier? Hindi ko kayang manahimik na lang tuwing hinahawakan at hinahalikan ka ng iba," may pagsusumamong sinabi nito ngunit hindi pa rin ako nagsalita Paanong hindi niya nahahalata kung saan ako naiinis. Sa bibig niya pa mismo nagmula ang mga katagang iyon na mas lalo kong ikinaiinis. Ipinagmamayabang niya na marami siyang babae samantalang gusto niya na akong iuwi aa mansion nila? At bakit ako naiinis ngayon? May karapatan ba ako? Ang dami kong gustong sabihin pero nanatili akong tahimik at hindi nagsasalita. Kinabig ko lang ang kamay nito sa aking baba at tinalikuran siya Hindi pa nakakalayo ay hinawakan na nito ang aking kamay bago ako hinawakan sa bewang. Halos magkalapit na naman kaming dalawa pero hindi ko ipinahalata ang kaba na namang nararamdam sa aking dibdib. His right hand is in my waist while his left is slowly moving down from my arms to my waist. Ang dalawang kamay nito ay nasa bewang ko na. Mas lalo ako nitong inilapit sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi humawak sa kaniyang dibdib para magkaroon kami ng espasyo sa isa't isa.  He is scaring me whenever his near like this. I don't know of what I am feeling right now is just nervous or something I still can't explain. "May nagawa ba ako sayo na hindi mo nagustuhan?" frustrated nitong sabi. Ang kilay nito ay magkasalubong na dahil sa inaasal ko sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan. Tutal ay marami ka namang babae diba? Bakit hindi sila ang hawakan mo?" naiinis ko sinabi sa kaniya "What? Wala akong babae. Ikaw lang ang dinala ko sa mansion. Ikaw lang rin ang ipinakilala ko kay Don" malambing na sinabi nito ngunit magkasalubong pa rin ang mga kilay "Talaga lang, ah. Kaya pala lahat ng babae ni Leon ay sayo nagpupunta. Siguro totoo na pati yung sekretarya mo ay babae mo rin!" napataas na ang boses ko sa inis. Wala na akong pakialam ngayon kung may nakatingin ba sa aming dalawa "Dapat ay hindi na lang ako ang isinama mo rito!" dagdag ko pa. Nararamdaman ko na rin ang mga tinginan ng nasa paligid dahil sa pagtaas ng aking boses He look down because of what I said. I heard his silent curses before he look back to me with tenderness. He licked his lower lips and hide his smile. "Wala akong ibang babae. Babae iyon ni Leon at hindi ko naman pinapansin. Hindi ko rin babae ang sekretarya ko," he said in soft voice Napanguso lang ako sa sinabi niya. Naiinis pa rin ako pero natutupok iyon ng malalambing na salita ni Marcus "You're not mad at me anymore? Hmm?" tumango lang ako sa sinabi nito. He chuckled before he kissed my forehead, "Hindi ko alam na selosa ka pala" Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi nito. "Hindi ako nagseselos!" pilit ko pa. Tumawa lang ito, "Let's go. I'm gonna show you something." Hinila na ako nito papunta kay Lucho at hinawakan ang aking bewang para isakay "Saan tayo pupunta?" tanong ko naman sa kaniya. Mukhang hindi pa niya ako iuuwi "You'll know it later," he simply said Umakyat na siya at naupo sa likod ko. Hinawakan niya ang tali at humiyaw na para maandarin si Lucho. Tinahak namin ang daan paalis sa mansion nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD