Pagdating ko sa opisina galing sa Bella ay agad akong tumungo sa meeting room upang idiscuss ang napag usapan at napag kasunduan namin ng Bella. "Nabawi ko ang kontrata natin sa Bella at gusto kong gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo upang mabawi natin ang tiwala nila," seryosong saad ko sa kanila. "Narito na po ang presentation na hinihingi niyo Sir Lucio," sambit ni Marga sabay abot ng isang flash disk. , "Ayan po ang soft copy ng photoshoot natin sa product ng Bella at ipapakita ko naman po sa inyo thru presentation ang mga magaganda at pinasa naming litrato sa kanila." Ipinakita ni Marga ang mga litrato na nakuha nila sa produkto ng Bella at masasabi kong wala namang problema dito ngunit ang nakakapag taka lang ay bakit hindi ito nagustuhan ng Bella. "Bukas na bukas ay itutuloy n

