AKIN KA LANG Paglabas ko ay naabutan ko si Marcus na kausap ang nakayuko na si Rex. Inabot nang bodyguard ang susi ng sasakyan kay Marcus. "You only had one job. Damn it!..." rinig ko ang pigil na galit sa boses ni Marcus paglapit ko. "Marcus...i-its my fault I'm sorry.." halos pumiyok ako sa pagsasalita para lang pigilan ang panginginig ng boses ko. Kinurot ko ang aking mga daliri at napayuko nang bigla niya akong lingunin. Hindi ko kayang tapatan ang nag-aalab niyang mga tingin. "Sakay..," sabi niya sa malamig na boses bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Sa sobrang kaba ko sa galit niya ay agad na rin akong pumasok. Mabilis naman siyang umikot at may sinabi pa kay Rex bago pumasok sa sasakyan at pinaandar. "Ahm...s-si L-Leah..." I ask softly, scared that I might trigger hi

