Maaga pa sa usapan namin ni Marco ay nandun na ako sa lugar kung saan kami magkikita. Habang nag hihintay ako sa kanila ay nag palakad-lakad muna ako sa loob ng mall upang libangin ang sarili ko. Kinakabahan kasi ako sa maririnig ko mula sa doctorang kasintahan ni Marco. Kapag nandito ako sa mall na ito ay lagi akong tinatahak ng mga paa ko sa ice cream store kung saan ay naging historical place na sa amin ni Gianna. Nakatingin ako mula sa malayo ng bigla ko nalang naisipang bumili ng paboritong ice cream ni Gianna. Itinulak ko ang pinto paloob at hindi ko sinasadyang mabangga ang batang may hawak na ice cream cone. Nalaglag ang ice cream niya kaya bigla nalang siyang naiyak. "Sorry! Nasaktan ka ba?" nag aalalang tanong ko sa bata. Tumingin ito sa akin at bakas sa mukha niya ang kalun

