Chapter 4: Distraction

3196 Words
“Guys habang wala si Enan gusto ko kayo kausapin sana. Please convince him to agree don sa gig sa bar” sabi ni Clarisse. “Oo nga, nakita niyo naman yung saya niya nung nagperform siya tapos nung nagpalakpakan yung mga tao. He looked so happy kasi the crowd loved him” sabi ni Shan. “Pero ang tanong gugustuhin niya ba talaga? I mean kaya lang siya pumayag lang time dahil sa iyo Clarisse e” sabi ni Greg. “Yeah I know, sorry na kasi big fan ako ni Mikan talaga e. Pero may magandang nangyari naman ah. He looked so happy at parang ito talaga ang element ni Enan” sabi ng dalaga. “Shocking but true, langya akala mo kung biro biro lang si loko non sa karaoke bar e. Kaya pala lagi pinapakuha yung mic pero di naman kakanta. Nahihiya lang pala” sabi ni Tommy. “Suportahan natin siya dito, para di na siya depressed” sabi ni Greg. “Oo nga, kasi kung idle siya lagi niya iisipin si Critsine so mahihirapan siya talaga mag move on. At least pag meron yung gig may pagkakakaabalahan siya” sabi ni Clarisse. “Shhhh nandyan na siya” sabi ni Shan kaya nanahimik sila at nagpasimple. “Alam ko pinag uusapan niyo nanaman ako. My artistahin senses can tell” sabi ni Enan sabay naupo sa pagitan nina Shan at Clarisse. “Hindi ah, di naman all the time ikaw pinag uusapan namin pag wala ka ano” sabi ni Greg. “My answer is yes, I texted Yvonne and told her payag ako. Nahihiya kasi ako itext yung may ari ng bar” sabi ni Enan. “Umoo ka agad?” tanong ni Tommy. “Hindi mo man lang pinag isipan?” tanong ni Jason. “E kasi ang saya don e. That place is different, the people there do not judge me for the way I look. Pinapalakpakan nila ako dahil sa kaya ko” “Ang saya ko that night aaminin ko. Kinakamayan ako at ang dami nakikipag picture kahit ganito itsura ko. Yung lugar na yon parang dream place ko. Naghalong rich people, middle class at pangkaraniwang tao pero lahat sila walang pakialam sa itsura ko” kwento ng binata. “So pasensya na kayo kung nag oo ako agad” sabi ni Enan. “Umoo ka nalang basta basta, you didn’t even ask if you were going to get paid” sabi ni Clarisse. “Oo nga pare, mag eeffort ka tapos libre lang? Di naman ata pwede yon” sabi ni Greg. “Wala ako pakialam kung wala ibayad sa akin. Di naman din nabibili yung ganon na pagtanggap sa akin e” “Sapat na kabayaran yon sa akin. Kahit gagastos ako papunta don at pauwi basta maranasan ko yung ganon masaya na talaga ako” sabi ni Enan. “I don’t think di siya babayaran, sure ako mag uusap pa sila ni sir Bobby” sabi ni Shan. “Pero Enan papayag lang ako na mag ganyan ka if your grades are okay” sabi ni Clarisse. “Daddy o, si mommy ang strict” biro ni Enan kaya natawa sina Greg, Jason at Tommy. “Listen to your mommy anak” banat ni Shan kaya napakamot si Enan. Hinaplos ni Clarisse likod ng ulo ni Enan, “Anak we only want what is good for you. So dapat bago mo pasukin yan make sure maganda grades mo” lambing ng dalaga. “Okay mommy” sabi ni Enan. Hahalik sana si Clarisse sa pisngi ng binata, si Enan naman ganon din sana gagawin sa dalaga pero sabay umikot ulo nila at nagdikit ang kanilang mga labi. Natulala sina Greg, Jason at Tommy sa pagdinig sa sobrang lutong na pag smack nila sa labi. Agad humarap sina Enan at Clarisse habang si Shan natawa nalang bigla. “Bakit ka kasi humarap? Gawain ko sa mommy ko humalik sa kanyang cheeks pag napagalitan niya ako” sabi ni Enan. “E gawain ng mommy ko na halikan ako sa cheeks pag pinagsasabihan niya ako e” sagot ni Clarisse. “Tsk, buti sinabi ko kasi lagi ako pinagsasabihan ng mama mo. Baka mamaya mahalikan ko din siya sa lips” banat ni Enan kaya nagtawanan sina Greg, Tommy at Jason. “Pero guys and mommy Risse, may problema ako. Kokonti lang alam ko kantahin. That is my big problem” sabi ni Enan. “Well siguro you should start practicing more songs my friend” sabi ni Shan. “Last time she kept asking me what I wanted to sing, feeling ko ganon nalang lagi kami” “Parang magiging hadlang din ako para sa kanya e” sabi ni Enan. “I have all of her songs tapos naka subscribe ako sa Youtube channel niya kung saan mapapanood mo yung mga pineperform niyang songs” sabi ni Clarisse. “E pambabae lahat yon e” sabi ni Enan. “Dude, uso na ngayon yung kanta ng babae at lalake kumakanta sa male version of course” sabi ni Greg. “Vice versa, meron narin girls na kinakanta yung kanta for boys” sabi ni Tommy. “Mahirap din pala ito no?” sabi ni Enan. Natatakot lang ako mag fail, baka pag nagkamali ako the people will hate me” sabi ni Enan. “Ano ka ba? Di ka pa nagsisimula fail agad sinasabi mo. Kung gusto mo punta ka sa bahay tapos pakinggan mo mga kanta niya. Sorry di ko pwede ipahiram lalo na napirmahan na niya mga yon” “So if you like come to my home then I will help you learn then, ahem ahem kaya ko din naman siguro kumanta konti” sabi ni Clarisse. “Lagi nalang ako nasa inyo, baka mamaya iisipin ng tao na wala na kayo ni Shan at tayo na” biro ni Enan. “Hmmm kami ni Clarisse may favorite song kami, duet yon so maybe pwede niyo aralin ni Mikan yon tapos dedicate niyo sa amin” sabi ni Shan. “Oo ba” sabi ni Enan. “Wag na yon, iba nalang. Mag usapan nalang kayo ni Mikan pero if you want to surprise her then mag effort ka aralin mga kanta niya” sabi ni Clarisse. “Yeah, since siya naman nagpasok sa iyo diyan and it will make things easier” sabi ni Shan. “O sige, oops teka lang ha naalala ko kailangan ko pa kunin yung photocopies namin. Later guys” sabi ni Enan. Pagkaalis ng binata dumikit si Shan kay Clarisse, “Wala kayo napansin?” tanong niya. “Hindi siya pumasok sa artistahin mode” sabi ni Greg. “Oo nga, mukhang masaya siya talaga after that night. Tignan mo siya o papito pito siya” sabi ni Tommy. “This is really good for him, nagiging busy utak niya at bawas depression for him” sabi ni Shan. “So this means every week ends sa bar tayo. Ipon allowance the whole week” sabi ni Tommy. “Well siguro sa first days pero we have to let him go on his own” sabi ni Shan. “Why? We should be there for him always” sabi ni Clarisse. “Look, kailangan din niya ito. Baka nagiging sandalan niya tayo at kaya niya lang kumanta pag nandon tayo” “So he also needs to stand on his own. Di ko naman sinasabi na hindi na tayo pupunta. We can go every other week naman. Kailangan din naman niya yan, malay niyo nagpipigil din siya because of us. We really don’t know but somehow he needs to find his own footing” sabi ni Shan. “Di pwede, we should always be there for him. What if tamaan nanaman siya ng hiya, someone has to be there to lift him up. Kung ayaw niyo e di ako. Magpapasama ako sa papa ko” sabi ni Clarisse. “You don’t get it, he needs to do this on his own” sabi ni Shan. “May point si Shan e, hindi naman sa nagkukuripot pero mabuti din ata kay Enan na hayaan natin siya” sabi ni Greg. “Ah ewan ko sa inyo, kung ayaw niyo siya tulungan then wag. Ako nalang” sabi ni Clarisse sabay nag walk out. Napahaplos si Shan sa kanyang noo, “Tado habulin mo” sabi ni Tommy. “Hayaan mo yan, di makaintindi” sabi ni Shan. “Gago to o, habulin mo na pre” sabi ni Greg. “Di na, nakakairita narin kasi lagi nalang Enan e. Sensya na pero ganon nalang lagi. Parang nanay talaga siya ni Enan” reklamo ni Shan. “Pare bestfriend mo si Enan, girlfriend mo si Clarisse. Syempre naging bestfriend narin sila. Ganyan ka din naman kay Enan ah. Para mo siyang anak o kapatid” sabi ni Greg. “I know but he is old enough to stand on his own. Don’t tell me naman kahit na kasal na kami ni Clarisse e problema ni Enan e problema parin namin” sabi ni Shan. Pagsapit ng dismissal nagulat si Enan nang sunudin siya ni Clarisse. “O ano nakain mo?” tanong ng binata. “Nag aaway kami ni Shan, tara sa bahay” sabi ng dalaga. “Huh? Bakit kayo nag aaway?” tanong ng binata. “Basta long story” sabi ng dalaga. “Teka ayusin natin to agad, tawagan ko siya” sabi ni Enan. “Wag na, come on at nagluto si mama ng baked mac” sabi ni Clarisse. “Oh..sige Shan can wait” banat ni Enan kaya natawa si Clarisse. “Ah ganon pala ha, basta baked mac kaya mo na ipagpalit si Shan” sabi ni Clarisse. “Narinig mo naman sinabi ko diba? Shan can wait, di ko naman siya tinataboy. Ang baked mac nabubulok so dapat maubos agad yon. Si Shan buhay pa so hindi pa siya mabubulok” biro ni Enan. Pagdating sa bahay nina Clarisse agad naupo si Enan sa dining area kaya nagtawanan ang mag ina. “Bakit hindi niyo kasama si Shan?” tanong ng nanay ni Clarisse. “Ay naku tita nag aaway sila. Sinabi ko sa kanya kanina ipagbabati ko sila pero ayaw niya. So malamang big fight yan” sumbong ni Enan. “Not true, tampuhan lang ma” sabi ni Clarisse. “Palagi nalang atang tampuhan ah” sabi ng matanda kaya nagulat si Enan. “Palagi ba tita?” tanong niya. “Hindi, basta. Ganito talaga pag nasa relationship, di maiwasan ang tampuhan” sabi ni Clarisse. “Oo pero pag palagi iba na ibig sabihin non” sagot ng nanay niya. “Hay naku, tara Enan sa kwarto. Dalhin mo nalang yang pagkain” sabi ni Clarisse. “Dito nalang para makarami ako ng balik” biro ng binata. “Dadalhan nalang kita mamaya iho” sabi ng matanda. Sa loob ng kwarto ni Clarisse naupo ang dalaga sabay nagsimangot, “Risse di na ata maganda yung lagi kayo nag aaway ni Shan. Imbes na ako kasama mo e dapat ata kayo mag sama para mapag usapan niyo yung mga problema niyo” sabi ng binata. “Can we not talk about him please” sabi ng dalaga. “Okay mommy…ay teka..pag ikaw mommy ko then ibig sabihin lola ko yung mommy mo no?” biro ng binata. “I am not your mom” sabi ni Clarisse. “E di sugar mommy” sabi ni Enan kaya napahalakhakan ang dalaga. Nakitabi si Enan sa kama kaya sumandal si Clarisse sa kanya. “Before I start eating…I want to let you hear a song that I wanted to sing don sa bar pero nahiya lang ako” sabi ni Enan. “Sige ba, game with feelings ha” sabi ng dalaga. “ibang iba ang nadarama ng puso ko sa iyo” birit ni Enan kaya agad naantig si Clarisse at napangiti. “Di ko na kaya ang umiwas pa sa piling mo..alam ko mayroon nang nagmamahal sa iyo. Bakit ngayon ka pa natagpuan sa buhay kong ito? Kasalanan ko ba kung iniibig kita, di ko naman sinasadya ang mahalin kita…ooooh. Kasalanan ko ba kung ang nadarama e pag ibig na tapat?” “Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga…oooohhh” birit niya kaya natulala si Clarisse at labis na kinilig. “Bakit ka tumigil?” tanong ng dalaga. “Gusto ko na kumain e” sabi ni Enan sabay sumubo na agad. “Bakit hindi mo kinanta yon? Ang ganda ng kanta. I have heard that song before” sabi ni Clarisse. “Basta” sabi ni Enan. “Anong basta? Bakit di mo kinanta? I like it, sana kinanta mo” sabi ni Clarisse. Biglang natawa si Enan sabay inuga ang kanyang ulo, “No comment” sabi ng binata. “Alam mo ang daya daya mo, o wait bakit mo pala gusto kantahin yon?” tanong ni Clarisse. “It is complicated, ang sarap ng baked mac talaga. Sana magdala pa si lola” sabi ni Enan. “Bakit hindi mo kinanta at bakit gusto mo kantahin yon?” tanong ng dalaga. “Kulit mode on” biro ni Enan. “Di ako titigil Enan” sabi ni Clarisse sabay nagbukas yung pintuan at pumasok yung nanay ng dalaga may dala pang baked mac. “Alam na alam ni mama yung timing ah” sabi ni Clarisse kaya natawa yung matanda. “Syempre naman, alam ko na yung systema ng mga bulate ni Enan” biro ng matanda. Habang nagtatawanan yung mag ina biglang bumulong si Enan sa tenga ng dalaga. “It was my song for you” sabi niya. Napatigil si Clarisse at tila nawalan ng hininga, si Enan naman tumayo at sumama sa nanay ng dalaga na palabas ng kwarto. “O san ka pupunta?” tanong ng matanda. “Sa baba po, kukuha ng panulak” sabi ng binata. “Ah ako na iho” sabi niya. “Hindi na po, at kulang kasi tong inakyat niyo e” banat ni Enan. Napahalakhak yung matanda, si Enan dumiretso sa baba habang si Clarisse naiwan sa kanyang kwarto na tulala parin. Bigla siyang napangiti, napahiga sabay niyakap ang kanyang unan sabay kinilig. Ilang minuto lumipas bumaba si Clarisse at tinabihan si Enan sa dining table. “Bakit hindi ka na bumalik?” tanong ng dalaga. “Awkward” sabi ni Enan kaya kinurot siya ng dalaga. “Okay lang no, at least honest ka at napag usapan naman natin ito noon e” sabi ni Clarisse. “Kahit na, awkward parin” sabi ni Enan. “Sana kinanta mo, wala naman makakaalam e” sabi ni Clarisse. “E mapipilitan ako tignan ka kaya” sabi ni Enan kaya kinilig ang dalaga sabay kinagat ang binata sa braso. “E past naman na yon at wala naman maniniwala” sabi ng dalaga. “Basta it feels so awkward, dapat pala di ko na kinanta at sinabi” sabi ni Enan. “Its okay, I am actually flattered” bulong ng dalaga. “Pero totoo ba yan?” hirit niya. “Oo kaya, naging close tayo tapos you know the rest. I started to feel something something…dinadaan ko nalang sa kanta kasi bawal nga e. Di ata magandang usapan ito Risse so change topic” sabi ni Enan. “Bakit naman bawal? I mean its okay, you are just being honest” sabi ng dalaga. “Sabagay, yeah I kept singing that song before. Pero somehow natauhan ako…” sabi ng binata. “You got over me?” tanong ng dalaga. “Got over…how do you really do that? How do you get over someone nga ba?” tanong ng binata. “Yung tipong mawawala na yung feelings mo para sa kanya” sabi ng dalaga. “Nangyayari ba talaga ang ganon?” tanong ni Enan. “Oo naman kaya. Sample may nag couple na nag break, after some time nakahanap na sila ng iba. Naka get over na sila sa past nila” paliwanag ng dalaga. “Oh I see” sagot ng binata. “So you got me over me huh” sabi ni Clarisse. “Nope” bulong ni Enan kaya kinurot ni Clarisse sarili niya para magpigil ng ngiti. “Nandon parin naman pero siguro natransform ko lang into something proper. I mean bawal nga kaya kung ano man meron e nandon parin pero in a form that is proper. As my bestfriend, so are the feelings still there?” “Yes they are but sabi ko nga sa proper way na. Gets mo ba?” tanong ng binata. “Oo naman” sagot ni Clarisse. “Sorry talaga kung awkward tong usapan natin” sabi ng binata. “Kulit mo, okay lang nga e” sabi ni Clarisse. “Kanina pala sorry sa nangyari sa tambayan” sabi ng binata. “Second time” bulong ng dalaga kaya natawa ang binata. “Wala yon, siguro pag naulit pa e iisipin ko sinasadya mo na” biro ni Clarisse kaya nagtawanan sila. “Yung kinanta mo maganda siya…” sabi ni Clarisse. “Tama na wag mo na paalala sa akin” sabi ni Enan. “Seryoso kaya ang ganda ng pagkakanta mo. Sana kinanta mo talaga siya that night” sabi ni Clarisse. “Pag bibigyan ako ni Mikan ng solo number kakantahin ko yon pero dapat wala ka kasi baka titignan kita e” sabi ni Enan. “Why do you have to look at me ba kasi?” tanong ni Clarisse. “E para sa iyo kasi talaga yon e. There is only one way to sing that song the right way…is to be looking at the girl who I intended it for” paliwanag ni Enan kaya pigil kilig ulit si Clarisse. “Oh I get it, nung pageant you sang well then you kept looking at her” sabi ng dalaga. “Oo, kasi para sa kanya yung kanta talaga” sabi ng binata. “Hmmm the song you sang that night…who was it for then?” tanong ni Clarisse kaya biglang napangiti si Enan. “Wala naman” sabi niya. “Hmmm bakit di ko maamin sa iyo ang tunay na nilalaman…” “Pag para kay Cristine yon napaka imposible na kasi naging kayo naman…so are you trying to say you had two songs for me?” pacute ni Clarisse kaya napanganga ang binata at natawa nalang. “Ah..eh..” bigkas niya habang si Clarisse kinilig sabay kinurot ang binata. “Two songs huh…totally flattered” sabi niya. Napakamot nalang si Enan sabay lalong natawa, “But you didn’t look at me” sabi ng dalaga. “Huh?” tanong ni Enan. “Di mo ako tinignan…hmp..pero kahit na happy na ako knowing it was for me” sabi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD