Jacko
Napapangiti ako na nakatunganga habang nakatingin sa taas ng may biglang sumapak sa akin na ikinahulog ko sa aking kinauupuan dito sa aking opisina.
"What the f**k Adric, what is that for?" Sikmat ko sa kanya kasi masakit talaga ang sapak niya at di biro ang binagsakan ko sa sahig. Masakit sa puwet.
"Sinapak kita coz you look stupid in there while day dreaming. Kanina pa ako dun sa labas kakatok pero di mo man lang ako binuksan, only to find out that you are just day dreaming?" Balik niyang saad na patuya.
"Huh, ganun na ba ang ginawa ko?" Pagdududa ng aking isipan. Not intended to let Adric know.
" Kung kanina ka pa bakit di ako sinabihan ng secretary ko?" Balik kong sabi na patuya para di halata na guilty.
"Well your secretary is busy doing things for you because her boss seems too occupied." Di talaga patalo ang isang ito.
Bakit ka ba andito? Tanong ko nalang para matapos na. Walang silbi kung makipagtalo ako.
"Well wala akong natanggap na bill sa mga sa mga babayarin ko sayo, kaya pinuntahan na kita." Walang kwenta niyang alibi.
"Adric, di ang isang katulad mo ang mag aksaya ng panahon just for the bill. So what's the catch?" Napatawa siya kasi natumbok ko ang pakay niya.
"Well sabi ng mga tauhan mo you were gone for a few days. I find it odd coz you never went on vacation aside from work related and they said you are just here in the country." So lumabas din ang totoo, gusto lang makichismis.
"Sinusuhulan ka ba ng asawa mo para makichismis sa akin? Kasi di ko akalain na chismoso ka na pala ngayon." Paismid kong saad.
"Well I can't say no to my wife. She has a soft heart for Cadley and we're excited for your love life." Nakangising saad. Anong akala nila inalila ko si Cadley para imonitor pa nila at ano ako teenager?
"Wala kang makukuha sa akin Adric. Itaga mo yan sa bato."
"Hmm tingnan natin kung di ka ba lalapit sa akin kung aamin ka na. You know I am just your only friend, well we got plenty pero ako ang pinaclose mo. I am an expert now you know."
Napapalingo na lang ako sa style niya. He seems eager for my love life.
"Anyway bro on the serious side, I have a proposal to make. I plan to build a school for state colleges for those who can't afford. A world class education and training for low cost. It would be strictly for low income people. I tell you this coz I know you got a charity for this type, you support less people."
"I want to ask your support. It's up to you kung ano lang ang kaya mong ibigay. This will be our collaboration and Rabi's foundation."
"Well that's a good plan Adric, count me in." Walang duda na susuporta ako.
"Thanks bro, this serves as our legacy and contribution to the people. I
will tell you when I get all sorted out including the whole plan."
"No worries, just hit me up when it's all ready." Baliwala kong saad. It's no big deal for me.
"So wala ka talagang aaminin sa akin para naman may mai-report ako sa asawa ko?" He is so persistent, na influence na ata sa asawa niya.
"Nah Adric I am good." Dispatsya ko sa kanya. Umalis ang luko na may ngiti sa labi. I know he gets the feeling pero di ako aamin. No way, pagtatawanan ako nun.
Thinking about her and our little trip gives me goosebumps and makes me happy. It was a well spent day na di ko maipagpapalit sa anumang bagay.
She loves staying with nature. That's one I observe. Magkapareho kami ng hilig.
What if I bring her to a swimming lesson for scuba diving para may kasama akong mag scuba? Yeah that's a good plan for sure she would love to see the under water view and the creatures. I will take notes on it.
Cadley
"Cadley ang gwapo naman ng Kuya mo, paregards naman kami sa kanya;" nakikilig na saad ng mga classmates ko na akala mo ay matanda na sila.
"Di lang yun ang smart pa niya talo pa ang instructor natin. Ang galing mag explain tapos athletic pa, halata na sporty, dream guy ko talaga ang ganun." Maarting wika pa ng isa pa, pinagkaguluhan nila ako ngayon. I hate this kind of conversation, ni di nga nila magawang magpakatino sa klase manlalandi pa.
"Girls matanda na ang Kuya ko, di yun mahilig sa bata at saka maraming girlfriend yun na mga model, actress at mayayaman kasi nga he is too old na.
"Ay wala tayong pag asa nun;" malungkot na sabi ni Kera. Isang maarti at bully sa schools. Since nakita nila si Kuya naging mabait na sila sa akin, mga ipokrita talaga.
"Asa kayo na magugustuhan nun, di nga ako gusto kayo pa kaya na walang utak?" Panlalait ko sa kanila sa aking isipan.
Kinagabihan sinundo naman niya ako. Since the incident happened palagi na niya akong sinusundo sa uwian. If minsan matagalan siya pinasundo niya ako sa driver namin sa bahay.
"Did you enjoy our trip at the camp Cadley?" Umpisa ng conversation namin.
"Yes po Kuya sobra." Ngiti kong ani.
"You want another adventure, like scuba diving? Maganda ang view sa ilalim ng dagat promise you'll love it."
"Di ba nakakatakot yun?" Never pa akong nagtry magswimming in open water.
"Nope if you know the proper way of swimming, it's techniques you will be fine. I can enroll you in some diving school and have your swimming lessons as well for you to learn."
"Talaga Kuya? Gagawin mo yan and for free? Tumawa siya. Masarap tingnan na tumawa siya ng ganun. Magaan lang.
"Yes it's for free and it's on me." Natatawa niyang saad. "Para may kasama ako every time I want to dive in the ocean."
Masaya kaming nag-uusap ng bigla gumiwang sinasakyan namin at may sumabog.
"Ano yun Kuya?" Takot kong sabi. He has stayed silent at nakiramdam lang at lumilinga sa paligid.
"Shhha;" signal niya sa akin para tumahimik.
Napag-alaman ko na 2 gulong ng aming sasakyan ang sumabog. Buti nalang nakaseatbelt kaming pareho kung hindi tiyak tumipad na kami sa lakas ng impact.
"Ready yourself Cadley, this is not something normal. It is a well organized plan, this road is prone to hijacking. Tumawag ka sa emergency hot line for back up. Never ever leave this car kahit anong mangyari, this is a bullet proof." Mariin niyang instructions sa akin at kinakabahan na ako.
Nakita ko si Kuya na bumunot ng baril niya loaded it with bullets at nilagay sa kanyang likod at kinuha ang stainless stick yung ginamit niya sa mga naghaharass sa akin last time. He's about to come out when he saw the guys coming out of nowhere.
"Kuya natatakot ako wag kang lumabas." sabi ko.
"Relax, just do what I say, promise me never get out kahit anong mangyari, kahit ano pang makikita mo. Wait for the back up."
Kaya tumawag ako sa hotline while looking at Kuya na lumabas sa car at pumuwesto sa gitna ng kalsada. Ang kaba ko sobrang sobra para akong mamatay lalo na't nakita ko ang kalaban na mga siga at di mapagkatiwaan ang mukha.
Nagdasal ako while waiting for my call to come through. Nakita ko siyang nakipaglaban sa 5 na lalaki. Pinagtutulungan siya.
May kumausap sa akin sa kabilang linya.
"Hello, this is an emergency please help us." The guy keeps asking about my report
"Please tulungan niyo kami andito kami sa national road #5 hinarang kami ng 5 na kalalakihan at may armas sila at kutsilyo. Pinagtutulungan nila ang Kuya ko. Please padala kayo ng police." iyak kong sabi. Rinig ko on the way na daw sila.
Di ko mawari ang aking naramdaman abot abot ang kaba ko habang tinitingnan si Kuya nakipaglaban.
I saw the 2 guys down. Kuya knows how to fight, kaya napapatumba niya ang iba. Medyo nahihimasmasan ako ng kaunti na kayang kaya niya ang 3 natira at bugbog sarado but suddenly I was almost out of breath when I saw the guy at his back take out his knife and intend to stab Kuya at the back.
"Kuya;" sobrang lakas kong sigaw for him to looked back. Di ko kayang tingnan siya sa ganun na situation. Buti nalang he moved pero tinamaan ang balikat niya I guess that guy intended to stab in his neck. He fought with that guy.
I kept crying in the car when I saw blood dripping in his shoulder. Gusto kung lumabas at tulungan siya but naalala ko ang sinabi na never ever come out what ever happened. Para akong mawalan ng ulirat as I see his fighting while bleeding.
Nakita ko na binunot niya ang baril niya at binaril sa kamay na sumaksak sa kanya kaya nabitawan ang kutsilyo. Napatumba nila lahat pero kita ko ang maraming dugo na lumabas sa balikat niya. Kaya dali dali akong lumabas sa sasakyan.
"Cadley bumalik ka sa sasakyan;" sigaw niya I am in between following his order or lapitan siya.
Then dumating ang mga pulis kaya di na akong nagdalawang isip na lapitan yakapin siya.
Nakita ng pulis, ang situation pinagdadampot ang mga nakadapang kalaban. The police investigate Kuya.
"Mamang pulis pwede po ba next lang ang interview kailangan niyang madala sa hospital kasi baka maubusan siya ng dugo." Kay sinakay kami sa patrol car para pumunta sa hospital.
Saka lang ako naging okay when the doctor treated him. I just looked at him. I can't even imagine if that thing happens. Ayokong isipin. He looks okay.
"Cadley come here;" tawag niya sa akin after his wound was properly dressed.
"I am okay now so relax." Ani niya sa akin habang pinapahiran ang luha ko sa mata. Di ko namalayan na umiiyak pa pala ako sa labis na takot sa aming naiisip.
I hug him, di ko mapigilang ang sarili.
"Next time if that situation happens again, follow my order, never come near me or stay where you are safe. Kasi di ako makapag-concentrate sa pakikipaglaban if I know you are in danger." Tumango ako.
"I will always protect you, they will come to me first before they can get you, please remember that." Sabay yakap sa akin.