FEVER
Sometimes I don't understand life. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na may umalis. Bakit kailangang umalis ni Papa? Bakit n'ya ako iniwan agad?
Kung hindi s'ya umalis hindi sana ako ipapatapon dito ni mama na parang tuta. Hindi ako galit kay mama, galit ako sa ginawa n'ya. I didn't say anything when she told me about her decision to get married again.
I agreed since I always see her happy with tito cris. Well, she always goes clubbing at night telling me she has meeting to do and going back home 1 or 2 in the midnight drunk.
She was always drinking until she passed out. I was only 6 years old back then, I don't have any memories with her in amusement park or just in the playground near our subdivision.
Not until she met Tito Cris. They fell in-love then decided to tie the knot. It was like I am seeing a different version of her when she's with him. That is why I agreed when she's like, what you call it, getting my permission about getting married again.
Seeing her happy is enough for me to be happy, before. Nagkaroon ako ng mga bagong kapatid, mabait naman sila sa akin at tinuring akong buong kapatid. Kahit si tito cris ay mabait sa akin, maliban na lang kay Lola crisanta.
She doesn't like my mama for his son. Ayaw n'ya kay mama dahil may anak na ito, kaya ayaw n'ya rin sa akin. Wala lang naman sa akin yung galit ni Lola crisanta. Wala lang sa akin na hindi ko sila nakakasabay kumain kapag nandyan s'ya.
It was nothing to me back then. I am accepting everything they will give me. Lahat ng ibigay ni Mama at Tito tatanggapin ko, kahit pa ang galit ni Lola.
Pero alam mo yung masakit? Yung handa akong ipatapon ni Mama dito sa Lalia para lang makuha ang approval sa kanya ni lola crisanta.
Yung makita kung paano n'ya alagaan at ingatan ang mga kapatid ko. I also wanted her to take care of me, to give her attention to me. Hindi ko yon nakuha noon sa kanya.
Kahit ang pagtatanong kay Papa ay ayaw n'yang maungkat. Why? Ganoon na ba n'ya gustong kalimutan si papa?
Kaya nung dumating si tito cris sa buhay nya at ang mga kapatid ko, I was happy because she's giving me her attention.
"Ano ba naman 'tong iniisip ko" I laughed as I wipe my tears. I decided to take a walk since my mind didn't let me sleep this week.
Naisip kong maglakad-lakad para makalanghap nang simoy ng hangin. Makikita ngayon sa kanan ng kinatatayuan ko ang rancho at sa kaliwa naman ay ang palayan.
It looks nice and ... peaceful opposite of what I am right now. Weekend na ngayon and I felt like I don't know where I am going to. I am lost.
Hindi ko alam kung culture shock ba ito o what? But I felt like I am alone. I felt like I have no one. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag tumira ako rito.
Meron siguro talagang mga panahon na kailangan natin damdamin ang sakit. Siguro para bukas paggising natin wala na o siguro para mahanap natin ang ating mga sarili.
Tumigil ako sa paglalakad dahil napansin kong napapalayo na ako. Tinignan ko ang paligid, mas nagiging mapuno na at liblib ang lugar kung saan ako huminto
I look at my right, then I saw a path. Isang makitid na daanan lang ito, hindi kasya ang sasakyan.
I got curious kung saan papunta ang daan na ito kaya sinundan ko. Palalim nang palalim ang nilalakad ko sa gubat at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang iba.
15 minutes ata akong naglalakad, medyo masakit sa binti ang mga matatalas na damong nasa gilid ng daanan.
Hanggang sa nakarating ako sa sa dulo nito. Isang napakagandang talon ang bumungad sa akin. Lumamig din ang simoy ng hangin dahil na rin sa malakas na bagsak ng tubig.
Malinaw ang tubig na nanggagaling sa talon. Karugtong siguro ito nang dagat ng lalia. Napakaganda at ang aliwalas sa mata.
Mukhang mapapalagi ako dito ah. I scanned the place and saw a bungalow type house. It is made of bamboo but with a touch of modern design. Hindi ito nagmumukhang isang kubo lang, it is more like a villa.
Sino kaya ang may-ari nito?
"Tao po?" kinatok ko ang bahay. Baka kasi isipin na nagte-tresspass ako dito.
"Ahm... I am Amara, daughter of Arthur Roque" pagpapakilala ko pa pero wala namang sumasagot sa baba.
Hinawakan ko ang doorknob at inikot ito "Hindi nakalock? Pwede sigurong pumasok kasi hindi naman nakalock?"
Binuksan ko ang pintuan at nagpasyang pumasok. Wala namang makakaalam, aalis rin naman ako kaagad.
It really looks like a villa. Simula sa Interior design hanggang sa furniture na ginamit. I can say the owner has a taste, huh.
I scanned the whole villa like I am the owner of it. Hindi naman malalaman. Then I saw the master's bedroom. Lalaki ang may-ari ng bahay na ito.
Halata sa design ng kwarto nito. Malaki ang master's bedroom, malinis at mabango rin. Maganda ang buong villa, samahan mo pa nang magandang talon na pwede mong pagliguan.
Gusto ko pa sana magtagal pero napilitan rin akong umuwi dahil dumidilim na. Baka hinahanap na ako ni lola. Paglabas ko ng bahay ay nakaramdam ako ng patak ng ulan.
"Umaambon na pala" nagmadali na akong maglakad para hindi na abutan ng malakas na ulan
"AHHHH!" Nasa gitna na ako ng gubat nang biglang kumulog ng malakas
Napaupo ako at tinakpan ang aking mga tenga. Lumakas ang ambon hanggang sa naging ulan na ito.
Gustuhin ko mang bumalik doon sa bahay at magpatila pansamantala ay hindi ko magawa. Madilim na at hindi ko na makita ang daan na sinundan ko kanina dahil naging maputik na rin
"Tulong! Tulong! Nandito ako sa gitna ng gubat" sigaw ko dahil natatakot na ako.
"Cellphone, tama cellphone!" kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa pero hindi ko makapa
"Sht! Naiwan ko doon sa bahay" hawak ko lang kasi iyon kaya nilapag ko muna sa kabinet sa gilid noong naglilibot ako.
"Anong gagawin ko!" natataranta kong sabi sa sarili. Tinignan ko ang relo ko at nakitang pasado alas sais na ng gabi.
Madilim na rin at maputik. Wala na akong nagawa kundi ang maglakad kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon ko "Malas naman" pagak akong tumawa
Umupo ako sa isang malaking puno dahil sa pagod at lamig. Hindi pa rin kasi tumitila ang ulan at kanina pa rin ako naglalakad pero hindi ko makita ang dulo kung saan ako pumasok
Baka nag-aalala na si lola. Ang sabi ko lang sa kanya ay magpapahangin lang ako saglit pero anong oras na
Niyakap ko ang sarili dahil mas lalong lumakas ang ulan at kulog. Nanginginig na ako sa lamig dahil isang t-shirt at shorts lang naman ang suot ko. Basang basa na rin ako.
Maputik na rin ang mga paa ko at tsinelas ko kaya naghanap ako ng stick. Tinanggal ko ang putik sa tsinelas para hindi mabigat kapag naglakad mamaya
Tumagal pa nang tumagal ang ulan at hindi ko na kinakaya ang lamig. Napaiyak na ako.
Sobrang nanginginig na ang aking mga katawan kaya't minabuti kong bugahan ng hininga ang aking mga kamay para makaramdam man lang ng kaunting init
It worked! "Thank you, Lord"
Ganon lang ang ayos ko sa loob ng dalawang oras. Pasado alas otse na kasi ngayon at wala pa rin akong mahingan ng tulong, lalo na at sobrang dilim
"I can't take it anymore" hindi na kaya ng katawan ko ang lamig unti-unti na rin akong napapapikit
Hanggang sa nakarinig ako ng tunog ng tumatakbong kabayo.
Wala naman siguro ditong tikbalang ano?
"Ophelia!" I heard a man's voice. Pilit ko mang idilat ang aking mga mata ay hindu ko magawa
"H–Help" sigaw ko dapat pero maliit at mahinang boses ang lumabas
"H–Here" sabi ko pa kahit na alam kong hindi ito naririnig ng lalaki.
Narinig kong lumapit ang takbo ng kabayo sa pwesto ko
"Ophelia!" sigaw ng lalaki. Hindi ko naman ito makita ngayon dahil wala na akong lakas
"What are you doing here?" naramdaman ko na lang na may nagbuhat sa akin at isinandal ako sa mga bisig nito
"H–help" I said in hoarse voice
"I'm here" hinawakan naman nito ang noo ko "You have a fever"
"Nilalamig ako" sabi ko pa.
Naramdaman ko na lang na sinuotan ako nito ng t-shirt. Basa ito pero nakatulong pa rin dahil malaki
Iminulat ko ang aking mga mata kahit na nahihirapan then I saw him
"Marcus"
I saw marcus. May kabayo sa gilid nito na kulay itim. Seryoso ang mukha nito at nangangalit ang mga panga. Hindi ko mawari kung galit ba ito o ano
"Nandito ako, iuuwi na kita" napatingin ito sa akin at nakitang nanginginig pa rin ako
Nagulat ako sa ginawa nito dahil bigla ako nitong niyakap. Ramdam ko ngayon ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
Binuhat niya ako at isinakay sa kabayo bago sumunod na sumakay at pinatakbo na ito. Nakayakap sa akin ang isa nitong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa tali
Pinabilis pa niya ang patakbo. Until, I felt my body being numb. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko at parang nakalutang ang aking mga ulo.
"Ophelia! Wake up!" naririnig ko ang mga mahihinang mura nito at tuluyan na akong binalot ng kadiliman.
I woke up feeling groggy, my heads aches. Sinisipon ako at mainit pa rin ang pakiramdam ko. Pinilit kong maupo at napansin ko rin ang IV fluids na nakakabit sa kanang kamay ko.
Nasa sariling silid ako ngayon. Ang huling naaalala ko lang ay ang pagkahimatay ko sa bisig ni Marcus.
Pumasok naman si lola sa silid na may dalang isang tray "Apo, nako buti gising ka na" sabi nito at ibinaba ang hawak sa mesang na sa gilid.
Niyakap ako ni lola at sa hindi malamang dahilan ay napaiyak na lang ako sa bisig n'ya. Walang sinabi si lola, hinahagod lang nito ang likod ko para kumalma.
"Bakit lola? Bakit ako iniwan ni papa? Bakit ako tinaboy ni mama?" hagulhol ko sa bisig ni lola
"Bakit ang sakit sakit lola?" humiwalay ako sa yakap ni lola at tinignan ito na para bang masasagot n'ya ang mga tanong ko
Pinahid ni lola ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko at hinaplos ang aking pisngi "Apo, alam ko ang nararamdaman mo kahit hindi mo sabihin sa akin, pero hindi ko masasagot ang mga tanong mo"
"Hindi ka iniwan ng papa at mama mo. Ang papa mo? Binabantayan ka pa rin n'ya hanggang ngayon, si mama mo naman? Alam ko, Amara. Hindi ginusto ng mama mo na mapalayo sa'yo. You need to trust his plans" magaan na paliwanang nito sa akin
"Huwag mong iisipin na nag-iisa ka, apo. Nandito ako, iintindihin kita at susuportahan" naiiyak na sabi ni lola.
"Salamat, lola" niyakap ko muli si lola
"Kaya wag mo na uulitin yung ginawa mo kahapon, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako handing making" napangiti ako sa sinabi ni lola. Siguro nga hindi pa ako lubusang nag-iisa.
May kumatok naman sa pintuan. Bumukas ito at nakita ko si Marcus. Pinunasan ko ang luha ko ng makita itong tumingin sa akin
"Oh Marcus, nandyan ka pala. Salamat sa paghahanap dito kay mara" pumasok naman ng tuluyan si marcus at hinarap si lola
"Wala po yun, lola" ngiting sagot nito.
"S'ya sige at maiwan ko muna kayo dito. Mara, yung lugaw kainin mo kahit paunti-unti" bilin ni lola tsaka lumabas
Ibinalik sa akin ni Marcus ang tingin at naupo sa upuan malapit sa aking kama. "Where have you been yesterday?" he said
"I... I just took a walk then I didn't realize that I am already in the middle of nowhere" mahinang tawa ko.
"Don't do that again" he said in a serious voice. Nakita ko sa mga mata nito ang pag-aalala
"Look what would happened to you if I didn't saw you yesterday?" he continued
Napansin ata nito na nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita kaya napatigil ito.
He cleared his throat "Masyadong delikado kung saan kita nakita" he looked at me in the eye
"Thank you for saving me" yun ang kanina ko pang gustong sabihin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya malamang hanggang ngayon ay nandoon pa rin ako sa gubat
"If you want a place to roam around, you can go in our office" napakunot naman ako ng noo. Bakit ako pupunta sa office nila.
"Nevermind. I'll go ahead, I just drop by to check you" bumalik na naman sa dati ang tono nito at parang nagsusungit na naman
Umalis na ito. Kanina nag-aalala lang s'ya ngayon naman nagsusungit na. Pareho sila ni Leon, e. seryoso minsan madalas mapaglaro.
Naisip ko ang sinabi nito kanina, hindi pa ako nakakapunta sa kanila. Mukhang magandang ideya iyon. Kesa naman pag-uwi ko palagi ay nakatambay ako sa patio ng bahay. Mabuti na rin na may pagka-abalahan.
Naalala ko na naman si Marcus kagabi, he looked very worried. Hindi ko rin maintindihan ang isang yon.
Naisip ko ang mga sinabi ni lola. Gumaan ang loob ko dahil dito.
Napahawak naman ako sa leeg ko para hawakan ang kwintas ko pero wala akong makapa. Nataranta ako kaya kahit hindi ko pa talaga kaya ay tumayo na ako at hinarap ang salamin.
"Damn, my necklace is missing" no it can't be. It is the only thing I have from my father.