Chapter 11: Moving

3050 Words
Sabado ng hapon nagulat si Clarisse nang dumalaw si Enan sa tahanan nila. “Uy is that for me?” tanong ng dalaga nang makita yung karton ng brownies na hawak ng binata. “No, sakto nung paalis ako ng bahay e dumating sina Earl at Sally. Bigay ni Sally ito tapos hinatid pa nila ako dito” sabi ng binata. Napanganga si Clarisse sa gulat kaya natawa ang binata. “Oh don’t be shocked, kilala mo naman ako Risse, di naman ako marunong magtanim ng galit. Kung marunong lang sana ako madami na ako inani ngayon” biro ng binata. “Earl and Sally? Sila naghatid sa iyo dito tapos binigyan ka ng brownies” bigkas ng dalaga. “Magkaibigan na kami e, papasukin mo na kaya ako para matikman mo ito. Ang sarap grabe” sabi ni Enan. “Ma! Nandito si Enan” sigaw ni Clarisse. “E di papasukin mo na” sagot ng kanyang nanay. Sa salas sila dumiretso, si Enan agad naglabas ng brownies sabay sinubuan ang dalaga. “Safe ito promise, sige na tikman mo” sabi ni Enan. Kumagat ang dalaga sabay dahan dahan ngumuya. Ilang saglit napangiti siya at agad inagaw yung karton mula sa binata. “Ang sarap naman nito” sabi ni Clarisse. “Good, buhay ka pa so pwede na ako kumain” sabi ni Enan kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Joke lang to naman, tignan mo nga nakakain na ako ng isa kanina sa kotse nila no” sabi ni Enan. “I still cannot believe that you are friends with them” sabi ni Clarisse. “Ako nga din e pero okay naman pala sila” sabi ng binata. “Does she make these? Wala ako nababasa sa box, parang home made” sabi ni Clarisse. “Ewan ko lang, di ko na tinanong kasi libre naman” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “O bakit ka pumunta dito?” tanong ni Clarisse. “Para umakyat ng ligaw” banat ni Enan kaya natawa si Clarisse. “Tumigil ka nga Enan, seryoso bakit ka nandito?” tanong ng dalaga. “Makulit ka talaga, connect the dots, lalake bisita babae, may dalang sweets, o diba manliligaw yon? May kulang ba? Kailangan ko pa ba mag beautiful eyes?” tanong ni Enan. Napatawa ng malakas si Clarisse, pinagkukurot ang binata sabay sinupalpal na pacute ang isang brownie sa bibig nito. “You know its bound to happen, mala prinsesa mong ganda meets my irresistible artistahing image” hirit ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga at labis na nakiliti. “Enan umayos ka nga, wag ka nga nagbibiro ng ganyan” sabi ni Clarisse. “Fine, nasan yung lalake mo?” sagot ni Enan. “As usual may laro sila. Winning streak daw sila. Oh you know what I think you inspired Greg. Shan told me na naging halimaw daw si Greg lately sa basketball” sabi ng dalaga. “Kahit naman hindi naglalaro yon halimaw talaga yon e” banat ni Enan kaya napatawa ng malakas ang dalaga. “I think yung term na halimaw he used means gumaling daw ng husto si Greg” nilinaw ng dalaga. “Alam ko naman yon, anyway pano ko naman siya nainspire e sa aming lima ako pinaka tanga maglaro ng basketball?” sagot ng binata. “Shan feels that since you now excel in singing, Greg naman daw now excels in basketball. Madami daw nabibilib sa kanya lately” kwento ng dalaga. “Uy talaga? Happy ako para sa kanya, sana magtuloy tuloy yan. Para pag nakikita siya wala na masyado yung lait, mangingibabaw na yung magaling na basketball player” sabi ni Enan. “O kumusta pala kagabi?” tanong ni Clarisse. “It was good kaya lang galit ata si Mikan sa akin” kwento ng binata. “O bakit? Ano ginawa mo?” tanong ng dalaga. “E kasi we had a talk before the set, nalaman niya I commute going home. Ayun sabi niya ihahatid daw niya ako” “Tinakasan ko siya. Tinext ko siya nung nakauwi na ako pero di na sya nagreply. Kanina tinext ko din pero di ako sinasagot” sabi ni Enan. “Bakit mo kasi tinakasan? Sana kinausap mo nalang. Yan ka nanaman sa ugaling mong yan e. Wag kang ganon Enan” sabi ng dalaga. “E nakakahiya no. Ang layo ng bahay namin, tapos gabi na at malabo pa mga mata niya diba? When we had our talk mapilit siya kaya naipit ako. After the set nakahanap ako ng timing kaya ayon tumakas ako agad” kwento ni Enan. “So pano na mamaya?” tanong ni Clarisse. “Di ko nga alam e, bahala na” sabi ng binata. “Tsk, sana kinausap mo nalang ng maayos kasi” sabi ng dalaga. “E ang kulit niya, hindi ko kaya manalo sa kanya sa arguments. Syempre sikat siya e at sino ba ako?” sabi ni Enan. “Sana pumayag ka nalang, mas gugustuhin ko naman na ihatid ka niya nalang kesa mag commute ka ng late na ano” sabi ni Clarisse. “Nakakahiya kaya ang ganon, babae maghahatid sa lalake?” sabi ng binata. “So? E siya yung may kotse e at siya naman nagyaya sa iyo na kumanta don. So tama lang na ihatid ka niya to keep you safe. Investment ka din nila e” banat ng dalaga. “Kahit na ganon lalake parin ako” sabi ni Enan. “Wala nang kinalaman ang lalake o babae dito. Ang importante kaligtasan mo. Mag sorry ka sa kanya, ayusin mo yan at sa susunod pag inalok ka na ihahatid ka umoo ka na” sabi ni Clarisse. “Risse nakakahiya” sabi ng binata. “Ang kulit mo talaga. Di naman kami pwede pumunta don gabi gabi. Magastos din kasi. Kung pwede lang talaga ihahatid ka namin lagi. If you want I can try to ask my dad mamaya, nood kami ng set mo” sabi ng dalaga. “Uy wag na ano” sabi ni Enan. “E di magpahatid ka then” sabi ni Clarisse. “Naman e, kaya ko naman umuwi mag isa ano” sabi ng binata. “Alam ko kaya mo pero ang iniisip ko yung safety mo. Uuwi ka mag isa, pano na kung nakita ka ng mga babae, baka dumugin ka at kung ano ano na gawin sa iyo. Artistahin ka e” biro ni Clarisse kaya natawa ang binata. “Aba ginagamit mo yon ha” sabi ni Enan. “Please Enan, magpahatid ka…please” lambing ng dalaga. “Nakakahiya Risse” sabi ng binata. “Please…for me Enan” hirit ni Clarisse kaya napabutong hininga ang binata. “Okay then” bulong niya. “Good, wait, if close na kayo ni Sally does that mean you and Violet are seeing each other again?” tanong ni Clarisse. “No, oo nga no kumusta na kaya yon?” sagot ng binata. “What? Di sila magkasama ni Violet?” tanong ng dalaga. “Hindi, matagal ko nang hindi nakikita si Violet” sabi ni Enan. “Wait again, you and Sally…are just friends right? Or you already moved on. Are you courting her?” tanong ni Clarisse kaya nagulat ang binata. “Grabe ka naman, ano pinagsasabi mo?” sagot ng binata. “Well she is pretty, kaya ba naka move on agad agad?” tanong ng dalaga. “Risse! Umayos ka nga. Hindi ko nililigawan si Sally. At wala ako balak ligawan yon ano. Magkaibigan lang kami non” sagot ng binata. “Are you sure? Baka naman siya rason na mukhang naka move on ka na lately ha” sabi ni Clarisse. “Grabe ka naman, move on agad. Di ba pwede moving lang? Moving, live life day by day pero nasa isipan ko parin naman siya. Ayaw ko naman mapako lang ako sa isang sulok tapos hindi na gumagalaw mundo ko” “My heart still yearns for her, I will not lie about that kaya lang kailangan ko din magtuloy sa aking buhay. Malay mo pag naayos ko buhay ko e muli niya ako mapansin. Dasal ko lang ngayon sana marinig niya kahit isang kanta ko” paliwanag ng binata. “Aakyat akyat ka ng ligaw tapos ganyan sasabihin mo” biro ni Clarisse kaya muling natawa si Enan. “Nakakalito ka talaga. Alam mo na kung naka move on na talaga ako kapag…” landi ng binata. “Kapag ano?” tanong ni Clarisse. “Kapag nag solihan na kami ni Shan ng kandila” sabi ng binata kaya kinilig bigla ang dalaga pero inatake niya ng kurot ang mga pisngi ng binata. “Ikaw talaga, wag kang magsasalita ng ganyan” sermon niya kunwari. “O bakit? Pag nagsolihan na kami ng kandila ibig sabihin non wala nang barriers. Pwede ko na siya ligawan” banat ni Enan. “Ew! Kadiri ka!” hiyaw ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Akala mo siguro ikaw ano?” tanong ni Enan. “Syempre, unless si Sally talaga” landi ng dalaga. “Ang kulit nito, wag kang magkokonek. Alam ko irresistible ako pero kaya siya nagbibigay ng ganyan siguro to ask forgiveness for what they did to me before” sabi ng binata. “Sally is pretty, I think matalino pa siya ata at I heard very active siya sa kanilang org” sabi ni Clarisse. “Ano naman igaganda niya sa iyo? Oo maganda siya pero never naman ako nagkaroon ng crush sa kanya diba? Diba?” landi ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “At pag aakyat ka ng ligaw wag mo naman recycle na yung niregalo ng iba sa iyo” sabi ni Clarisse. “Risse you will know pag nililigawan kita” sabi ni Enan. “Ows? Pano?” tanong ng dalaga. “Basta, teka nga change topic nga tayo at di na ata maganda itong usapan na ito” sabi ni Enan. “Bakit naman hindi maganda? What ifs lang naman ha. Ikaw talaga ginagawa mo big deal lahat. Wag ka masyado seryoso minsan” pacute ng dalaga. “At kung dumating nga yung araw na yon…maganda kaya ang outcome?” tanong ni Enan. “Ano sa tingin mo?” sagot ng dalaga kaya nagtitigan sila. “Ewan ko…you know some bestfriends make agreements. Pag wala daw sila love life pagdating ng thirty years old sila nalang daw ganon” sabi ng binata. “So ano gusto mo ganon din tayo?” tanong ng dalaga. “Sinasabi ko lang no, ampunin niyo ako ni Shan kasi alam ko magkakatuluyan naman kayo e” sabi ng binata. “Malay mo hindi, you can never tell what the future brings Enan” sabi ng dalaga. “s**t, if ever mag break up kayo mahihirapan siguro ako. Di ko alam kanino ako kakampi sa inyo if ever bad break up yon” sabi ni Enan. “Kampihan mo ako” bulong ng dalaga. “Oo ba pero di naman kayo maghihiwalay no. You two are perfect for each other, match made in heaven” sabi ni Enan. “A match made in heaven means those people are already dead Enan” sabi ni Clarisse kaya nagtawanan sila. “Uy ikaw ha, napapansin ko nagiging funny ka na lately” sabi ni Enan. “Ayaw mo ng ganon? Gusto mo yung dating ako?” tanong ng dalaga. “Mas gusto kita ngayon..pero Risse…” sabi ng binata sabay biglang nahiga at ulo niya sa mga hita ng dalaga. “Ano yon?” tanong ni Clarisse. “Moving on is hard to do” sabi ni Enan. “How should I know, Shan is my first boyfriend. You want me to break up with him so mafeel ko din yung nararamdaman mo?” pacute ng dalaga. “Wag naman ganon…you think tama itong ginagawa ko?” tanong ng binata. “Inaantay mo na mapansin ka niya?” tanong ni Clarisse. “Oo, pag marinig niya ako nagdadasal ako sana may spark” sabi ni Enan. “Why don’t you just call her or go to her?” tanong ng dalaga. “Mahirap e, hayaan mo na” sabi ni Enan. “Maganda boses mo, galingan mo at sana magkaroon ka ng career sa singing. I will be your number one fan” lambing ng dalaga. “Pero Enan gusto ko mag graduate ka tapos part time singer ka lang ha. Prioritize mo yung diploma para if ever di maganda career mo sa singing may babagsakan ka” sabi ni Clarisse. “Grabe ka naman I am not thinking that far sa singing. Priority ko talaga mag graduate ako tapos makahanap ng magandang trabaho o kaya mag business” sabi ng binata. “Good” sabi ng dalaga. “Ikaw Clarisse ano balak mo sa buhay?” tanong ni Enan. “Same as you maybe” sagot ng dalaga. “Housewife? Tapos si Shan ang bread winner?” tanong ni Enan. “I really don’t know…ngayon palang nagpapakita na siya ng signs ng katamaran…it really scares me” bulong ng dalaga. “Wag kang ganyan, magbabago din yan at matatauhan kasi syempre eventually you two will get married. He knows he has to work hard for your future family” sabi ni Enan. “You really think so? Kilala mo naman bestfriend mo diba” sabi ng dalaga. “Magbabago yan, pagsasabihan ko pag hindi” sabi ni Enan. “Wag, gusto ko naman yung kusa siyang magbabago. Enan..he is taking me for granted. Iba na siya compared to our first year together” “Our first year together inuulan ako ng lambing, sweet words, pero after the first year nawala na. Meron pag malapit na anniversary, meron pag may occasssions like Christmas, Valentines…” sumbong ng dalaga. “Ganon siguro siya kasi alam niya sa kanya na ako no?” dagdag ng dalaga. “Ewan ko, bakit ngayon mo lang sinasabi yan sa akin?” tanong ng binata. “Atin atin lang yon, if you try to talk to him about this di na kita papansinin” banta ng dalaga. “Did you try to talk to him?” tanong ni Enan. “Magbabago siya kasi sinabihan ko siya ganon ba? Di ba mas maganda yung kusa?” sabi ng dalaga. “May tinatawag silang number of years…ano na ba tawag kasi don? Yung stage na magkakaroon talaga ng problema sa relationship. Pero pag nalampasan niyo yon magiging okay na daw” sabi ni Enan. “Yeah I heard, I thought it was not true pero eto na ako. Hayaan mo na” sabi ng dalaga. “Paringgan ko kaya siya? Pero last time I tried tinawanan niya lang ako e, sabi niya what do I know daw” sabi ni Enan. “Honestly Enan parang nasa stage ako na sana iba nalang…” bulong ng dalaga. “Sino naman?” tanong ni Enan. “Hmmmm..ewan ko..siguro ikaw” sagot ng dalaga. “Ako? If ever man di ka niligawan ni Shan noon, wala naman ako guts na ligawan ka. At if ever niligawan kita alam ko basted ako agad” “Took you some time to get to know me diba? And if Shan didn’t get to know you di rin tayo nagkakilala” sabi ni Enan. “Life is complicated ano?” sabi ng dalaga. “Sinabi mo pa, pero Risse…sinabi mo ako…sinasabi mo lang yan to make me feel good right?” tanong ng binata. “No Enan, if there was one guy who I could see myself ending up with after Shan then it would be you…honest” bulong ng dalaga. “Shocks, flattered naman ako…o dahil sa katamaran mo lang yan mag antay ng mister perfect na susunod?” sabi ng dalaga. “I found mister perfect…but it seems he is not mister right” “Magkaiba pala si mister perfect at si mister right. Enan, stop trying to be mister perfect. Sino man ang susunod na mapupusuhan mo do not aim to be her mister perfect, aim to be her mister right” sabi ni Clarisse. “Kasi di pala lagi si mister perfect at mister right ay iisang tao” hirit niya. “Why cant I aim to be both? Syempre kung mahal ko yung tao…I know at the start I will never be her mister perfect…kung sagutin man niya ako I am mister right” “Why cant I aim to be her mister perfect too? Mahal ko yung tao so syempre gagawin ko naman lahat ng kaya ko to be the two. I know aiming to be mister perfect is hard specially for someone like me” “But I can try, para di lang ako mister right…kung mashort man ako papunta sa mister perfect niya at least pwede niya ako tawagin mister wonderful” sagot ng binata. “Mister right kasi parang sumakto lang ako para sa kanya. Perfection is dream but being someone wonderful is more attainable” dagdag niya. “You are already a wonderful person for me Enan” sabi ni Clarisse. “Pati naman ikaw, ganon ka naman sa akin. Kaya nga mag bestfriend tayo at kaya tayo ganito kasi nagkakaintindihan tayo e” sagot ng binata. “Kulang nalang talaga maging tayo ano?” tanong ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Sabagay naghalikan na tayo ilang beses” biro ni Enan kaya napatawa ng malakas si Clarisse at piningot ang ilong ng binata. “Accident lang mga yon” sabi ng dalaga. “Alam ko, binibiro lang naman kita ito naman o” sabi ng binata. “E lagi mo pinapapaalala e” sabi ni Clarisse. “E magandang alaala naman talaga siya e” sabi ni Enan kaya nagtitigan sila. “O bakit? I got two accidentally kiss my crush twice. O ha” landi ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga at lalong piningot ang ilong nito. “Hay Enan” bigkas niya sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD