Chapter 9: Tinig

2796 Words
Huwebes ng umaga nadatnan ni Greg si Enan sa tambayan na nagrereview. “Wow studious ang aking kaibigan ha, tinakot ka siguro ni Clarisse ano?” biro ni Greg kaya pinakita ni Enan ang kanyang binabasa. “Ano yan? Marunong ka magbasa ng ganyan?” tanong ni Greg na tumabi sa kanyang kaibigan. Sakto naman dumating si Clarisse at Shan kaya nakisilip sila agad. “Bakit panay nota yan?” tanong ng dalaga kaya tinignan siya nina Greg at Enan. “Sumakabilang uri na kami” sabi ni Enan. Napataas lang kilay ni Clarisse ngunit nobyo nito napahalakhak ng husto. “Greggy oh look ang daming nota ahahahay” landi ni Enan. “Nota nota nota nota tarus! Yum yum yum” sagot ni Greg kaya doon palang natawa ang dalaga. “Ooooh tignan mo to o mahaba..pero bakit ito may kalawit?” tanong ni Greg. “Gagita, ibig sabihin potsu pa yan. Di pa siya tuli” sagot ni Enan kaya umariba sa tawa si Shan habang si Clarisse nagtakip lang ng bibig sabay inuga ang kanyang ulo. “Nana why is this only a tuldok?” tanong ni Greg. “Greggy nahuli kasi yan ng asawa niya kaya putol na” landi ni Greg sabay naghalakhakan sila na parang malalanding mga babae. “E bakit ito paikot ikot?” tanong ni Greg. “Di magkasya sa brief sa haba, kailangan ibuhol” landi ni Enan. “Mga siraulo! G-clef yan” sabi ni Clarisse. “G-clef? German clef? Akala ko Arabo Clef kasi daw…” sabi ni Enan pero binatukan na siya ng dalaga. “Tigil niyo nga yan” sabi ni Clarisse. “To naman killjoy talaga, nagkakatuwaan lang naman kami e” sabi ni Greg. “Pero hindi maganda pakinggan, tuloy niyo mamaya pag wala ako” sabi ng dalaga. “E di umalis ka” sabi ni Greg. “Greg umayos ka” sabi ni Enan kaya napangiti si Clarisse at nakitabi sa kanya. “So sineseryoso mo na talaga pagiging singer ha, naks” sabi niya. “Hindi no, wala kasi siya kopya nung kanta na ginawa niya kaya eto lang copy na may nota nota napahiram niya para memorize ko” paliwanag ni Enan. “Kunwari ka pa, parang kinakarir mo naman na ata e” sabi ni Shan. “Aminin mo na pre, susuportahan ka namin talaga pag kinarir mo yan” sabi ni Greg. “Hindi niyo maintindihan, hindi ko kinakarir ito. Gusto ko lang gumaling” sabi ni Enan. “Pareho narin yon, pag gumaling ka, sisikat ka then mamaya karir na yan” sabi ni Clarisse. “Hindi nga para sa karir ito” sabi ni Enan. “Alam mo Enan its okay naman e. If maging successful ka diyan tapos yan ang tatahakin mo di ka makakarinig ng masama sa akin. Matutuwa pa talaga ako” sabi ni Clarisse. “Ayaw ko sumikat, gusto ko lang humusay para…marinig niya at mapansin niya ulit ako” “Di naman ako pwede pumunta don basta basta, sino ba ako kasi? Wala naman na akong alam na ibang paraan kaya sana dito…pag humusay ako e sana mapansin niya at sana marinig niya. Kung pwede lang saksakan ng mikropono tong puso ko siya na pinakanta ko e” “Pero di naman pwede. Mali na kung mali pero di ko na alam pano” paliwanag ng binata kaya natahimik ang kanyang mga kaibigan. “Excuse me may klase na ako” sabi ni Enan sabay umalis. “Parang malabo sinabi niya” sabi ni Greg. “Kaya nga e, naging sila naman so all he has to do is show up at her doorstep then they could talk and fix things” sabi ni Shan. “Kaya nga, bakit sa ganyan pa niya dinadaan. Clarisse kunwari naging kayo ni Enan tapos nag break kayo ha” “Maantig ka ba sa effort na ganyan imbes na kausapin ka nalang?” tanong ni Greg. “Syempre” sagot ng dalaga kaya nagualat ang mga binata. “Oh..ganon pala yon? Sabagay nakapanood ako old movie na nag away sila tapos yung lalake hinarana yung babae para mapansin niya uli. Baka napanood din ni Enan yon kaya nagkakaganyan siya” sabi ni Greg. “Alam mo hayaan nalang natin siya. May sariling style yan. Napasagot naman niya si Cristine so maybe his plan will work to win her back” sabi ni Shan. “Teka matanong ko nga pala, why did they break up?” tanong ni Greg kaya napatingin si Shan kay Clarisse. “O bakit mo ako tinitignan? Malapit ako sa kanya lately pero we do not talk about that. Grabe kayo naman, heart broken na nga siya so hindi ko na tinatanong yan” sabi ng dalaga. “Pero di ka ba curious?” tanong ni Shan. “Nope, private matter na yon. Whatever happened sila nalang nakakaalam non. Tayo naman we are just here to support Enan” sabi ni Clarisse. “Kayo nag inuman kayo wala ba siya binabanggit sa iyo?” tanong ni Shan. “Wala, mahirap pigain yan. Kung medyo seryoso na alam niyo naman style niya na magiging artistahin mode” “Makukuha ka sa patawa hanggang makalimutan mo na yung topic” sabi ni Greg. “E pano siya makaka move on pag hindi niya ilabas yung kinakarga niya sa dibdib niya? Pano natin siya matutulungan ng husto kung ganyan?” tanong ni Shan. “Aba bakit ngayon mo lang naisip yan? Diba? Bestfriend mo siya. Ako parang…bestfriend because of you lang ako so ikaw dapat ang may karapatan magtanong sa kanya” sabi ni Clarisse. “Tsk oo nga no, s**t. I should have been there for him” sabi ni Shan. “Sabi mo kasi kaya niya yon e. O ngayon curious ka at worried. I kept reminding you. Now look at him, may ibang goal pala sa pagkanta niya sa bar. With that kind of goal…medyo tagilid e kaya ewan ko san papunta yang tinatahan niya” sabi ni Clarisse. Samantala sa loob ng condo unit ni Cristine e nag aalmusal ang dalaga. “O yan nasa news ka nanaman. Bad press nanaman ito. Hay babae ka nagsisimula nanaman ang dati” sabi ni Jelly. “Ah talaga? Patingin nga” sabi ng dalaga kaya inabot ni Jelly ang tablet sa kanya. “Oh..good” bulong ni Cristine. “Anong good? Sisirain mo nanaman image mo? E okay ka na nga e” sabi ni Jelly. “Wag ka nga makulit, umagang umaga nakakairita ka na” sabi ni Cristine. “Tsk..tapos mamaya wala nanaman gusto kumuha sa iyo. Problemado ka nanaman by then” “Baka di pa matuloy yang current project mo dahil nagkakaganyan ka. Mamaya magkakandarapa nanaman tayo nina Arlene” sabi ni Jelly. “E di mabuti” sagot ni Cristine. “Mabuti? Gusto mo mawalan ng karir?” tanong ni Jelly. “Ah..eh..iba ang iniisip ko. Wag ka kasi madaldal masyado at nalilito na ako sa aking iniisip” sagot ng dalaga. “Bahala ka na nga. Kung balak mo sirain karir mo bigyan mo naman ako ng heads up para maahanap ako ng ibang trabaho agad” sabi ni Jelly. “Change topic nga, nakakasira ang karir karir talk na yan. Madaming nasisira ang karir karir. Bwisit” sabi ni Cristine sabay pumasok na sa kanyang kwarto. Pagsapit ng tanghalian nagulat si Enan pagkat nasa pintuan ng classroom niya si Sally. “Uy Enan bad news” sabi ng dalaga. “Buntis ako tapos ikaw ang ama?” tanong ng binata kaya natawa ang dalaga at nasuntok siya sa dibdib. “Ay sorry, loko loko ka talaga. “Bad news yung di matutuloy yung mini concert this year. Kasi daw malapit na break at madami nang naka schedule na events sa gym. So only available sched is January na or Feb” sabi ni Sally. “Oh okay, so pano na yung orphans na tutulungan niyo sana ngayong Pasko?” tanong ng binata. “E di wala, sayang nga talaga e. Pero for sure matutuloy na yon next year. Kaya lang parang sayang yung Christmas intent ano?” sabi ng dalaga. “E di New Year intent. Start the new year with tummy full” sabi ni Enan. “Pwede pero start the new year tummy full then wala na. Tummy empty na” “Mahirap yung ganon baka mag expect sila. Di tulad ng Christmas at least alam nila one time lang yon” sabi ng dalaga. “Alam niyo mali din kayo e. Bakit one time goal niyo lang? Maganda intention niyo pero sana wag yung ganyan na dahil Christmas e gagawin niyo yan” “Mas maganda yung long term project. Para bang pag-ibig, di mo naman pwede sabihin na one time offer lang. Yun naman ang balak niyo ibigay diba? Pagmamahal sa kanila so gawin niyong long term. Imbes na pakainin niyo sila na one time lang e hanap nalang kayo ng mas magandang pupuntahan ng pera” “Example library or play ground. O diba? Long term yon. Araw araw nila pwede gamitin yung playground at library. Siguro naman makakahanap na sila donors books pero of course lagyan niyo narin. Kesa na sa pakain na ganyan e minsan lang nila itatae yan that’s it” “Pag library at least alam niyong may matututo. Pag playground alam niyo naman meron at meron sumasaya araw araw. Then kung gusto niyo ng follow up project for them then more books or repaint repaint nalang sa playground at paayos” sabi ni Enan. Tulala si Sally at nakatitig lang sa mukha ng binata. “s**t ang galing mo” bulong niya. “I know right” landi ni Enan kaya natawa si Sally at nahawakan ang braso ng binata. “Tama ka, at pag next year yon sasakto pa sa summer if ever playground man” sabi niya. “O diba? Kesa na yang pagkain na yan, baka di maganda makuha na caterer at magtae silang lahat” “Konsensya niyo pa yon. Pag masarap naman baka mapuno yung bowl nila, gagastos pa sila sa pagpapaayos. Kasalanan niyo ulit yon” banat ni Enan kaya natawa ng husto ang dalaga. “Sana ikaw nalang yung nanalo talaga, you are so smart” sabi ni Sally. “Di naman ako smart, Globe kaya ako. Aha teknik mo lang ito para makuha number ko ano?” landi ng binata. “Baliw, I already have your number” sabi ng dalaga. “Pano mo nakuha?” tanong ni Enan. “Diba nung nilibre mo ako nakitext ako sa iyo. Ayon kinuha ko” pacute ng dalaga. “Pag jejemon ka di kita papansinin. Subukan mo lang mag jeje talk sa akin at dedma ka talaga” sabi ni Enan. “Wala naman ako balak itext ka don’t worry” sabi ni Sally. “Wala? E bakit mo kinuha?” tanong ng binata. “Mas personal ang tawag kesa sa text. Aba malay ko ba pag ikaw katext ko. Baka personal assistant mo pala” sabi ni Sally. “Wow, I am starting to like you ha. Pero mas gugustuhin kita pag sinabi mo naman na butler. Para sosyal to the max” sabi ni Enan kaya nagtawanan sila. “Uy tara lunch, sagot ko naman para fair” sabi ni Sally. “Wag na, kanya kanyang bayad nalang” sabi ni Enan. “Tsk to naman o, sige na kasi. Nag treat ka last time so ako naman ngayon” sabi ni Sally. “Ako nalang kaya” sabi ng binata. “Uy grabe ka ha, pag ikaw ulit baka isipin nila na kung ano na meron tayo. Ako na kasi para wala sila maiisip” sabi ng dalaga. “Ano? Ang labo mo naman. Anong maiisip?” tanong ni Enan. “E syempre pag nalaman nila nilibre mo ulit ako baka sabihin nila nanliligaw ka na sa akin” sabi ng dalaga. “As if naman papasa ako sa iyo no. Walang maniniwala na nililigawan kita” sabi ni Enan. “Duh, ginulat mo nga lahat nung nalaman namin arista girlfriend mo. Ako simpleng tao so mas maniniwala sila” sabi ng dalaga kaya natawa si Enan. “Simpleng tao ka diyan ang yaman yaman niyo” sabi ng binata. “Wala naman kinalaman yaman dito ah. Madami kang alam tara na bago pa magbago isip ko” sabi ng dalaga. “E di antayin natin magbago” biro ni Enan. “Tara na kasi, gusto mo pa ata suyuin pa kita para lang ilibre kita. Arte mo ha” sabi ni Sally. “Sige na nga, di ako tatanggi kasi alam ko mabubusog ako. Saang restaurant ba?” tanong ni Enan. “E di don din sa karinderya para fair” sabi ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Yaman yaman niyo tapos sa karinderya mo lang ako ililibre?” tanong ng binata. “Pag sa restaurant kasi baka isipin nila date yon” sabi ni Sally. “Ah ganon ba?” sagot ni Enan. “Uy don’t take it negatively, walang negative intent yung sinabi ko. I was expecting you to laugh” sabi ni Sally. “Hindi okay lang sanay na ako diyan” bulong ng binata. “Uy Enan wala talaga masamang intensyon sagot ko” sabi ng dalaga. “Gotcha” landi ni Enan kaya napahiyaw sa tawa ang dalaga. “Bwisit ka, nadali mo ako don” sabi niya. “Kulang pa nga e, sana nag emote pa ako hanggang sa napilitan kang ilibre mo ako sa restaurant” sabi ni Enan. “Fine, sige saan mo ba gusto kasi kumain?” tanong ni Sally. “Biro lang to naman o” sabi ng binata. “Seryoso ako, sige na sabihin mo na” sabi ni Sally. “Sa karinderya na ano” sabi ni Enan. “Hmmm how about dun sa malapit na fast food, gusto mo don?” tanong ni Sally. “Uy di ko alam yun ha, sige nga try natin don” banat ni Enan kaya tawang tawa si Sally sa kanya. “Alam mo the more ako natutuwa sa iyo the more ako nagiging guilty dahil sa mga nagawa ko sa past” sabi ni Sally. “Sabi ko naman sa iyo kalimutan mo na yon. Start over nga diba?” sagot ng binata. “Yeah pero just saying it aloud. Sorry talaga ha” sabi ni Sally. “Salina tapos na yon at okay na tayo. Dinadaan mo ata ako sa drama para di mo ako ilibre e’ sabi ni Enan. “Baliw, ililibre kita don’t worry. Sya nga pala did you find the comfort food I gave you okay?” tanong ng dalaga. “Alam mo may mali ka din e. Magbibigay ka nga pero di mo naman ako iniisip. Ang laki kong tao tapos ang liit liit ng binigay mo. Lubha ako nasaktan tapos ang liit liit ng binigay ko kaya kokonting comfort lang nakuha ko don. Sa susunod itugma mo naman sa katawan ko at sa lubha ng aking dinadamdam” sabi ni Enan. “Parang ang insensitive mo tuloy. Sorry first impression ko na yon sa iyo” hirit niya kaya halos mamatay na sa tawa ang dalaga. “Grabe ka ikaw na nga binigyan ikaw pa choosy?” tanong ni Sally. “Aba syempre ako yung may piangdadaanan e. Comfort food ka diyan e di pa ata umabot sa small intenstines ko” “Alam mo malungkot parin ako, so baka may part two yung comfort food at sana comfort drinks narin kung pwede” sabi ni Enan. “Hahahaha ang gagi mo talaga, nakakabaliw kang kasama” sabi ni Sally. “Nakahanap ka nanaman ng excuse e. Mamaya sasabihin mo baliw ka na kaya di na matutuloy paglibre mo sa akin Salina” sabi ni Enan. “Gagi ka talaga, at pano mo alam Salina pangalan ko?” tanong ng dalaga. “Marunog ako magbasa, ayan ko nakasulat sa ID mo” sabi ng binata. “Ay oo nga pala, e ikaw Fernando” bawi ng dalaga. “Mi Amor Salina…tapos sagot mo…Fernando…que horror” banat ni Enan sa mala pakantang boses. “Aray ko ang sakit na ng tyan ko” sabi ni Sally. “Excuses excsuses. Sakit tiyan para uy next time nalang kita ilibre. Tara na ang dami mong alam. Dalian mo bago magbago pa isip ko baka mamaya ayaw ko na magpalibre sa iyo. Dali na kasi bilisan mo lakad mo wala ka naman eggs between your legs like me kaya paspasan mo na” sabi ni Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD