HELP "Good morning, Sir..." bati ng mga empleyado habang nasa elevator kami. Simula nang umapak ako sa lobby ay hindi na maalis alis sa akin ang tingin ng mga empleyado. Lahat ay naiintriga kung bakit halos araw-araw ay kasabay ko sa pagpasok ang lalaking nasa tabi ko. De Mariano's don't use normal elevators. They have their own elevator exclusive only for them and for their valued guest. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit agaw pansin kaming dalawa. "You didn't have your breakfast..." he whispered. I remained silent even though I can already feel the heat of stares at my back. Ang bulong na iyon ay para sa akin pero sa sitwasyon namin ngayon na sobrang tahimik ay nagmistulang para sa lahat. Nang makarating sa palapag kung saan ako dapat lumabas ay agad na akong naglakad patu

