EXCUSE
"Where are we going?" sinusundan ko lang si Marcus sa paglalakad dahil sya naman ang nagdesisyon kung saan kakain
"We're going to eat" huminto kami sa tapat nang isang karinderya. Hindi gaano kalaki ang pwesto at maraming mga trahabador sa bayan ang kumakain
"Oh Marcus, nandyan ka pala. Umupo ka na dito" isang babae ang nagsalita mula sa loob. Nasa late 50's ang itsura ng babae
Napatingin naman ako sa mesa na itinuro noong babae. Nasa unahan ito ng mesa kung saan nakalagay ang mga ulam. Pinagmasdan ko rin ang mga paligid, siguro masarap yung pagkain dito kasi kumpara sa ibang karinderya na nagtitinda rin ay mas maraming nakain dito.
Pumasok na kami ni Marcus at naupo. Ayos lang naman sa akin na kumain dito hindi lang ako sanay sa ganito kadaming tao.
"Hindi ka pa ba nakakakain sa ganito?" tanong ni Marcus sa akin
"Nakakain na naman na. Hindi lang sanay sa ganito karaming tao" sagot ko habang naiiilang na tumitingin sa paligid
Lumapit na naman sa amin ang babae at naglapag ng sabaw sa mesa at mga kutsara't tinidor. Tinikman ko naman agad ang sabaw. Kung may isa siguro akong lagging hinahanap sa karinderya, ito ay ang sabaw nila.
"Hmm" napapatango pa ako nung matikman ito. "Masarap po!" tumingin ako sa babae at ngumiti.
"Nako po salamat at nagustuhan mo iha, akala ko pa naman ay hindi ka nakain sa ganito" sagot naman nito
"Kumakain din naman po ako sa ganito noong nasa maynila pa ako" I look at Marcus and saw him surpressing a smile. Mabilis namang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito nang matanto na nakatingin ako sa kanya.
He cleared his throat "The usual 'nay Linda" sinabi naman niya sa babae.
Linda pala ang pangalan nya. Mukha naman itong mabait at palangiti sa mga customer nya.
"Sa akin naman po ay sinangang, lechon kawali, lumpia at extrang sabaw" binanggit ko lahat ng gusto kong kainin.
Ngumiti lang si 'nay linda at umalis na para ihanda ang mga inorder namin.
"Anong inoorder mo rito lagi?" tinanong ko si Marcus pagkaalis ni 'nay linda. Ibig sabihin madalas sya magpunta sa bayan at kumain dito sa karenderya.
"Kare-Kare" simpleng sabi nito.
I cringed. Don't get me wrong, I don't hate kare-kare it's just that...
"Why? You don't like kare-kare?" nahalata siguro ni Marcus sa itsura ko ang hindi pagkagusto sa kare-kare.
"Ah hindi naman" sagot ko nalang kay Marcus. Sakto naman na dumating na yung mga inorder namin at tahimik na kumain.
Hindi kami nag-uusap habang kumakain, hindi na rin naman ako nag-abala na tanungin s'ya tungkol sa kung ano-ano dahil gutom na rin ako.
"Nabusog ako ah" tapos na kaming kumain at talaga namang nabusog ako. Nakakamiss din pala ang kumain sa mga karenderya.
"Let's go. Lola anista is looking for you" kanina pa itong may katext, nauna kasi itong matapos kumain sa akin. Tumayo na ito na parang nagmamadali.
"Why? Dumating na ba si lola?" uminom pa ako ng tubig at tumayo na rin.
"Wait!" sigaw ko rito dahil nakakalayo na si Marcus sa akin. Bakit ba nagmamadali 'to? Dumeretso na rin kami sa sasakyan at umuwi na.
Pasukan na at isang linggo na rin noong sumama ako kay Marcus sa bayan. Orientation pa lang naman ang magaganap sa unang araw kaya ayos lang siguro na malate.
Hindi pa rin namin nakukuha ang schedule ng klase kaya papunta kami ngayon ni leah sa registrar. "Leah, ano palang strand ang isinulat mo sa form?" ngayon ko lang naisipan tanungin kung anong strand ni leah.
"HUMMS strand ang kinuha ko, ikaw ba?" nasa tapat na kami ng registrar at salamat dahil walang pila. Mabilis lang namin makukuha ang schedule at baka makahabol pa sa orientation.
"Miss Nelia, kukuhanin po sana naming yung schedule naming pareho" ako na ang nagsalita. Mabilis naman hinanap ni Miss Nelia ang forms namin para maiprocess ang schedule ng klase.
"Magkaiba pala tayo ng kinuha. ABM ang kinuha ko" malungkot kong hinarap si leah. Panigurado na baka hindi na kami sabay pumasok at umuwi.
"Oh iha, ito na yung schedule n'yong dalawa ni leah" inabot ko na ito at ibinigay kay leah ang kanya. Naglakad na rin kami para hanapin ang kani-kaniyang classroom.
"8:00 am ang pasok ko sa umaga at 3:00 pm naman ang uwian" paliwanag ko kay leah, nagbabakasakali na pareho kami ng schedule.
"Hindi tayo parehas, Mara. Mauuna akong pumasok at mauuna rin umuwi" malungkot na sabi ni leah.
"Anong oras ang recess n'yo? Sana manlang pareho tayo"
"12:00 nn ang recess namin tuwing T-TH at wala naman tuwing M-W-F. Sa inyo ba, mara?" kung ganoon ay magkakasabay kami ni leah sa recess tuwing T-TH.
"Pareho tayo ng oras sa T-TH" masayang sabi ko sa kanya. "Sige na, Leah. Sa 4th floor ang classroom ko. Mauuna na ako"
Hindi naman ako nalate, salamat na rin dahil mukhang masungit pa naman ang adviser ko. Wala naman itong ibang sinabi kundi ang mga rules and regulations na kailangang gawin sa loob ng classroom. Ganoon din ang nagdaang mga prof naming sa iba't ibang subject.
"Okay, class dismiss" huling prof naming ito bago magrecess. Sa susunod na daw ang pagpapakilala namin sa isa't isa.
Dumeretso na ako sa canteen. Marami-rami na ang tao pero may mga bakanteng upuan pa naman. Pumila muna ako at bumili ng lunch kasi gutom na rin ako. I ordered my favorite adobo and iced black coffee of course.
Umupo ako sa pinakagilid kung saan hindi masyadong pansinin ng mga tao at nagsimula nang kumain. Hindi pa man ako nangangalhati sa kinakain ay nakarinig na ako ng maingay na grupong pumasok sa canteen.
Hindi ko pa man sila tinitignan ay alam kong grupo ito ni Leon. Bagong gupit ito at nakaclean-cut. Mukha itong matino na hindi dahil sa ahit nito sa kilay. Lumapit sila sa mga babaeng nakaupo sa gitna ng canteen.
Pansin ko na sila rin iyong babae na kasama nito noong mag-enroll kami ni leah.
"May laban daw kayo mamaya, leon ah" sabi nung isang lalaki
"Hindi naman laban, titignan kasi ni coach kung sino ang papalit sa akin bilang captain ng basketball" sagot ni leon at naupo sa tabi nang babaeng umirap sa akin dati
Captain pala si Leon ng basketball? Hindi halata sa itsura nito. Para kasing sya yung nanggugulo lang sa school at walang alam gawin.
Hindi ko na sila pinansin at tinuloy na lang ang pagkain. Medyo kulang sa asim ang adobo na ito. Mas gusto ko kasi sa adobo ang medyo maasim katulad ng timpla sa bistek tagalog.
Tumahimik ang paligid at nagkaroon ng bulong-bulungan. "Can I eat here?" tinignan ko kung sino ang nagsalita sa harap ko
Sino pa ba? Si leon. Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na ito sa harapan ko
"Hindi ko sinabing maupo ka, kaya bumalik ka na sa grupo mo" masungit na sagot ko sa kanya at tinignan ang paligid.
Nagbubulungan ang mga na sa paligid na para bang big deal ang pag-upo rito ni Leon. Napadako ang tingin ko sa grupo nito at nagtatawanan na naman ang mga lalaki.
Mukhang hindi ata magandang umupo rito si leon. Ang sama kasi ng tingin nung babae sa akin.
"Umalis ka na nga rito. Baka patayin pa ako ng girlfriend mo" humalukipkip ako at sumandal sa upuan.
"Wala akong girlfriend" maikling sagot ni leon. Seryoso itong kumakain na para bang hindi sya naaapektuhan sa nangyayari sa paligid.
"Doon ka nalang kumain sa mesa n'yo. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa akong nakabulagta rito" pagtataboy ko pa kay leon.
"I'll wait you in front of your building. May laban kami mamaya at manonood ka" tumingin na ito sa akin at bumalik na muli ang mapaglarong tingin.
Hindi ito nagtatanong kundi nagsasabi talaga na sasama ako sa ayaw ko at hindi. "Ayoko nga, tsaka anong gagawin ko doon? Baka matamaan pa akong bola"
"Walang tatama sayo na bola, sisiguraduhin ko iyon" seryoso namang sabi sa akin ni leon. "See you, later" tumayo na ito at umalis sa canteen kasunod ang grupo nya.
Tsk, para silang aso na humahabol kay leon. Pinagpatuloy ko na ang pagkain at dumeretso na sa klase.
Pinagtitinginan ako habang naglalakad at hindi ko ito gusto. Kulang nalang itago ko ang sarili ko sa bag. Kainis naman kasi si Leon, ang hilig gumawa ng eksena
"S'ya ata ang bagong girlfriend ni leon" "Break na ba sila ni Cindy" "Niloloko lang siguro ito ni leon, graduating na iyon" bulungan ng mga tao sa paligid. Akala pa ata nila nililigawan ako ni leon
Nakarating na rin ako sa classroom ng ligtas. Akala ko may hihila sa buhok ko. Pangalawang row sa pinakagilid. Katabi ko sa kanan ay ang bintana nang classroom
Saktong sampung minuto ay pumasok na ang prof namin para sa last subject. Introduction sa fundamentals of accounting ang subject namin sa kanya kaya dalawang oras ang sakop nito
"Good Morning students, I am Professor Edwin Mansala C.P.A" sulat nito sa blackboard habang ipinapakilala ang sarili
"Since it is your first day of school, let's start the class by introducing yourselves since I am seeing new faces here" ngiting sabi nito sa amin at napatingin sa akin
Marami naman ang hindi sang-ayon sa gusto ni sir pero wala na rin nagawa. Nagsimula na silang magpakilala sa sarili nila. Mukhang magkakakilala na sila dahil nagbibiruan na ang mga ito
"Next please" sinabi ni sir. Tumayo na ako at nagpunta sa harap dahil ako na ang sunod. Tumahimik ang buong klase at itinuon ang tingin sa akin. Ang iba pa ay nagbubulungan
"I am Ophelia Amara G. Roque. I transfer here for some personal reason. I hope we get along well" nahihiya kong sabi sa harap.
"Anak ka ni Sir Arthur Roque?" tanong ng isa kong kaklase
"Ahm... oo" mahinang sagot ko. Kilala pala ang Papa hanggang dito.
"Girlfriend ka ba ni leon?" sigaw pa ng isa kong kaklase. Mukhang ito ang gustong malaman ng mga ito dahil nagsitanguan naman ang karamihan.
"Ah... Hindi" alanganin ngunit seryoso kong sabi. Mukhang napansin naman ni Sir Edwin na hindi ako kumportable sa mga tinatanong ng kaklase ko
"Enough for personal questions, guys. Let's respect her privacy about her love life" tumingin naman ako kay sir na nagpapasalamat at nginitian ito.
"You may take your seat" binalik ni sir ang ngiti.
Tumayo naman na ang sumunod at bumalik na sa dati ang sigla ng classroom. Akala ko sa maynila lang uso ang mga ganoong eksena, dito rin pala
Halos tatlumpung minuto pa ang itinagal ng pagpapakilala sa harap. Nag-intro lang si Sir ng mga expected lesson na pag-aaralan namin at kung maari daw ay mag-advance reading na kami.
Nagdismiss na rin si Sir kahit wala pang alas-tres. Kaya naglabasan na ang iba para bumaba at ang iba naman ay nagkukumpulan sa railings para dumungaw sa baba.
Ano naman kaya ngayon ang pinagchichismisan nila? Inayos ko na lang ang gamit ko at bababa na agad para na rin hindi ako abutan ni leon.
"Bilisan mo nasa baba raw ng building natin si leon!" napatingin ako sa nagsabi noon. Nagmamadali ito at hinila na ang kasama nya palabas
Lumabas na rin ako at bumaba na. malamang na kauwi na si leah ngayon. Mas maaga ang uwian noon kesa sa akin.
Nakita ko si Leon na nag-aabang nga sa baba. Bitbit nito ang duffel bag na halatang naiinip na sa paghihintay.
Nagkunwari akong hindi sya nakita at deretso lang na naglakad papunta sa parking para antayin sim ang rodolfo. Pinauwi ko ito kasi sayang ang oras nya kung hihintayin pa ako nito. Sasabihan ko na lang siguro si lola tungkol rito.
"Amara" napapikit ako at napahinto sa paglalakad. Ang talas din pala ng mata nito sa gitna ng maraming estudayante
Hinarap ko ito "Sinabi ko naman na ayoko ko nga—" naputol na ang sinasabi ko dahil bigla na lang ako nitong hinila
"Sandali leon, ano ba!" pinipilit kong tanggalin ang hawak nito sa kamay ko pero mas lalo lang n'yang hinawakan ng maigi ang kamay ko. Hindi ito nagsasalita at deretso pa rin sa paglakad
"Leon, ano ba! pinagtitinginan na tayo" mahina ngunit gigil na sabi ko sa kanya.
Bigla itong huminto kaya nabunggo naman ang kalhating katawan ko sa likod nya. Hinarap ako nito na may paglalaro sa mga mata bago humarap sa mga nagbubulungan sa paligid. Di ko alam kung mga kolehiyo ito o mga highschool.
"Pasensya na sa eksena, galit kasi sa akin e" at matamis na nginitian ang tao sa paligid bago ako muling tinignan. Napanganga naman ako sa ginawa nito
"A-ano—" muli ay hinila na ako nito papunta sa gym. Hindi na ako nagsalita dahil sa takot na gumawa pa itong muli ng eksena. First day ko pa lang, jusko.
Nung wala na masyadong tao ay iwinaksi ko ang aking mga kamay at nabitawan naman ito ni leon.
Napatingin ito sa akin "If you don't want another scene, you'll come with me" he smirked at me.
Damn. Mukha namang hindi nagbibiro ang lalaki. "Baka nag-aantay na si mang rodolfo sa akin, hindi ko s'ya nasabihan" pagdadahilan ko para lang hindi makasama sa kanya
"Sinabihan ko na s'ya na umuwi na dahil manonood ka pa ng game ko" he shrugs.
Nag-isip pa ako ng pwedeng i-excuse. "Hindi alam ni lola na gagabihin ako baka mag-alala sya" sabi ko sa kanya. Sana naman gumana ang palusot ko. I cross my fingers behind my back.
"She already knew. I told lola, I will take you home after the game and she agreed" he said. "Do you have another excuse?" then he smirked like he knew that I am just creating excuses to not come with him.
Pinaningkitan ko ito ng mata. Mukhang pinaghandaan nya talaga ito. Wala naman na akong nasabi kaya tumawa na lang ito at hinigit na ako.