KABANATA XII

1483 Words
Kakadating ko palang sa opisina ng marinig ko ang isang napaka gandang balita. Gumising na si Lucio! Sobrang saya ko dahil sa wakas mabuti na nga ang lagay ni Lucio. Gusto ko mang pumunta agad sa hospital ngayon ngunit may importanteng bagay kaming gagawin ngayon sa opisina dahil ngayon ang unang araw ng photoshoot ng mga damit ni Bella. Habang nasa trabaho ako ay hinayaan kong magbantay si Manang Pasing at si Alma na mga kasambahay niya. Nakaupo ako sa upuan ko ng biglang tumawag sa akin si Marga ng Production team. "Ms. Emily! We need you here right now." Wala ng lumabas na salita sa bibig ko at nag madali na akong bumaba sa production team. Sobrang daming tao sa production team ngayon dahil lahat ng modelo namin ay inimbitahan para sa isang malakihang photoshoot. Paglabas ko ng elevator ay agad akong sinalubong ni Marga. "What's wrong?" tanong ko agad sa kanya. "Yung assistant ni Ms. Bella kanina pa nag aattitude dito," "Aahh... Ok! Akong bahala." Lumapit ako agad sa assistant ni Ms. Bella at tinanong ko agad ito kung may problema ba. "Hello Ma'am, kamusta po ang 1st day?" tanong ko sa kanya. "Ms. Emily yung mga model nyo napaka lousy. Walang ka pose-pose kung promising," "Aahh ganun po ba? Sige po pag sasabihan ko sila." Agad kong pinatigil ang photoshoot at pinagalitan ko lahat ng nasa production team. "Anong problema nyo! Big break nyo itong photoshoot na 'to tapos patanga-tanga kayo? Ayusin nyo naman nakakahiya sa client natin!" Galit na sambit ko sa kanila. , "Ikaw Dimple! Umayos ka! Ayoko ng maattitude dito! Nag kapangalan ka lang lumalaki na ulo mo?" Galit na sambit ko sa kanya. Inirapan lang ako ni Dimple at tumalikod sa akin. "Asan na ang make up and hair team? Ayusan niyo ng maayos yang mga Modelo niyo ang papanget! Pag bilang ko ng tatlo dapat maayos na set nyo kung hindi ipag sesesante ko kayo!" Sigaw ko sa kanila. Habang nagtatalak ako sa kanila ay dumating din si Celine. "What's happening?" Galit niyang sambit. Agad na lumapit sa kanya si Marga para mag paliwanag. "Ma'am Celine, Kasi po nagagalit yung sa Bella Co. Wala daw pong ka pose-pose ang mga babaeng model natin," "Ganun ba?" "Ok guys! Unang araw palang ng photoshoot ito marami-rami pang magaganap kaya ayusin niyo ang ginagawa niyo! Ayoko ng patanga-tanga dito! Wag niyo akong ipahiya kay Ms. Bella!" Galit niyang sambit. Purgang-purga na ang set sa galit namin kaya kinol-out muna ng Bella Co ang photoshoot. "Sobrang hussle na at ayoko na ng ambiance. Will continue the photoshoot later. Mag pahinga muna kayo at mag ayos ng set nyo," sambit ng assistant ni Bella. "Thank you and sorry for the inconvenience," Magalang na sambit ko sa kanya. Agad na umalis ang assistant ni Bella at sinabayan ko ito sa elevator. Hinayaan kong naiwan si Celine sa production para pagalitan ang mga tatanga-tanga na model niya. "We're really sorry Ms. Hayaan nyo po mamaya maayos na ang set." Seryosong nakatingin sa pinto ang assistant ni Bella at hindi ito sumagot sa sinabi ko. Bumaba siya parking saktong doon din ang punta ko. Sumakay ako sa kotse ko at nagmadali akong binuksan ang makina ng kotse ko at umalis na ako papunta sa ospital. Mabilis ang biyahe ngayon sapagkat walang trapik sa daan. Pinarada ko agad ang kotse ko sa parking ng ospital at patakbo akong pumunta sa silid ni Lucio. Nakangiti akong pumasok sa silid niya at sa pag pasok ko ay nakita ko sa gilid na pailing-iling sina Manang Pasing at Alma. "Kamusta!" Nakangiting sambit ko kay Lucio. "Si Celine? Bakit hindi mo kasama si Celine?" tanong niya sa akin habang seryoso ang mukha. "Teka? Ano? Si Celine? Bakit mo naman hinahanap si Celine?" "Malamang! Eeh fiancee ko yan? Bakit hindi ko hahanapin?" Galit niyang sambit. Bigla akong natawa sa sinabi ni Lucio. "Fiancee mo si Celine? Eeh siya nga--" putol kong sambit. Nilapitan ako ni Manang Pasing at binulungan. "Mukang may nangyari sa utak niya," bulong sa akin ni Manang. "Alam mo ba pinag sasabi mo ngayon Lucio?" Seryoso kong sambit sa kanya. "Oo! Ano ba! Bakit ba wala si Celine dito? Sabihin mo nga sa kanya na hinahanap ko siya!" Galit niyang sambit sa akin. "Manang, tawagin mo nga ang Doctor bakit ganito itong animalism na 'to," "Sige po," "Lucio! Wala na kayo ni Celine," "Anong wala?  I will make things right now! Kailangan kong makausap si Celine." Habang nag uusap kami ni Lucio ay biglang dumating si Angelo. Pagpasok na pagpasok palang ng pinto ni Angelo ay nagalit na agad si Lucio. "Tang ina mo! Bakit nandito yang gago na yan?" Napatulala kaming lahat sa sinabi ni Lucio kay Angelo. "Bakit mo minumura si Angelo?" Gulat na sambit ko sa kanya. "Dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Celine! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin Angelo sa kabila ng tinulong ko sayong gago ka!" "f**k Lucio! He's my husband! Anong pinag sasabi mo!" "I saw Celine and Angelo! Tang ina niyong dalawa! Mga gago kayo!" Tumingin ako ng masama kay Angelo at pinag sasapak ko siya. "Hon! Aray ko!" sambit ni Angelo sa akin. "Si Celine pala ang babae mong gago ka! Sa dami-dami ng babae bakit si Celine pa!" Galit kong sambit sa kanya. "I don't know what are you talking about Lucio! Tanga ka ba? Walang kami ni Celine loyal ako sa asawa ko!" Galit na sambit ni Angelo kay Lucio. "Asawa mo? You're married?" Nagtatakang tanong ni Lucio kay Angelo. "8 years na kaming mag asawa ni Emily. f**k Celine! Bakit dinadamay mo na naman ako sa babaeng yun!" Sigaw ni Angelo kay Lucio. "Huh? I saw you with Celine yesterday paanong kasal kana?" Nagtatakang tanong ni Lucio kay Angelo. Tumahimik ang buong kapaligiran. Lucio lost his memory! Hindi ko alam kung maaawa ako o hindi ngunit hindi napigilan ng bibig ko na tanungin si Gianna sa kanya. "Do you know Gianna?" "Who's Gianna? Wala akong kilalang Gianna." Nanlumo ako at naluha sa narinig ko. Wala si Gianna sa memory niya. "Anong araw ngayon?" tanong ko kay Lucio. "Mahalaga pa ba yang tanong mo? Iharap mo sa akin si Celine yun ang importante," "Anong araw ngayon! Sasagutin mo ako o hindi ko ipapakita sayo si Celine?" "Tang ina! Ano bang klaseng tanong yan! Bullshit!" sambit niya habang nag iisip. , "May 22, 2008! Ok kana? Masaya kana!" "13 years ago pa ang memory niya." Malungkot kong sambit. Napaupo ako sa upuan habang nanghihina sa narinig ko. Sobrang nalulungkot ako dahil sa nangyayari ngayon. Habang nakaupo ako sa upuan ay dumating na ang Doctor. "Good morning! Kamusta ang pakiramdam mo Mr. Lucio?" tanong ng Doctor kay Lucio. "I'm feeling good Doc! Pwede na akong madischarge today," "I'm sorry pero hindi ka pa pwedeng lumabas ngayon," "Bakit? Car accident lang naman ito. I can handle myself," "Car accident?" tanong ng Doctor sa kanya. "I'm sorry Mr. Lucio but you are shot in your abdomen not a car accident," "Huh? Paano? Sinong bumaril sa akin?" "We can't answer that for now pero masaya kami na gumising kana," sambit niya kay Lucio. Tinawag ako ng Doctor at kinausap kami ng asawa ko sa labas ng kwarto. "At the moment he lost his memory. He's saying a car accident? Meron ba siyang history na naaksidente siya sa sasakyan?" "Meron Doc! 13 years ago na po ang nakakaraan. Confirmed ko na din po dahil ang naretain sa utak niya ay ang nakaraan. Hindi niya kilala ang asawa niya at hindi niya alam na asawa ko na ang kapatid niya," "Owww... Sorry to hear that. I think temporary lang naman ito maybe this week bumalik din ang lahat ng memory niya," "Paano po nangyari sa kanya ito Doc?" tanong ko sa kanya. "Maaaring nangyari ito dahil sa ilang beses siyang ni-revive. Kapag ang katawan ay nag shut down pati ang utak mamamatay. Dahil sa ilang beses siyang nag agaw buhay naapektuhan ang kanyang memorya," "Wala na po bang mas aaga pa na mabalik niya ang memorya niya?" "Hindi ko masasagot yan, Siya lang ang makakapag balik ng memorya niya ngunit kailangan nyo siyang tulungan na maalala ang past niya," "Salamat Doc!" Pagkatapos naming kausapin ang Doctor at pumasok na kami ni Angelo sa loob. Natutulog na muli si Lucio ng pumasok kami. "Anong nangyari?" tanong ko agad kay Manang. "Walang natirang bantay dito kagabi Emily. Nagulat nalang kami ni Alma ng biglang nagising si Lucio kaninang umaga," "Bakit ganyan? Bakit si Celine ang hinahanap ng kumag na yan," "Hindi ko din alam kung bakit." Tinawagan ni Angelo ang sina Fernando at Franco para balitaan na gising na si Lucio. Ang makakasama namin na Lucio ngayon ay ang napaka arogante at napakasamang si Lucio. Hayyy... Akala ko tapos na ang problema namin dahil nagising na si Lucio yun pala may mas mahirap pang problema ang dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD