Nakarating sa tapat ng bar sina Yvonne at Mikan, dinig na dinig nila yung matinding tawanan sa loob kaya naintriga sila. Nagtaka sila pagkat maski yung security guard na nakaposte sa labas e wala sa kanyang pwesto.
Pagsilip nila sa loob nakita nila si Enan sa stage habang lahat ng staff nagtatawanan sa buong paligid. “Alam niyo sina Lebron at Kobe wala naman binatbat sa skills ko. All around player ako pero lagi ako foul trouble kasi”
“Lahat ng binabantayan ko nahihimatay, akala ng refree e binigyan ko sila ng hard foul. Sa totoo natakot lang sila sa itsura ko gaya ganon” banat niya at naghalakhakan ang mga tao sa buong paligid.
“Swimmer din sana ako kaya lang tuwing sumisisid ako akala nila kung choral reef ako. Well at least natural resources diba?” sabi ng binata. Tumindi ang tawanan, sina Yvonne and Mikan nagpipigil pero nung nakita nila si Bobby tila nahawa na sila at nakitawa narin.
“Sa boxing naman mahusay din ako, ang ayaw ko lang kasi pag nananalo ako e ako pa yung napagkakamalan na natalo. Nabugbog daw ako ng husto? Say what? First round ko pinatumba kalaban ko e, pero sabi nila nagulpi daw ako ng husto” sabi ng binata.
“Ayun peeps, lets all have a good night tonight” sabi ni Enan. Pumalakpak ng malakas si Bobby kaya nakisama narin mga staff niya. Pagbaba ng binata sa stage agad siya sinalubong nina Mikan at Yvonne. “Uy nandito na pala kayo” sabi ng binata.
“Nakakatawa ka grabe” sabi ni Yvonne. “Well just helping out” sabi ni Enan. “O sige na pala, iwan ko na kayo at may lakad pa ako. Galingan niyo mamaya ha” sabi ni Yvonne. “Enan I recorded the song, eto o” sabi ng dalaga sabay inabot ang isang USB drive. “Pero hindi pa natin kakantahin tonight right? O kakantahin mo na siya?” tanong ng binata.
“Hindi pa, tara sa loob pakinggan mo siya. Naka store din siya dito sa phone ko” sabi ng dalaga. Pumasok sila sa kwarto, nilabas ng dalaga phone niya kasama ang magarang earphones. “Here try it” sabi ni Mikan kaya sinuot ng binata yung earphones.
“Hello?! Wala ako marinig!” sabi ng binata kaya natawa ang dalaga. Inalis ni Enan yung earphones sabay inuga ang kanyang ulo. “Wala ko marinig kanina” sabi niya. “Ganyan talaga yan, magandang klase kasi yan para tanging maririnig mo is yung music na pakikinggan mo” sabi ni Mikan.
“Wow, ganda naman nito” sabi ni Enan. “Sige na suot mo at play ko na” sabi ng dalaga. Pinakinggan ni Enan yung kanta, “Ang ganda!” sabi niya. “Wag kang sisigaw” sagot ni Mikan. “Ano? Ikaw ba nag piano?” tanong ni Enan. “May electronic organ ako sa bahay” sabi ni Mikan.
“Ha?” tanong ng binata kaya natawa na ang dalaga. Hinayaan niya matapos yung kanta, inalis ni Enan yung earphones sabay tinignan yung dalaga. “Ang ganda nung kanta, sino nag piano?” tanong niya. “Ako, sa bahay ko lang nirecord yan” sabi ni Mikan.
“Ows? Mag isa mo?” tanong ni Enan. “Oo naman, luma na equipment ko pero at least they still work” sabi ni Mikan. “Bumili ka talaga ng mga gamit pang record?” tanong ni Enan. “Akala ko ba nagresearch ka tungkol sa akin?” pacute ng dalaga.
“Oo pero di ko na pinanood lahat ng videos mo sa Youtube, ang dami masyado kaya pinanood ko lang yung mga latest” sabi ng binata. “I see, nung unang upload ko as in wala ako gamit. Web cam pa nga pinang record ko e so pangit talaga yung video. Pero kahit na ganon kapangit yung quality ng video at audio ng first upload ko ang daming nagagusto” paliwanag ng dalaga.
“So gumawa ka pa ano?” tanong ni Enan. “Uhuhmm..i made three more. Panay cover songs” sabi ni Mikan. “Ano yung cover song?” tanong ni Enan. “Ah, that means kinaanta mo yung kanta ng iba. Sample yung kanta ni Lady Gaga na sikat, tapos kinanta mo, cover song yon” sabi ng dalaga.
“I see, so sumikat ka agad?” tanong ni Enan. “Hindi ah. After four videos super happy ako kasi ang ganda ng feedback pero may nagcomment na sana daw mas maganda yung quality ng video so ayun pinag ipunan ko magandang video camera. Ang tagal bago ako di naka upload pero once nabili ko from my savings, allowances, regalo ng ninong at ninang ayun I could not stop making videos” sabi ng dalaga.
“Dumami followers ko, then one commented na bumili daw ako ng magandang microphone. Grabe wala na akong pera non tapos ang mahal pa nung microphone, imagine almost seven thousand just for a microphone? Yung video camera alam ko mahal talaga pero for a microphone sus”
“Pero pinag ipunan ko ulit, nagtipid talaga ng allowances ko. When I bought it, tama pala kasi mas naririnig boses ko. So that is how I started, my camera, my microphone, and my guitar” pacute ng dalaga.
“Wow, then nadiscover ka agad?” tanong ni Enan. “Di pa no, pero everyday pangarap ko yon. Yung madiscover ako. When we were ready to migrate ayun doon palang ako nadiscover. Nagkaproblema talaga kasi my parents…basta nagkaproblema”
“Mapilit ako, nagpaiwan ako dito and I had to stay with my tita kasi I was only sixteen. Small gigs, kanta dito kanta don, I bought an electronic organ, tinuloy ko lang pag upload ng vidoes, then ayun na nga my first recording…nahirapan na ako ipagsama college life with work…so ayun away nanaman kami ng parents ko. I was eighteen, I stopped college, I wanted to show them na kaya ko so I bought my unit and transferred there. I bought a car, my parents started to soften up on me…the rest is history” kwento ng dalaga.
“Pero yung gago na yon sinira karir mo” bulong ng binata. “Past is past, I never gave up at ikaw ata lucky charm ko kasi Yvonne found me a producer” sabi ng dalaga. “Wow, congrats” sabi ni Enan.
“Basta I never gave up on my dream” sabi ni Mikan. “Ganda ng kwento mo, uso yan ngayon diba? Mga Youtube sensations na nagiging sikat na” sabi ni Enan. “Tulad mo” pacute ng dalaga. “Di ah, sabit lang ako don at syempre connected ako kay Cristine e kaya siguro ganon pagtanggap sa akin” sabi ng binata.
“I doubt that, siguro if you uploaded your own videos and had your own Youtube channel sure ako madami kang followers” sabi ng dalaga. “Bashers siguro madami” sabi ni Enan sabay tumawa. “Masyado kang negative, hindi maganda yan Enan. Tulad kanina yung jokes mo sa stage lahat yon against you”
“I am sorry natawa din ako pero alam mo hindi talaga maganda yon. Yung tinitira mo sarili mo just to make people laugh” sabi ni Mikan. “Stand up comedians do it” sabi ni Enan. “I know but to be honest di siya maganda. Mas matatawa pa ako if you can come up with something witty” sabi ni Mikan.
“Di mo rin ba iniisip na I am trying to turn something negative into a positive? Ganito na ako, so imbes na laitin ako e gamitin ko nalang yung katotohanan sa pagpapatawa. Para imbes na makarinig ng lait e tawa nalang maririnig ko. Tawa na napapasaya mo sila kesa sa tawa na nilalait ka” sabi ng binata.
“Hey, don’t be like that. You are a wonderful person trust me. Of course you will never know that by yourself but I am telling you now that you are. Ilang araw palang tayo magkakilala pero masasabi ko na yon tungol sa iyo no. At hindi ako nagsisinungaling” sabi ni Mikan.
Napangiti si Enan ng husto at biglang nahiya, “You know what, during my day offs I do live stream shows from my unit. I take in requests then I sing songs for my fans. What if mag guest ka?” tanong ng dalaga.
“Ako? Wag na no baka masira pa yung show mo” sabi ng binata. “Oo mag guest ka, I will post an announcement sa page ko at sasabihin ko mag guest ka tapos we can do duets for them” sabi ng dalaga.
“Uy wag na no” sabi ni Enan. “Oh we are going to do it, basta ipopost ko mamaya sa page ko. Itatag kita so add kita sa f*******: later. Huh pag no show ka ikaw bahala” pacute ng dalaga kaya natawa si Enan.
“Bad idea yan, madaming tao nakatago sa likod ng computer at sila pa yung malakas ang loob lumait ng todo todo. Sila yung wala nang sinasanto kasi nakatago sila sa likod ng computer. So to avoid the harsh comments wag na” sabi ni Enan.
“Enan alam ko mabait ka so can you do this for me. Please?” pacute ng dalaga. “Aba ginagamit mo ganda powers mo ha. Please don’t make pilit me na kasi” landi ng binata. “Uy papayag na siya, sige na kasi. One show lang then if di maganda yung comments then wala na” sabi ni Mikan.
“Huh? Binabalak mo pa ata ako maging regular guest ah” sabi ni Enan. “E kasi pano kung pumatok? Diba? More people will come to the bar, pag mas maadaming tao may bonus tayo” sabi ng dalaga.
“Oh..okay sige” sabi ng binata. “Di naman sa mukha akong pera Enan pero…” sabi ng dalaga. “I understand no, sige lets try it” sabi niya. “And I want to prove something to you that not all people see you that way that you really think. There are a lot of good people Enan” sabi ni Mikan.
“Okay then, so kailan natin gagawin ito?” tanong ng binata. “Hmmm ikaw kung kailan ka free pero syempre timing mo sa day off ko dapat” sabi ni Mikan. “Exams namin next wek, then bakasyon na” sabi ng binata. “Okay then sige announce ko na sa page ko later. Grabe excited ako” sabi ng dalaga kaya natawa ang binata.
“You make me feel good” bulong ni Enan. “Why do you say that?” tanong ni Mikan. “Kasi iba pagtanggap mo sa akin” sabi ng binata. “E kasi ikaw lang naman nag iisip ng negative tungol sa sarili mo e. Di lahat ng tao pareho ang pag iisip. There are people who may not like you but there are people like me who…accept you for you are” sabi ni Mikan.
“Sana mas madami kayo, that would be a perfect world for me” sabi ni Enan. “O tama na ang drama” biro ng dalaga. “Uy pasa mo nalang kaya yung song sa phone ko para mapapakinggan ko siya anytime I want. I will keep this USB para sa laptop ko” sabi ni Enan.
“Sure, give me your phone” sabi ng dalaga. Pagkakuha niya sa phone ng binata napatigil siya at napatitig sa wallpaper nito. “Cute couple” bulong niya. “Ah eh di ko pa kasi napalitan” sabi ni Enan. “Still holding on?” tanong ni Mikan.
“Nakasanayan lang siguro…to remind me that one time in my life nagka girlfriend ako” sabi ng binata. “Tsk ayan ka nanaman e. She wont be the last don’t worry kasi mabuting tao ka. Trust me on this” sabi ni Mikan.
“You remind me of her, pareho kayong mabait. People misjudge her as a b***h but sa totoo ang bait bait niya” sabi ni Enan. “O see that, those are the same people who judge you negatively right away. Then ikaw yung kakampo naman namin na may alam ng katotohanan” sabi ni Mikan.
“Sabagay, anyway sige ipasa mo na. Palitan ko na yang wallpaper ko soon” sabi ni Enan. “Sino naman na ilalagay mo? Let me guess, may sikat na artista na maganda e, forgot her name” sabi ni Mikan.
“Oh wait! Alam mo ang cool wallpaper? Yung ginamit mo sa video message mo sa site na yon. Ang galing non grabe. Alam ko late reaction ako ha kasi nga busy ako. After I watched the video of your pageant performance I read comments and one posted the link to the teaser site”
“Grabe ang galing talaga. As in natuwa ako sobra. Lagay mo nalang yung logo na yon sa phone mo” sabi ni Mikan kaya natawa ang binata. “Di ako gumawa non, my friends did that for me” sabi ni Enan.
“Grabe that was so cool, sayang talaga di ako updated. Sana isa ako nakasama sa mga natease at baka nanood pa ako nung pageant. As in ang galing ng teaser videos” sabi ni Mikan kaya napangiti ang binata.
“Di ko na makontak yung friend ko na yon kasi..its complicated” sabi ni Enan. “Oh…connected to Cristine?” tanong ni Mikan. “Something like that” sagot ng binata. “Ako bahala, I will screen grab it later tapos send ko sa iyo” sabi ni Mikan.
“Computer science ba course mo?” tanong ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Hindi, pero syempre Youtube ako lagi at madaming kailangan alamin sa computer so natuto na ako. Basta mamaya, up pa naman ata yung site na yon so screen grabe natin yung wallper na yon para magamit mo”
“Alam mo I wanted to use that sa banner natin pero nahiya ako kaya screen grab ko nalang mula sa video mo. Buti nalang may nakakuha ng malinaw. Medyo croppy siya pero konting Photoshop para sa effects kaya ayun kinalabasan” sabi ng dalaga.
“Ang galing mo naman, you are like miss perfect huh” sabi ng binata kaya natawa ang binata. “Not perfect, no one is. Madami din ako masamang ugali na sana hindi mo makita o malaman” sabi ng binata.
“Well the closer we get eventually I am going to learn about them you know” landi ng binata. “Closer we get” bulong ng dalaga. “Oo naman, bakasyon na soon so halos araw araw na tayo magkasama. Baka matransform mo ako from artistahin into…ang dakilang kantatero!” banat ni Enan kaya napatawa ng husto ang dalaga.
“Don’t use that word” sabi ni Mikan. “Ay bastos ba pakinggan? E di song bird” sabi ni Enan. “Pang babae kaya yon” sabi ng dalaga. “Bakit may bird ba kayo?” tanong ng binata kaya lalong natawa ang dalaga. “Loko loko ka talaga” sabi ni Mikan.
“Yung duet natin pwede tawagin The Song Birds o ha. Sabi mo pareho naman tayo dati so pasok sa banga” banat ni Enan. “Hahaha sira ulo ka, misunderstanding yon” sabi ni Mikan. “E di ikaw na yung Song Bird…then ako si Song Birdy?” tanong ni Enan.
Naluha na si Mikan sa tindi ng tawa, “Song Birdy kasi nagsisimula palang ako…alangan na Song Egg, kumanta naman na ako. Song Birdy para meaning maliit pa habang ikaw Bird na talaga” hirit niya.
“Enan stop please” sabi ni Mikan na nagpunas na ng luha. “Song Bird is for men dapat, tapos kayo Song Flower” sabi ni Enan. Tumalikod si Mikan sabay tumklop pagkat hindi na siya makapigil sa katatawa. “O yan nakikita mo na ano mangyayari pag inimbitahan mo ako diyan sa show mo na yan? Ganyan mangyayari” sabi ni Enan.
“So pano naman yung mga tomboy?” tanong ni Mikan. “Easy! Imaginary Song Bird o kaya Feeling Song Bird” sabi ni Enan kaya napahalakhak ulit ang dalaga. “Tapos yung mga gay naman e, Ex Song Bird” biro ng binata. Aray ko Enan tama na please” sabi ni Mikan.
“Sige na nga, iwan na kita dito at kailangan mo pa ata magpaganda” sabi ni Enan. “You can stay, di naman na ako magbibihis ano” sabi ni Mikan. “May binigay naman na kwarto for me” sabi ni Enan. “Dating bodega yon, dito ka nalang para comfortable ka. At pwede natin pag usapan pano natin atakehin yung set mamaya” sabi ni Mikan.
“Wow attack, parang planning for war” sabi ni Enan. “Ganito kasi yan, I prepare songs that I want to sing, if I notice unang kanta e di ko nakuha groove ng crowd then remedy ako sa back up songs ko. Kailangan mo din kasi sila makuha e, kailangan mo din malaman ano mood nila” sabi ng dalaga.
“Wow this is so complicated pala” sabi ni Enan. “It is, of course they would like to hear me singing the new songs, I do oblige naman pero pa isa isa. Kailangan mo din kasi ibalance yung songs sa mga sets mo”
“Baka sa first set ibuhos mo na lahat so sa second set they find you boring already. So kailangan may battle plan din sa ganito at hindi lang kanta ng kanta” sabi ng dalaga. “E mas mahirap na ata since duets, iilan lang duets na alam ko” sabi ni Enan.
“That is why we are going to surprise them next week. For now we sing duet songs that they know. Pero next week we surprise them and make the songs they know that are supposed to be sang by one singer and make them suitable for duets” sabi ng dalaga.
“Oo nga no, ang galing mo talaga” sabi ni Enan. “Diskarte lang yan. Para the people will keep liking you. Pangit naman na you stick to what you keep singing baka mabore sila at magsawa sa iyo. Kaya ako gawain ko yon, I do cover songs pero I sing them differently para mag stand out naman ako”
“We are going to do that” sabi ni Mikan. “I would really like that” sabi ni Enan. “Teka pala where do you live? How do you go home after our set?” tanong ng dalaga. “Malayo dito pero okay lang may jeep pa naman” sabi ng binata.
“Bakit di mo sinabi? Pwede naman kita ihatid” sabi ng dalaga. “Wag na no, basta malayo dito” sabi ng binata. “Oh no, sige kausapin ko si sir Bobby para dagdagan ka niya ng transpo allowance” sabi ng dalaga.
“Wag na, alam mo medyo malaki na nga binigay niya last time e. Well for me as a student malaki na talaga yon” sabi ni Enan. “No, ganito dito sa trabahong ito. He should know about it” sabi ni Mikan.
“Uy please wag na, ayaw ko naman na isipin niya na lumaki agad ulo ko. At okay lang ano I can commute safely” sabi ni Enan. “Tsk hindi pwede, teka lang pupuntahan ko siya at kakausapin ko” sabi ng dalaga.
“Please wag na” sabi ni Enan. “Deal nalang, ihatid kita” sabi ni Mikan. “Wag na, kaya ko naman umuwi mag isa” sabi ng binata. “Alam ko kaya mo pero I want to be sure safe ka. I am sure pati sir Bobby will feel the same. If he learns about this sure ako dadagdagan niya bayad mo” sabi ni Mikan.
“Please wag na, sobra sobra na binigay niya. Kung gusto mo magtataxi nalang ako” sabi ni Enan. “Hatid kita” sabi ng dalaga. “Magtataxi ako” sagot ng binata. “Hatid kita, contribute gas money” alok ng dalaga.
“Wag na, please Mikaela I can manage to get home safely” sabi ni Enan. “Teka lang kausapin ko lang si sir Bobby” sabi ng dalaga. “Okay gas money” sabi ni Enan. “Okay” sabi ni Mikan sabay naupo.
“Nakakahiya naman ihahatid ako ng babae” bulong ng binata. “Tsk, wag kang mahiya. May kotse naman kasi ako at just so you know mahilig ako mag drive” sabi ng dalaga. “Pero gabi na, malabo pa mata mo” sabi ni Enan.
“Maingat naman ako e, basta may deal na tayo Enan” sabi ni Mikan. “Nakakahiya na masyado” sabi ng binata. “Makulit si Enan, so come on what songs do you want to sing then I will tell you what I want to sing” sabi ng dalaga