Gabi ng Disyembre 23 sa loob ng dressing room labis na nag aalala si Mikan para sa kanyang kaibigan. “Yvonne I am really worried about him, kagabi habang kumakanta ako nakita ko siya sa isang sulok umiinom at umiiyak dito” kwento ng dalaga. “Hala, ano nangyari?” tanong ni Yvonne.
“Di ko nga alam e, after my set pinuntahan ko siya pero hindi siya nagsasalita. I told him to stay put, pagpunta ko sa stage wala na siya. I tried texting him and calling him pero hindi siya sumasagot” sabi ni Mikan. “Gusto mo puntahan ko siya sa kanila?” tanong ni Yvonne. “Uy can you really do that? Sige nga o, kindly check on him please” sabi ni Mikan.
Biglang bumukas yung pintuan, “Hello Mikaela, you look so sparkling today” bati ni Enan. “Nandyan siya?” bulong ni Yvonne. Di nakagalaw si Mikan pagkat lumapit ang binata at hinalikan siya sa pisngi. “Call you later” bulong niya sabay tinago ni Mikan phone niya.
Tumayo ang dalaga sabay pinagmasdan ang binata na nag aayos ng damit niya sa harapan ng salamin. “Hey Enan, are you okay?” tanong ng dalaga. “No but the show must go on, professionalism ang tawag dito” sabi ng binata. “We can talk about it you now” lambing ni Mikan.
“I am fine, alam mo ang tumatalab lang sa akin e yung unang dagsa ng sakit. Pero habang tumatagal e halos manhid na ako. Oh don’t worry I was born for pain. Kesa na ipaalala mo sa akin tulungan mo nalang ako idistract ang sarili ko” sabi ni Enan.
“Nag aalala lang naman ako para sa iyo Enan e” sabi ng dalaga. “Mikaela I am fine, penge nalang ng isang matamis mong ngiti” landi ng binata kaya ngumiti ang dalaga. “O yan okay na ako, salamat pala. Alam mo yang mga ngiti na ganyan pampaalis ng bad vibes so if I keep seeing that tonight then rest assured I will be fine” sabi ni Enan.
“Alam mo Enan di maganda yung nagsasarili” sabi ni Mikan. “Oo alam ko yon, nakakabulag daw yon” sabi ng binata. “Baliw! Hindi yon!” sigaw ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Mikaela I am fine…you are so damn pretty again huh, sparkling sparkling face ka. Ano yan glitters?” tanong ni Enan.
“Pangit ba?” tanong ng dalaga. “Nagbibiro ka ba? Kahit siguro pahiran ng tae mukha mo maganda ka parin pero morbid na yon. Pero you got my point right?” tanong ng binata kaya binangga siya ng dalaga. “Hey, are you really okay?” lambing ng dalaga. “Nope” sagot ng binata. “Pero kaya ba?” tanong ni Mikan. “I am here aren’t i?” landi ng binata.
“Sandali lang pala kakausapin ko lang si boss” sabi ni Enan. “Tungol saan?” tanong ng dalaga. “Basta, I will be back” sabi ng binata sabay lumabas ng dressing room. Nag ayos ng sarili si Mikan, sampung minuto lumipas bumalik si Enan at tumabi sa kanya.
“Hey Mikan, Christmas na so you wanna try something new?” tanong ng binata. “What do you mean?” tanong ng dalaga. “Kailangan happy, kailangan lively, no more sad songs. Mapapatawad ka kaya ng mga fans mo kung hindi mo kakantahin mga kanta mo kahit ngayong gabi lang?” tanong ng binata.
“I guess so, what do you have in mind ba?” tanong ng dalaga. “Gusto ko masurpresa sila e, teka lang dito ka lang at kakausapin ko yung banda” sabi ni Enan. “Kasama natin sila?” tanong ng dalaga. “Yeah, para good time ang lahat. Lets make this night something bombastic”
“Sabi mo sa akin spread my wings and let loose, then dapat ikaw din. Basta ako bahala, dito ka lang pero tigil mo na pagpapaganda mo kasi maganda ka na” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga.
Pagtunton nina Enan at Mikan sa stage nagpalakpakan na yung mga tao. “I am back!” sigaw ni Enan kaya natawa ang lahat ng tao sa kanyang kenkoy at malanding funny face. “Tonight we will give you something you will never forget, Christmas na kaya happy happy lang tayo” sabi ng binata.
“Enan hindi ko ata kaya to” bulong ng dalaga. “Wushu, narinig kita one time kinakanta mo ito. Uso ito, makaka relate sila, wag ka na mahihiya. Pasayahin natin silang lahat” sabi ni Enan. “Natatawa na ako Enan e” bulong ng dalaga. “Well its working already, tara na. Tignan mo yung band naeexcite din sila o. We can do this” sabi ni Enan.
Paghataw ng banda ang dami nang napatayo sa tuwa at naghiyawan. “See I told you” bulong ni Enan. Humarap ang binata hawak ang mic kaya sobrang nagulat ang lahat nang siya yung unang bumirit.
“Because you know I am all about the bass, no treble” kanta niya kaya lalong nagwala ang mga tao sa kanyang boses na babae na pagkanta. Si Mikan nagtakip ng bibig, natatawa katulad nung mga band members na kasama nila. Mga tao walang tigil na nagsigawan sa tuwa pagkat nagsisimula nang gumiling si Enan at sobrang landi ang pagkanta niya.
“Yeah its pretty clear I aint no size two. But I can shake it shake it like im supposed to” kanta ni Enan sabay talikod at kinembot kembot pwet niya sabay super giling. Nagwala na ang lahat ng tao sa tindi ng tuwa, sina Bobby at nobyo niya napaindak na at napasayaw talaga.
Naglakad si Enan mala beauty queen na may angas, “Cause I got all the boom boom that all the boys chase. All the right junk in the right places. I see magazines working that Photoshop. We know that s**t aint real. Come on now make it stop” birit niya sabay tumayo siya sa harapan ni Mikan.
“If you got beauty beauty raise em up” kanta niya sabay haplos sa pisngi ng dalaga kaya nagtilian ang mga babae sa crowd. “Cause every inch of you is perfect from bottom to top” tuloy niya sabay one step back at turo sa magandang dalaga.
Humarap si Mikan hawak yung mic sabay siya naman ang bumirit. “Yeah my momma she told me don’t worry about your size. She say, boys like a little more booty to hold at night. You know I wont be no stick figure, silicone Barbie doll. So if that’s what youre into then go ahead and move along” kanta niya sabay umentrada ulit si Enan kasama ang kanyang sobrang landi at mapang akit na giling giling.
Nang matapos yung kanta sobrang tinding standing ovation, sigawan at hiyawan sabay palakpakan sumalubong sa kanila. Napatalon sa tuwa si Mikan, maski yung banda na kasama nila nagpalakpakan at pinagtuturo si Enan. “I told you! Teka lang iinom lang ako tubig, warm up palang yon” sabi ng binata kaya talagang naexcite lalo yung crowd.
Nagpanic si Bobb at mga staff niya pagkat bigla sila dinagsa ng mga tao. Sina Enan, Mikan at yung banda todo bigay sa pagpapasaya ng tao kaya ang daming tao sa labas ang sising sisi pagkat hindi na sila makapasok.
Nang matapos yung last set nagsigawan yung tao at hiniling nila na ulitin yung unang kanta. Nagpaunlak naman sina Enan at Mikan pero ngayon mas lalong nagwala ang mga tao pagkat mas malandi na yung binata at todo bigay talaga sa kanyang pagsasayaw.
Sa dressing room hindi maka get over si Mikan habang si Enan abala sa pagpupunas ng kanyang pawis. Pumasok sa kwarto si Bobby sabay may inabot sa dalawa na sobre. “Enan is right, so tomorrow the bar is closed. It will re open on the twenty sixth” sabi niya.
“What? So you mean wala bukas? Pero sir diba dati..” sabi ni Mikan. “Tama si Enan, I made already a lot this December. Everyone deserves a break. So Merry Christmas sa inyong dalawa, you two are really awesome. Maraming salamat talaga sa inyo” sabi ni Bobby.
Paglabas niya nalungkot si Mikan at agad tinignan phone niya. “Mga gig mo sa twenty five pina cancel ko din kay Yvonne” sabi ni Enan kaya nagulat ang dalaga. “Why did you do that?” tanong ng dalaga. “Kilala na kita, para di ka malumbay ng Pasko kumakagat ka sa mga gig”
“This time its different, you will spend Christmas with my family” sabi ni Enan. Nayanig ang utak ni Mikan, di siya makalagaw at agad naluluha. “So come on lets go to your condo and get your clothes and stuff. Naka ready na yung kwarto mo sa bahay at alam na ng parents ko” sabi ni Enan.
“Hala Enan…pero..” sabi ng dalaga. “Walang pero pero, wala kang lusot dito Mikaela. Hindi kita hahayaan magpasko na mag isa this year. Come on give me your keys and I am driving” sabi ng binata.
Sa loob ng kotse tahimik parin si Mikan hanggang sa pagdating sa condo unit niya. “Enan nakakahiya” bulong ng dalaga. “Alam ko maliit lang bahay namin pero at least hindi ka mag isa sa pasko. At kailan ba yung last time na nag celebrate ka talaga ng Pasko? Well this year you will, dalian mo kasi nag aantay na midnight snack natin” sabi ng binata.
Nagmadali si Mikan, ilang minuto lumipas lumabas siya ng kwarto na nagpupunas ng luha. “Mikaela ilang araw lang yon, bakit parang nag impake ka na ata? Di kita itatanan” biro ni Enan kaya natawa ang dalaga.
“E kasi Enan tuwing Pasko kasama ko din fans ko. I live stream…” sabi ng dalaga. “Oh okay, sige we can do that at home. Akin na ako na magbubuhat sa lahat” sabi ng binata. Pagbalik nila sa kotse napangiti ang dalaga, “Namiss ko tuloy family ko” bulong ng dalaga. “Well you can call them, basta magrelax ka lang, enjoyin mo itong Pasko. Kung gusto mo hanggang New Year pa nga e” sabi ng binata.
“Nakakahiya na masyado” sabi ng dalaga. “Nonsense, tara na at nagtext mama ko at naka ready na daw yung pagkain natin” sabi ng binata. Ilang minuto lumipas nakarating sila sa bahay nina Enan.
Pagpasok nila agad inakyat ni Enan ang mga gamit ng dalaga kaya hiyang hiya parin si Mikan. “Halika na iha, habang mainit pa” sabi ni Rosa. “Tita nakakahiya naman ata” sabi ng dalaga. “Hindi, wag kang mahihiya iha” sabi ni Rosa.
“Pero tita, may pinagdadaanan si Enan” bulong ng dalaga. “I know dear, its better pag hindi mo na ipaalala sa kanya” sabi ni Rosa. “What are you two talking about? Are you two talking about me?” tanong ni Enan.
“Of course not, halika na anak at samahan mo na siya kumain” sabi ni Rosa. “Mikaela wag kang mahihiya dito ha. Feel at home. You can sleep up to whatever time you want. Basta isipin mo nalang naka bakasyon ka. Wala kang iisipin na iba” sabi ni Enan.
“May hot and cold shower kami pero wala kami tub, pero kung gusto mo talaga ng tub may malaki kaming supot don punuhin ko ng tubig tapos ipasok kita. Meron kaming garden pero hindi masyado madaming flowers pero maganda naman yung shade na ginawa ko at maganda tumambay don” sabi ni Enan kaya bungisngis ang dalaga.
“Tapos wag kang magugulat pag dinudumog ang bahay namin kasi artistahin ako. Normal yon, tuwing umaga gusto nila ako makita para mainspire sila sa buong araw. Pag dating ng gabi naman ganon din para may papanaginipan sila bago matulog” banat ni Enan.
“Aysus, pasensya ka na iha, loko loko talaga ito” sabi ni Rosa. “Okay lang tita, nakaaaliw nga siya e” sabi ni Mikan. “Mother I am just telling her the truth para hindi na siya magulat” sabi ni Enan. “Oo na sige na kumain ka na” sabi ni Rosa.
“Mikaela kung gutom ka in between meals open twenty four hours yung ref namin ha. May canned juices, soda, bumili din ako ng cheesecake at eggpie. Tapos sa cupboard naman doon nakatago yung junk food. Kung may kulang na food just tell me at bibili ako sa grocery” sabi ni Enan.
“Enan this is too much” sabi ni Mikan. “Anong too much? Oh may laundry service din kami care of my mother, wag ka mahihiya. May driver din kami dito pero tulog na siya” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Pag marinig ka ng papa mo sige ka” sabi ni Rosa.
“Siya nga pala bukas if you want to come may short concert ako sa office nina daddy. Lunch time yon” sabi ni Enan. “Magpeperform ka?” tanong ni Mikan. “Yup, kasi I promised him pero saglit lang yon. Before lunch yon, di ko alam bakit pa kasi late ginaganap party nila” sabi ni Enan.
“I can come with you” sabi ng dalaga. “Ay naku matutuwa asawa ko niyan” sabi ni Rosa. “Sige po, perform tayo Enan” sabi ng dalaga. “O sige, siguro naman two to three songs lang, ang importante naman don masilayan nila ako” banat ng binata kaya nagtawanan sila.
Nang matapos maligo si Mikan napasilip siya sa kwarto ng binata. “You asleep?” bulong ng dalaga. “Gising pa” sagot ng binata. “Can I come in?” tanong ni Mikan kaya naupo ang binata. “Sure” sabi niya.
“Di pa ako pwede matulog kasi basa pa buhok mo” sabi ni Mikan sabay naupo sa dulo ng kama. Pinagmasdan ng dalaga yung larawan ni Enan at Cristine, “She is super pretty” sabi niya. “She is…ikaw din naman ah” sabi ng binata. “Lagi mo sinasabi kaya sige na nga maniniwala na ako” sabi ni Mikan. “Pasensya ka na ha, maliit lang talaga bahay namin” sabi ni Enan.
“Hindi naman siya maliit, ang sarap nga dito e. You can feel the warmth of the people living here” sabi ni Mikan. “So ano ibig mo sabihin mga demonyo kami? Punong puno kami ng warmth at pag aapoy?” banat ni Enan kaya natawa ng malakas ang dalaga.
“Ay sorry, baka magising parents mo” sabi ni Mikan. “Hindi no, okay lang yon” sabi ni Enan. “May problema ka pero inuuna mo parin yung ibang tao. That is why she loved you perhaps” sabi ni Mikan.
“Trust me it’s a very complicated story. Kung gusto mo malaman yung kwento sige sasabihin ko pero in German. Kasi I feel comfortable telling the story in German” sabi ni Enan kaya natawa ulit ang dalaga.
“Its okay if you don’t want to share. Sabi mo sa akin maging happy so habang nandito ako I will never ask why you cried the other night” sabi ni Mikan. “Ikaw lang naisip kong takbuhan…pero pagdating ko don busy ka pala” sabi ni Enan.
“Akala ko ba wag natin pag uusapan” sabi ng dalaga. “Sinasabi ko lang, mabait ka sa akin, may tiwala ako sa iyo kaya ikaw unang naisip kong takbuhan” sabi ni Enan. “Hindi si Clarisse?” tanong ni Mikan.
“Oo nga no, funny I should have ran to her…ewan ko siguro bestfriend narin kasi kita kaya ganon. Well on my part bestfriend na kita that is” sabi ni Enan. “Ikaw din naman parang bestfriend ko na” sagot ng dalaga.
“Mikaela do you think alisin ko na yang picture namin?” tanong ni Enan. “Up to you, masakit ba pag tinitignan mo?” tanong ng dalaga. “Hindi, I focus on the good times” sabi ng binata. “O yun naman pala e, pero bakit wala kayong picture ni Clarisse man lang dito?” tanong ng dalaga.
“Kami ni Clarisse? Bakit naman ako nagpapaskil ng picture namin ni Clarisse?” tanong ng binata. “Ay oo nga pala, sorry. Kasi nung unang dalaw niyo sa dressing room ko akala ko kayo. Magkaholding hands kayo non e” sabi ni Mikan kaya natawa si Enan.
“Ganon lang kami non” sabi ng binata. “Hmmm, so I would be expecting you to be holding my hand too huh” landi ng dalaga kaya nagtawanan sila. “If you want to, funny lang kasi I kissed my bestfriend friends” banat ni Enan kaya napalo siya ng dalaga.
“Twice” sabi ni Mikan kaya napalunok si Enan. “Akala ko nakalimutan mo na” sabi ng binata. “I always wanted to ask what that second kiss was for” sabi ni Mikan. “Honestly, I wanted to. Forgive me, time of weakness ko siguro yon. I mean siguro desperado, tapos magaganda pa yung sinasabi mo that time”
“Tapos crush pa kita, aminado naman ako. It was a moment that I just could not resist. Sorry about that” sabi ni Enan. “Don’t be sorry, it happens I think. Anyway inaantok ka na ata” sabi ng dalaga.
“Hindi pa ano, takot lang ako pumikit kasi bumabalik yung sakit e” sabi ng binata. “I can talk to you until you fall asleep if you want” sabi ni Mikan. “Baka mapuyat ka, may lakad pa tayo bukas” sabi ng binata.
“Urong ka” sabi ni Mikan. “Bakit? Magtatabi tayo dito?” tanong ng binata. “Wag ka na maarte, I trust you” sabi ni Mikan. “Oh okay” sagot ni Enan kaya pareho silang nakahiga. “Teka lang patayin ko ilaw sabi ng binata. “Please wag…takot ako sa dilim” sabi ni Mikan kaya natawa si Enan.
“Di nga?” tanong ng binata. “Now you know” sabi ng dalaga. “O sige, pero palit tayo, diyan ako sa dulo at dito ka sa wall” sabi ni Enan kaya nagpalit sila ng pwesto. “Actually takot din ako sa guest room” sabi ni Mikan.
“E sana sinabi mo para dito ka at doon ako” sabi ng binata. “Sige, pero antayin mo ako makatulog bago ka lumipat don” sabi ng dalaga kaya tawang tawa si Enan. “I had so much fun kanina sa set” sabi ng dalaga.
“Me too, daming tao ano?” sabi ng binata. “Nakita mo ba si sir Bobby at boyfriend niya nagsasayaw din?” tanong ng dalaga. “Yeah, grabe nag out na siya in front of all people. Tonight was fun” sabi ni Enan.
“Trending nanaman tayo Enan” sabi ni Mikan. “Really? Don’t tell me may nag video nanaman?” tanong ng binata. “Meron, checked my fan page bago naligo at grabe nagwawala sila. Bukas ko na sagutin” sabi ng dalaga.
“Lets give your fans a treat, surprise natin sila” sabi ni Enan. “Sige ba, game ako. I am will to try new things, dati kasi I stick to what works. Kaya salamat sa iyo, wala naman pala dapat katakutan sa pagsubok ng mga bago” sabi ng dalaga.
“Kung kailan ako nakahanap ng magmamahal sa akin ng tunay may humadlang nanaman” sabi ng binata bigla. “You wanna talk about it?” tanong ni Mikan. “In German?” tanong ni Enan kaya laugh trip sila. “Wag na nga, pipikit lang ako ha” bulong ng dalaga. “Sige, samahan kita” sabi ni Enan.
“Wag ka pang aalis” bulong ni Mikan sabay hawak sa kamay ng binata.