ROSH
Naglibot pa kami nila Rosh at Ricko. Maraming nakatingin sa amin habang naglalakad, siguro dahil na rin sa dalawang lalaki na kasama ko.
Agaw pansin din kasi si Ricko. Kasing tangkad ito ni Rosh pero mas mapusyaw ang balat kung ikukumpara. Singkit din ito at brown naman ang kulay nang mga mata. Matangos ang ilong at mapula ang labi. Mas ikingwapo siguro nito ay ang man bun na buhok.
Kung titignan ang dalawa ay mapapansin mo na agad na lapitin ito ng mga babae. Kahit nga ngayon na naglalakad kami sa mall ay may mga babae pa rin na nagbubulungan at halatang gustong malaman ang pangalan nitong dalawa.
Hinila naman ako ni Rosh papasok sa isang Shoes and Sandals boutique kaya ang nangyari ay nahila ko rin si Ricko. Nakaangkla kasi ang kamay ko sa braso nito. Siya ang gumawa nito para daw alam nang mga lalaking makakakita sa akin na kasama ko sila
"Choose everything you want and I'll buy it for you" sabi ni Rosh pagpasok namin sa boutique
"Ako rin ibibili kita" singit ni Ricko at tumitingin sa mga nakadisplay na sapatos at sandals
"Ang epal mo. Maghanap ka nang sayo" naiinis na sabi naman ni Rosh sa kapatid. Mas matanda si Rosh kesa kay Ricko.
"Gusto ko rin ibili si mara ng sapatos bakit ba" pang-aasar pa ni Ricko. Kinuha naman nito ang isang Fila white shoes at iniabot sa akin
"Isukat mo, tingin ko ay bagay sayo iyan" kinuha ko ang sapatos. Maganda nga ang sapatos. Kulay puti ito na may halong black. Hindi rin ito ganon kalaki tignan kaya maganda ito para sa akin
Sinukat ko ang sapatos pero malaki ito sa akin kaya nagpakuha si Ricko nang mas maliit na sukat. Nagulat naman ako nang makita si Rosh na nakaluhod sa harapan ko. Inilapag nito sa tabi ko ang isang heels. It is a glitter stiletto pumps with flowers in its back heels
Hinawakan naman nito ang aking paa at isinuot ang heels na napili. "Can you walk with me, milady" inilahad niya ang kamay sa akin. Tumawa naman ako dahil formal pa itong yumuko na parang nag-aayang sumayaw.
Inilahad ko ang aking kamay at inalalayan ako ni Rosh na maglakad papunta sa isang whole body mirror. Tinitigan ko ang aking mga paa, bagay sa akin ang napili ni Rosh. Umikot pa ako para subukan kung kumportable ba itong gamitin
"You're gorgeous" Rosh whispers. Tinignan ko naman ito sa salamin at nakatingin ito sa akin at hindi sa paa ko. Nakangiti ito na parang natutuwa na makita ang kanyang nakababatang kapatid na babae
"Indeed" I heard Ricko. Tinignan ko rin ito sa salamin at naabutan na nakatingin din sa akin. Nasa likod lang pala namin ito nakatayo.
Nakikita ko sa ekspresyon ng mukha nila na gusto talaga nilang magkaroon ng kapatid na babae. Dahil sa wala silang kapatid na babae, sa akin na lang nila ibinubuhos ang atensyon.
Maswerte ang magiging nobya nilang dalawa. Mukha silang mapaglaro sa babae pero alam ko rin na marunong silang rumespeto at itrato ng tama ang mga kababaihan.
Sa huli ay dalawa na ang binili. Ang sapatos na napili ni Ricko at ang sandals na napili naman ni Rosh. Hindi kasi magpatalo ang isa kaya wala na akong nagawa kundi ang piliin pareho. Magagamit ko naman ito sa iba't ibang okasyon.
Pagkatapos bumili ng kung ano ay kumain naman kami sa isang seafood restaurant. Masarap ang putahe nila. Hindi naman ako nahirapan kumain ng hipon dahil ipinagbabalat ako ni Rosh
Rosh is so thoughtful. The fact that we only met earlier, he's been so caring and sweet to me already. Hindi na rin ako nakakaramdam ng ilang kapag kasama sila.
Tapos na kami kumain, natawa pa ako kay Ricko dahil nakipag-agawan pa ng scallops kay Rosh.
Hindi na kami nagtagal sa mall pagkatapos namin kumain dahil pasado alas nueve na rin. Umuwi na kami at katulad kanina ay kasabay ko ulit si Rosh sa sasakyan
"Nag-enjoy ka ba?" bakas aa mukha nito hanggang ngayon ang saya
"Sobra!" malakas ko namang sagot. Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko kasi naranasan kay mama na bigyan ako ng atensyon kaya ngayon na sila Rosh ang nagbibigay hindi ko maitago ang tuwa.
Nakarating kami sa mansion alas dies na nang gabi. Pinagbuksan muli ako ni Rosh ng pintuan. Si Ricko naman ang may bitbit lahat ng pinamili, nasa loob na ito at iniakyat na sa kwarto ko
"Salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, Rosh" niyakap ko naman ito nang mahigpit. Pinipigilan ko ang maiyak sa saya, sana lagi na lang silang nandito.
Niyakap naman ako pabalik ni Rosh ng mahigpit bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Nasa pintuan kami ngayon ng mansion. Walang ilaw sa labas kaya madilim sa parte namin
Napahiwalay na lang ako nang marinig ang malakas na kalabog ng sasakyan. Tinignan ko ito at nakitang sasakyan ito ni Marcus pero paalis na. Hahabulin ko pa sana pero hinawakan ni Rosh ang braso ko
"Huwag mo na habulin, Amara. Gabi na" i stared at him and saw his playful eyes. Parang kilala nito si Marcus.
Tumango na lang ako at pumasok na sa loob. Hindi na rin kasi lumabas si Ricko, dumeretso na siguro sa silid nila para magpahinga
Dahil sa pagod ay maaga akong nagpahinga. Pagod man ako ngayon, masaya naman. Yung lungkot na naradama ko nitong nakaraan ay napawi.
Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan "Amara, wake up. You'll be late in school" it was Ricko
Bumangon na ako at nag-ayos para pumasok. Pagdating ko sa hapag ay nandoon na ang dalawa kasama si lola, "Nag-enjoy ka naman ba kahapon kasama ang dalawang ito apo?," tanong ni lola
"Sobra lola. Napakakulit rin po nilang kasama," sabi ko habang tumatawa
"Ito kasing si Ricko, lola. Lahat na lang ng bilhin ko kay Amara nakikisali," pagmamaktol ni Rosh
"Ikaw lang ba ang pwedeng gumawa non kay Amara?," Ricko arched his eyebrows at him. Rosh didn't say anything back.
"Huwag na kayong magpaligsahan kay Amara. Ingatan ninyo pareho at irespeto ang nag-iisang anak ni Arturo," nakangiting sabi ni lola sa dalawa
"Of course, she is the princess of Roque. No one will dare to hurt her as long as we are here," si Rosh. Si Ricko naman ay tumango lang dahil puno ang bibig ng pagkain. Mukha rin pagod pa ang lalaki. Kauuwi lang nila kahapon galing sa states, kahit na may jetlag ay nag-aya na sila magmall.
Si Ricko ngayon ang naghatid sa akin. Nagtalo pa ang dalawa kung sino ang maghahatid sa akin sa school. Nagdahilan naman si Ricko na si Rosh na ang kasabay ko kahapon kaya siya na ang maghahatid. Sinang-ayunan ito ni Rosh pero siya daw ang susundo.
Ewan ko ba sa dalawang ito pero masarap sa pakiramdam na mabigyan ng atensyon galing sa pamilya.
"Bukas na ang alis namin ni Rosh. Kung may gusto kang ipabili sa maynila, tawagan mo lang kami," Ricko said while driving. "Kung may kailangan ka hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka dito," he continued
"Salamat sa inyong dalawa dahil sa mainit na pagtanggap. Kahit na ngayon ninyo pa lang ako nakita," ngumiti ako sa kanya bago ibibalik ang tingin sa labas ng bintana
"Hindi ito ang una nating pagkikita, Amara," napalingon ako sa sinabi nito. Nagkita na ba kami noon? Wala akong maalala na nakita ko na sila
"You were a baby back then. Tuwang tuwa ang angkan ng Roque dahil may babae na sa pamilya pero dahil sa nangyari kay tito arthur, inilayo ka ni tita kriela sa amin. Dinala ka nito sa maynila. Walang nagawa si lola, napagdesisyunan din naman nila dad na sa ibang bansa mamuhay," mahabang paliwanag nito
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakita na nila ako dati pa lang. Kung ganoon sila ang kasama ni papa sa picture. Yung dalawang bata at kasamang kasing edad ni papa
"Kung ganoon ay kayo ang dalawang bata na nasa picture?," gulat ko pa rin sabi kay Ricko
"Ang tinutukoy mo ba ay ang kasama namin sila Tito arthur at Dad?" tumango ako sa sinabi ni Ricko
"Yes, kami iyon ni Rosh," he looked at me for a second while driving.
"Akala ko sila Marcus iyon at Leon"
"You know the De Mariano brothers?," kunot noo na tanong sa akin ni Ricko
"Uhm-hmm. Si Leon ay kaschoolmate ko, si M-marcus naman ay... Kaibigan ko?," I stuttered. The last words came out as a question becauseI really don't know what am I in his life.
"I sensed something about you and Marcus. Be careful with him baby," malambing na sinabi nito sa akin.
Nakarating naman kami sa school. Nadatnan ko sa labas si Leah. Nilapitan ko naman ito pero may sinisilip ito sa likod ko
"Hoy! Anong sinisilip mo diyan?," sinabi ko habang tinitignan rin kung sino ang sinisilip niya sa likuran
"Si Rosh ba ang naghatid sayo," namumula ang kanyang pisngi na para bang nahihiya pang magtanong. Tinaasan ko naman ito ng kilay at mapanuksong nginitian nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng mga galaw nito
"Pumasok ka ba ng maaga para lang hanapin si Rosh?," nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa akin bago umiling. Napakadefensive naman niya
Tumawa ako at inakbayan na ito para pumasok sa loob. "Si Ricko ang naghatid sa akin hindi si Rosh," nakangiti kong sabi habang naglalakad na papunta sa building namin
"Ganoon ba," malungkot naman ang boses ni Leah
"Gusto mo si Rosh?" ang mapupulang pisngi nito ay mas lalong namula pati ang tenga at ang leeg ay namula na rin
"Pumunta ka sa bahay bukas kung gusto mo siyang makita. Aalis na sila bukas e," sabi ko.
Tumango lang ito at nahihiya pa. "Siya nga pala, nagpunta ako sa inyo kahapon para hanapin ka pero umalis raw kayong tatlo. Nagpunta rin sa inyo si Sir Marcus, nakailang balik"
"Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa opisina niya," sabi ko naman. Hindi naman siguro ito nagalit dahil hindi ako sumipot kahit na inaasahan na ako nito. Maiintindihan naman siguro niya ang paliwanag ko.
Mabilis na nagsimula ang klase at natapos. Nagmamadali na akong bumaba para magpahatid kay Rosh sa opisina ni Marcus. Pero hindi si Rosh ang naabutan ko kundi si Mang rodolfo. May iniutos daw si lola sa dalawa kaya hindi ako masusundo
Hindi na ako umuwi para magpalit ng damit at nagpaderetso na kay Marcus. Maayos naman ang uniporme ko at mabango pa rin naman ako. Pumasok na ako sa opisina nito at nadatnan itong kunot noong nagbabasa ng mga papeles.
"Hi," I said in soft voice. Tumingin naman ito at ang kunot noo ay napalitan ng malamig na mga titig. Mukhang hindi maganda ang mood nito ngayon. Ramdam ko na ito, pagpasok pa lang sa building. Tahimik ang mga tauhan at tutok sa ginagawa.
"What are you doing here?," he said before he go back to what he is doing. I can sense his coldness against me
"I'm sorry, may ginawa kasi ako kahapon," pagpapaliwanag ko. He sighed heavily before putting down all the papers he is reading. Naupo naman ako sa sofa, naiilang akong lumapit sa kaniya ngayon na galit ito.
"You've been busy yesterday flirting with your boys. Its okay you don't have to explain," his angry voice sent shivers down to my spine
"What are you talking about? I don't have boys," a bit offended upon hearing what he said
"I saw you yesterday. You letting your damn boys hug and kissed you," he smirk but the anger and coldness is still visible in his eyes
Mukhang alam ko na ang tinutukoy nito na lalaki. Si Rosh ang nakita niya na kasama ko kagabi. Ibig sabihin ay hindi ako dinadaya ng aking paningin noong nakita ko ang sasakyan nito na paalis sa mansion.
"Well, I can't help it. He is too handsome to ignore" sinabi ko habang pinipigilan ang aking tawa
"f**k," I heard him cursed silently. Parang sasabog na ang tenga ko sa pagpipigil kaya natawa na ako sa reaksyon niya
"You like teasing me huh," sinabi niya habang nakatingin sa akin. May lamig pa rin sa mga mata nito.
"T-that was Rosh, Marcus" nahihirapan kong sabi dahil sa pagtawa. Tinignan ko naman ang reaksiyon nito at nakita ko na nagulat ito pero iritado pa rin
"Rosh is here?" he hissed. Tumango lang ako bilang pagsagot sa kaniya. Pinunasan ko naman ang aking mata dahil sa luhang lumabas sa pagtawa
"Don't do that again, hugging and kissing other boys around," he said in soft voice but his forehead is still creased
"Did you get jealous because of Rosh," I heard him cursed. He closed his eyes tight while his lips are pressed together.
"So, all along it was Rosh I've been killing in my mind," he whispers. Nakahawak ito ngayon sa kaniya sentido at hinihilot ito na para bang sumakit ang ulo sa nalaman.
He sighed heavily before he stood up and get his suit. He is wearing a white button down polo and a black suit. The first two buttons are open. He is more formal now than before. I wonder why
"Where are you going?," tanong ko dahil nagligpit na ito ng gamit. Itinabi na rin ang mga papeles na hindi ko sigurado kung binasa nga niya
"Don Julio want me in the mansion right now, you're going with me," he said
I got nervous when I realized that Marcus invited me in their mansion. Now, I am going to meet the Don of the DE MARIANO family.