Chapter 2

919 Words
Diko na napansin ang oras malapit na pala mag-alasingko at mag-uuwian na. Tiningnan ko ang aking mga gagawin ang dami pa pala. Kailangan ko mag-overtime, normal na sa akin ‘to minsan nakakauwi ako sa bahay ng 11pm na, ako na lang mag-isa dito sa opisina. “Ollive! Dika pa ba uuwi? Uuwi na kami sabay kana sa amin!” yaya sa akin ng ni Clara na ka-workmate ko din. “Hindi pa! Overtime ako. Sige ma-una na kayo marami pa ako dapat tapusin.” sagot ko. “O Sige! Bye! Ingat ka maya sa pag-uwi mo. Wala ka pa naman Boyfriend na magsusundo sayo!” sagot niya na nakangisi at may panunukso ang mukha. "Diko kailangan ng boyfriend no! Kaya ko naman sarili ko!” sagot ko sa kanila habang nakataas ang aking kilay. "Mag-boyfriend kana Ollive! Sayang lang ganda mo o baka babae din hanap mo!?Haha!” pang-aasar ni Clara sa akin. “Baliw ka talaga! Umalis na nga kayo!” sigaw ko sa mga mahaharot kong katrabaho. Kumain muna ako sa canteen ng building at pinagpatuloy ko na ang aking trabaho. Mag 11pm na nang ako’y makauwi sa bahay. Nasa third floor ang boarding house ko, pag-akyat ko tumambay muna ako sa terrace hindi muna ako pumasok sa loob. Pagod na pagod ako gusto ko muna magpahinga dito. Iniisip ko ang palapit kong graduation wala pa akong susuotin. Naisipan ko na magsuot ng black na damit kasi black ang toga namin at magpapamanicure at pedicure with black polish ako. Para all black ako sa graduation ko. Sa totoo lang hindi ako masyadong excited sa graduation ko kasi wala 'yong mga magulang ko. Gusto ko sana silang papuntahin dito para maka-attend sa graduation ko kaso ang layo ng Leyte sa Maynila. Bukod sa mahal ng pamasahe may trabaho ang Tatay ko at wala naman maiiwan sa iba kong mga kapatid. Kaya malamang magma-marcha ako neto mag-isa sa graduation ko. Nakatingin ako sa langit na tila malalim ang iniisip. Diko namalayan na unti-unti na pala nagka-karerahan ang mga luha ko. Mahirap mamuhay at mag-aral na wala kang magulang sa tabi mo. Pero lahat ng ito ay kinaya ko para sa magulang at sa mga kapatid ko. Maghating gabi na pala at pumasok na ako sa loob ng bahay. Tulog na lahat sila, ako naman ay agad na pumasok ng banyo para gawin ang aking panata bago matulog, ang i-refresh ko ang sarili ko. Gusto ko na natutulog akong fresh at mabango para mabilis akong makatulog. Mabilis lumipas ang araw, bukas na pala ang graduation ko. “Ollive! Nakausap ko si Dave siya na daw ang magmake-up sayo bukas.” sabi ni Tita Lyn sa akin. “Naku! Tita Lyn baka mahal ang talent fee niya wala akong pambayad.” Sagot ko kay Tita Lyn habang nakadilat ang aking mata sa pagkabigla. Si Dave kasi ay isang kilalang make-up artist sa bansa, marami na siyang sinalihan na mga competitions sa iba't ibang bansa at nakapaghakot ng maraming awards bilang isang make-up artist. Siya ang make-up artist ngayon ng mga kilalang artista at mga modelo. Pamangkin siya ni Tita Lyn. Minsan pag wala siyang trabaho dumadalaw siya dito sa Tita niya. Gwapo si Dave matangkad madalas din siya nasa gym. Naging crush ko siya noong diko pa alam na pa girl pala siya, akala ko talaga straight siya. Kahit sinong babaeng unang titingin sa kanya ay mabibighani sa hitsura niya. Sa kasamaan palad ay parehas din pala kami ng gusto. “Wala daw bayad yun sabi ni Dave! Regalo na lang daw niya sayo!” sagot ni Tita Lyn. “Waa! Talaga Tita Lyn? Sure ka? Baka mamaya singilin niya ako pagkatapos?” Sagot ko kay Tita Lyn habang nakanguso sa kanya. “Oo nga! Hair and make-up na daw ang gagawin niya sayo. Di rin naman daw siya mahihirapan kasi ang ganda-ganda mo na.” Sagot ni Tita Lyn sa akin. “Naku! Niloloko mo na naman ako Tita Lyn!” sagot ko. “Bahala ka nga jan kung dika naniniwala na maganda ka! Kung pumayag kana sana sa alok ni Dave na gawin ka niyang model eh sana marami ka nang ipon ngayon!” ratatat ni Tita Lyn sa akin. Noon pa kasi ako ina-alok ni Dave na magmodel tutulungan daw niya ako sa mga kakilala niya. Lagi nila akong hinahawig sa mga artista. Maputi ang balat ko namana ko sa Tatay ko na may lahing espanyol, 5’7 height with long wavy black hair. Hawig ko daw si Sanem Aydin ang bida sa EK teleserye. “Wala akong time sa ganyan Tita Lyn at isa pa di ako bagay dun.” sagot ko kay Tita Lyn. Maaga akong nagising ito na kasi ang araw ng graduation ko. Nakapagpamanicure at pedicure na rin ako kahapon. Handa na rin lahat ng susuotin ko. Nandito na rin si Dave sa bahay handa na ang mga gamit niya at nakaupo na ako sa harap ng vanity mirror niya. “Uy! Girl! Congratulations ha! The best ka talaga atlast graduate kana!” bati sa akin ni Dave. “Thank you Dave! Salamat din dito sa munting regalo mo sa akin. Di ‘ko expect 'to na pagagandahin mo ako!”sagot ko kay Dave habang nag-uumpisa na siyang magpapahid sa aking mukha. “Sus! Para ito lang. Light make-up lang gagawin ko sayo Girl kasi maganda kana. Di na kailangan kapalan. ”Sagot ni Dave sa akin. Di kasi ako mahilig magmake-up sapat na sa 'kin minsan ang light lipstick na nude color.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD