CHAPTER 4

2385 Words
BLACK COFFEE We arrived at the gym. Marami nang tao sa loob, sa tingin ko puro mga college students. They were cheering. Sobrang ingay nila kahit na practice game lang naman ito para sa pagpapalit ng captain. Aakyat na sana ako para maghanap ng mauupuan ng hawakan na naman ako ni leon "Ano? I'll just find a seat. Hindi naman pwedeng nakatayo lang ako diba" I rolled my eyes on him Ang hilig lang n'yang manghigit kanina pa sya. "GO LEON DE MARIANO!" sigaw naman sa kanya ng mga babae sa taas He just smiled and waved at the girl. What a flirt tss. "You're not going to sit there. You'll gonna sit next to me" "No, I'm not. Gagawa ka na naman ng eksena leon" pigil ko sa gustong mangyari ni leon "Yes, you are. You don't know anyone here except me" hindi ko talaga alam kung bakit ako napasunod sa kanya dito para manood, e. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kesa naman kaladkarin na naman nya ako diba. I sit next to him. Nasa pinakadulo kami kaya wala na akong katabi sa kaliwa Kinukuha na ngayon ni leon ang basketball jersey nya para magpalit. "Hold this for me, babe" he hands over his towel and water jug. "Babe? Gusto mong mababe yung mukha mo" ipinakita ko sa kanya ang kamao ko "Easy, babe" then he laughed. Sisinghalan ko pa sana s'ya kaso tumakbo na ito sa dressing room nila para magpalit. Hindi naman ako mahilig manood ng basketball bakit kailangan ako pa ang isama ni leon dito. Pagmamaktol ko sa isip ko. "Hi, Miss" sabi ng isang lalaki at umupo ito sa upuan ni Leon. Tinignan ko naman ito. He looked at me from head to toe. "I'm Luis Rosa, one of Leon's team and friends" he offers his hand. Kilala ko ang mukha nito. Nakikita ko s'ya sa grupong lagging nakabuntot kay leon. Mukha naman s'yang mabait. "Mara" simpleng sabi ko bago tinaggap ang kanyang kamay. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit hinawakan n'ya ito ng mahigpit "Hindi ka pa college, right?" tanong nito sa akin na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko "Luis" baritonong sabi ni leon. Oh god! Thank you he's here. Binitawan n ani luis ang kamay ko ng makitang nakalapit na si leon "What are you doing?" iritadong tanong ni leon. Tumayo na si luis at tinaas ang parehong kamay na akala mo ay hinuhuli ng pulis. "Nothing, bro. I just asked her name" pinaningkitan ni leon ang lalaki. Luis tap his shoulder and then leave. Sa akin naman ito tumingin ngayon. "I only leave for five minutes..." medyo iritado n'yang sabi sa akin. "Why are you irritated at me? Hindi naman ako ang lumapit. Besides, ikaw 'tong nanghila sa akin dito sa gym" pagtataray ko. So, kasalanan ko pa na may nagpakilala sa akin? Nagulat naman ako ng inilapit nito ang mukha n'ya sa akin. He's too close to the point that I can smell his minty breath. "Looks like my towel and jug is not enough" he whispers I blushed. Sobrang lapit nito sa akin at sigurado ako na may mga nakatingin na naman sa amin kahit na nasa dulo na kami. I pushed him "Ang baho ng hininga mo", I said. He chuckled at umalis na para magwarm up. Bwisit na yon napakaagaw pansin lagi. Kinalabit naman ako ng babae sa likod ko. Tumingala ako at tinignan ito, medyo mataas kasi ang pwesto nito kumpara sa inuupuan ko mismo. "Miss, ikaw ba yung bagong girlfriend ni leon?" Okay, hanggang dito rin pala ay tatanungin ako ng mga babae ni leon "I'm not his girlfriend" simpleng sabi ko at tinalikuran na ito. Pagchichismisan na naman ako ng mga 'to. Nagsimula na rin ang practice game nila leon. Wala akong masyadong alam sa basketball pero kung titignan ito, maganda ang ipinapakita nitong laro ngayon. Nasa kalaban ngayon ang bola at si leon ang nagbabantay dito. Leon's jersey number is 2, ngayon ko lang napansin ito. Birthday n'ya siguro. Nakalusot ang kalaban kay leon at sinubukang magtres. The referee signal for three-point shot attempt but the ball didn't shoot. Narebound ito ni leon at mabilis na pinass-break ito kay Luis. Yes, they we're teammates in the game. Nakuha naman ito ni Luis at mabilis na ibinaba. At ipinasa kay leon. Wow, leon's fast. He gets the ball and do the lay-up shoot. "WOOOOOOOH" napatayo ako at napasigaw sa tuwa ng pumasok ang bola. Leon look at my side and then wink at me "Ehem" I cleared at throat. Okay that was a wrong move. Tinitignan na tuloy ako ng karamihan sa nangayari. Umupo na ako dahil sa hiya sa ginawa. Too much excitement for someone like me who don't watch a basketball game, huh? I sarcastically said at myself. Tahimik na lang akong nanood sa laro. Second quarter na at tumawag ng time-out si Leon. S'ya kasi ang tumatayong coach sa team, samantalang yung coach naman nila ang para sa mga susunod sa yapak nila leon sa basketball. Lumapit naman si leon sa pwesto ko. I hand him his towel, pawis na pwis na s'ya. Hindi rin ito nagpatawag ng substitution simula pa kaninang naglaro ito. "Water?" I asked him. Kinuha naman nito at ininom bago umupo sa tabi ko. "You're plays with Luis are great. Halos kayo lang ang gumagawa ng laro" I told him. Totoo naman kasi, sa team nila halos yung dalawa lang ang nakakagawa ng points. "Oh, I thought you don't watch basketball. May pagtayo ka pa kanina" he said in a mocking tone. "Nabigla lang ako, wag kang magbuhat ng bangko d'yan" "I'm not" he laughed. Tumayo na ito dahil tapos na ang time-out nila. Nagpatuloy naman ang laro at mas naging mas mainit ito. Nalalamangan minsan ng kalaban sila Leon pero nababawi naman ito kaagad. Mukha ring mas nagseryoso ang team dahil hindi na lang ang dalawa ang gumagawa ng play. Kung tutuusin mas maganda ang play nila ngayon as a team, hindi lang silang dalawa ni luis. Nagbibigay naman sila leon ng bola sa team at nahahandle naman ito kaya't nagkakapuntos sila. The crowd always cheered and shouts leon's name whenever he's handling the ball or when he shoots it. He is the crowd's favorite, ano pa nga ba. Natapos ang laban sa score na 75-66. Malaki rin ang lamang nila leon. Nagtapikan muna ang mga magkakalaban bago bumalik sa kani-kanilang benches. Kinuha ko ang white shirt ni leon sa duffel bag nya dahil pawis na pawis na ito. Panigurado pagod na rin ito dahil hindi naman ito nagpahinga simula ng pumasok ito hanggang sa matapos ang laban "Oh, magpalit ka" inabot ko sa kanya ang damit at kinuha naman nito "Don't go anywhere and don't talk to strangers, 'kay?" Para naman akong batang tumango sa sinabi nito. Nagpalit na ito sa dressing room nila Pagpasok ni Leon ay s'ya namang paglabas ni Luis. Palapit ito sa pwesto ko kaya't nagkunwari akong may hinahanap sa bag ni Leon. "Hi! Mukhang hindi ka naboring sa laro, ah" pakikipag-usap nito sa akin. Pumikit ako ng mariin at tinignan s'ya "Ah, no. I enjoy it naman" nginitian ko ito "Are you waiting for leon?" he asked again na parang mas pinapahaba pa ang pag-uusap naming dalawa. "Yes" maikling sagot ko "Oh, okay. I gotta go, nice to meet you again" at ayon na naman ang tingin n'yang simula ulo hanggang paa. He looks kind naman but I am not comfortable with him. Dumating na rin si Leon at inayos ang gamit nito. "Let's go?" aya nito sa akin. Tumayo na rin ako at sabay na lumabas sa gym. "What do you want?" he asked me. We are on our way to the parking, pauwi na. Nagtaka naman ako sa tinanong n'ya. "Thank you gift, for coming with me today" he explained. "Ah... libre mo nalang ako ng iced black coffee" sabi ko naman sa kanya "Let's go, I know a good coffee shop" pinagbuksan naman ako nito ng pinto. Napataas ang kilay ko, gentleman din naman pala ang isang 'to. Umikot na rin ito at nagdrive papunta sa bayan. Huminto kami sa isang coffee shop, nasa bayan kami pero medyo malayo pa sa pinuntahan namin ni Marcus. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito ng pinto at lumabas na. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Leon. Pagpasok ko pa lang ay amoy na agad ang aroma ng kape, ang bango. Hindi kalakihan ang coffee shop pero sapat na para maaccomodate ang mga customers nito. Umupo na sa gilid at sumunod naman si leon. He still wearing his jersey short and basketball shoes. T-shirt lang talaga ang pinalitan nito. "Isa ito sa mga dinadalhan ng kape galing sa taniman ninyo" he said "Really? Hindi ko alam na meron pa lang coffee shop dito sa bayan at sa amin pa mismo galing ang mga kape" masayang sabi ko habang tinitignan ang paligid. Maganda rin ang ambiance ng coffee shop. Hindi mo maiisip na nasa probinsya ka sa mga modern but minimalistic design nito simula sa pader, furniture hanggang sa mga designs na nasa loob. "Nakapunta ka na sa bayan? I thought this is your first time" sabi pa ni Leon. "Uh, no. Sinama na ako dito ni Marcus last two weeks" I look at him and I saw again his playful eyes "So, you and kuya? Huh?" he smirked "There nothing between me and your brother, Leon. Napakadumi ng isip mo" sinimangutan ko naman ito "Oh, I doubt that" tumawa ito. Buti nalang dumating na ang waiter para kunin ang order namin. Nag-take out na kami dahil nagtext na si lola nagpaluto na daw sya ng hapunan at iniintay na kami. Leon ordered iced cappuccino coffee and I ordered iced black coffee, as usual. Halos fifteen minutes lang ang pinaghintay naming at dumating na rin ang take-out order namin. Pauwi na kami ngayon. Mas mabilis dumilim dito sa probinsya kesa sa maynila. Hindi rin pala maganda na abutan ng hapon sa daan, delikado. Pasado alas sais y media na nung dumating kami at paniguradong naghihintay na si lola sa hapag-kainan. Pagpasok pa lang naming ay sinalubong na kami ni lola na kabababa pa lang ng hagdan "Dumating na pala kayo, kanina ko pa kayo inaantay. Akala ko kung anon ang nangyari" may pag-aalalang sinabi ni lola sa amin ni Leon. Tinignan ko si leon na parang ipinararating na kung hindi n'ya sana ako pinilit magnood ay hindi mag-aalala si lola "Lola, dumaan muna kami sa coffee shop sa bayan. Inilibre ko po si Mara, pasasalamat na rin at sumama s'ya sa akin kanina" magalang na sabi nito. Ang bait n'ya kapag kausap si lola, kung ganito lang s'ya lang araw-araw e "Ganoon ba, maganda nga yun para masanay si mara dito sa Lalia at makakilala ng mga bagong kaibigan pa" ngiting sagot ni lola. "Halina kayo't kakain na tayo. Nagpaluto na ako dahil alam ko na si leon ang mag-uuwi sayo, mara" Dumeretso na kami sa hapagkainan at kumain na. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may tumawag kay leon. Kinuha naman nito ang telepono "Excuse me" tumayo at nagpunta sa sa may pintuan para doon sagutin ang tawag. "Yes, kuya" rinig kong sabi nito sa katawagan. Mukhang si Marcus 'yon. "I'm having a dinner with her, kuya" sabi pa ni Leon sa mapaglarong tono. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nila at bumalik na rin si leon. He has this look in him like he's satisfied with what he did. "Si kuya, hinahanap na ako" he smirked at me. Tumingin naman ito kay lola "Lola, I'm very sorry but I need to go now" "Sige na, iho. Baka importante iyan at kailangan ka na doon. Ihatid mo sa labas, Mara" utos naman sa akin ni lola. Sinunod ko na lang ito at inihatid wala namang sinabi si leon hanggang sa makauwi ito. Hindi nga lang natatanggal ang mapaglarong tingin at ngisi nito sa akin na parang natutuwa sya sa nangyayari. Bumalik na ako sa hapag-kainan at itinuloy ang pagkain. Teka, may itatanong nga pala ako kay lola tungkol sa kapihan "Lola, diba sa atin naman itong kapihan? Bakit kasama n'yo pong magpatakbo nito sila Marcus?" I look at her with curious eyes. "Apo, pareho kasi kayo ng kaso ng magkakapatid na De Mariano. Ang papa mo at ang papa nila Marcus ay magkaibigan. Naalala ko pa nga nung mga bata pa ang mga iyan, lagging magkasanggang dikit sa lahat. Pinagtatakpan ang isa't isa" binitawan ni lola ang kutsara't tinidor at malungkot na ngumiti. "Hanggang sa dalawang buwan pagkatapos noong birthday mo, naaksidente si Arthuro" nakinig lang ako sa sinasabi ni lola "Kasama sa aksidente na iyon ang ama nila Marcus" nagulat ako sinabi ni Lola. "Simula noon, si Don Julio na ang nagpalaki sa kanilang magkapatid. Ang ina kasi nila Marcus ay hindi kinaya ang nangyari at sa maynila naglagi kasama ang bunsong anak" "Kaya't naging malayo ang loob ng dalawa sa ina at kapatid. Simula noon ay tinuturuan n ani Julio ang magkapatid na Marcus sa negosyo. Magkasosyo sila ng ama mo kaya hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin nila tayo" she signed after telling it to me. Ramdam ko rin ang lungkot ni Lola dahil sa pagkukwento nito. Hindi ko alam na wala na rin pala ang ama nila Marcus. Hindi mo mahahalata sa dalawa ito. "Kaya noong nandoon ka palang sa mama mo at walang balak na bumalik pa dito sa Lalia, inisip ko na ang mga pinsan mo ang mamamahala pansamantala habang wala ka pa. Pero dahil nandito ka na apo, gusto kong ikaw ang magpatuloy ng sinimulan ng papa mo" hinawakan ni lola ang aking mga kamay. "Salamat po sa pag-aalaga nitong negosyo ni papa. Hayaan po ninyo kapag tapos na po akong mag-aral ako na ho ang mamamahala nito" sabi ko kay lola. Umakyat na ako pagkatapos naming kumain ni lola. Umupo ako sa kama at kinuha ang nag-iisang litraro ko sa kasama si papa "I miss you, Papa. Guide me from there, ah" malungkot kong ibinalik ang litrato at hinawakan ang bigay nitong kwintas. Halos pareho lang pala kami nila Marcus at Leon. Ang pinagkaiba lang siguro ay nakasama ko pa si mama bago ako ipinatapon dito. Humiga ako sa kama, "So much for first day" bulong ko sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD