“Grabe nakakatawa dad mo, super proud siya sa iyo grabe” sabi ni Mikan. “I know right?” sabi ng binata. “I saw his office, grabe panay picture niyo ni Cristine, I bet he will post another picture soon kasi kinunan niya tayo kanina diba?” sabi ng dalaga. “For sure, grabe busog ako. Di ko inexpect ang dami palang pagkain don” sabi ni Enan.
“Favorite ko yung baked mac ng mom mo, meron pa kaya non?” bulong ng dalaga. “Ay mamayang gabi wag kang mag aalala kasi mas masarap nanaman spag ng mom ko promise” sabi ng binata.
“Kanina pa tayo lakad ng lakad, san ba tayo pupunta?” tanong ni Mikan. “Tour nga ng neighborhood namin” sabi ni Enan. “Sikat na sikat ka dito ha” landi ng dalaga. “Of course naman, buti nga behaved sila today. Alam mo pag normal days dinudumog talaga ako” sabi ni Enan.
“Pagod na ako Enan” bulong ng dalaga. “Di ka lang sanay sa paglakad. You look sexy but you are not that physically fit you know” sabi ng binata. “I know, you don’t have to remind me. Tanging exercise ko minsan e I don’t take the elevator, I use the stairs” sabi ni Mikan.
“Konti nalang promise” sabi ni Enan. “E may pabalik pa e” reklamo ng dalaga. “Oo madali nalang yon, hanggang diyan lang tayo sa kanto o” sabi ng binata. Pagdating nila sa kanto biglang naglabas ng pera si Enan sabay sabay tinawag yung batang maliit. “Tots, bigay mo to sa papa mo” sabi ng binata kaya pagkakuha ng pera agad tumakbo yung bata papasok ng kanilang bahay.
May isang matandang lalake ang lumabas, nang makita si Enan kumaway ito sabay sumensyas. “What was that for?” tanong ni Mikan. “Basta” sabi ng binata. Ilang minuto lumabas yung lalake na may dalang dalawang malaking supot. “Kumpleto ba kuya?” tanong ni Enan.
“Oo kumpleto yan, high grade yan” sabi nung lalake kaya kinabahan si Mikan. “O sige, testing ko pag maganda yung palo order ulit ako ng fix sa iyo” sabi ni Enan sabay nagtawanan sila pagkat tuluyan nang lumayo si Mikan.
“Relax, biruan lang namin ni kuya yon. Kuya George si Mikan pala. Mikan this is kuya George, supervisor siya sa mall. Wala kasi ako time kaya sa kanya ko binigay listahan ko ng mga regalo” sabi ni Enan. “Oh God, akala ko kung ano na” sabi ng dalaga.
“Kuya salamat ulit ha, next time ulit” sabi ni Enan. “Sure Enan, anytime. Ikumusta mo ako sa mama at papa mo ha. Enan maraming maraming salamat talaga” sabi ng matanda. “Wala yon kuya, basta enjoy lang ha” sabi ng binata at nagualt ang dalaga nang mapansin na naluluha yung matanda. Pagkalayo nila sumilip si Mikan sa mga supot, “Mga regalo para kanino?” tanong niya. “Meron ka dito don’t worry” sabi ng binata.
Pagdating nila sa bahay pagod si Mikan kaya agad ito naupo sa sofa habang si Enan dinisplay yung mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. “Yup complete nga, sana naman inalis niya yung price tags bago binalot” sabi ni Enan. “ang bait naman niya” sabi ng dalaga.
“Sinabi mo” sabi ni Enan. “So what does he get in return?” tanong ng dalaga. “Points, basta tungkol sa card niya. Para sa New Year pwede sila trip ng family niya. Basta pag may gusto kaming bilhin na mahal ibibigay namin sa kanya yung pera, siya bibili gamit card niya tapos sa kanya na yung points. Good deal narin diba?” sabi ni Enan.
“Oo nga, wala ka pa pagod magpunta sa mall” sabi ng dalaga. “One time kasi nung nasa mall ako nakita ko siya habang bumibili ako. Tapos sinabi niya na gamitin nalang card niya. Long story pero every year ganito na. Pero let me tell you this is the first Christmas I am proud to say I bought the gifts using my own money. Dati kasi umaasa ako sa mga bigay ng ninong at ninang” sabi ni Enan.
“May career ka na e” pacute ng dalaga. “Di naman, o wag mo muna titignan yung mga regalo. Bubuksan lang mga ito pag Christmas na talaga. Kaya lang tong iba pag dumalaw mga kaibigan ko. Lahat sila meron tapos itong pinakamaliit para kay Greg” sabi ni Enan.
“Baka magtampo yon” sabi ni Mikan. “Hindi no, kasi sa loob nito titulo ito ng lupain ng saging, unggoy siya e” sabi ni Enan kaya natawa ng malakas yung dalaga. “Ito sa iyo, itong malaki” sabi ng binata. “Hala! Bakit ang laki?” tanong ni Mikan. “Basta, wag kang atat. Lahat ng importanteng tao sa akin at tanggap ako binibigyan ko ng regalo” sabi ni Enan.
“Nakakahiya wala man lang ako regalo sa iyo” sabi ng dalaga. “Di kailangan no, so what do you want to do now?” tanong ni Enan. “You wanna go check the fan page?” tanong ng dalaga. “Tara” sabi ng binata kaya umakyat sila sa second floor.
Pagsindi ng laptop nagulat si Mikan sa dami ng replies sa isang thread. “Holy…one million hits na daw yung…impossible” sabi ng dalaga kaya agad nila chineck yung link. Isang video mula kagabi ng unang kanta nila nakita nila sa Youtube na meron talagang one million hits.
“One Million” bigkas ni Enan kaya pareho silang nanigas. “Am I dreaming?” tanong ni Mikan. “No, hala, one million talaga” sabi ni Enan. “Lucky person, malaki kikitain niya” bulong ng dalaga. “Ows?” tanong ng binata.
“Yeah, if you post a video and get a lot of hits malaki kaya kita mo” sabi ng dalaga. “Wow, teka video natin yan ah. Dapat ikaw yung kikita” sabi ni Enan. “He took the video, ganyan naman na talaga uso. If you capture something you think is click worthy then upload mo agad sa account mo para kumita” sabi ng dalaga.
“Kaya pala ang daming mga komedyante sa Youtube, panay post ng video” sabi ni Enan. “Uhuh, pag madami silang views for sure madami silang kita. Yung iba nga ito na talaga kabuhayan nila e. Pero yung iba pag may fan base na sila kahit ano na pinopost nila kahit walang kwenta pero tatabo parin ng views” sabi ni Mikan.
“May kadayaan ito, dapat ayusin natin ito” sabi ni Enan. “Wag kang ganyan, he deserves it kasi siya naman kumuha at siya nag upload” sabi ng dalaga. “E di gawa din tayo, hala iset up natin yang gamit mo at gumawa tayo ng video” sabi ni Enan.
“Mamaya, I wanna check..Twitter…look #MikEnan is trending” pacute ng dalaga. “Ano sabi? Magaganda ba?” tanong ni Enan. “They loved our performance. Sana daw mag concert, hala grabe na to ha” sabi ni Mikan.
“Dali na magvideo na tayo, gulatin natin fans mo. Live stream na kakaiba with me as your guest. No no no, wait wag mo muna sabihin guest mo ako. Basta may idea ako” sabi ni Enan. “Ngayon na ba?” tanong ng dalaga. “Oo ngayon na, teka ayusin ko kwarto ko muna” sabi ni Enan.
“Enan it does not work that way, kailangan mag announce ka muna ano oras ka mag live stream para alam ng madami” sabi ng dalaga. “Ay ganon ba?” tanong ng binata. “Oo kaya, grabe ka naman. Di naman sila laging online no. Let me just announce…is four in the afternoon okay with you?” tanong ng dalaga. “Yeah, sige para mapaganda ko pa kwarto ko” sabi ng binata.
Bandang alas kwarto nagsimula na si Mikan, “Hello peeps, Merry Christmas” bati ng dalaga sa live stream niya. “As you can see I am not at my place today..” sabi ng dalaga. “Mikan, kinakausap mo nanaman ba sarili mo?” narinig sa stream kaya panay laughing comments ang nabasa na ng dalaga sa chat box.
Nagtakip ng bibig si Mikan at inuga ang kanyang ulo, “Sorry guys, kilala niyo ba yung boses na yon?” tanong niya. “O bakit ba ang kulit mo? I told you to stop talking to yourself. O baka naman kinakausap mo nanaman yang voodoo doll mo ha” sabi ni Enan mula sa malayo kaya natawa ng husto ang dalaga.
Tumayo si Enan sa likuran ng dalaga pero hindi nakikita ang kanyang mukha. Tumingala ang dalaga, “Mikan, imbes na kausapin mo sarili mo…nandito naman ako ah. Ako nalang kausapin mo” biglang banat ni Enan kaya agad napatingin sa screen ang dalaga at panay basa niya ng kilig comments.
Naupo si Enan sa tabi ng dalaga, “Mikan, worried ako sa iyo. Kinakausap mo nanaman sarili mo” sabi ni Enan sabay haplos sa pisngi ng dalaga. “I am here, talk to me” lambing ng binata. Nanigas si Mikan, kinilig pero agad niya tinuro yung camera.
“Enan, naka livestream ako at kausap ko sila” sabi ng dalaga. “Malala ka na Mikan, kausap mo yung laptop, camera at microphone? Mikan hindi sila sasagot, ako tao ako sasagot ako sa iyo” hirit ng binata kaya nagtakip ng bibig ang dalaga sabay natawa ng husto.
“Enan, live stream, we are live” sabi ng dalaga. “Oh..Oh!” bigkas ng binata sabay titig sa camera. “So you mean to say napapanood tayo ng ibang tao?” bulong ng binata kunwari. “Yes Enan” sagot ni Mikan. “Artista tayo at this moment?” hirit ni Enan kaya natawa si Mikan.
“Yes guys I am with Enan, I told you he is funny so ayan nakikita niyo na first hand ha” sabi ni Mikan. “Hi people, I wanna give a shout out to all my peeps there yo! To all my homies back in the crib, how ya all doin? A special shout out to my homie Floyd! I do hope you found your balls yo! Manny is waitin bruh, make it happen” banat ni Enan kaya inuga ni Mikan ulo niya.
“And to all yo who clicked and watched our vidoes, a special shout out to ya all. Heart bruh, heart bruh! And to all those who cant understand what I am saying, this aint jejemon speak yo! Its how we roll, peace out bruh!” hirit ng binata kaya pagbasa ng dalaga sa comments e aliw na aliw ang kanyang fans.
“Ohayo minsa-san” banat ni Enan kaya nagulat si Mikan nang nagsalita talaga ng Hapon ang binata. “Ola!” hirit ng binata sabay nag espanyol naman siya. “Wow I didn’t know you speak Japanese” sabi ni Mikan. “Teka teka bago kita sagutin isa nalang” sabi ni Enan.
“Abidi…shudi uda kuda ladi shidi aruba” banat ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga. “Ano naman language yon?” tanong ni Mikan. “Oh that is for my fans in outer space. Para sa mga alien yon. Merry Christmas people, pasensya na kayo kung makikigulo ako kay Mikan ha” sabi ni Enan.
Tinuro ni Mikan yung chatbox kaya nagbasa si Enan, lahat good comments at naaliw sila sa kanya. “So peeps, ito si Enan” sabi ni Mikan. “Ako nga, bakit malilito pa ba sila? Ikaw si Mikan at ako si Enan” sagot ng binata kaya natawa ulit yung dalaga.
“Anyway, since Pasko na me and Enan decided to serenade you with Christmas songs” sabi ni Mikan. “Siya lang nag isip non, napilitan lang ako umoo. Pero do not worry hindi kami kakanta ng Jose Marie Chan songs. Pangako yan” sabi ni Enan kaya pagbasa nila sa comments ang daming tumatawa talaga.
“So you can send us requests, but first we would like to sing..” sabi ni Mikan. “Jingle Balls” sabi ni Enan kaya napahalakhak yung dalaga. “May props na ako o” sabi ni Enan sabay pinakita yung dalawang gintong Christmas balls. “Enan!” sigaw ng dalaga sabay tawa, “O bakit?” tanong ng binata.
“Jingle Bells yon” sabi ni Mikan. “Alam ko, di naman kami nagsasabit ng bell sa puno namin, pero ito madami. Madaming balls. Kaya Jingle balls nalang. Jingle balls, Jingle balls, jingle all the way…hey!” banat ni Enan kaya tumingin sa malayo si Mikan at natawa talaga ng malakas.
“Ano ba kasi problema sa balls ko? They are just balls, shiny golden balls” sabi ng binata sabay tumayo at dinikit ito sa shorts niya. Umariba sa tawa si Mikan, “Rate G tayo Enan” hiyaw niya. “Rated G meaning Gago? Yup that’s me sometimes” sabi ni Enan sabay naupo.
“Kanta nalang tayo” sabi ni Mikan. “Me me me, ahem, seryoso ako” sabi ni Enan kaya nag nod yung dalaga. “Roast nuts chesting on an open fire” birit ng binata, bigla siyang kinurot sa pisngi ni Mikan sabay tinulak palayo. “Wrong lyrics” hiyaw ng dalaga.
“Ikaw lang naman nagreklamo, wala naman sila reklamo” sabi ng binata sabay turo sa chatbox. “Ayan o panay hahahaa post nila” sabi ng dalaga. “They are singing along with me, second voice yan. Ganito yan no, Roastnuts chesting on an open fire” kanta niya sabay birit ng “Hahahahaha” bilang delayed second voice.
Nagtakip ng mukha si Mikan at naluha na sa tindi ng tawa. “Sige na nga iba na nga” sabi ng binata. “Hay naku, are you guys having fun?” tanong ni Mikan at panay oo ang reply ng fans niya. “Sana lagi kayo magkasama” basa ni Enan. “E pag lagi kami magkasama ibig sabihin non e di kami na. Kayo talaga o” landi ng binata sabay titig sa magandang katabi niya.
“Enan!” hiyaw ni Mikan sabay kinilig. “Sila naman nagsabi non ah. Alam niyo peeps me and Mikan are close friends only” sabi ni Enan pero kita ng fans naman ang pagtitig ng dalaga sa binata. Pagbasa ni Enan sa chatbox panay kilig reactions nabasa niya kaya tinignan niya agad si Mikan na nagpasimple na tumingin sa camera.
“Bakit?” tanong ni Mikan. “Delayed ata yung chatbox” sabi ni Enan. “Oo ganyan talaga yan minsan” sagot ng dalaga. “Ah, okay sorry wala akong alam sa ganito kasi. Kakantahan ko nalang kayo…it goes a little something like this” sabi ni Enan.
“Uy Enan seryoso na kasi” sabi ni Mikan. “Seryoso naman ako ah, bakit wala ka bang tiwala sa akin Mikaela” biglang drama ng binata. “Delayed chatbox” sabi ni Mikan. “Sabi ko nga, ikaw nalang nga kumanta” sabi ni Enan.
“Wag nalang Christmas songs, ang konti ng pagpipilian, so how many of you want to hear Enan sing?” tanong ni Mikan. “And dance” bulong ng binata sabay ngisi. Nagbasa sila sa chatbox at may tinuro si Enan. “I can sing that” sabi ng binata. “Really? You wanna sing that?” tanong ni Mikan.
“If you want me to” sagot ng binata. “Sing it, they want to hear it” sabi ng dalaga. “Ikaw yung kasama ko, kung gusto mo kakantahin ko” sabi ni Enan. “Yeah I want you to sing that song” sabi ng dalaga.
“Something new diba? What if dalawa tayo?” tanong ng binata. “E di naman pang duet yan e” sabi ni Mikan. “So? We can take turns, come on, Christmas naman so lets try something new” sabi ni Enan.
“What would I do with your smart mouth?” kanta ni Enan. “Drawing me in and kicking me out” tuloy ni Mikan at nabilib ang mga manonood sa magandang sagutan nila. “My heads underwater” birit ni Enan. “But I’m breathing fine” tuloy ni Mikan, “Youre crazy” sabi ni Enan, “And I am out of my mind” tuloy ni Mikan.
“Cause all of me loves all of you” sabay nilang kinanta at nabighani talaga ang lahat sa kakaibang pagkanta nila. Pagkatapos ng kanta panay papuri ang nabasa nila kaya sumaya yung dalawa.
“Wow was it really that good?” tanong ni Mikan. “Oo daw ata” sabi ni Enan habang nagbabasa sila ng comments. “That was totally unrehearsed, we should practice that song and sing it sa bar” sabi ni Mikan. “for sure mauunahan na tayo, alam mo naman ang showbiz” banat ni Enan.
Di parin maka get over mga fans ni Mikan kaya pagcheck niya sa phone niya nagulat siya pagkat trending agad yung kinanta nila sa Twitter. Pinakita ni Mikan yung phone niya sa binata kaya napangiti si Enan. “That’s a good thing right?” tanong ng binata.
“It is, guys salamat ha, trending yung kanta namin kanina sa Twitter. Alam niyo very thankful ako kay Enan kasi siya nagbubukas ng mga mata ko sa pagbabago. Dati kasi takot ako to try new stuff but with Enan wala ako takot kasi so far wala pa kaming mali” sabi ni Mikan.
“Kahit naman magkamali who cares diba? Kung magkamali e I am here to share the blame. We might feel sad but you know comfort comfort each other. Di tulad pag nag iisa ka e icomfort mo sarili mo, sige ireach mo likod mo at haplusin mo sarili mo. Mahirap yon diba?” banat ni Enan kaya laugh trip ulit si Mikan.
“When is the album coming out?” basa ni Enan kaya tinignan niya si Mikan. “Sorry peeps we have not started recording yet. Yes we, meaning kasama ko siya sa album” sabi ni Mikan. “You were scheduled to perform sa MOA this evening, bakit nacancel?” basa ni Enan.
“Let me answer this one, kilala niyo na si Mikan. Ang di niyo alam she lives alone. Tuwing pasko libangan niya yang mga gig para di siya malunkot. This year I invited her dito sa bahay namin para magspend ng Christmas with my family”
“So that is the bottom line. If you peeps are pissed kasi bigla siya nawala sa line up ng MOA event alter then ako na sisihin niyo. Pero sana maintindihan niyo naman, she deserves a break too. She deserves to spend a normal Christmas, family niya nasa abroad, malayo relatives niya”
“So she spends Christmas here with my family. O wag na kayo magkokonek” sabi ni Enan kaya niyuko ni Mikan ulo niya sabay napangiti. “We understrand, its so sweet of you” basa ni Enan.
“Its not being sweet, its just the right thing to do. I don’t understsand why her so called friends didn’t even think about that before. Pero it does not matter kasi nandito na ako. So baka pati New Year pagbawalan ko yan magperform at dito nalang ulit siya” sabi ni Enan.
Di makasagot si Mikan, binangga niya lang yung binata sabay nginitian ito. “Pero oy, babalik kami sa bar sa twenty six, see you there. Promise ko bombastic performance bibigay namin so what do you guys want to hear next?” tanong ni Enan.