KABANATA XI

1099 Words
Pagdating namin sa bahay nila Angelo at Jacob agad akong umakyat sa kwarto para tulungang mag impake si Angelo ng mga gamit niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ko ng mga oras na 'to sobrang naiinis ako at the same time nalulungkot dahil kakabalik palang ng asawa ko mula sa out of town ngayon aalis na naman siya. "Ayusin mo ang mga kakailanganin mong gamit sa pag alis mo. Ilan araw ka nga ulit doon? Isang linggo nga lang ba o isang buwan? Hala sige doon kana tumira!" Galit kong sambit sa kanya. Seryoso ang mukha ni Angelo na lumapit sa akin. Niyakap niya ako sa mula sa likuran ko habang hinihimas ang mga braso ko. "Hon? Galit ka ba dahil aalis na naman ako?" Pang lalambing niya sa akin. Hinawi ko ang kamay niya at humarap ako sa kanya habang nakasalungkikip ng kamay. "Anong satingin mo?" Inis kong sambit. "Pagkatapos ng movie na 'to ilang buwan na ulit bago ako aalis ng bahay," "Wala namang bago Angelo, Kailan ka pa nag kaoras sa amin ng anak mo? Puro ka nalang trabaho! Alalahanin mo may kapatid ka sa ospital," "Kung hindi ako mag tatrabaho paano ang pamilya natin? Saan tayo kukuha ng makakain natin?" tanong niya sa akin. "Aaahhh basta! Bahala ka sa buhay mo basta walang sisihan kapag nilayasan ka na namin ng anak mo," "Nag tatrabaho ako Emily! Anong gusto mong gawin ko? Umasa sayo? Hindi ba dapat wag ka ng mag trabaho dahil maganda naman ang trabaho ko? Pinag usapan na natin yan diba? Pero ano! Ayaw mong makinig! Ang gusto mo! Gusto mo lang! Paano naman ako? Wag mo masyadong tapakan ang p*********i ko!" Sigaw niya sa akin. "Bakit? Bakit! Trabaho lang ba talaga ang ginagawa mo doon o nakikipag landian kana? Ano? Ano! Subukan mo lang Angelo kapag nahuli kita wala ng balikan! Tandaan mo yan," Sigaw ko sa kanya. "Kapag may nakita ka kaso wala eeh? Why so paranoid Emily? Hindi kaya ikaw ang nakikipag landian sa iba? Wag mo akong paratangan sa mga bagay na hindi ko ginawa! Bullshit!" sambit niya sabay alis. "Bumalik ka dito! Punyeta ka!" Pinaghahagis ko ang mga gamit ni Angelo sa lapag ng kama namin habang nag iinit ang ulo ko! Sino ba naman ang aamin na nambabae siya? Tanga mo kapag umamin ka! Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin at nakita ko sa gilid ng pinto si Jacob na umiiyak. Nanlambot ang puso ko at agad akong lumapit sa kanya. "Why are you crying baby?" "Mag hihiwalay na po ba kayo ni Daddy?" sambit niya sa akin habang umiiyak. "Saan mo naman nalaman yan anak?" "I heard you! Lalayasan natin si Daddy!" "Hindi sa ganun anak, may mga bagay na hindi mo maiintindihan dahil sa bata ka pa. Bakit hindi ka pa natutulog huh?" "I'm scared!" Takot niyang sambit. "Saan?" "Natatakot ako na baka pag gising ko wala na si Daddy." Hindi ko alam bakit ganito mag salita ang anak kong si Jacob. Alam kong narinig niya lahat ng conversation namin ng Papa niya. Alam kong nalulungkot at natatakot siya na balang araw ay masisira ang pamilya namin at mag kakawatak-watak. Inakay ko si Jacob papunta sa kama namin ni Angelo. Pinahiga ko siya doon at pinatulog sa tabi ko. Habang patulog na si Jacob ay kinuha ko muli ang mga damit ni Angelo sa sahig at tinupi ito sabay lagay sa loob ng luggage niya. Habang inaayos ko ito ay hindi ko maiwasan na maluha dahil sa lumbay na nararamdaman ko. Alam kong may iba dahil babae ako! Alam ko ang pakiramdam ng iniiputan sa ulo! Hindi ko mapapaamin ng ganun-ganun lang ang asawa ko kaya ako na ang gagawa ng paraan para mahuli ko silang dalawa ng babae niya. Umalis ng bahay si Angelo hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pinatulog ko na muna ng himbing si Jacob bago ako bumaba sa kusina para uminom ng serbesa. Para akong broken hearted sa nangyayari ngayon sa akin. Ayokong magaya sa Nanay ko na sawi sa pag ibig. Nasira ang buhay niya dahil sa nag mahal siya ng maling tao. Malapit ko ng maubos ang isang bote ng wine medyo lasing na din ako dahil sa nag halong pagod at alak. Papikit-pikit na ang mata ko hanggang sa nakatulog na nga ako sa kusina. Kinabukasan Pagmulat na pag mulat ng mata ko ay napansin kong nasa kwarto na ako. Iginala ko ang mata ko at napansin kong wala si Jacob kaya nag madali akong bumangon sa kama at bumaba sa kusina. Nasa hagdan palang ako ng maamoy ko ang niluluto sa baba. Sumilip ako sa kusina at nakita ko si Angelo at si Jacob na bising nagtuturuan na mag luto. "Daddy, iiwan mo ba kami ni Mommy?" tanong ni Jacob sa kanya. "Saan mo naman narinig yan baby?" "Kagabi po! Nakita ko si mommy na umiinom dito sa kusina kagabi tapos umiiyak siya kasi iiwan mo na daw kaming dalawa," "Nako! Mukang namali na ata ng narinig ang baby namin? Gusto mo ba tulungan kita linisan ang tenga mo? Sino naman nag sabi na iiwan ni Daddy ang poging Jacob na yan? Syempre mahal na mahal ko kayong dalawa ni Mommy at walang makakaagaw sa inyo kay Daddy," "Eeh bakit po umiiyak si Mommy?" tanong niya ulit kay Angelo. "Napuwing lang si Mommy anak, alam mo yung alikabok? Pumasok sa eyes ni Mommy yun kaya napaiyak si Mommy kagabi," sabat ko sa usapan nila. "Mommy!" "Anong niluluto niyo? Mukang masarap yan aah," "Mommy! Nilulutuan ka namin ni Daddy ng breakfast! Masarap yan Mommy!" Masayang sambit ni Jacob sa akin. "Oo naman baka luto ng baby ko 'to!" "Tikman mo na Mommy!" Kumuha ako ng tinidor para tikman ang niluto nilang itlog ngunit bago pa man ako makapag sandok ay sinubuan na ako ni Angelo. "Uyyy! Ang sweet nila!" Masayang sambit ni Jacob sa amin ni Angelo. Ngumiti lang ako kay Jacob. "Mommy! Subuan mo din si Daddy!" Nag aalangan pa ako na gawin yun dahil sa inis pa din ako kay Angelo ngunit dahil sa may batang makulit sa tabi ay sinubuan ko na rin siya. Tuwang-tuwa si Jacob na nakikita kami ni Angelo na sweet na dalawa. Siguro kailangan kong mag panggap na masaya ngayon habang wala pa akong nakikitang proweba sa kalandian ni Angelo. Lunes na naman ngayon at banatan na naman ng buto! Pagkatapos naming mag agahan ng pamilya ko ay pinahatid ko na kay Angelo si Jacob sa iskwelahan. Isang linggong walang katabi na naman sa kama dahil sa aalis ang asawa ko para sa pangarap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD