Nakatingin ako sa malayo habang iniisip ko ang lahat ng mga kasama na ginawa sa akin ni Celine at kung papaano ko siya mapapanagot sa mga kasalanan niya sa akin at kay Gianna. Itinaas ko ang baso ko na may lamang alak at napa bugtong hininga nalang ako dahil sa lalim ng iniisip ko. "Ano pong bumabagabag sa inyo Sir Lucio?" tanong nalang bigla ni Manang Pasing sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at napangiti habang iniinom ang alak sa baso ko. Huminga muli ako ng malalim at tumugon ako sa tanong niya. "Wala naman po Manang," nakangiti kong tugon sa kanya. "Wag po kayong mag alala dahil dadating din ang araw na magiging maayos ang lahat," sambit niya sa akin. "Oo naman po Manang naniniwala naman ako na magiging maayos din ang lahat at siguro ako na babalik na dati ang lahat." nakangiti

