Chapter 3

1048 Words
Maya-maya pa ay tapos na si Dave mag make-up at pinasuot na niya yun dress ko na black sleeveless A-line dress with V neckline and two inches above the knee ang haba. Sinuot ko na rin ang aking black open toe na sandals na may three inches ang taas. “Grabe! Girl ang ganda-ganda mo! Perfect! Para ka talagang artista!” bati ni Dave sa akin na malakas ang boses. "Tita! Halika tingnan mo si Ollive! Ang ganda-ganda!” sigaw pa niya kay Tita Lyn na nasa labas busy sa pagsasampay ng kanyang mga damit. Dali-dali naman pumasok sa loob si Tita Lyn at lumapit sa amin. “Wow! Ollive ikaw ba yan?” halos di makapaniwala si Tita Lyn, minsan lang kasi niya akong nakikita na nag-aayos ng ganito. Nilugay lang ni Dave ang buhok ko at nilagyan ng curl at may konting braid sa bandang gilid at tinali sa likod. “Ang ganda mo! sigurado ako mapapa 'Wow' sa 'yo ang mga classmates mo!” dugtong pa ni Tita Lyn. “Tita Lyn naman nagmake-up lang naman ako. Ako pa rin 'to no!?” Sagot ko kay Tita Lyn habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan niya ako. Maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat kay Dave. Malapit lang naman ang school sa boarding house ko kaya mabilis lang akong nakarating doon. Sakto lang ang pasok ko naka fall-in-line na ang mga graduates kasama ang kanilang parents sa tabi nila. Ako naman ay mag-isa lang pero carry ko ‘to! Hinanda ko na ang sarili ko na di ako malulungkot. “Ollive! Nasaan ang parents mo bakit wala kang kasama?” tanong ng classmate kong si Marie na nasa likod ko. “Wala hindi sila a-attend malayo kasi ang province namin!” sagot ko. “Gusto mo si Mama ko na lang sa’yo at si Papa sa akin. Total isang parents lang naman pwede eh!” alok niya sa akin. "Hindi na! Ok lang ako nakakahiya naman sa Mama mo. Salamat ha! wag mo na akong isipin..” sagot ko kay Marie. Nag-umpisa na ang commencement ceremony. Lahat ng mga parents ay kitang-kita sa mukha nila ang saya. Sobrang proud sila sa mga anak nila na sa wakas ay nakapagtapos na rin sa pag-aaral. ......... “Bachelor of Science in Accountancy OLLIVIA ERINO JIMENEZ, MAGNA c*m LAUDE!” agad akong tumayo at naglakad papuntang stage. May maiksi akong speech na hinanda hindi ko na hinabaan kasi wala naman dito ang mga magulang ko na dapat para sa kanila ang speech ko. Alam ko kahit wala sila dito ay proud na proud sila sa akin at tiyak pinagmamalaki na nila ako ngayon sa mga kapitbahay at mga kamag-anak namin. Namimiss ko na sila, minsan di ko maiwasan magtampo pero wala akong magawa mahirap lang kami. Kaya ako nagsumikap na makapagtapos mag-aral para makatulong ako sa magulang ko at mga kapatid ko. Habang naglalakad ako pabalik sa aking pwesto naririnig ko ang mga bati ng mga professors at classmates ko sa akin. Palapit na ako ng may natatanaw akong makulay sa upuan ko. Laking gulat ko na may boquet sa upuan ko. Color white and pink roses na may nakalagay na ‘Congratulations Ollivia’ at smile na emoticons. Walang nakalagay kung kanino ito galing. Nagtanong-tanong ako sa mga katabi ko di rin daw nila napansin kung sino ang naglagay. Kinuha ko na lang at akin kinalong. Baka naman galing sa kaibigan o Boss ko at nakalimutan lang ilagay ang pangalan. Madilim na nang matapos ang ceremony. Nakauwi na ako sa bahay at nagbihis. Samantala, ang mga classmates ko ay may kanya-kanyang handaan sa kanilang mga bahay. Niyaya nila ako na sumama pero napagpasya ako na dito na lang ako bahay at magpapahinga. Tatawagan ko na lang magulang ko para ibalita sa kanila na graduate na ako. Tuwang-tuwa ang mga magulang ko sa akin. Walang mapagsidlan ang kaligayahan nila. Nanghingi ng pasensiya si Nanay at Tatay ko na hindi sila nakarating sa graduation ko. Ako na lang daw ang magbakasyon doon kung pwede daw ako makapagpaalam sa trabaho. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. May message si Trisha nasa baba siya papasukin ko na daw siya kasi ang dami daw niyang dala-dala. Agad ko siyang binaba nagulat ako sa mga dala niya may dalawang malaking box ng pizza, isang bilao ng pancit, bucket of chicken, barbeque, softdrinks at ice cream. “Girly! Ang tagal mo naman akong babain! Grabe ngalay na ngalay na ako dito sa mga dala-dala ko!” sabi ni Trish sa akin na pawis na pawis at hawak-hawak ang mga pagkain na dala-dala niya. “Baka pwede mo ako tulungan sa mga dala ko! Nakatunganga ka lang diyan!” dugtong pa niya. Habang ako ay nagugulat pa rin habang pinagmamasdan ang kaibigan ko na grabe ang effort sa mga pagkain na dala-dala niya. “Hello! Sino ba kasi nagsabi sayo na bilhin mo lahat yan!? Sagot ko sa kanya na natatawa. “FYI, hindi ako ang bumili niyan nu!” sagot niya. "Eh Sino?" "Eh sino pa eh yun secret admirer mong takot magpakita sa ‘yo! Dinadamay-damay pa ako dito sa kalokohan niya!” sabi ni Trisha na inis na inis habang pa-akyat kami sa third floor. “Napapangitan yata sa akin Girly kaya ayaw magpakita! O di kaya panget siya kaya ayaw niya talaga magpakita sa akin!” Biro ko sa kaibigan kong pagod na pagod at mukhang masama ang loob. Nasa loob na kami ng bahay at hina-handa na namin ni Trish ang mga pagkain sa mesa. Sakto naman nandoon na sila Tita Lyn at iba kong mga ka-boardmates. Sanay na si Trish sa boarding house ko, kilala narin siya ng mga kasama ko dito. Panay bati nila sa akin ng ‘Congratulations’. Sinabihan ko si Trisha 'wag niya sasabihin kong saan galing ang mga pagkain kasi tutuksuin talaga nila ako. Lalo na si Tita Lyn. Siguradong kukulitin at di ako titigilan hangga’t hindi ko ipakilala sa kanya kung sino ba talaga yan secret admirer ko. Eh ako nga di ko pa nakikita, sa telepono lang kami nag-uusap, siya pa kaya! Matagal ko na nakakausap si Marcus sa telepono. Minsan pagnag-overtime ako sa trabaho ay overtime din siya imbis na si Trisha ang kachikahan ko sa telepono siya madalas ang kausap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD