Chapter 6: One Like

3508 Words
Biyernes ng gabi nakarating sina Shan, Clarisse at Enan sa bar. Napatigil silang tatlo nang makita yung nakapaskil na tarpaulin sa harapan ng bar. “Oh my God” bigkas ni Enan habang si Clarisse nagtitili at pinagbabangga si Shan. “Wow my friend, ikaw ba may pakana nito?” tanong ni Shan. “Hindi no. Grabe naman they used a screen grab of me…nakakahiya na to” sabi ni Enan habang pinagmamasdan nila isang larawan niya habang kumakanta nung pageant. Naka photoshop sa tabi niya isang larawan ni Mikan na nakatayo at bumibirit din. “I think it looks nice, it catches the attention of people” sabi ni Clarisse. “Idol! Whooooo!” nakarinig sila ng sigaw kaya napahampas si Enan sa kanyang noo pagkat nakarating narin sina Greg, Tommy at Jason. “Walanghiya s*x symbol! Whooo” sigaw ni Tommy kaya nagtawanan sila. “I will ask them to take it down” sabi ni Enan. “Wag! Idol ang cool mo nga diyan e” sabi ni Greg. “Totoo, parang si Seal lang e” sabi ni Clarisse. “Seal, funny Mikan told me that too. Sino ba yon?” tanong ni Enan kaya pinagtawanan siya. “Duh, hindi mo kilala si Seal? You have to be kidding me pare” sabi ni Shan. “Hindi pero for sure kilala niya ako” banat ni Enan kaya laugh trip sila. “Do you know that Seal e panay super model ang girlfriend niya” sabi ni Tommy. “Oh my apprentice? Ah oo kilala ko na yon. Eto na kinakatukan ko, ayaw ko talaga lumabas pero wala na ako choice. Pero this is good for the economy of the country” sabi ng binata. “Pano naman naging good for the economy?” tanong ni Clarisse. “Syempre pag narinig nila na lumabas na ako e magdadagsaan na ang mga super model babes from different countries. Hahanapin nila ako dito sa Pinas so lilibot libot sila. O diba? Nakatulong pa ako sa bansa natin. Mapupuno yung mga hotel, mauubos yung bentang mga tabo at drum, sama mo narin mga tissue” sabi ng binata. “Sir Enan pwede na kayo pumasok” sabi ng guard. “Wow, sir Enan” bulong ni Shan kaya nagbungisngisan sila ni Clarisse. “Enan lang pare, at pwede ko ba sila isama? Mga kaibigan ko sila” sabi ng binata. “Opo sir sige lang po” sabi ng guard. Pagpasok nila sa loob abala palang yung mga staff na nag aayos ng bar. “So ganito pala itsura ng bar pag wala pang tao” sabi ni Tommy. “Tara Greg habang wala pang tao” sabi ni Enan sabay hinila niya kabigan niya sa stage. “Sample! Sample! Sample!” sigaw ni Tommy at Jason kaya tawang tawa si Greg. Sa entrance kakapasok lang nina Yvonne, Mikan at Bobby at lahat sila napatigil nang magsimulang magpatawa si Enan sa stage. “Ladies and Gentlemen, welcome to Mister Gigiba ng Universe!” sigaw nya kaya halakhakan ang lahat ng mga kaibigan niya at staff sa paligid. “Contestant number one…walking down the aisle…” hirit niya kaya si Greg naman mala modelong rumampa sa stage. “So let us skip the talent portion to save the world from immediate destruction” sabi ni Enan kaya nagtakip na ng bibig si Mikan at nagpigil ng tawa. “So Greg here is your queston…what s the essence of being a monkey?” tanong ni Enan. Umariba agad sa tawa ang lahat ng tao pagkat hindi maipinta ang reaksyon sa mukha ni Greg. “Oh go ahead take your time to think of your answer? Would you like an interpreter? Is that a yes? Monkey please!” sigaw ni Enan kaya halos mamatay na ang lahat sa tawa pagkat kumunot ang mukha ni Greg. Inagaw ni Greg yung imaginary microphone kaya si Enan umatras. “Contestant number two!” sigaw ni Greg. Natili si Clarisse pagkat rumampa si Enan sa sobrang macho at palanding paglakad. Tumabi siya kay Greg, tinignan niya ito sabay kinidatan kasabay ng palanding pataas ng kanyang shirt. Napatili ng malakas si Clarisse, sa entrance naman inuga ni Mikan si Yvonne kaya natatawa si Bobby. “So Enan, here is your question. What makes you think you are deserving to be the winner?” tanong ni Greg. “Only a stupid person would ask that question…it is undeniable…I am irresistible…laman na ako ng isipan, panaginip at pantasya ng karamihan” “Ako ang solusyon sa matinding tagtuyot! Taglay ko milyon milyon na gallon ng laway ng mga lahat ng pumapantasya sa akin. Ako ang sagot sa Global warming pagkat naipon na laway pupuksa sa tagtuyot. But I too am a destructive force for I bring Global warming to the bodies of all those who fantasize about me” landi ni Enan sabay gumiling palandi kaya nagtilian na sina Yvonne at Mikan. Doon napatiigil ang dalawang binata sa stage, tumiklop sila sabay napatingin kay Bobby. Ang may ari ng bar napapalakpak sabay natawa kaya napakamot nalang si Enan. “Sorry po sir Bobby” sabi ni Enan pero lumapit si Bobby at tinapik ang likod ng binata. “Alam mo ba bago kami magbukas bawat gabi I see to it that I tell them a funny joke para maganda ang simula ng trabaho namin? Well it seems you already did that at napatawa mo lahat ng staff ko so thank you” sabi ni Bobby. “Since you are here already may I have a word with you” sabi niya sabay pumasok sila sa opisina ni Bobby. “Lagot ka Greg” sabi ni Clarisse. “Uy wala yon, baka pag uusapan lang nila yung fee niya” sabi ni Mikan. “Grabe pala kung maka promote si sir Bobby, yung poster sa labas e maganda” sabi ni Clarisse. “Really? Maganda ba?” tanong ni Mikan. “Yes it catchy” sabi ni Shan. “Mikan thought of that, siya pa nga nag photoshop non e” sabi ni Yvonne. “Wow ikaw gumawa non?” tanong ni Clarisse. “Akala ko ba you follow my fan page? Ikaw ha” sabi ni Mikan. “Nakapost kaya yon sa fan page niya” sabi ni Yvonne. “Hala, oh my God hindi pa ako naka open ng page for one week” sabi ni Clarisse. “It got almost twenty thousand likes, sir Bobby saw me checking my page a few days ago and sabi niya gawin naming poster so ayan” sabi ni Mikan. “Tara na para makapag ayos ka na. Excuse us pala ha” sabi ni Yvonne. Ilang minuto lumipas lumabas na si Enan at mukha siyang tulala. “Idol what happened?” tanong ni Bobby. Di umimik si Enan kaya pinaupo siya ni Shan. “What did you talk about?” tanong ni Clarisse. “I told him na kahit libre pero ayaw niya…I cant believe it” sabi ng binata. “How much are you going to get paid?” tanong ni Tommy. “I cannot talk about it…pero lesser than Mikan of course” sabi ni Enan. “Minimum wage?” tanong ni Clarisse. “Higher than that” sabi ni Enan. “Wow, double?” tanong ni Greg. “Higher pa” sabi ni Enan kaya napangiti silang lahat. “Di ko ineexpect na ganito pala sa music business. I know nakakuha na ako ng pera from the commercial namin ni…pero that was a surprise. Pero eto I cannot believe that I will be singing for that amount…parang di ako deserving” sabi ng binata. “Sino ba kasi ako diba? I mean wala pa ako napatunayan pero aalukin na ako ng ganon na amount. Nakakahiya at natatakot din ako magkamali. I thought it was free so di ako masyado kinabahan kasi libre naman pero now that I know babayaran ako ng ganon…natatakot na talaga ako. What if di ako maka deliver?” tanong ni Enan. “Enan baka iniisip mo na magstop ng schooling ha” sabi ni Clarisse. “Of course not pero hindi pa ako tested, wala pa ako napapatunayan at ganon nalang yung tiwala na binibigay sa akin?” hirit ng binata. “Oh shut up idol, last time na nandito ka nakita mo naman reaksyon ng crowd e. Dapat siguro magpasalamat ka kay Mikan kasi parang siya ang nagpush sa iyo dito e” sabi ni Greg. “Oo nga, siya pala may pakana ng poster sa labas at naka ten thousand likes daw yon sa fan page niya” sabi ni Clarisse. “s**t, do I look okay? Worth it na ba itsura ko? Kinakabahan ako bigla baka di ako mag live up sa expectation ni sir Bobby” sabi ni Enan. “Will you relax, kaya mo yan pare. Basta galingan mo” sabi ni Shan. “I know, hindi naman yung halaga ng pera ang iniisip ko e. Yung tiwala nila, ang taas masyado at parang nakakatakot bigla” sabi ng binata. “To give me such a nice amount from the start means a lot already. Flattered ako at honestly ang saya saya ko. Ang saya talaga kasi binigyan ako agad ng chance. Para bang panliligaw, sinagot ako agad kahit ganito ako. So since sinagot ako kailangan ko patunayan sarili ko na deserving ako sa oo niya” sabi ni Enan. “Di tulad ng iba ano? Basted agad at di ka man lang binigyan ng chance” sabi ni Greg. “Hey, wag mo na ungkatin yung past. Wala naman ako gusto patamaan. Hinahambing ko lang naman…ang saya sa pakiramdam ng ganito” sabi ng binata. Ilang oras lumipas at natapos narin ang set nina Mikan at Enan. Nabigyan sila ng standing ovation kaya masaya ang pakiramdam ng binata. Pagbaba nila ng stage agad tumigil si Enan, “Mikan did I do well tonight?” tanong ng binata. “Oo kaya, better than last time” sabi ng dalaga. “Enan grabe ka para kang robot” sabi ni Clarisse bigla. “Oo nga idol, para kang bangkay na kumekendeng kendeng lang. Para kang takot” sabi ni Greg kaya napatingin si Enan kay Mikan. “Sabi mo I did well” sabi ng binata. “You sounded good my friend pero tama sinabi nila, halatang nagpipigil ka o nahihiya e” sabi ni Shan. “Sabi mo I did well, bakit di mo sinabi hindi pala okay?” tanong ni Enan. “You did well, I just didn’t want to give you negative comments kasi first official gig natin” sabi ni Mikan. “But you should kasi we will be working with each other. Diba sabi mo you will help me out. Diba? Baka di nagustuhan ni sir Bobby performance ko” sabi ni Enan. “Hey listen, you sounded good tonight. Di ko na sinabi yung minor c****s kasi siguro newbie jitters mo lang yon. Masasanay ka din don’t worry” “So you want the truth? Yeah medyo pigil pa. Next time get comfortable pa and let loose” sabi ni Mikan. “Pero grabe ha, tumambay kami sa fan page mo the whole time tapos may several fans ka pala nandito na live broadcast. Pinaglalaway nila yung iba” sabi ni Clarisse. “So yung iba nagyaya na at I think madaming pupunta dito bukas” dagdag niya. “See that Enan, all good comments and they are even coming here to see you” sabi ni Mikan. “Di naman siguro, see us pwede pa. Pero can you please tell me, from one to ten, ano score ko tonight? Please be honest, kasi kung magtratrabaho tayo ng ganito gusto ko naman dalhin ko lagi yung A-game ko…ahem artistahin game that is” sabi ng binata. “Okay, honestly bibigyan kita ng score na five” sabi ni Mikan. “Okay, at least I passed. Pero malaking room for improvement. Can you give me a score every night may gig tayo? Syempre ayaw ko mapahiya ka din, ayaw ko magkaroon ng bad comments sa page mo” sabi ng binata. “Fair enough, pero isa lang payo ko Enan. Let loose. Okay yung kanta mo pero isama mo naman katawan mo. Tulad ng ginawa mo nung pageant. Panoorin mo kaya video mo minsan para makita mo ano ibig ko sabihin. Its not enough to sing with emotions…minsan kailangan mo din isama katawan mo” sabi ni Mikan. Hating gabi na nang makauwi si Enan sa kanila, pagpasok niya ng bahay nadatnan pa niya nanay niya sa salas nanonood ng TV. “Ma, sabi ko naman di niyo na ako kailangan antayin e” lambing ng binata. “Have you eaten? How was it?” tanong ng matanda. “Five out of ten daw score ko tonight” sabi ni Enan. “Halika doon tayo at ginawan kita ng ginger juice. Maganda sa boses yon anak” sabi ng nanay niya. “Ma talaga o parang gusto mo ito talaga karir ko ano?” landi ng binata. “Hindi naman anak pero lately this is what makes you happy so suportahan ka namin ng papa mo dito. Kaya lang nagtatampo papa mo kasi di mo man kami inimbitahan” sabi ng nanay niya. “Ma I wll invite you two, wag pa ngayon kasi five out of ten pa ako e. Gusto ko pag manood ko nasa top of my game ako. Ayaw ko yung tumatak sa isipan niyo yung nagsisimula palang ako. Gusto ko manonood na kayo pag nasa eight out of ten na ako siguro para proud na proud kayo sa akin” sabi ni Enan. “Anak kahit na one out of ten pa score mo manonood kami ng papa mo” sabi ng nanay niya. “E di alam ko peke na reaksyon niyo. Mommy talaga, ayaw ko ng ganon. Gusto ko yung matutuwa talaga kayo. So give me time and I wll get better I promise. Gusto ko yung tunay na reaksyon ni papa. Ayaw ko yung reaksyon ng magulang kahit palpak ako” banat ni Enan kaya natawa ang kanyang nanay. Bandang ala una gising pa si Enan at nakatutok sa laptop. “Anak bakit hindi ka pa natutulog. You need to rest” sabi ng nanay niya. “Ma gising ka pa, you need to rest too” sabi ni Enan. “Oh is that Mikan? She is so pretty…bakit naman ganyan yang picture, naka borles ka nanaman” tanong ng matanda kaya natawa si Enan. “Ewan ko sa kanya ma, pero look ma it has twenty thousand likes” sabi ng binata. “And why are you checking the names of those who clicked like?” tanong ng nanay niya. “Ma twenty thousand likes…nakakatuwa pero ma…di ko mahanap pangalan niya” “Kahit one like lang basta siya nag like masaya na ako” bulong ng binata. “Cristine?” bulong ng nanay niya kaya nalungkot bigla ang binata. “Kahit siya lang mag like sana…pero kanina pa ako nagbabasa ng pangalan e di ko makita name niya ma” sabi ni Enan. “Enan…di ko alam ano sasabihin ko. Baka busy lang siya at di pa niya nakita yan” sabi ng nanay niya. “Kahit siya lang mag like ma, wala na ako pakialam kahit umabot ng one millions likes tapos mag viral…basta makita ko pangalan niya…one like is all I need ma” sabi ng binata. “Anak go to bed already” lambing ng ina niya. “Nahihiya pa ako sa inyo kasi I lied to you all” bulong ni Enan. “Dapat magagalit ako sa iyo anak pero ramdam ko naman na minahal mo siya. I am proud of you…you didn’t take advantage of her kahit na ganon pala scenario niyo” “Anak wag mo sasabihin kasalanan mo, mabait naman siyang tao and I can see why you fell for her. Kahit may arrangement pala kayo e tao ka parin naman anak. Do not say sorry anymore, naiintindihan na namin ang lahat anak. Is she the reason why pumayag ka kumanta sa bar na yan? Tapos sabi mo pa Mikan is her friend. So is Cristine the reason why you agreed to sing at that bar?” tanong ng nanay niya. Di sumagot si Enan kaya hinaplos ng nanay niya ang kanyang likod. “Anak pinasok mo yan sa pag iisip na pag usapan ka ni Mikan at Cristine?” tanong ng nanay niya. “Ma nalaman ko na hindi pala sila close” sabi ng binata. “So bakit kumakanta ka parin?” tanong ng nanay niya. “Baka sakali umabot sa kanya kanta ko. Baka marinig niya ako ma. Eventually she is going to miss me too right? Kahit konti diba ma? I miss her so much and sana kahit mapansin niya o marinig man lang isang kanta ko” “Tapos mapansin niya ako tapos kahit na yayain lang lumabas…I just miss her so much ma and I want to be with her one last time” sabi ng binata. “Oh anak…sige na isara mo yan at magpahinga ka na” sabi ni Rosa. Nahiga na sa kama si Enan paglabas ng nanay niya. Pagpikit niya ng mata biglang nagring phone niya kaya agad niya ito sinagot. “Hey Enan, its me Mikan” sabi ng pabulong na boses. “Uy gising ka pa pala” sabi ng binata. “I just got home, dami pa kami pinag usapan ni sir Bobby. Did I wake you?” tanong ng dalaga. “Hindi naman” sagot ng binata. “Good, di ako makatulog pa e. Hey you did great kanina at wag mo masyado dibdibin yung score na binigay ko sa iyo” sabi ng dalaga. “I will do better I promise” sabi ng binata. “We talked about you, tuwang tuwa si sir Bobby sa iyo. Pati yung mga staff niya tuwang tuwa talaga. Oh siya nga pala do not sing in the morning ha. Sa umaga if you can speak softly do so okay then get at least eight hours of sleep if possible” sabi ng dalaga. Biglang natawa si Enan kaya nahawa bigla ang dalaga. “Grabe naman to feeling ko singer na talaga ako” sabi ni Enan. “Totoo naman, at isa pa pala ang dami nagrerequest ng songs for us to sing sa fan page. At tama si Clarisse na meron nga grupo na darating bukas so tomorrow give me your best” sabi ng dalaga. “I promise to not let you down” sabi ni Enan. “So are you sleepy already?” tanong ni Mikan. “Not really, ikaw baka inaantok ka na. Kailangan mo pa ng eight hours sleep” sabi ng binata. “I can sleep late and wake up late” sabi ng dalaga. “Siguro you skip breakfast ano?” tanong ng binata. “Hmmm yeah, kasi late na ako nagigising. So lunch na ako kumakain talaga” sabi ng dalaga. “Teka pala, nung una kita nakita naka glasses ka. So nag cocontact lenses ka pag nagpeperform?” tanong ni Enan. “Yup, bakit mo natanong?” sagot ng dalaga. “Ayaw mo ba ipakita sa fans mo na naka glasses ka?” tanong ng binata. “Nakakasira image ata kasi” sabi ni Mikan. “Di naman, you look the same with or without. Pretty that is ha” sabi ni Enan. “Naks, pero superhero effect lang yon para pag lumalabas ako I wear glasses para di masyado mapansin. Sasabihin lang nila uy kamukha mo si Mikan” sabi ng dalaga. “Oh I get it, kaya pala. Well ako kasi di ko naitatago presence ko e. Alam mo na mahirap maging artistahin” biro ng binata kaya natawa si Mikan. “Thanks pala kanina ha, nung pumiyok ako konti nilakasan mo birit mo” sabi ng dalaga. “Ows? Di ko napansin” sabi ni Enan. “Whooshooh, salamat talaga. I know nagsisimula ka palang pero ang galing ng ginawa mo to save me that time” sabi ni Mikan. “You would do the same when I choke I know” sabi ni Enan. “Oo naman, hey, you okay if we keep talking?” tanong ni Mikan. “Oo naman, so what do you want to talk about. Wag lang yung showbiz career ko ha. Or else ako lang magsasalita if that happens” sabi ni Enan kaya natawa ng husto ang dalaga. “Hey Enan, youre funny” sabi ni Mikan. “I know right” landi ng binata kaya lalong natawa ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD