Chapter 12: Midnight Snack

3244 Words
Pagmulat ni Enan ng kanyang mga mata unang nakita niya ang magandang mukha ni Clarisse. “Good morning” bulong ng dalaga. “Gising na ampon natin pwede na tayo kumain” narinig niya boses ng ama ng dalaga kaya agad siya naupo ng maayos. “Tito…Risse bakit mo ako hinayaan matulog?” tanong ng binata. “E ang himbing ng tulog mo tapos gagabihin ka nanaman mamaya kasi e” saabi ng dalaga. “Gising na ba siya? O siya kain na tayo” sabi ng ina ng dalaga kaya napatingin si Enan sa kanyang relo. “Don’t worry maaga pa, I told mommy na kakain tayo ng maaga para maiahatid ka namin ni daddy sa bar” sabi ni Clarisse. “Grabe naman nakakahiya na to” sabi ni Enan. “Anong bar ba yan? Maganda ba don?” tanong ng ama ni Clarisse. “Maganda po tito, punta kayo don at bigyan ko kayo ng lap dance” biro ni Enan kaya biglang natawa si Clarisse at nanay niya. “Pa nagbibiro lang siya, music bar yon” sabi ni Clarisse. “Oh mabuti naman at nagtratrabaho ka na, mahirap ba maging waiter?” biro ng ama ng dalaga. “Daddy! Kumakanta siya. Enan nagbibiro lang yan, alam niya kumakanta ka” sabi ni Clarisse. “Kaya pala madami naadmit sa hospital ng kaibigan ko, panay ear drum damage” hirit ng matanda kaya natawa na si Enan. “Tito talaga sinusumpong nanaman, lakas mantrip. Tigil niyo na yung paghithit ng Bermuda grass niyo tito” bawi ni Enan kaya nagtawanan silang dalawa. “Uy bago yun ah, magamit nga yon sa mga tauhan ko” sabi ng matanda. “Tinuruan mo nanaman Enan” sabi ng ina ni Clarisse. “Kaya nga, wag mo na turuan kasi lately panay joke time niya at binabasag niya yung mga staff niya” sabi ni Clarisse. “Okay lang yan, para isipin nila kwela siya. Di tulad dati na very terrorizing si tito. At least pag ganyan siya e medyo mapapalapit pa mga tauhan niya sa kanya. Ganyan si sir Bobby kaya tignan mo mahal na mahal siya ng mga tauhan niya” paliwanag ni Enan. “O siya siya halina kayo at kumain na tayo” sabi ng ina ng dalaga. Isang oras lumipas nakarating na si Enan sa bar. Nakita niya papasok si Mikan sa kanyang kwarto kaya hinabol niya ito. Kumatok siya sa pintuan, ilang saglit bumukas ito at nagkatitigan yung dalaga. “Uy Mikaela…sorry na” sabi ni Enan. Di sumagot ang dalaga, tumalikod lang siya sabay pumasok sa kwarto kaya si Enan dahan dahan pumasok at sinundan parin siya. “Mikaela..sorry na” ulit niya pero si Mikan naupo sa silya at tinignan ang sarili sa salamin. “Wag ka naman na magagalit o. Sorry na talaga kasi nahihiya talaga ako e” sabi ng binata. Biglang lumuhod si Enan at nagmaakaawa, “You know what nung pauwi ako kagabi sabi ko sa sarili ko parang may nakalimutan ata ako. Di ko maalala ano yon hanggang makauwi ako. Doon ko lang binasa text mo tapos ayun naalala ko na dapat ihahatid pala kita” sabi ni Mikan. “Oh..ayun naman pala e. E di okay na pala” sabi ni Enan. “No Enan its not okay” sabi ni Mikan kaya muling lumuhod ang binata. “Sorry na” bulong niya. “Oo nakalimutan ko pero Enan you made a promise. Never break promises Enan” sabi ng dalaga. “Sorry na, nahihiya lang talaga ako. Yun lang naman talaga” sabi ng binata. “Will you sit down, do not worry about it anymore” sabi ni Mikan. Naupo si Enan at pinanood ang dalaga na naglalagay ng contact lenses. “Pero galit ka parin sa akin” sabi niya. “Hindi na, apology accepted” sabi ni Mikan sabay ngumiti. “I will make it up to you I promise. Tonight I will make it up to you” sabi ng binata. “So magpapahatid ka na?” tanong ng dalaga. “I meant sa set, babawi ako sa set” sabi ni Enan. “Nasaktan ko damdamin mo kaya mamaya I will make you feel good sa set. I will make sure pag uusapan yung duet natin” sabi ng binata. “Enan don’t make promises you cannot keep” sabi ni Mikan. “I wont break this one” sabi ng binata. “Napanood ko sa Youtube, nakipag duet ka don sa isang fan mo. Live stream recording ata yon…you kept composing yourself kasi he kept singing out of tune. Tonight we are going to sing that same song pero this time hindi ka na magreremdyo…basta bumirit ka lang at wag mo na ako intindihin…sasabay ako sa iyo” sabi ng binata. “Oh I remember that..Enan that is a very tough song..kailangan natin ng practice” sabi ni Mikan. “Maybe we do, you know the song, I know it too so tonight we are going to sing it” sabi ng binata. Napangiti si Mikan at biglang nagtakip ng bibig, “O bakit?” tanong ng binata. “Just now you look and sound so confident, nakikiliti utak ko tuloy” sabi ng dalaga. “Nasatan kita e, babawi ako. I want to make to you feel good. Sabi nila kasi mga duet singers they draw power and inspiration pag may sumasabay sa kanila na kumakanta ng maayos…di ko naman sinasabi na magaling ako pero I wont let you down” sabi ni Enan. “Hmmm…sige ba. Aasahan ko A game mo” sabi ng dalaga. “Artistahin? Walang artistahin mamaya” sabi ng binata. “A game means your best Enan” sabi ng dalaga. “Oh..oh okay. Basta mamaya Mikaela, if I scored high sige patawarin mo ako, pag pumalpak ako…sige kahit magtanim ka ng galit sa akin” sabi ng binata. Last set na nila at huling kanta kaya biglang tumayo si Enan, “Are you sure?” tanong ni Mikan kaya tumayo narin siya. Huminga ng malalim si Enan sabay tinungo ang kanyang ulo, “Nandito na e, kung sakali man…” sagot niya pero binangga siya ng dalaga. “Alam ko kaya mo” bulong niya. Nagsimula na yung minus one, “Bakit di magawang limutin ka..bawat sandali ikaw naalala. Tangi kong dasal sa maykapal, makapiling ka muli” birit ni Enan sa sobrang swabeng boses kaya madaming babae sa crowd ang biglang kinilig. Maski si Mikan labis na napangiti pero pinakalma niya ang kanyang sarili. “Bakit di ka maalis sa isip ko. Ikaw ang laging laman nitong puso ko. Kahit pilitin kong damdaming magbago. Ikaw parin ang hinahanap ko” birit ng dalaga. “Hanggang ngayon, ikaw parin ang iniibig ko” sabay nilang birit at namangha ang lahat sa kanilang magandang pinagsamang mga boses. Kinilabutan na ang lahat sa sobrang ganda ng pagkanta nila. Si Enan todo bigay at puno ng emosyon kaya nadadala si Mikan at napapa todo bigay narin. Napatayo na ang lahat ng tao nang nagsagutan na sila ng matataas na birit. Walang nagsapawan, maganda ang palitan at sagutan nila ng pagkanta. Nung natapos ang huling nota biglang nagkagulo sa buong bar, sinalubong sila ng malakas na palakpakan at sigawan. Sobrang tagal silang pinalakpakan kaya napatingin si Enan kay Mikan na di maalis ang malaking ngiti sa kanyang magandang mukha. Hinawakan ni Enan ang kamay ng dalaga, pareho sila humarap sa crowd at nag bow. “That is all for tonight, stay safe everyone” sabi ni Mikan sabay bumaba na sila ng stage. “Oh my God! What the hell was that?” sigaw ni Bobby na biglang bumigay at pinagyayakap yung dalawa. “Akala ko magigiba na talagang tong bar ko. Oh my God that was so good…wait wait I have to upload this one…oh my God” sabi ni Bobby na pumasok sa kanyang opisina. Nagpaunlak si Mikan ng photo ops kasama mga customers pero nagulat si Enan pagkat pati siya gusto makunan. Lumipas ang ilang minuto pumasok sila sa dressing room at di makapigil sa pagbungisngis ang dalaga. “Enan…grabe ka. I never have felt this good in my whole life” sabi ni Mikan. “Yeah it feels good, so ano napatawad mo na ba ako?” tanong ng binata. “Grabe ka naman, pero ang galing. Teka I have to check my page” sabi ng dalaga. Pagbukas niya ng tablet lalo siyang natuwa pagkat may nakapost na agad don na litrato nilang dalawa habang sila ay bumibirit. “Ang bilis naman” sabi ni Enan. “Grabe read their comments, di pa daw sila makaget over. Parang ako grabe parang nasa ulap pa ako” sabi ng dalaga. “Mamaya na to, teka lang alisin ko lang lenses ko then we can go” sabi ni Mikan. Naupo si Enan sabay nagpunas ng noo niya. “Uy no violent reaction ha” pacute ng dalaga. “Oo naman, ayaw na kita saktan e pero let me contribute for gas money” sabi ni Enan. “Next time, tonight is on me. Gosh, I will be busy later pag uwi syempre makikipag usap pa ako konti sa fans ko” sabi ng dalaga. “You do that everynight?” tanong ng binata. “Hmmm pag di pa ako inaantok I do, pero pag wala ako sa mood binabati ko lang sila ng good night” sabi ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas nasa loob na sila ng kotse. “Alam mo Enan masarap mag drive pag gabi kasi walang traffic. Sometimes nga pag pauwi na ako nagpapaikot ikot pa ako at nanamasyal pag nasa mood ako mag drive” kwento ng dalaga. “Di ka ba nalulungkot na nag iisa ka sa unit mo?” tanong ng binata. “Sometimes pero nasanay na ako. Nakakausap ko naman family ko every week sa Skype pag day off ko. As in halos ilang oras kami nag uusap. Then normal days I talk to my fans, most of the time naman tulog ako so ganon lang buhay ko” sabi ni Mikan. “Hindi ka lumalabas at namamasyal?” tanong ni Enan. “I do, pag may gusto ako panoorin na movie I go out din naman. Don’t worry sanay na ako no. At first its really lonely pero once nasanay mo na parang wala lang” sagot ng dalaga. Ilang minuto pa nakarating na sila sa tapat ng bahay ng binata. “Paki park muna” sabi ni Enan. “Bakit?” tanong ni Mikan. “Invite sana kita sa loob para midnight snack. Sinabihan ko mama ko so naghanda siya para sa atin” sabi ng binata. “What?” tanong ni Mikan. “Yeah, I texted her before out set and told her to prepare some midnight snack for us. Sige na itabi mo muna. Don’t worry safe dito sa amin” sabi ni Enan. “Uy Enan wag na, nakakahiya” sabi ng dalaga. “Tignan mo ito, sige na no. Wag kang mag alala masarap naman magluto mom ko kahit papano. I am still alive am I not?” biro ng binata kaya natawa ang dalaga. Kumatok si Enan sa kanilang pintuan, bumukas ito kaya si Mikan medyo nagtago sa likuran ng binata. “Ma, mainit pa ba?” tanong ni Enan. “Oo naman” sagot ng matanda. “Hello po” bati ni Mikan. “Ma, si Mikan pala. Mikan eto mommy ko” pakilala ng binata. “Pasok kayo, diretso na sa dining area. Kapapainit ko lang. Please feel at home Mikan” sabi ng matanda. “So eto ang aming simpleng palasyo. Yung hari tulog” sabi ni Enan. “Maaga kasi siya papasok bukas pero he helped me cook” sabi ni Rosa. “Mikaela wag ka na mahihiya, sige na upo ka na” sabi ni Enan. Pagkaupo ng dalaga nagulat siya pagkat naupo sa tapat niya ang nanay ng binata. Si Enan naman biglang kumandong sa kanyang nanay kaya natawa si Mikan ng malakas. “Pasenya ka na iha, may paga childish talaga tong anak ko. Sana hindi siya ganito sa pinagtutugtugan niyo” sabi ng matanda. “Ma, aamin na kami sa iyo. Si Mikan e floor manager ko sa totoo. Isa akong talent niya. Macho dancer talaga ako at nagbibigay ako ng lap dance sa mga lalake” banat ni Enan kaya nabitawan ni Mikan sandwich sabay natawa muli ng sobrang laas. “Loko loko talaga tong bata na ito. Pasensya ka na iha” sabi ni Rosa. “Ayaw mo maniwala ma? Gusto mo sample ng pagsayaw ko?” tanong ni Enan na biglang tumayo at biglang gumiling giling. Umariba sa tawa si Mikan habang nanay ng binata napamsapl sa kanyang noo. “Mahiya ka naman sa bisita mo anak, sige ka pag nakita ka ng papa mo papagalitan ka niya” sabi ng matanda. “Baka sabayan niya pa ako ma. Di mo ba alam siya nagturo sa akin nito?” biro ni Enan. Naluha na sa kakatawa si Mikan, ang binata biglang nakurot kaya agad siya naupo sa tabi ng dalaga. “Si mama talaga hindi na mabiro” sabi ni Enan. “Mas gusto ko yung nag aartistahin ka kesa ganyan na macho macho dancer” sagot ni Rosa. “Iha, maayos ba naman siya sa pagkanta niya?” tanong ng matanda. “Ay opo, kanina nga po ang galing niya e” sabi ni Mikan. “Ay talaga? Ayaw niya kasi kami magpunta don para manood e” sabi ni Rosa. “Mamaya po sigurado mapapanood niyo sa Youtube kasi kinunan kami ng boss namin ng video” sabi ni Mikan. “Ma naka ready na ba yung sinasabi ko?” tanong ng binata. “Oo nasa ref, ipapainit nalang niya yon” sagot ng matanda. “Uy Enan ano yon?” tanong ni Mikan. “Basta iuuwi mo, masarap yon. Kanin nalang iluto mo or pwede din siya sa bread” sabi ng binata. “Uy grabe ka naman nakakahiya na” sabi ni Mikan. “Hindi okay lang no. Iref mo yon, tapos may banana cake pa kasi nabasa ko sa favorite mo yon so si mama nagbake” sabi ng binata kaya natulala na ang dalaga sa sobrang hiya. “Kung gusto mo iha may extra room kami dito. You can stay for the night and then drive home in the morning nalang” sabi ni Rosa. “Ay hindi na po talaga. Grabe nahihiya na ako” sabi ni Mikan. “Kumain ka lang no, sige na” sabi ng binata sabay kinargahan baso ng dalaga ng juice. “Maiwan ko muna kayo ha, may aayusin lang ako” sabi ng nanay ng binata. “Uy Enan this is too much” sabi ni Mikan. “Basta kumain ka lang diyan, this is my favorite sandwich, may egg, ham, bacon, cheese at lettuce tapos mayo” sabi ni Enan. “Actually masarap siya…masisira diet ko nito” bulong ng dalaga. “Bakit ka nagdidiet?” tanong ni Enan. “Syempre, I need to keep in shape din no for my appearance” sabi ni Mikan. “Ay oo nga pala, kasi ang sumisikat lang na singers e yung magaganda at sexy” sabi ni Enan. “Uy di naman” sabi ng dalaga. “Oh come on, it’s a fact. Unless nasa ibang bansa ka maniwala ako pero dito mas importante itsura” “Papacontenst sila matatalo ng gwapo at maganda yung talagang magaling kumanta na di nabiyayaan ng itsura. If ever man manalo yung walang itsura e, mas sisikat pa yung second place na gwapo o maganda” “Yung artista na walang boses, hala kakanta yan tapos magkaka platinum award pa. Yung gwapo na walang wala talagang boses ganon din. Mabibili kasi records nila dahil sa madaming fans base sa itsura at hindi sa boses” “Wag mo na ideny, artistahin ako kaya alam ko pamamalakad sa industrya” banat ni Enan. “Sad truth” bulong ng dalaga. “O diba? Unless there is that one person who is ugly who truly has a golden voice that they could not deny, then papasikatin nila talaga yon basta wala siyang katunog. Very rare nga lang yon” sabi ni Enan. “Hala grabe ang sarap nito” sabi ni Mikan. “Syempre iba talaga ang luto ng ina lalo na pag hinahaluan niya ng laway” banat ni Enan at biglang sumulpot nanay niya sa likuran niya at pinongot ang kanyang tenga. “I am really sorry iha, ganito na talaga ito” sabi ni Rosa. “Nakakatuwa nga po siya e” sabi ni Mikan. “Ganito din ba siya sa bar?” tanong ng matanda. “Ay hindi po. Alam niyo po pag pumapasok siya unang ginagawa niya e pinapatawa niya ang lahat para maganda po mood ng lahat ng staff for that night” “Our boss likes him very much. I feel so much comfortable working with him kasi maalaga po siya” kwento ng dalaga. “Ay mabuti naman, pero iha isumbong mo sa akin pag nagloloko ito ha. May tendency kasi ito na maging sobrang pilyo at loko loko” sabi ni Rosa. “Sige po” sabi ni Mikan. “Aba magkakampi na kayo? Teka…hawak ni mama ang camera…” sabi ni Enan kaya natawa si Mikan ng nag beautiful eyes and matanda. “Aba nag ayos pa kayo…at hala si daddy gising din” sabi ni Enan. “Isang picture lang naman, alam mo naman na papa mo” sabi ni Rosa. “Mikaela this is my dad, mahilig makipag selfie para ipost niya sa office niya at ipasikat” sabi ni Enan. “Good evening po, sorry nagising ata kayo” sabi ni Mikan. “O akin na yan ma, kunan ko na kayo” sabi ni Enan. Nang matapos ang photo shoot naupo muli ang dalaga, “E Mikaela kain ka pa o, have my share” sabi ni Enan. “Uy tama na, busog na ako” sabi ni Mikan. “Kunwari ka pa, minsan lang ito. Ma, gawa ka pa ng isa para pwede niya ibreakfast” sabi ni Enan. “Enan tama na, sobrang nakakahiya na ito” bulong ng dalaga. “Will you relax, sige na kainin mo pa tong half ko” sabi ng binata. “Salamat, di ako tatanggi kasi ang sarap talaga” bulong ng dalaga. “I know right, mas masarap yan pag yung ham niya yung medyo spicy. Di ko naman kasi alam kung type mo spicy so yung plain ham nalang pinalagay ko” sabi ni Enan. “And you planned this?” tanong ng binata. “Kanina lang bago yung set natin. Kung ihahatid mo ako everynight, ganito nalang kaya tayo lagi. Midnight snack tayo bago ka umuwi?” tanong ng binata. “Wag naman everynight, baka tumaba ako” sabi ni Mikan. “E di every other night pero mag cocontribute parin ako sa gas. Sige lang kain ka lang. Feel at home Mikaela” sabi ng binata. “Hey Enan…salamat” bulong ng dalaga sabay ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD