Chapter 8: Pangungulila

3384 Words
Lunes ng umaga sa tambayan tulala si Enan at pinagmamasdan lamang phone niya. Binuksan niya yung messages, pinindot niya yung compose sabay pindot sa pangalan ni Cristine. Napalungok siya, mga daliri niya nanginingig at tila hindi sila tumatama sa screen. Napatingin sa taas ang binata sabay napabuntong hininga. Nakita niya parating na sina Shan at Clarisse kaya agad niya tinago phone niya at inayos ang sarili. “Kumusta nung Sabado?” tanong ni Clarisse. “Okay lang naman” sagot ng binata. “What do you mean okay lang? Magkwento ka naman” sabi ng dalaga. “Wala kayo kasi e” tampo ng binata. “Sorry pala pre, nagkaroon kami ng lakad at kasama si Clarisse” sabi ni Shan. “Ah kaya pala, wala din sina Greg, Tommy at Jason e. Pero ayos lang” sabi ni Enan. “So how was it?” tanong ni Clarisse. “Ikaw nagtatanong, e alam ko naman nagbasa ka sa fan page niya” sabi ni Enan. “I did pero gusto ko malaman from you. Alam mo naman na medyo exaggerated naman yung ibang memebers don e” sabi ni Clarisse. “Sabi niya six na score ko. So siguro nag improve ako. Uy siya nga pala sagot ko na lunch natin kasi binigay ni sir Bobby bayad ko for the last three days. Nakakahiya nga kasi binilang pa niya yung unang bisita ko don” sabi ni Enan. “Enan save your money, wag mo gastusin agad. Malapit na Christmas so I am sure you would like to buy your parents nice gifts” sabi ni Clarisse. “Oo nga no, pero okay lang naman talaga e. Kaya ko naman kayo ilibre sa karinderya kasi medyo malaki din pala yung kinikita sa ganon” sabi ni Enan. “Dude, listen to her. Itabi mo nalang yan. Diba sabi mo gusto mo bumili ng kotse? O yan pag ipunan mo” sabi ni Shan. “Ayaw ko na kotse, gusto ko na motorsiklo. I am going to look really cool in one huh” landi ng binata. “No! Subukan mo lang bumili ng motorsiklo di na kita papansinin. Kung bibili ka motorsiklo bumili ka narin ng kabaong mo” sabi ni Clarisse. “Grabe ka naman, kaya ko naman siguro mag ingat e” sabi ni Enan. “Ah basta tandaan mo balakin mo lang at magkalimutan na tayo” banta ng dalaga. “Malilimutan ba ng ina…ang anak na galing sa kanya? Hindi kita malilimutan” birit ni Enan kaya natawa ng husto si Shan. “Enan! Isa! Sinasabi ko na talaga sa iyo ha. Wag mo ako subukan” sabi ni Clarisse. “Grabe ka naman, ano ba ngayon regla mo? Shan ano nakain nito?” tanong ni Enan. “Tama siya pre, wag na motor” sabi ni Shan. “Under ka! Kinampihan mo pa siya” sabi ni Enan. “I am really warning you Enan. Isusumbong kita sa mama at papa mo. Teka nag tawagan ko nga sila” sabi ni Clarisse. “Wag na, grabe to. Sige bike nalang” sabi ni Enan. “Ayaw ko din ng bike” sabi ng dalaga kaya napahaplos si Enan sa kanyang noo. Samantala sa loob ng isang bahay sa Batangas nagulantang ang buong set. “Ngayon ka lang dadating? Sino ka ba? May pangalan ka na ba? My God paimportante ka! Lahat kami nandito na since five in the morning tapos ikaw ngayon ka lang darating?” “Who the hell are you? Ha? Kasisimula mo palang napaka unprofessional mo na! First shooting day and you think you are already someone? How dare you?! At ikaw gaga ka ang tagal tagal mo na dito sa industrya tapos kinokonsinte mo yang tuta mo? Bullshit ka Belinda!” sigaw ni Cristine sabay nag walk out. Walang kumibo, si Belinda napatingin kay Jelly kaya ang PA ni Cristine nagdabog din. “Tama siya! Kung lahat kami kaya dumating sa oras e dapat turuan mo yang tuta mo na dumating din sa oras. Antipatikang matanda! Che!” hiyaw ni Jelly kaya tumiklop si Belinda at tumalikod nalang sa tindi ng hiya. Sa loob ng kwarto kinuha ni Cristine phone nya sabay pinagmasdan wallpaper nito. Dahan dahan siya napangiti, binuksan niya yung messages sabay nagsimulang magcompose ng text message para kay Enan. Bumukas yung pintuan, si Jelly pumasok kaya agad tinago ng dalaga ang telepono niya. “Sorry Cristine at nahawa ako sa iyo” sabi ng bading. “Totoo naman e, akala mo kung sino na siya. I want to talk to the producer, tawagan mo nga” sabi ni Cristine. “Ipapalit siya?” tanong ni Jelly. “No…I want to get out of this project” sabi ni Cristine. “E di na ata pwede e, nakapirma ka na. Ang pwede lang ata mangyari e palitan siya” sabi ni Jelly. “Will you call Arlene and ask her, please. Wag mo na dagdagan ang init ng ulo ko please lang” sabi ng artista. “Cristine busy phone niya” sabi ni Jelly. “Keep trying! Isa Jelly ha” banta ng artista. May kumatok sa pintuan, bumukas ito at sumilip si Belinda sa loob. “Ah Cristine, he will be ready in ten minutes” sabi niya. “E ano ngayon? Dapat kanina pa siya nandito. Will you get the hell out! So what kung ready siya. Wala ako sa mood. Kayo naman mag antay ngayon. Layas ka nga punyeta ka!” sigaw ni Cristine. Samantala sa labas ng studio nakatayo si Arlene sa ilalim ng waiting shed. “Kumusta siya?” tanong ni Enan. “Wrong timing tawag mo Enan. Papunta ako sa meeting. Can you call me later?” sagot ni Arlene. “I just wanted to ask how she is. How is she?” tanong ng binata. “She is okay, nasa Bantagas sila ngayon para sa first day of shooting” sabi ni Arlene. “I see, yun lang. Mas okay pag wag mo na sabihin na tumawag ako. Salamat sa oras” sabi ng binata. “Wait, Enan how are you doing?” tanong ni Arlene. “I miss her” sagot ng binata sabay namatay na yung tawag. Matapos ang mga klase ng umaga nagtago si Enan sa likod ng kanilang building. Nilabas niya phone niya sabay sinubukan tawagan si Cristine. Pagkapindot ng call e agad din niya pinindot yung stop sabay napailing ng husto. Tinitigan niya phone niya, nakita niya number ni Jelly kaya tinawagan niya ito. “Hello” sagot ng bading. “Ah..Jelly..si Enan” bulong ng binata. “Uy Enan, long time no hear. Kumusta ka na?” tanong ni Jelly. “Kumusta siya?” tanong ni Enan. “Nasa set na, kanina ang init init ng ulo niya. Nagtataray nanaman at naging bruha” sumbong ng bading. “Pero is she okay? Kumusta siya lately. Nagkasakit ba? Is she really okay?” tanong ng binata. “Okay naman, bakit nasense mo siguro bad mood siya ano? May koneksyon talaga kayo pero sorry talaga sa nangyari ha” sabi ni Jelly. “Okay lang…wala kami koneksyon..namiss ko lang siya. Pero Jelly wag mo na sabihin tumawag ako. I just wanted to know if she was okay” sabi ng binata. “Sige, pero ikaw Enan kumusta ka?” tanong ni Jelly. “Kung okay siya e di okay narin ako” sagot ng binata sabay pinatay na yung tawag. Humarap si Enan sa pader sabay sinandal niya noo niya sabay napabuntong hininga. “There you are” narinig niya isang boses ng babae kaya agad siya lumingon. “Hey” bigkas ng binata. “Hi Enan, what are you doing?” tanong ni Sally. “Iihi sana ako e” biro ng binata kaya agad tumalikod ang dalaga. Natawa si Enan, humarap sabay kinalabit ang dalaga sa balikat. “I was joking” sabi niya. Humarap si Sally sabay natawa, “Bad mood ka ata” sabi ni Sally. “Hindi naman, I just miss someone” sabi ni Enan. “Wait, first of all I would like to apologize for everything. Can we start all over again?” sabi ng dalaga. “Wala yon, past is past” sabi ng binata. “Sure? I know I said some nasty stuff about you, tapos kuya ko pa nakaaway mo. Sorry talaga sa lahat ha” sabi ng dalaga. “Sabi ko nga okay lang yon. So bakit ka pala nandito?” tanong ni Enan. “Hmmm..kasi magakaroon ng event yung org namin..e..nakakahiya ata” sabi ni Sally. “Ano ba yon?” tanong ni Enan. “Yun nga, may event org namin at ikaw sana guest namin para kumanta” sabi ng dalaga. “Huh?” tanong ni Enan sa gulat. “Fund raising event siya para sa Alay Pasko namin for the orphaned children sa DSWD sana. Its like a mini concert sana…then our school mates and org mates were saying ikaw sana isa sa mga guests” sabi ni Sally. “Bakit ako? Hindi naman talaga ako singer e” sabi ni Enan. “Ikaw pa, ang galing mo nga e. Pero okay lang kung masama parin loob mo sa akin o sa kuya ko I wll understand. At least I tried” sabi ng dalaga. “Uy hindi ganon, pero hindi naman talaga ako singer. Naka tsamba lang ako nung pageant” sabi ni Enan. “So humble” pacute ng dalaga. “Uy di ako nag aacting humble ha, totoo naman. Tsamba lang talaga yon no” sabi ng binata. “Well the whole school thinks otherwise. Can you reconsider? Madaming matutuwa pag malaman nila ikaw isa sa mga kakanta at magpeperform” sabi ni Sally. “For a good cause diba?” tanong ni Enan. “Yes, promise it is” sabi ng dalaga. “What if I tell you I can ask my friend Mikan to perform?” tanong ng binata. Nanlaki ang mga mata ni Sally sa gulat, “Weh? As in yung Mikan na singer?” tanong niya. “Oo kaibigan ko yon” sabi ni Enan sabay biglang natawa ang dalaga. “Oh baka joke time mo lang to. Violet said you love making artistahin skits e” sabi ng dalaga. “No joke, kaibigan ko talaga siya. Gusto mo tawagan ko siya ngayon…teka maaga pa baka tulog pa siya. Pero kaibigan ko talaga siya” sabi ni Enan. “Okay sana pero baka di namin siya afford e. Kaya nga in school talents lang kinukuha namin sana” sabi ng dalaga. “Well I can talk to her, I can explain it to her if you want” sabi ni Enan. “Teka hindi ka nagbibiro ano? Totoo na kaibigan mo siya ano?” tanong ni Sally. “Naman, kinukuwestyon mo ba pagka artistahin ko? Alam mo madami akong friends at si Mikan isa na don. Kung gusto mo kausapin ko pa si John Legend, o kaya si Lady Gaga. I am known world wide you know” landi ng binata kaya natawa ang dalaga. “Sabi ko na nga joke time to e” sabi ni Sally. “No joke. Give me time to talk to her and ask. Kasi kung for a good cause yan then pag nalaman nila si Mikan ang performer for sure madami pupunta. Pag hindi naman siya pumayag then sige kahit ako nalang” sabi ni Enan. “Hmmm I still don’t believe you” sabi ni Sally. “Oh what do you have to lose ba? Mamaya tatawagan ko siya, pag pumayag siya then I will tell you. Pag hindi naman then at least win win ka parin kasi the undeniable heartthrob will grace your event…ahem ako yon” landi ng binata kaya tawang tawa si Sally. “Ang hirap mo paniwalaan, di ko alam kung nagsasabi ka ng totoo o hindi e” sabi ni Sally. “Fine, wait with me kasi for sure hindi pa siya gising. Mamaya tawagan natin siya tapos ipapakausap ko siya sa iyo. Ano deal?” tanong ni Enan. “Hmmm sige ba, pero pag joke time to ano gagawin ko sa iyo?” tanong ni Sally. “Aba e lahat ng laman ng pantasya mo gawin mo na. Chance mo na to no, wag ka na magpigil girl, all out ka na” banat ng binata kaya napahalakhak si Sally at pinagpapalo braso ng binata. “So you want to wait here?” tanong ni Enan. “Okay lang, lunch break ko na actually” sabi ni Sally. “Ako din e, o para di masayang effort mo tara lunch tayo” sabi ni Enan. “Wow treat mo ako?” pacute ni Sally. “Huh? Tara lunch tayo sabi ko lang. Wala ako sinabi treat ko” sabi ng binata. Nagsimangot ang dalaga kaya natawa si Enan. “Di ako nadadaan sa pacute pero swerte ka at good mood ang pitaka ko kaya tara na. Pero wag kang choosy kasi sa karinderya lang tayo” sabi ng binata. “Tara basta libre” sabi ni Sally kaya natawa ang binata. Nagising si Mikan dahil may kumakatok sa kanyang pintuan. Pagbukas niya nagulat siya pagkat si Yvonne biglang pumasok at may dalang pagkain. “I have good news for you, pero kain muna tayo” sabi ni Yvonne. “Sabihin mo na” sabi ni Mikan na humikab sabay nag inat. “I got a producer who is willing, bago din siya and he said basta bigyan mo daw siya ng magandang single” sabi ni Yvonne. “Really? Oh my God! Totoo ba ito?” tanong ni Mikan sa tuwa. “Oo, pero do not expect much kasi like I said bago palang siya. I told him since bago siya sumugal na siya sa iyo at least ikaw subok na” “Then I told him the story about…basta yon. Sorry I had to tell him kasi sabi niya laos ka na daw. He understood naman so he is willing to give it a try” sabi ni Yvonne. “Oh my God!!!” sigaw ni Mikan sa tuwa kaya nagyakapan sila. “Sana invite mo nalang siya mamaya sa bar. Tapos kakantahin namin ni Enan yung bago kong nacompose na song” sabi ni Mikan. “Enan? Lunes ngayon no. Week ends lang si Enan” sabi ni Yvonne. Nagsimangot si Mikan sabay dahan dahan naupo, “Oo nga pala no. Tsk..akala ko araw araw na kami magkasama…” bulong niya. Biglang nagring phone niya kaya agad siya tumakbo sa kwarto niya para sagutin ito. Lumabas siya ng kwarto na nakangiti, “Hello Enan” sabi niya. “Uy gising ka na, did I wake you up? Sorry ha” sabi ni Enan. “No you didn’t, Yvonne woke me up. Bakit ka napatawag?” tanong ng dalaga. “Ayun, nakakahiya to pero kakapalan ko na mukha ko. Kasi I was approached by a friend, may mini concert org nila for a good cause. Para sa mga orphaned children ng DSWD daw. Kung pwede ka daw sana magperform sa concert na yon pero di nila kaya talent fee mo” sabi ni Enan. “Teka kausapin mo na nga lang siya” dagdag ng binata kaya pinasa niya phone niya kay Sally. Agad nagtitili si Sally nang marinig boses ni Mikan kaya natawa ang dalaga. “Is it really you?” tanong ni Sally. “Makulit ka talagang babae ka, artistahin ako natural kilala ko si Mikan, duh” narinig ni Mikan sa background kaya natawa ulit siya. Tumayo si Sally, lumabas ng kariderya para kausapin si Mikan. Ilang minuto lumipas bumalik siya sa loob sabay inabot phone kay Enan. “May condition daw e” sabi niya. “Anong condition?” tanong ni Enan. “Kausapin ka daw” sabi ng dalaga. “Mikaela, what condition?” tanong ni Enan. “Well its simple, I will sing for free as long as I perform with you” sabi ni Mikan. “Ano? E ikaw naman yung gusto nila e” sabi ng binata. “That is my condition, take it or leave it. And it will be good practice for us. I can tell my fans that there will be a concert, madami pupunta” “Tapos we are going to sing the song I just composed there. So doon nila unang maririnig” sabi ni Mikan. “Kailangan ba talaga ako don? I mean I can attend to accompany you” sabi ng binata. “Take it or leave it. Pag ayaw mo ikaw mag explain sa kanya” sabi ng dalaga. “Wow pinasa. Oh well siguro my artistahin presence can grace that event. Baka di lang orphaned children mapakain nila, baka buong bansa na kasi for sure dudumugin ng tao ang mini concert na yon. It shall be the mini concert of the universe” banat ni Enan. “So Enan its all up to you. If you agree then okay din ako” sabi ni Mikan. “Okay then, pero salamat ha. I just wanted to help them out. Pasensya narin kung dinamay kita ha” sabi ng binata. “For a good cause Enan, basta yung deal e it must be us both or nothing at all” sabi ni Mikan. Pagpatay ng tawag napangiti si Yvonne, “So he calls you Mikaela huh” landi niya. “Oo nga e, pero okay lang I don’t mind. Actually that mini concert is good, siguro you can invite that producer there nalang. Para don niya marinig din for the first time yung bago kong kanta” “O diba? Makikita niya reaksyon ng tao agad. If he likes it then he can produce it. O diba?” sabi ni Mikan. “Sabagay tama ka. Siyempre bago palang siya at gusto niya din kumita agad. Pag nakita niya reaksyon ng mga tao then it can convince him to produce that single. Wise ka talaga” sabi ni Yvonne. “And you get to work with Enan again” hirit niya kaya natawa si Mikan. “Too obvious?” tanong niya. “Hmmm medyo” sagot ni Yvonne. “Ewan ko ba, but its normal to like someone. Masyado siyang…I cant explain it…basta tama lahat e” sabi ni Mikan. Samantala sa karinderya tulala parin si Sally at hindi makapaniwala. “Si Mikan talaga yon. At magpeperfrom siya sa mini concert. Oh my God I cant believe it” sabi niya. “Yan ang masama sa mga tao, walang tiwala sa akin kasi. Walang naniniwala na artistahin ako. Kung malapit lang talaga ang America dito for sure sina Celine Dion, Lady Gaga, Madonna at kung sino sino pa matatawagan ko” landi ng binata. “Tsk bilib na talaga ako sa iyo. Grabe salamat talaga ha, as in Enan sobrang laking tulong ito talaga” sabi ni Sally. “Wala yon no” sagot ng binata. “Kahit ang sama sama ko sa iyo noon…ganito ka parin sa akin…salamat talaga” sabi ni Sally. “Past is past, people can change except me. s**t minsan ayaw ko na maging artistahin e, its so hard you know” landi ng binata kaya laugh trip yung dalawa. “Hey Enan” sabi ng dalaga. “Ano yon?” tanong ng binata. Sumagot lang si Sally ng isang matamis na ngiti kaya biglang kinurot ni Enan ang ilong ng dalaga. “Ay totoong ilong” sabi niya. “Gagi, ano tingin mo sa akin retokada?” sagot ng dalaga. “Sorry, ang tangos ng ilong mo kasi tapos ang kinis kinis. Niliha mo ba at nilagyan ng shiner?” banat ng binata kaya natawa ang dalaga. “I can teach you how to take care of your skin if you want” pacute ng dalaga. “Sus, wala nang ibabago mukha ko. Inborn na akong ganito no, nature made me this way” sabi ng binata. “Hmmm…I am not saying you look bad but you can look even better…ano gusto mo?” alok ng dalaga kaya napangiti si Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD