Huwebes ng hapon mag isang nagtungo si Enan sa bar ni Bobby para makipagkita sa kanya. Pagdating niya don nagulat siya pagkat nandon din si Mikan at Yvonne. “School boy ah” biro ni Mikan kaya napakamot si Enan at napangiti.
“Hi Enan, iwan ko muna kayo ha at may mga ilalakad lang ako” sabi ni Yvonne. “Enan come inside” sabi ni Mikan. “Pwede ba? Sarado pa ata” sabi ng binata. “We can go inside, sir Bobby will be with us shortly” sabi ng dalaga.
“Siguro parang bahay mo narin ito ano?” sabi ng binata. “Di naman, MWFS lang ako dito. TTH and Sunday ko rest day ko but sometimes I take gigs at different bars” sabi ng dalaga.
“Walang pahinga, workaholic ka ata” sabi ng binata. “But all of that will change, tulad ng sabi ko you made me realize a lot so much. At matagal ko na din kasi sinusuway yung mga doctors ko” sabi ni Mikan.
“Are you sick?” tanong ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Di naman, kasi dito sa line of business na ganito puhunan mo boses mo so if may maramdaman ka lang konti sa throat or wherever check up agad” paliwanag ni Mikan.
“Miss Mikan sana wag ka magagalit ha kung magtatanong ako” sabi ng binata. “Naman, diba sabi ko you can ask anything kasi magkaibigan na tayo” lambing ng dalaga. “Okay, ano cup size mo?” banat ni Enan kaya napatigil ang dalaga at tinitigan ang binata.
“Sabi mo kahit ano” bulong ni Enan kaya napahakhak ng husto ang dalaga. “Loko loko” hiyaw niya sabay tinadtad ang binata ng kurot sa braso. “Biro lang yon ha, minsan kasi di ko matiis magpatawa lalo na pag nahihiya pa ako” sabi ni Enan. “Its okay, so ano ba dapat itatanong mo?” tanong ni Mikan. “Ah yung name mo, nickname lang yan diba? Mikaela plus Anne?” tanong ni Enan.
“Uy muntik na ha, you got Mikaela right pero its Andrea” sabi ng dalaga. “Oh Mikaela Andrea, sounds Russian. Ginawa mong Mikan kasi mahilig ka sa anime?” tanong ni Enan. “No, Mikan na talaga palaway ng parents ko sa akin nung maliit ako. Kuya ko naman is Miko pero Michael Angelo name niya. Then my ate is Michico” sabi ng dalaga.
“Hmmm Michelle plus Corazon?” tanong ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Michelle lang” sabi ni Mikan kaya napakamot ang binata. “Ano siya di siya love ng parents mo kaya iisa pangalan? O tinamad lang sila mag isip?” biro ng binata kaya nagtawanan sila.
“I found out your name is Fernando” sabi ni Mikan. “Yeah, alam mo ba muntikan nang Richard” sabi ni Enan. “Richard Gomez..seryoso ka?” tanong ni Mikan. “Oo e, pero buti nalang hindi kasi ayaw ko naman sapawan na si Goma. Pag nagkataon na Richard talaga pinalangan sa akin e mabubura na siya history kasi ako na ang tatatak sa isipan ng lahat lalo na ang mga babae” banat ni Enan.
Napatawa ng husto si Mikan, nasuntok niya sa braso yung binata sabay sinundot ang tiyan nito. “Alam mo may chance na magkatotoo yang sinabi mo. You got a nice body nakita ko pageant video mo. Oh wait pala, yung talent portion mo…did you do that on purpose. Ginaya mo si Seal ano?” tanong ng dalaga.
“Seal? What do you mean?” tanong ni Enan. “Kasi si Seal may music video na ganon na ganon sa ginawa mo” sabi ng dalaga. “Really? Hala di ko alam. Kasi that night yung tumulong sa akin suggest niya yon e. Sabi niya lumabas ako with polo opened tapos may wind wind effect pa sila” sabi ng binata.
“Grabe it was so perfect. As in ang galing talaga. For me ha, you should have won” sabi ni Mikan. “Impossible na yon, pumasok naman ako don na alam ko I will never win pero alam mo one time sa contest naisip ko nga na yeah I can win this one but sad to say natauhan ako agad kasi alam mo naman na” sabi ng binata.
“Dapat ikaw nanalo, lets admit it they looked better than you but para lang silang mannequin na hollow naman sa loob. Ikaw grabe ka, malaman yung loob. But I guess pageants are meant to be that way. Sana wag mo dibdibin pagkatalo mo kasi most people really think you are the deserving one” sabi ni Mikan.
“Salamat, speechless” bulong ng binata. “Eto secret natin ha, na LSS ako sa kanta mo. Tapos alam mo nagsuot din ako ng polo tapos kumanta din ako. Kept singing that song for two days, I almost sang it sa set pero naisip ko baka sabihin nila gaya gaya ako so di ko na tinuloy” kwento ng dalaga.
“Nairita ba parents mo?” tanong ni Enan. “I live alone, nasa States na silang lahat” sabi ng dalaga. “Oh, as in lahat sila?” tanong ng binata. “Yup, nagpaiwan ako dahil sa singing career ko” sabi ng dalaga.
“If you don’t mind, what happened?” tanong ni Enan. “What do you mean?” tanong ni Mikan. “I did some research about you. Sorry ha, kasi si Clarisse lang talaga big fan mo. I heard about you pero…so I did a research and grabe sikat na sikat ka…pero…what happened?” tanong ni Enan.
Nagsimangot ang dalaga kaya umatras na si Enan. “Its okay, sorry at tinanong ko pa” sabi niya. “No, its alright, I can trust you” sabi ng dalaga sabay huminga ng malalim. “My career was shooting up…then there was this top producer…I turned him down…” sabi ng dalaga.
“Turned him down?” tanong ni Enan. “I didn’t want to sleep with him…gets mo? I thought he was being nice to me, he was guiding me then giving me a lot of gigs. Tapos may kapalit pala. I turned him down, several times actually so he got pissed and ayon sinira niya karir ko” sabi ng dalaga.
“s**t, gago naman yon” sabi ng binata. “Ganyan talaga, mataas na tao e. After that I could not book gigs anymore, major gigs that is. Wala na may gusto mag produce ng mga kanta ko. Ang lakas niya…but I didn’t give up…so this place became my home”
“Small producers do get me from time to time. Di na ako choosy. So thankfully still surviving naman ako. Yvonne is working hard to get me a record deal again. Sad story ano?” sabi ng dalaga.
“Pero ang gago naman non, ganyan ba talaga sa business na ito?” tanong ng binata. “Di naman, pero yeah gago talaga siya. Buti nalang nakaipon ako so I get by kahit na ganito simpleng bar gigs lang” sabi ni Mikan.
“Tsk, kumukulo dugo ko don ah. Bad trip naman yon” sabi ni Enan. “Its okay, di kasi ako gahaman. Siguro pag gahaman ako pati kaluluwa ko binenta ko na para lang sumikat ng husto at yumaman” sabi ng dalaga.
“Ikaw palang pinagsabihan ko kasi ikaw palang nagtanong” sabi ni Mikan. “Aray, uy sorry ha. I just got curious. When I did my research I listened to your songs at ang gaganda. Boses mo pa ang ganda tapos ikaw mismo maganda so I was expecting you to still be super famous”
“Kasi ganon naman ang winning formula diba? Good voice and pretty equals super famous. So nagtaka lang ako kasi ayun nga” sabi ng binata. “Why did you research about me?” tanong ni Mikan. “E syempre I will be working with you so gusto ko malaman ang tungkol sa iyo”
“I should know what you like, what you don’t like. I should know what songs you are really into so that I could practice the same para di na tayo mahirapan” paliwanag ng binata. Napangiti si Mikan sabay kinurot ang braso ng binata, “Kung ano ako ngayon ganon na ako talaga” sabi ng dalaga.
“Oo nga I found out mabait ka talaga, I watched a concert of yours sa Youtube, tapos mga videos ng gigs mo dito then binabasa ko pano ka sumagot sa fan page mo. Mabait ka sobra, thankful din ako sa iyo for giving me this chance to work with you” sabi ni Enan.
“Aaww ako nga dapat mag thank you kasi to be honest I think you will help me out in reinventing me” sabi ni Mikan. “So you plan to change? Wag na no. Okay naman yung dati e, minalas ka lang at nakabangga mo yung dirty old man na yon…alam mo dyamante ka na. Binaon ka lang niya sa lupa para di ka makita”
“Di mo na kailangan magbago, kailangan mo lang umahon. Dyamante ka na e, naitago ka lang. Ang kailangan mo lang e lumabas don sa pinagkaubanan sa iyo. Di mo na kailangan magbago pa” sabi ni Enan.
“Awww…I am really lucky to have met you. Tagal naman ni sir Bobby. Well anyway tell me more about you naman since naka pag research ka na pala about me” sabi ng dalaga.
“Wala naman masyado ako makwento tungkol sa akin, kung ano ako nakilala mo ganon na talaga ako. “Okay, since we will be working with each other I guess the more I will learn more about you” sabi ni Mikan. “Alam mo okay lang ako, okay lang sa akin kung itanong mo” sabi ni Enan.
“Itanong ang alin?” tanong ng dalaga. “Yung tungkol sa amin ni Cristine. Alam ko naman magkaibigan kayo e. So its okay if you ask sasagot naman ako” sabi ni Enan. “Hindi na, no bad vibes. I can sense naman you are still hurting so I don’t need to ask” sabi ni Mikan. “Salamat, pero how did you two become friends?” tanong ni Enan.
“Hmmm di naman kami talaga friends na close friends. She had one teleserye before tapos ako yung kumanta ng theme song. Oh wait, yung song ko na naging hit ginawan nila ng teleserye” sabi ni Mikan.
“Uso yan dito, pag may patok na kanya pipilitin na maging movie or teleserye” sabi ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga. “Alam na alam ko yan kasi artistahin ako e. Ikaw linya mo pagkanta so let me share you some facts about the celebrity industry” landi ni Enan.
“You are really funny” sabi ni Mikan. “Alam ko yung in and outs pero take note, wala ako inaaccept na offers. Honestly yung offers sa akin sobrang dami pero di ako tumatanggap kasi sa dami ng artista ayaw ko sila mawalan ng trabaho”
“At isa pa, once na lumabas ako sa big screen dito baka di ako magtagal kasi magdadagdsaan na offers mula sa ibang bansa. Alam mo ba kinukuha pa ako sa next James Bond movie…kaya lang kalaban ako…the good thing about that is mananalo yung kalaban” banat ni Enan.
Napahiyaw sa tawa si Mikan, “Alam mo yung Hercules na movie? Diba dalawa ang nilabas nila, alam mo ba ako yung gusto talaga nila. So akala ng isang company nakuha ako ng kalaban so gumawa sila ng movie agad. Yung isang company naman ganon din inisip since natunugan nila gumagawa na yung isang kampo…kinuha nila si the Rock para pangontra”
“Oh gosh, yun palang e away na nangyayari so ayaw ko ng ganon. Do you understand? The moment I come out in the open then whole world goes nuts. Magkakaroon ng the great flood dahil sa mga babae” banat ni Enan kaya napasigaw ng matindi si Mikan sabay tinadtad ng kurot ang binata sa braso.
“So teka you live alone?” tanong ni Enan. “Yup, dati I was renting kasi nabenta na namin yung bahay namin. Plan was to migrate na talaga pero sakto naman nadiscover ako. One guesting led to another so I decided to stay against my parents wishes”
“So I had to prove to them kaya ko. Unang una ko ginawa sa ipon ko was to get a condo unit. Yung mura lang, nagmamadali kasi ako to prove to my parents na kaya ko talaga at tama decision ko. Then I bought a second hand car…so everything was going well and my parents softened up and yes they accepted it na”
“Then on my way up it happened. Nasira lahat ng plano ko of getting a better place and a better car…pero di ako sumuko talaga” kwento ni Mikan. “Was there a time you wanted to give up? I mean you could easily go to the States to be with them” sabi ni Enan.
“Yes, pero pinasok ko ito kailangan panindigan ko. There were so many easy way outs…pero di ako ganon e” sabi ng dalaga. “Indecent proposals, okay lang kung prangka ka kasi maganda ka naman at alam ko madaming lalake ang mababaliw talaga sa iyo” sabi ng binata.
“Yeah, madami pero di talaga ako ganon. Paghirapan ko nalang gamit boses ko kesa gamitin ko itsura ko at katawan. As long as I could sing I knew I can make it. Pero tulad ng nakwento ko para akong naging robot”
“Yeah I love singing but I was doing it wrong already. Basta kanta nalang ng kanta. Get songs ready, sing them then get paid and go home. Ganon nalang lagi routine ko araw araw. When I watched your cup song natauhan ako talaga”
“This guy is not getting paid, he is singing well…it really hit me. Then yung pageant video mo, sorry ha…I want to be honest…this guy has no chance of winning but still he sang from the heart. Yun bang no chance of winning na nga pero todo bigay parin pagkanta”
“But I was rooting for you. How come this guy could sing that way for nothing while I who can sing that way too is not singing that way anymore even if I am getting paid?”
“So ayun nga and I really like your voice and wanted to work with you. So here we are now” sabi ni Mikan. “Nagpigil ka pa e, alam ko naman artistahin ako. I am so irrestistable. Magkaibigan na tayo so pwede ka na umamin na natuklaw ka ng aking arstistahing kamandag” landi ng binata.
Natawa ng malakas si Mikan at nahampas sa likod ang binata. “Miss Mikan, there is no shame in admitting it. Pag sapit ng dilim saang mang sulok ng mundo alam ko naman pinapanaginipan na ako ng mga tao e”
“Everytime I close my eyes I can hear all the girls calling my name. So its okay you can be honest with me” banat niya. “Grabe ka ha” sabi ng dalaga. “Uy biro lang yon. My Youtube videos don’t get that many likes kasi they are all too busy na”
“Imbes na mag like yung iba, takbo para kumuha ng tabo para sa laway nila. Yung iba nga drum na kinukuha. Nilalayo na yung laptop at computer kaya di na sila nakakapag like so ayon kokonti lang likes ko” sabi ni Enan.
Halos masiraan ng bait si Mikan sa tindi ng tawa, hinaplos ni Enan likod ng dalaga kaya inuga ng dalaga ulo niya. “Uy tama na, baka mamaya sa set mo magtaka mga fans mo bakit ka bigla nag beat box habang kumakanta” sabi ni Enan.
“Beat box?” tanong ni Mikan. “Uhuhummm… kasi tawa ka ng tawa, usually mga ganyan utot ng utot. So maybe later sa set mo habang kumakanta ka ng love song biglang mag beat box ka…if that happens ituloy mo sa rap ha para makalusot ka”
“I thought I saw you smile…and listen for a while…prrrrtt….yeah yeah yeah” banat ni Enan sabay nagrap kaya napahiyaw si Mikan ng matindi at nagsisipa. Lumabas tuloy si Bobby kasama isang staff niya para tignan ang kaguluhan.
“Siya” bigkas ni Mikan sabay turo kay Enan. “Killing me softly, killing me softly with his song…” birit ni Enan kaya napangiti nalang si Bobby. “With his song…ooong…ooong..pprrrttt…” tuloy ni Enan kaya tumiklop na si Mikan at naluha sa tindi ng tawa.
“Sorry sir nagpractice lang ako” sabi ni Enan. “So it that a yes?” tanong ni Bobby. “Yes sir” sagot ng binata. “Great! Tony iset mo na yung ads, yung flyers…tapos ipost mo na online…wait Enan when can you start?” tanong ni Bobby.
“Tomorror evening sir, kasi Friday night then Saturday night too. Then siguro everyday na pag bakasyon” sabi ng binata. “Okay teka lang ha may kakausapin lang ako then mag uusap tayo tungkol sa fee mo” sabi ni Bobby.
“So we are going to be working together” sabi ni Mikan. “Basta guide mo lang ako. I am still learning your songs para kahit doon ka nalang mamili ng iduet natin” sabi ng binata. “Aaww so sweet, pero if you want to sing a song tell me ahead of time so that we can practice that too” sabi ng dalaga.
“Oo ba, pero miss Mikan kinakabahan parin ako talaga. Please guide me nalang. I may screw up so tell me what should I do and what I should not be doing” sabi ni Enan. “Oo naman, madali lang naman no” sabi ng dalaga.
“Tapos ano attire ko para naman mapaghandaan ko” sabi ng binata. “Kahit ano pwede no” sabi ng dalaga. “Hindi e, last time naka dress ka ng maganda. Dapat naman kahit papano makasabay naman suot ko” sabi ni Enan.
“Casual attire lang okay na” sabi ni Mikan. “Casual? E suot mo non parang formal e” sabi ni Enan. “Okay then I will start wearing casual clothes para click tayo” sabi ni Mikan. “Uy grabe ka naman, ako dapat yung nag aadapt sa iyo” sabi ng binata.
“Hindi no, basta let us make this work. This is going to be so much fun” sabi ng dalaga sabay ngiti.