CREEPY
Maaga akong nagising ngayon kaya maaga rin akong nakapag-ayos. Pababa pa lang ako nang hagdan ay makikitang maraming kasambahay ang aligaga sa paglilinis. Hindi naman sila ganito maglinis tuwing umaga at hindi rin ganito karami ang gumagawa.
Nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko ang mga kasambahay na nagluluto nang iba't ibang putaheng ulam.
"Ate, sino pong may birthday ngayon?" tanong ko sa kasambahay na nagluluto
"Dadating daw po ang mga señorito galing sa ibang bansa kaya ipinahanda nang lola ninyo ang mga paboritong ulam ng mga ito" Cordon Bleu ang ginagawa nito ngayon.
Natatakam naman ako pero kailangan ko na pumasok dahil baka malate ako ngayon. Nagtungo na ako sa sala at nakita si lolang umiinom ng tsaa. Nilapitan ko naman ito at nagmano. Ibinaba muna nito ang tsaa bago iniabot ang kanyang kamay.
"Dadating ang mga pinsan mo mamaya galing sa states, ipakikilala kita" bakas sa mukha ni lola ang saya. Siguro dahil na rin sa matagal na walang bisita dito sa mansion
"Sige po, lola. Uuwi po ako kaagad" Hindi na ako naupo at umalis na rin kalaunan.
Sakto lang ang dating ko sa una kong klase. Nadatnan ko ang isang rosas sa aking mesa. Ilang araw na rin laging may nag-iiwan ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa ko at hindi ko alam kung sino ang nagbibigay. Tinatanong ko ang ibang katabi ko pero hindi rin daw nila alam.
Katulad dati ay ilalagay ko lang ito sa akinh bag para wala nang ibang makakita. Baka machismis na naman ako dahil lang sa rosas na ito.
May kinse minutos pa bago dumating ang Prof. Napansin ko naman ang president ng klase na nagpunta sa gitna. Mukhang may iaannounce itong importanteng gagawin ngayon
"Guys, makinig muna kayo" sigaw nito para makuha ang atensyon ng mga kaklase kong may kanya-kanyang mundo
Tumahimik naman ang lahat at nakinig sa sasabihin nang president "Wala ngayon si Ma'am Magdalas kaya nag-iwan s'ya nang gagawin para sa buong oras. Project natin ito na ipapasa sa pagkatapos ng exam natin"
Sa ikalawang linggo na kasi ang exam namin para sa buong first sem. Pagkatapos mag-exam magkakaroon ng foundation day bago pa ang sembreak. Mabilis lang lumipas ang panahon ko dito sa Lalia. Ilang buwan na lang at second sem na ulit.
"Pairings daw ito. Kailangan maghanap ng isang business. There are three things needed para sa paper na ipapasa. Nature of the business, How it started and what is the secret of their business" patuloy na paliwanag sa harap. Mukhang mahihirapan akong makahanap ng kagrupo.
Hindi kasi ako pinapansin nang karamihan sa kaklase ko dahil na rin aa kumakalat na balita sa amin ni Leon at dumagdag pa si Luis. Hindi ko na naman nakita ang lalaking 'yon simula nung practice game
Nagsimula nang pumili ang mga kaklase ko ng kagrupo nila sa gagawing project. Ang iba ay tuwang tuwa sa binigay na gawain pero ang iba naman ay hindi.
"Mara, may kagrupo ka na ba?" Nilingon ko ang nagtanong sa akin. Nakita ko si bradley nagkakamot ng kanyang ulo na para bang nahihiya sa paglapit sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya
Hindi ko inaasahan na aayain ako nitong maging kagrupo nya. Umupo ito sa aking tabi bago inilahad ang kanyang kamay. Tinaggap ko ito at nakipag kamay sa kanya
"Bradley Ricoson" pagpapakilala nya. Kilala ko na naman sya pero hindi kami nag-uusap, ngayon lang. May lumapit namang mga kaibigang lalaki sa kanya
"Wag kang maniwala dito kay bradley, Mara. Pa-fall 'to" asar sa kanya ng kaibigan. Nakangiti namang tinutulak paalis ni bradley ang mga kaibigan
"Doon na nga kayo, masyado kayong magulo" nagtawanan naman ang kaibigan sa sinabi ni bradley. Tinapik lang naman nila ang balikat ni bradley na parang nagbibigay ng lakas ng loob sa lalaki
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, mapang-asar talaga ang mga iyon" ngumiti lang ako sa sinabi nito
"Bakit hindi na lang sila yung pinili mo?" tanong ko. May mga kaibigan naman s'ya bakit hindi iyon ang pinili n'ya.
"Huh? Ah... Wala kasi kaming magagawa kung kami rin ang mga magkakasama sa proyekto" pagdadahilan nito
"Sige, pag-usapan na lang natin ang gagawin kapag tapos na tayong mag-exam"
Tumango lang ito bago umalis. Nakita ko naman itong lumapit ulit sa mga kaibigan at nakipag-apiran bago sila nagtawanan lahat
Hindi ko na lang pinansin pa si bradley. Natapos ang oras ng klase ko para sa umagang iyon. Recess na kaya nagpunta na ako sa canteen
Himala na wala masyadong tao sa canteen. Kadalasan kasi kapag ganitong oras ay marami ang naglalagi sa canteen. Bumili na ako ng sandwich dahil maraming inihanda si lola sa mansion kaya doon na lamang ako kakain ng kanin.
Wala pang ilang minuto akong nakain ay may umupo na naman sa harap ko. Nagulat ako nang mapagtanto kung sino ang lalaking umupo
Si luis. Bibit ang kanyang pagkain ay prente itong naupo sa mesa ko. Tinignan ko naman ang paligid dahil baka marami na namang nakatingin sa akin. Salamat naman at wala pa rin masyadong tao kaya hindi kami pansinin ng ibang nakain din sa canteen
"Hi" he smile widely at me. Magaan na itong makipag-usap sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala kahit na pangalawang pagkikita pa lang namin ito.
Hindi rin ito nagpaalam kung okay ba sa akin na maupo sya sa mesa ko. I mean madami namang bakanteng upuan na pwede nyang upuan
"Hello" I simply said. Hindi ko na sya pinansin at itinuloy na lang ang pagkain. Nagsimula na rin naman syang kumain
"Balita ko nililigawan ka daw ni bradley ah" muntik na akong masamid sa sinabi nya. Anong nililigawan? Kanina lang kami nag-usap
"Hindi s'ya nanliligaw" sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang bibig. Itinuon naman nito ang kanyang atensyon sa akin
"Nakita daw kayong magkausap sa room kanina" sabi nito sa malamig at seryosong tono. Kita sa mga mata nito ang galit na pinipigilan
"Unang beses namin mag-usap kanina"
"Mabuti naman, akala ko nililigawan ka na nung lalaking iyon" bumalik naman ang ngiti at aliwalas sa mukha nito
"Kung nanliligaw man ako ni bradley, labas ka na doon" hindi ko nagustuhan kung paano ito magtanong sa pribado kong buhay. Para syang boyfriend kung umasta kanina at hindi iyon maganda
"Manliligaw mo na ako, kaya hindi ka na dapat magpaligaw pa sa iba" prenteng sabi nito habang umiinom ng tubig
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Kelan ko pa sya pinayagang manligaw? Unang beses pa lang kaming nag-usap sa gym tapos ganito na sya umasta.
"Hindi ako nagpapaligaw sayo, Luis. Walang nanliligaw sa akin. Kahit na ikaw" he smiled creepily
"Ilang araw mo nang tinatanggap ang rosas ko ngayon ka pa ba hihindi" sabi nya sa mayabang na tono
Hindi ko alam na sa kanya pala galing ang rosas. Kinuha ko ito sa bag at ibinalik sa kanya. Nagulat naman ito sa ginawa ko "Ayan na, ibinabalik ko na"
"Sayo na yan, sa ayaw at gusto mo liligawan kita" ngumiti naman ito at hinawakan ang aking mga kamay. Pilit ko namang binawi pero masyado itong malakas
"Bigyan mo ako ng pagkakataon, Mara. Hindu kita sasaktan pangako ko iyan. Ibibigay ko ang lahat sayo. I'll give you my properties even my family's company ibibigay ko sayo" sabi nito habang hinahalikan ang kamay ko.
Para na itong nababaliw, natatakot ako sa kanya ngayon. Ibang iba siya nung una kaming magkita. Pinilit kong higitin ang aking mga kamay sa kanya at nagawa ko naman.
Taranta kong isinuot ang bag sa balikat bago tumayo. "Where are you going, Mara? We're still talking" he hold me in the arms then laughed
"I'm just joking, don't be scared" sabi pa nito bago tuluyang tumawa. Hindi ako natutuwa kung nagbibiro man siya. Hindi magandang biro ang ginawa niya
"But the red roses are true" bumalik na sa dati ang tingin niya sa akin. Yung tingin niya noong unang beses kaming magkita. Ngumiti na rin ito nang matino. Ibang iba ang mukha niya ngayon kesa kanina
"O-okay, let go of off me. I still have a class" binitawan naman nito ang braso ko. Tinignan ko ito at nakita ang bakat ng mga kamay niya. Hinawakan ko ang braso ko bago ibinalik sa kanya ang tingin. Ganoon pa rin ang reaksyon nito parang hindi gagawa nang masama
"Sure, don't get near bradley" he said in threatening voice but with a smile in his face
I nodded. Umalis na ako sa canteen at dumeretso na sa huling klase ko. Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko dahil sa ginawa ni luis.
Hindi namab siya ganon nung nagkita kami sa gym. Siguro nga ay nagbibiro lang siya pero hindu magandang biro iyon.
Nawala na rin sa isip ko ang ginawa ni luis nang dumating ang huli kong prof para sa araw na ito. Nagturo lang naman ito at nagbigay ng activities para malaman kung may naintindihan kami sa tinuro niya.
Pag-uwi ko naman ay naabutan ko ang mga dalawang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng mansion
"Dumating na ho ba ang mga pinsan ko?" tanong ko kay mang rodolfo
"Oo, mara. Dalawa lang ang dumating dahil ang isa ay dumeretso na sa maynila. Rinig ko ay may aasikasuhing negosyo doon"
Bumaba na ako nang sasakyan sa sinabi ni mang rodolfo. Pagpasok ko pa lang sa loob ay naririnig ko na ang mga boses ng lalaki. Nasa hapag siguro sila nila lola.
Nagtungo muna ako sa aking silid para mabilis na magpalit ng damit. Nakakahiya naman kung dederetso ako doon na hindi pa nagpapalit
Naabutan ko si lola na nakikipagtawanan sa dalawang lalaki. Napansin naman ako ng isa kaya tumayo ito "You must be, Mara right?" he asked
"Ophelia Amara" I said then stretch my hand for a handahake. Ngayon ko lang nakita ang lalaki pati na ang katabi nito
"Rosh" sabi naman nito at tinaggap ang pakikipagkamay ko
"Ricko" at ito naman ang naglahad ng kamay sa akin at naupo na. Ganoon din ang ginawa ko. Akala ko abg maaabutan ko dito ay mga babaeng pinsan ko. Sila pala
"Apo, tatlong araw lang dito ang mga pinsan mo dahil uuwi na rin sila sa maynila. Nauna na ang panganay kaya hindi mo na nakita" paliwanag ni lola
"Gusto ko sana na magkasama sama muna kayong tatlo" suggestion ni lola.
"Lola, wala po ba darating ngayon na pinsan kong babae?" tanong ko. Akala ko kasi talaga meron akong makakasamang babae dito sa mansion pag-uwi
"Ikaw lang ang babae sa magpipinsan" sinabi naman ni rosh
Tinitigan ko ang lalaki. May dugong bughaw ito. Masasabing roque dahil may hawig kay papa. Siguro magkahawig lang din si tito at si papa kaya ganoon. May pagkasingkit at itim ang mga mata nito. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. Fair skin ang kulay ng balat at hanggang tainga lang ako sa tangkad nito
"You are the only princess of Roque Family. Don't worry we will treat you like one" Ricko smiles sweetly at me
Natapos kami kumain at nagtungo na sa sala. Nagkakamustahan silang tatlo. Hindi naman ako makasingit dahil hindi ko naman alam ang sasabihin
"Lola, aalis lang po kami. Isasama po sana namin si Amara sa Mall" biglang sabi ni Rosh. Napansin ata ni Rosh ang pagkabigla ko sa sinabi kaya ngumiti ito sa akin
"Maganda nga iyan mga apo para na rin magkakilala kayong tatlo"
Tumayo na ang dalawa para umalis "Sandali, magpapalit lang ako ng damit" natatarantang tumayo na rin ako. Black spaghetti sando lang ang suot ko at maong shorts
Hinubad naman ni Rosh ang kanyang jacket at inabot sa akin "Isuot mo, wag ka na magpalit. Kasama mo naman kaming dalawa"
Napangiti ako sa sinabi ni Rosh. Somehow I felt like I am protected by someone. Marcus came across my mind. Ganito rin ang nararamdaman ko kapag kasama siya. Pero mas malalim pa dito.
Bigla ko namang naalala ang usapan namin ni Marcus kagabi. Baka mag-antay sa akin yung tao. Pero hindi ko rin naman pwedeng tanggihan sila Rosh.
Sa huli ay nagpasya rin akong sumama kila Rosh, maiintindihan naman siguro ako ni Marcus.
Sumabay ako kay Rosh at nag-iisa naman si Ricko sa sasakyan niya. Magkasunod lang ang dalawa, nauuna si Ricko.
"Masaya akong nakilala kita. Walang babae aa angkan nang mga Roque, kaya noong sinabi ni lola na uuwi ka na daw sa mansion natuwa ako. Gusto ko talagang magkaroon nang babaeng kapatid pero hindi pinalad" kwento nito habang nagmamaneho
Natuwa ako sa sinabi nito. Akala ko magiging awkward ang pagsasama namin pero hindi pala. Hindi ko alam pero nakakatuwa na malaman na may mga tao pa rin na natutuwa sa presensya ko
"Huwag kang lalayo sa amin ni Ricko. Baka mabastos ka sa mall. Ayos lang sa akin yung suot mo, walang mali doon. Pero 'wag ka lang lalayo sa amin"
"Oo naman. Unang beses ko rin makakarating sa mall dito kaya hindi ko pa alam ang pasikot sikot"
Ilang oras lang ay nakarating na din kami sa mall. Pinagbuksan naman ako ni Rosh ng pintuan habang nag-aantay naman sa amin si Ricko sa loob.
Pagpasok namin ay sinalubong naman kami ni Ricko. Nasa magkabilang gilid ko ang mga ito habang nakaakbay naman sa balikat ko si Rosh.
Una namin pinuntahan ay ang boutique ng mga pabango.
"Amuyin mo Mara" inamoy ko naman ang pulsuhan ni Rosh at nalukot ang mukha ko sa tapang ng pabango
"Ang tapang, Rosh" inilayo ko ang kamay nito dahil naaamoy ko pa rin ang pabango
"Ito?" inilapit naman sa akin ni Ricko kanyang kamay at ipinaamoy ang likod ng palad nito
"Mabango ito, sakto lang ang amoy pero bagay sa lalaki" komento ko naman
"Okay, ito na lang ang akin" sabi ni Ricko at naglibot pa
"Akin na lang yan, Ricko" si Rosh na pilit inaagaw ang pabango na napili ni Ricko
"Kumuha ka nung sayo, napili na sa akin ito ni Mara" sabi naman ni Ricko at lumayo para hindi makuha ni Rosh ang pabango
"Ako rin, Mara. Ipili mo ako nang mabango" sabi ni Rosh na parang nalamangan na bata
Natawa ako sa reaksyon ni Rosh. Para itong bata. Nakakatuwa silang pareho. Parang matagal na nila akong kakilala kung umasta sila sa akin.