Habang ang mga kamay ko nasa keyboard at ang landline na telepono sa opisina ay nakadikit sa tenga. Hindi ko maintindihan na bakit siya kaya niyang mag stalk sa f*******: ko at samantalang ako diko makita ang account niya sa f*******:. Ang daya talaga taong 'yon! Kaya hanggang ngayon kilala ko lang siya sa pangalan at kilala ko lang siya sa boses, sa telepono.
“Girly! Diba sabi mo sa akin papayag kana mag bar tayo? Tara?” sabi ni Trisha habang patapos na kami kumain.
“Agad-agad Girly? Akala ko sa mga susunod na linggo pa!” sagot ko sa kanya habang nakasimangot.
“Girly! Busy na ako nextweek kasi uuwi Kuya ko galing US tiyak di na ako papayagan nun! At kailangan natin i-celebrate ang pagiging Magna c*m Laude mo. Lahat ng mga classmates mo ngayon nagsasaya ikaw naman nagmumukmok! Tara na bihis na!” turan ni Trish sa akin habang hila niya kamay ko at pilit niya akong pina-patayo upang magbihis. Hindi na ako kumontra pa at tumayo na ako para magbihis kasi promise is promise daw, matampuhin pa naman itong kaibigan ko.
Parang kapatid na ang turingan namin dalawa. Wala siyang kapatid na babae kaya ganyan na lang niya ako kamahal. Isang tambling lang pag may kailangan ako lagi siya nandiyan para sa akin. Lalo na noong nag-aaral ako. Ahead siya sa akin ng one year kaya naman nauna na siya nag-graduate. Magkatrabaho kami sa isang fastfood chain noon. Katulad niya rin ako na nag-pursige para makapagtapos sa pag-aaral.
Mahirap lang din ang mga magulang niya. Tatlo silang magkakapatid, siya lang ang babae. 'Yong kuya nilang panganay ay nakapag-asawa ng nurse sa US, pinay din. Doon na naninirahan ang pamilya ng kuya niya paminsan- minsan ay nagbabakasyon sila dito sa Pilipinas. Bihira lang din nakakapagbigay ang Kuya niya sa kanila kasi may mga anak narin ito at nag-aaral na doon. Kaya nagsumikap siya na makapagtrabaho agad pagkatapos niya mag-aral para makatulong sa magulang niya.
At Cuba Bar and Resto
Dito sa Bar na 'to kami nagpunta kasi sabi ni Trish bukod sa masarap ang pagkain nila dito mayroon din silang banda na tiyak na maaaliw kami. Maganda ang lugar at mukhang mga desente ang mga pumapasok dito.
Marami nang tao sa loob pagdating namin, mabuti na lang ay nakahanap pa rin kami ng pwesto na hindi kalayuan sa banda. Pinili namin na umupo sa high stools and table para kitang-kita namin ang banda sa stage. Hindi kami malakas uminom sapat na sa amin ang tig-isang beer at beef nachos pang pulutan. Ang banda talaga ang pinuntahan namin dito, matagal na gusto namin gawin ito ang magbar at manood ng live band. Sakto ang punta namin kasi acoustic night ngayon at puro acoustic songs ang kakantahin nila which is paborito namin ni Trish.
Nagtataka ako kay Trish bakit parang di siya mapakali. Palingon-lingon siya sa paligid na parang may hinahanap.
"Girly! bakit dika mapakali diyan? May problema ka ba?" tanong ko.
"Nandito na daw si Marcus, Girly! pero diko siya makita, kanina pa daw siya nandito sabi ko lapitan na lang niya tayo dito sa table na malapit sa stage." Sagot ni Trish.
"Bakit ayaw pa niya lumapit? As if naman di niya tayo agad makita eh nasa high table na nga tayo nakapwesto O baka nakita na niya ako at napapangitan siya sa akin.. Hayaan mo na 'wag mo na lang pilitin." Sagot ko kay Trisha.
Sa totoo lang papunta pa lang kami dito sa Bar medyo kinakabahan na ako baka kasi magpakita na si Marcus dito ngayon. Diko alam kung magugustuhan niya ako sa personal. Sa last school year ko, malaki ang tulong ni Marcus sa akin lalo na sa auditing subject ko. Madalas niya akong turuan, kahit sa telepono lang ay naiintindihan ko agad ang mga turo niya sa akin kasi magaling ito magpaliwanag. Masaya akong kausap siya sa phone hindi kami nauubusan ng kwento. Hindi siya boring ka-kwentuhan, lagi niya akong pinapatawa. Kinakantahan niya rin ako lalo na kung alam niya na pagod na pagod ako galing trabaho.
"Ano kaba Girly! Sigurado nahihiya lang 'yon kaya ayaw lumapit! Diyan ka muna ha tawagan ko lang siya sa labas kasi maingay dito." dali-dali lumabas si Trisha para tawagan si Marcus.
Habang naglalakad siya palabas ng bar may pigura na nagmamadali na sumusunod sa kanyang sa likod.
"Trish!" tawag ng taong nasa likod niya.
Bigla siyang napatigil sa kanyang paglalakad ng marinig niya ang pamilyar na boses sa kanyang likuran.
"Oh My! Nandito kana pala bakit dika pa lumapit sa table namin? Hinihintay kana ni Ollivia sa loob." salita ni Trish kay Marcus na nakatayo na ito sa harapan niya. He's wearing a grey casual men blazer with white t-shirt in and casual pants. Pang model ang pormahan niya bagay na bagay sa moreno niyang balat at plus sa tangkad niya na 5'11. Mas lalo lumabas ang kagwapohan niya. Unang tingin akala mo artista. Sa opisina kasi lagi silang naka-uniform ng polo shirt na may tatak ng pangalan ng company nila. Kaya bihira lang niya ito makita na pumorma ng ganito.
"Trish.. kasi.. sa totoo lang.." pautal-utal na sabi ni Marcus.
"Sa totoo lang, Ano? Marcus! 'wag mo sabihin sa akin na di mo siya gusto. O hindi ka pa rin handa. Alam ko kahit na hindi kapa humaharap sa kanya ay kilalang-kilala mo na buhay niya at buong pagkatao niya. Malaya mo siyang nakikita, samantalang siya never ka man lang niya nakita kahit isang beses! Hanggang kailan mo 'to gagawin sa kaibigan ko?" salita ni Trisha sa kanya.
"Don't worry Trish! Naiintindihan ko. Once okay na ako at okay na kami ni Dad. Kaya ko na humarap sa kanya." paliwanag ni Marcus sa kanya.
In fact, may mga iba pang dahilan si Marcus na bakit ayaw pa niyang humarap kay Ollivia. Isa na doon ang ayaw niya muna itong guluhin ang utak niya sa palapit nitong review para sa Board Examination niya.
Happy-go-lucky si Marcus. Gusto niya si Ollivia pero ayaw niya muna pumasok isang relasyon na hindi pa okay ang lahat sa buhay niya lalo na ngayon na hindi pa sila okay ng Dad niya. Matagal nang hiwalay ang mga magulang niya at may kanya-kanya nang pamilya. Naiwan si Marcus sa piling ng Lolo at Lola niya. Sila na rin ang nag-alaga sa kanya. Madalas siyang nasa barkada isa rin itong dahilan baka di siya magustuhan ni Ollivia. Pero kahit na mabarkada siya ay nagsumikap siya na makapagtapos sa kanyang pag-aaral kahit walang mga magulang sa tabi niya. Parehas silang accountant ni Trish sa kompanyang pinagtatrabahu-an nila.
"You know what? Whatever your reasons are, I'll respect you! 'Wag mo lang masyadong paasahin ang kaibigan ko. 'Wag mo siyang landi-landiin sa telepono. Ayoko siyang umasa. Ayoko siyang masaktan." pagkatapos magsalita ni Trisha ay tumalikod na siya't naglakad pabalik sa loob ng bar.
Disappointed siya kay Marcus na akala niya ay magpapakita na ito sa kaibigan niya. 'Mga lalake nga naman talaga! mga paasa.' bulong niya sa isip niya.
Nagulat si Marcus sa mga sinabi ni Trisha. Napaisip siya saglit at parang may guilt feelings siyang naramdaman sa sarili niya. Napansin niya na papasok na muli si Trisha sa loob ng bigla niya ulit itong sinundan at tinawag
"Trish! Wait!" tawag niya sa kaibigan.
"Bakit?" inis na sagot ni Trisha.
"Trish! 'wag mo sabihin kay Ollive na nandito ako ngayon. Sabihin mo na may emergency akong pinuntahan kaya di ako nakarating, magpapaliwanag rin ako sa kanya bukas, please?" pakiusap ni Marcus kay Trisha.
"Okay sige umalis kana!" sagot ni Trisha sabay talikod.
Pagkaalis ni Trisha biglang tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya muna kung sino ang tumatawag sabay sagot
"Bro! Bakit?" tanong niya sa taong nasa kabilang linya.
"Ang ganda ng kausap mo kanina Bro kaso mukhang hindi ka type bigay mo na lang sa akin Ha-ha!" sagot ng kaibigan niyang si Ken na may halong panunukso.
Di alam ni Marcus na kanina pa pala sila pinagmamasdan ni Ken habang nag-uusap sila sa labas ni Trisha.
Nakatayo ito sa labas habang nagyoyosi at naghihintay na matapos silang mag-usap.
"Ini-stalk mo ba ako? Saan ka?"
"Broken-hearted si Ron, Bro! Alam mo na.. May table na tayo sa loob tapusin ko lang yosi ko." habang nagsasalita siya ay palapit na siya sa kaibigan niya. Sabay patay ng telepono.