CHAPTER 6

2456 Words
NECKLACE Kauuwi ko lang galing sa school. Lunes ngayon at hindi pa kami nagkikita ni leah kaya hindi ko pa rin nasasabi ang nangyari sa akin nung sabado. Hindi rin kasi ako pinayagan ni lola na lumabas ulit dahil hindi pa masyadong maganda ang pakiramdaman ko. Naghahanap ako ngayon ng damit na isusuot dahil pupunta ako sa opisina ni Marcus para itanong kung nakita ba nito yung kwintas ko. "What should I wear? Hmm" hindi ko alam kung anong susuotin ko. Kinuha ko ang isang crop top at pants I look myself at the large mirror "I think I need another outfit" Kinuha ko naman ang isang black dress na two inch above the knee at pinagmasdan ang sarili sa salamin "Gotcha!". Inilapag ko muna ito sa kama at mabilis na naligo at nag-ayos ng sarili. Suot ang dress na napili kanina, bumaba na ako sa sala at naabutan doon si lola "Lola, ahm... pupunta po sana ako kila Marcus ngayon may itatanong lang" umupo muna ako sa kaharap na upuan ni lola. She's reading some papers right now. Ibinaba muna ni lola ang mga binabasa nya sa mesa bago nagsalita "Mukhang importante ang sasabihin mo, apo at bihis na bihis ka" "Ah hindi naman po lola para p-pormal lang yung dating" napaayos ako nang upo sa sinabi ni lola. Masyado ba akong ayos na ayos ngayon? Should I wear shorts and t-shirt? "Apo, huwag ka nang pupunta sa lugar na hindi mo alam, baka mawala ka na naman" bakas pa rin kay lola ang pag-aalala dahil sa nangyari noong sabado. "Don't worry lola hindi ko na po uulitin iyon. Besides, magpapahatid po ako kay mang rodolfo dahil hindi ko rin po alam kung saan ang bahay ni Marcus" mahabang paliwanang ko Nagpipigil namna si lola ng ngiti "Wala sa bahay nila ngayon si Marcus, apo. Baka nasa opisina iyon ngayon, magpahatid ka kay rodolfo doon" "Sige po lola, wala ka po bang ipapadala or kukunin doon mga ganon?" I shyly said. Nakakahiya kung pupunta ako doon dahil lang sa isang tanong diba? But, it's my necklace. Hindi lang ito "lang" "Itanong mo na lang din kay Marcus kung ready na financial statements ng mga kape ngayong buwan" ngiting sabi ni lola Napangiti naman ako sa sinabi ni lola. ibig sabihin may dahilan na talaga ako para pumunta sa opisina ni Marcus. Tumayo na ako at tinignan muli ang sarili sa salamin katapat namin ni lola. Litaw na litaw ang balat ko sa kulay nito. Napatingin ako kay lola at naabutan ang mapanuksong tingin nito. "Tinignan ko lang po kung o-okay yung suot ko" nahihiyang sabi ko kay lola. Baka isipin pa ni lola na pinaghandaan ko ito kahit hindi naman. Lumabas na ako ng bahay at nagpahatid kay mang rodolfo sa opisina. Hindi pa ako nakakapunta doon kaya hindi ko rin alam kung anong itsura ng negosyo nila doon. Hindi rin naman gaanong malayo ito mula sa bahay pero ang daming pasikot-sikot na dadaanan. Nang makarating ako, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Maraming trahabador ang nagbubuhat ng sako-sakong bigas at mga kape. meron din silang hinahakot na mga kahon na hindi ko alam kung anong laman. Tinignan ko ang building sa aking gitna na may malaking DM Manufacturing. Tatlong palapag lang ito ngunit mapapansin na maluwag ang sakop nito. Nasa kanan naman ang isang pagawaan kung saan maraming truck ang nakaparada sa harap nito. Sa kaliwa naman ay ganoon din. Alam ko na may negosyo rin sila katulad ni lola pero hindi ko alam na malaki ito. Mas malaki pa ito kesa sa kapihan ni lola at mas maraming trahabador. May isang shed malapit sa paradahan ng sasakyan kung saan nagpapahinga ang ilan sa mga nagtatrabaho dito. Nilapitan ko ang mga ito para magtanong "Excuse me, nakita nyo po ba si Marcus?" tanong ko sa mga kalalakihan na nagpapahinga "Si Sir Marcus ba ineng? Nandyan ata sa opisina nya, itanong mo nalang sa sekretarya" sagot nito bago uminom ng tubig "Salamat po" ngiwing sagot ko. Mukha ba akong bata sa suot ko? Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at dumeretso na sa sa itinuro nitong building. Itinanong ko muna sa guard kung saan ang opisina ni Marcus at sinabi naman nitong nasa ikatatlong palapag. Nag-elevator na ako pataas dahil nakakahiya naman kung maghahandan ako sa suot ko. Pagkarating ko ay makikita ang mga employees na may kanya-kanyang ginagawa sa sariling cubicle. Dumeretso na ako sa nag-iisang office doon pero bago pa ako makarating sa tapat ng pintuan ay hinarangan na ako ng isang babae. I think she is his secretary. "Excuse me, Maam? You can't enter without appointment" she politely said. "I'm...I'm Marcus friend. I just came here to ask him something" I told her. Nakita ko naman na parang nakulitan sa akin ito "Do you have an appointment with him? What is your name?" I arched my eyebrow "Him? You should call him SIR since you are his secretary" pinagdiinan ko ang salitang sir sa kanya. "Mara Roque" I simply said. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay. "There's no Mara Roque in the schedule" she said without looking at the schedule in her table I sighed. Ayokong makipagtarayan sa babaeng ito kaya maghihintay nalang ako. "then, I'll wait him here" Umupo ako sa sofa na katapat nang table ng secretary ni Marcus. Hindi na ako nito tinitignan at pinagpatuloy na ang ginagawa nito kanina. Naiilang ako sa ngayon dahil maraming tumitingin sa pwesto ko. Siguro dahil dalawang oras na akong nakaupo dito at inaantay na lumabas si Marcus sa opisina nya. "Hindi pa ba lalabas si Marcus?" I asked the secretary. I didn't bother to stand up since she can see me form here. Nagkibit-balikat lang ito at hindi ako sinagot. Tumayo na ako dahil naiinip na ako sa paghihintay kay Marcus. Bumaba na ako at napagdesisyunan na maglibot na lang muna. Mamaya na ako babalik sa taas. Nauna akong nakarating sa gilingan ng bigas. Makikita dito ang mga palay na naharvest na. Inilalagay nila ito sa threshing machine para makuha ang bigas. Hinuhugasan naman ito ng iba habang ang iba naman ay ibinibilad ang mga palay. Maingay sa loob at maraming ginagawa. Lumabas ako at pumunta naman sa kabilang gawaan. Hindi pa man ako nakakapasok ay naaamoy ko na ang kape. Makikita sa loob kung paano rin gilingin ang mga kape. Kilala ko ang iba sa mga trahabador dahil sila rin yung nagpunta sa bahay para magharvest. Lumapit ako sa kanila at nakilala ang isa sa kanila. Pamilyar and lalaki, nakatagilid ito at nagmamando sa mga makina Ito yung lalaking tutulong sana sa akin sumakay sa truck na hindi natuloy dahil dumating si Marcus. "Hi" I said. Lumingon naman ito sa akin "Ay Miss! Ikaw pala 'yan" pinagpagan pa nito ang kanyang kamay bago ako tuluyang hinarap "Pwede ko bang itimpla?" nguso ko sa durog na kape. Natakam ako sa amoy kaya gusto kong uminom ngayon "Sige, ako na ang magtitimpla sayo" kumuha ito nang ilan at inilagay na sa coffee maker. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik na rin ito dala ang kapeng nakalagay sa styro cup. "Pasensya na, wala kasi ditong tasa" inabot ko naman ang kape. Hindi ito black coffee pero ayos na rin. Inamoy ko muna ito bago ko tinikman. "Hmm. Masarap sya" sabi ko. "What are you doing here?" lumingon naman ako at nakita si Marcus. "May gusto sana akong itanong tsaka meron din si lolang hinihinging financial statements ng mga kape" sagot ko naman dito at uminom ng kape "You have something to ask me but you decided to go here" he sarcastically said. Lagi na lang syang nagsusungit kapag magkausap kami. "Kung pinapasok sana ako ng secretary mo, edi sana wala ako rito diba" binalik ko sa kanya ang pagiging sarkastiko. "Halos dalawang oras akong nakaupo doon inaantay kang lumabas" I continued. "Where did you get the coffee?" tanong naman nya na parang hindi narinig na dalawang oras akong nag-intay sa kanya "He made me a coffee" turo ko naman sa lalaking na sa likod ko bago ininom itong muli. Muntik pang matapon ang kape dahil bigla itong kinuha ni Marcus Ibinalik nya ito sa lalaki at tarantang kinuha naman ito ng lalaki. Hinila na ako ni Marcus kaya hindi na ako nakapagpasalamat sa lalaki. Nakarating kami sa ikatlong palapag nauuna si Marcus sa akin. Nakita ko ang secretary nito na tumayo at binati si Marcus. Napansin naman ako nito kaya nagulat ito. I stopped and arched again my eyebrow at her. Ang tagal ng pinag-antay ko dito kanina. Sumunod na ako kay Marcus I opened the door and saw him sitting at the edge of the desk. His hand is in his pocket. He looks like some kind of model. He is wearing a white button-down polo and a black slack. Kita pa rin sa itsura nito ang pagtataray "What are you doing there?" he asked me "Like what I told you, I've been here for two hours waiting for you because your secretary wouldn't let me come in" hindi ata sya nakikinig kanina. "Tsaka sabi mo pwede naman akong magpunta rito" "What I meant last Saturday is in lola anista's office. Not in there wearing that" sabi naman nito bago humalukipkip. His eyes dropped from my face downwards. "What's with my dress again? Kada magkikita tayo ang suot ko ang pinupuntirya mo" naiinis kong ssabi dito. Nahirapan akong maghanap ng damit na maisususot kanina tapos eto na naman sya galit na naman sa suot ko. "You are wearing a body-hugging dress with your back exposed" he shakes his head like I did not understand what he is implying. "Okay, what exactly do you need?" sabi niya na pinipilit maging kalmado. "Diba ikaw yung nakakita sa akin noong mawala ako sa gubat nitong sabado. Wala ka bang nakitang kwintas na nalalag noong n-niyakap mo ako" I avoided his gaze because I felt my cheeks burning "Wala akong nakita" simpleng sabi nito bago tumayo at naupo kanyang swivel chair "Baka naman may nalaglag sa kabayo mo non o kaya sumabit man lang" pangungulit ko pa rin. Nanatiling nakatayo sa pwesto ko "Ophelia wala, makikita ko dapat yon kasi ako ang nagtabi kay lucho" sinabi nito at tinutukan na ang mga papeles na nasa mesa "Lucho?" kuno't noo kong tanong kay Marcus "My horse" he simply said "Ay taray naman, may pangalan pa yung kabayo" tumawa ako. Tumingin naman sya sa akin ulit ng seryoso "Okay, I'm sorry" I cleared my throat "If you want to visit here, you can go to your lola's office. Hindi yung nakikipagkapihan ka pa doon" he said. "Ibig sabihin pwede rin akong magpunta rito diba?" masayang sabi ko kay Marcus. Hindi naman ito sumagot. Maya-maya pa ay nagtanong na itong muli "Anong meron sa kwintas mo?" "Well, it is the only gift I've received from my father" Umupo ako sa maliit na sofa sa gilid ng opisina nya Sakto lang ang laki ng opisina ni Marcus. Pati ang mga designs and furniture ay minimalistic kung titignan. "What kind of necklace is that?" nakuha ko ang atensyon nito. Binitawan nya ang papel at ballpen na hawak "Its an opal necklace" I simply said. Hindi pwedeng hindi ko iyon mahanap, nag-iisa na lang iyon. "Ipapahanap ko sa mga tauhan kung saan kita nakita nung gabing 'yon" Lumamlam ang tingin nito sa akin "Really?" nagulat ako sinabi nito kaya't napatayo ako. Akala ko kasi mahihirapan pa akong maghanap sa gubat at baka mawala na naman ako doon Nakita ko namang umiwas na muli si Marcus ng tingin sa akin. May mali ba sa suot ko O sa mukha ko? Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa upuan na nasa tapat ng table nito "What's with you and your secretary?" I asked him out of curiosity.  "Maliban ba sa trabaho ay may iba pa syang tinatrabaho sayo?" deretsong tanong ko Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata nito then changed into amusingly look hiding his smirk at me "Anong? Iba pang tinatrabaho?" "She's not calling you Sir earlier when I talk to her" I told him. Sumadal ako sa kinauupuan ko dahil hindi ako natutuwa sa ipinapakita nitong reaksyon Ibig bang sabihin nito may namamagitan nga sa kanila? I thought he's professional when it comes to business pero mukhang pareho lang din sila ni Leon. "What's wrong with her calling me by my name?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig. "So, it's true?" I said in poker face. Naiinis ako sa sekretarya nya, kakausapin ko mamaya si lola tutal may share naman si papa sa negosyo na ito. Baka pwedeng ipasisante kay lola. Pinag-antay nya ako ng dalawang oras at gumagawa pa sila ni Marcus ng hindi maganda.  "Totoo ang alin?" tanong na naman nito habang pinipigilan ang tumawa "That you and her are having s*x here in your office!" malakas na sabi ko sa kanya dahil sa inis. Hindi na nya napigilan pa at tumawa na ito ng malakas "We're not having s*x, Ophelia" sabi nito na parang natutuwa pa sa nangyari "Liar! Ipapasisante ko sya kay lola" inis na sabi ko at kinuha na ang bag sa sofa. "Wait, where are you going Ophelia?" hindi ko ito pinansin at dumeretso na sa pintuan para umalis. Nahawakan naman nito ang braso ko at hinarap ako sa kanya "Bakit ka nagagalit?" he said Nagulat ako sa lapit namin sa isa't isa. Tinignan ako nito sa mata pababa sa aking labi. Halos isang pulgada na lang ang layo namin. Sa lakas ng t***k ng puso ko hindi ako nakapag salita agad "Hmm" masuyong udyok nito sa akin. He's towering me that is why I have to look up "H-hindi ako g-galit" I cursed myself for stuttering. He leaned closer and I felt his lips slightly touching my ears that sent shivers down to my spine "As much as I want my baby to behave like this, I don't want her to be mad at me" he whispers at my ear then he looked back at me "There's nothing going on between me and my secretary" he continued I swallowed hard. Tinapangan ko pa rin ang itsura ko para hindi mahalata ni Marcus kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko ngayon. "Do you want to go home?" masuyong sabi nito sa akin bago lumayo bahagya at tinitigan ako sa mataa. Seryoso na ang itsura nito pero halata sa mukha nito ang panunuyo.  Hindi ako makapagsalita kaya dahan dahan na lang akong tumango sa sinabi nya. Nginitian naman ako nito at hinila na palabas Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay, hanggang ngayon malakas pa rin ang t***k ng puso ko at ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisnge ko sa nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD