“Enan!” sigaw ni Clarisse habang nasa malayo palang nila ni Shan at Greg. Di sila pinansin ng binata at tuloy parin siya sa kanyang pagbabasa sa kanilang tambayan. Pagkalapit nila agad naupo ang dalaga at niyakap ang binata sabay pinag uuga.
“Oh my God! Trending ulit kayo! Ang galing sobra” sabi ng dalaga. “Idol kita talaga, grabe ka pinaiyak mo mama at papa ko pare. Kasi pinanood namin kagabi yung video” sabi ni Greg.
“Excuse me please, can’t you see I am reviewing for my exams. Please a little distance” sagot ni Enan. “Grabe ka ha, pero Enan ang galing galing galing mo. As in super galing, alam mo si mama hala she cannot stop singing the song. Nag duet pa sila ni papa pero mali mali lyrics” kwento ng dalaga.
“Pati nga mom and dad ko, pinanood nila five times yung video at sinasabayan pa nila” sabi ni Shan. “Alam niyo guys, nakakainsulto kayo e. Yang reaction niyo nakakainis, seriously guys? Kilala niyo akong artistahin tapos ganyan pa kayo parang gulat?”
“I am flattered but more of insulted with your reactions. I was expecting you guys to be like, oh Enan you did it again. Oh Enan as expected of you. Tsk, I am so hurt” landi ni Enan. “Hoy arte mo ha, itigil mo muna yan kasi. Grabe Enan ang galing niyo, nag trending kayo sa Twitter” sabi ni Clarisse.
Napatingin si Enan sa kanya kaya ang dalaga agad nilabas phone niya. “Ayan o, look hashtag MikEnan” sabi ng dalaga. “Mikenan?” tanong ng binata. “Well ganyan talaga sa Twitter, hilig nila icombine names ng mga mag partner. Pero grabe napuyat ako kakabasa ng Tweets and I am so proud of you as in super proud ako sa iyo” sabi ni Clarisse.
“So you mean to say sumikat yung video?” tanong ni Enan. “Oo ang dami nga version e pero mas sumikat yung malinaw at yung mas malapit sa inyo” sabi ng dalaga. “Really? So you mean to say buong bansa yan?” tanong ni Enan.
“Hello! Hindi lang buong bansa, oo dito sa Pinas number one siya pero nagtrending din kayo worldwide. Grabe sana basahin mo yung comments about you two. All good comments, kinilabutan nga ako at naiyak talaga kasi ang gaganda ng comments” sabi ni Clarisse.
“Do you think…ah wala..i mean..okay ba talaga?” tanong ni Enan sabay check sa kanyang phone. “Trust me Enan, di na ako magtataka pag nafeature yan sa TV Patrol, sasabihin nila isang video ngayon ay trending, hala baka mamaya kukunin na kayo for interview. Oh my God Enan baka kunin kayo ni Mikan magperform live sa UKG” sabi ni Clarisse.
“Hala..sa TV?” tanong ng binata. “Idol! Sana magkatotoo yon. Pero pare sama ako ha. Di pa ako nakabisita sa TV station e” sabi ni Greg. “Kahit ako na driver mo pare” banat ni Shan kaya napangiti si Enan at labis na nakikiliti ang kanyang utak.
“Saka na yan, kailangan ko mag review pa” sabi ni Enan. “Eto ang killjoy mo ngayon” reklamo ng dalaga. “Tignan mo ito, sabi mo unahin ko pag aaral ko tapos ngayon ginagawa ko na sasabihin mo killjoy ako” sagot ni Enan.
“Sige na nga, pero Enan ang galing mo grabe. Habang pinapanood ko I was so nervous lalo na nung pataas kayo ng pataas, pero grabe ang galing nakipagsabayan ka sa kanya tapos ang galing ng blending niyo talaga” sabi ni Clarisse.
“Pero alam mo pare, may mali ka lang e” sabi ni Greg. “Ano yon?” tanong ni Shan. “Hindi niya tinitignan si Mikan e. Mas swabe sana yung kanta kung nagtitigan sila. Pero kahit na ganon sobrang astig parin” sabi ni Greg.
“Ay oo nga, pero kahit na walang eye contact okay parin” sabi ni Shan. “Hanggang ngayoooon” narinig nilang may bumirit sa malayo kaya nagbungisngisan sila nang makita isang grupo ng mga estudyanteng kinakawayan si Enan. “Kawayan mo na din, baka sabihin nila snob ka” bulong ni Clarisse kaya kumaway ang binata.
“Idol! Punta kami sa bar after exams” sabi ng isang lalake kaya tinungo ni Enan ulo niya. “Wow, matutuwa boss niyo as in. Sayang sana nanood kami ni daddy. I cant believe it hinatid ka pa namin” sabi ng dalaga. “Hinatid niyo?” tanong ni Shan.
“Oo pare, dumaan ako sa kanila kasi kinailangan ko ng kanyang guidance. Nakatulog nga ako don, nakakahiya nandon pala papa niya sa salas” sabi ni Enan kaya natawa si Shan. “Sayang talaga, sana nanood kami ni daddy. Tsk as in sayang” sabi ni Clarisse.
“Ewan ko ba ano nakain ko, basta medyo nagkaroon ako ng confidence so if you say patok siya then I guess sir Bobby would like another performance nag anon. Promise ko sa inyo pag bumisita kayo next time I will again give my best” sabi ni Enan. “Promise mo yan ha” sabi ni Clarisse. “Oo, so review muna tayo” sabi ni Enan.
Samantala sa condo unit ni Mikan, masama ang gising ng dalaga dahil sa malalakas na katok sa pintuan. Pagbukas niya agad pumasok si Yvonne na mukhang tulala. “What happened? Are you okay?” tanong ni Mikan na talagang nagising ang buong katawan niya.
“Mikan, I have been trying to call you…my phone wont stop ringing” sabi ni Yvonne. “Sira ba?” tanong ni Mikan. “Hindi, ang daming tumatawag sa akin na TV networks at mga producers. Its about the trending video of you and Enan” sabi niya.
“Oh my, kasi pag uwi ko natulog na ako agad. Late na ako nakauwi actually kasi I had midnight snack at Enan’s place” kwento ni Mikan kaya agad sila nagtungo sa lamesa at binuksan yung laptop.
Pagpasok sa fan page nagulat si Mikan sa sobrang daming reply at likes sa isang thread. “Oh my God” bigkas nilang dalawa. “Di mo pa ba napanood yung video? Grabe there are three videos pero yung isa malapit nang umabot ng one millions hits” sabi ni Yvonne.
“What? Are you kidding me?” tanong ni Yvonne. “Well siguro nasa seven hundred thousand pero malapit na sa one million yon” sabi ni Yvonne. “Seven hundred thousand hits? Are you kidding me? Seryoso ka? Saan? Show me” sabi ni Mikan kaya kinuha ni Yvonne yung laptop sabay pinakita yung video.
Napanganga si Yvonne nang makita yung dami ng hits. “Eight hundred thousand” bigkas niya. “See that, grabe kanina lang nasa seven hundred thousand yan” sabi ni Yvonne. “So bakit hindi na nagriring phone mo?” tanong ni Mikan. “Pinatay ko, nataranta na kasi ako. Sorry pero nabigla talaga ako at hindi ko na alam ano isasagot ko sa kanila” sabi ng dalaga.
“Oh my God..he is my lucky charm..this happened to me before already” sabi ni Mikan. “Ganito ka nadiscover right?” tanong ni Yvonne. “Yes, its happening again” sabi ni Mikan. “So ano? Pano to? On ko na ba phone ko?” tanong ni Yvonne.
“Magulo ito Yvonne trust me. Pag sinagot mo isang network gusto nila exclusive so di mo na pwede kausapin yung kabila. Pag sinagot mo yung isang producer ganon din mangyayari, di mo narin pwede kausapin yung iba…” sabi ni Mikan. “So tell me, hindi ko pa naranasan ito. I know manager mo na ako pero di ko inexpect ganito mangyayari agad agad” sabi ni Yvonne.
“Okay, let us calm down first. Teka painit ko muna yung pagkain na bigay nina Enan then kain muna tayo. Then maligo muna ako tapos let us start taking calls” sabi ni Mikan. “Okay..wait..galing ka sa kanila kagabi?” tanong ni Yvonne. “Oo, hinatid ko siya tapos pinilit niya ako pumasok for midnight snack. I met his parents at alam mo ba Enan is so funny” sabi ng dalaga.
Sa kusina sila nagtungo, si Mikan nagpainit nung mga sandwiches habang si Yvonne nagbabasa sa Twitter. “Parang nagiging close na kayo ni Enan ah” landi ni Yvonne. “Baliw, sobrang bait niya no. Yeah I like spending time with him pero alam mo distansya ako kasi hindi pa siya naka get over kay Cristine” sabi ni Mikan.
“Pano mo alam? Sinabi ba niya?” tanong ni Yvonne. “He didn’t have to tell me, I think he sang that song for her. Hindi nga niya ako tinignan the whole song e. Pero bilib ako sa kanya, kahit blanko tingin niya sa malayo e nakayanan paniya kumanta ng ganon” sabi ni Mikan.
“Ouch” pacute ni Yvonne. “Walang ouch don no. I like him as a friend. Of course parts of me is kinda…yeah aminin ko that I do like him but I wont push it. Siguro this is just me enjoying his company kasi nasanay na ako nag iisa” sabi ni Mikan.
“Actually may isang tanong sa Twitter, asking kung kayo na daw ba?” sabi ni Yvonne kaya natawa si Mikan. “Grabe naman, ganon kabilis? Halos wala pa kami isang buwan as friends at sariwa pa sugat niya” sabi ni Mikan.
“And you want to be there to help him move on?” tanong ni Yvonne. “Uy grabe ka naman. Di ako ganon. Look, we work together in a professional level. We became friends and I do enjoy his company when we are together. Hanggang ganon nalang yon. May respeto ako sa kung ano man meron sila ni Cristine” sabi ni Mikan.
“E wala na nga sila e” sabi ni Yvonne. “Yvonne wag kang makulit, just because I told you I like him means that gusto ko maging kami na agad. I like him, I am sure meron ka din lalake na gusto pero hanggang don ka nalang na you like him diba?”
“I am being honest with you, I like Enan. I will keep working with him, I will remain his friend. If ever something happens between us I assure you it will not come from me first. Prangka ako so I am telling you yes I do like him pero hanggang don nalang” sabi ni Mikan.
“O sige na nga” sabi ni Yvonne. “Pero aaminin ko sa iyo ha, isa ako sa mga nagduda konti about him and Cristine..now I can see why Cristine fell in love with him. Naiintindihan ko talaga bakit naging sila, ang di ko lang maintindihan bakit sila naghiwalay”
“That is their problem but if I could just talk to Cristine sasabihin ko sa kanya ang tanga niya…pero what do I know baka si Enan may kasalanan…pero alam mo I believe hindi si Enan may kasalanan e. Hayaan na nga natin yan, come on lets eat. Kailangan mo matikman ito ang sarap” sabi ni Mikan.
Nang matapos sila kumain naupo sila sa salas sabay sinindi na ni Yvonne yung phone niya. “Hindi ba natin kakausapin ang lahat tapos itanong offers nila?” tanong ni Yvonne. “Wag mukhang pera agad Yvonne, if they invite us to perform then we oblige”
“Consider this as ground zero again for me” sabi ni Mikan. “Ay sige, sorry peo tama ka” sabi ni Yvonne. “Pero I think we should let Enan know about this” sabi ni Mikan. “Tawagan ko gusto mo?” tanong ni Yvonne.
“Wag, exams niya today. Let him have his exams first” sabi ni Mikan. “E pano kung gusto ng isang TV network mag guesting na kayo bukas? You can go naman alone diba?” tanong ni Yvonne.
“I can but I wont. Kaming dalawa ang nasa video so dapat kaming dalawa” sabi ni Mikan. “But what if one insists na ikaw lang? Or sabihin nila kayong dalawa pero gusto nila bukas na. Alam mo naman na ang mga networks, kung ano trending gusto nila sila mauna” sabi ni Yvonne.
“I know but pag wala si Enan e di wala. He must be with me. Kung may mag offer na ako lang then do not take it. We trended together so if they want to guest me it must be with him. Sasabihin nila mag duet ako with another singer, no thanks”
“So pag may tumawag at sasabihin ako lang wag mo na patagalin ang usapan” sabi ni Yvonne. “E what if ganon lahat?” tanong ni Yvonne. “Edi wala kang tatanggapin” sabi ni Mikan. “Are you sure? Tulad ng sabi mo second start mo na ito Mikan” sabi ni Yvonne.
“Yes I am sure, its me and Enan or nothing” sabi ni Mikan at sakto nagring agad phone ni Yvonne. “Sagutin mo na” sabi ni Mikan. “It’s the new producer e” sabi ni Yvonne. “So? He wanted to give me a chance, yung ibang big producers wala so he deserves the first try sige na sagutin mo na. I don’t care if baguhan lang siya, second start ko ito, he wanted to give me that so he will be the first one”
“His offer may be small, say yes to him at once” sabi ni Mikan. “Mikan you are not thinking straight” sabi ni Yvonne. “I am, yan ang gusto ko so please sagutin mo na siya bago pa niya sabihin we are ignoring him already” sabi ni Mikan. Sinagot ni Yvonne yung tawag, sinet niya sa speaker para marinig din ni Mikan. “Finally, I saw the video of Mikan and Enan ba yon? I wanna ask if he too is available?” tanong nung lalake kaya nagtitigan sina Yvonne at Mikan.
“Say yes” bulong ni Mikan. “Yes I think he is available but he is still a student” sagot ni Yvonne. “I see, siya yung ex ni Cristine Suarez diba?” tanong nung lalake. “Yes he is” sagot ni Yvonne. “I watched the video, medyo bago lang ako sa ganito pero yung deal about her single will push through but is she willing to make it an album?” tanong niya.
Tinungo ni Mikan ulo niya, “Yes of course she is. She would love that actually” sabi ni Yvonne. “Great, pero can we have her and Enan record that song they sang for the album? If may duet songs pa sila then that would be better, original or kahit cover” sabi nung lalake.
“I think they can do that too” sabi ni Yvonne. “Okay, so I think we really have to sit down and talk about it already. My schedule is open, call or text me when I can meet them both” sabi nung lalake. “Okay sir, I will call them both now” sabi ni Yvonne sabay namatay na yung tawag.
“Oh my God!” sigaw ni Mikan sa tuwa. “Wow, this is really happening” sabi ni Yvonne. “Wow, lucky charm ko talaga siya” sabi ni Mikan. “We should call him and tell him the good news” sabi ni Yvonne.
“Wag pa, may exams siya. I want him to focus on his studies. After his exams we tell him the good news. Pero parang mali din e, parang nag desisyon tayo para sa kanya. Parang mali tuloy ito” sabi ni Mikan.
“Hindi no, matutuwa siguro yon” sabi ni Yvonne. “Di mo siya kilala, simpleng tao siya trust me. Baka ayaw niya ng ganito” sabi ni Mikan. “Maybe you can convince him” sabi ni Yvonne. “I don’t know, baka sabihin niya I am taking advantage of him” sagot ni Mikan. “Hindi naman siguro” sabi ni Yvonne. “Alam mo ba that day nagkatampuhan kami. Then sabi niya he will make it up to me sa set”
“Basta sabi niya he will make up for it and he went beyond that. Dahil sa kanya biglang nagkaroon ako ng ganitong chance ulit” sabi ni Mikan. “Take note it was you who invited him, ikaw yung mapilit na makasama siya sa set mo so dapat pasalamatan mo din sarili mo” sabi ni Yvonne.
“Maybe, pero alam mo that night nagulat ako sa kanya. Bumirit siya so nakisabay ako sa kanya. Aminin ko deep inside parang nachallenge niya ako so I gave it my all, he gave his all too and we sounded great”
“Now this is happening…he is so special” sabi ni Mikan. Nagring ulit yung phone, pagtingin nila hindi naka store na number kaya sinagot ni Yvonne ang tawag. Si Mikan nakatitig lang, “ABS” bulong ni Yvonne kaya napangiti si Mikan.
“Oh I am so sorry, you see Enan has his exams ongoing” sabi ni Yvonne. “Next week? I can ask him, can I get back to you or you can call me back by Friday evening” sabi ni Yvonne. Pagkatapos ng tawag tinignan niya si Mikan.
“Ano sabi?” tanong ng dalaga. “Tatawag daw ulit mamaya, kung pwede daw kausapin ko na si Enan” sabi ni Yvonne. “Agad agad? Mamaya agad tatawag?” tanong ni Mikan. “Mapilit, ganon ba talaga sila?” tanong ni Yvonne.
“Oo ganyan talaga kasi nag uunahan sila e” sabi ni Mikan. “So does this mean di na tayo pwede tumanggap ng ibang tawag?” tanong ni Yvonne. “I don’t know…alam mo mas maganda pag nakausap na natin si Enan muna. Mahirap mag desisyon tayo para sa kanya” sabi ni Mikan.
“E pano na kung makawala mga opportunity na ito?” tanong ni Yvonne. “E di mawala sila. Oo tama, I think wag ka muna tumanggap ng mga tawag Yvonne. Antayin nalang natin matapos mga exam ni Enan”
“Mas madali mag desisyon pag umoo na siya at kasama siya natin nagdedesisyon” sabi ni Mikan. “Okay then, so let me turn my phone off nalang” sabi ni Yvonne. “Wag naman, just keep it on. Siguro you can take calls pero…its your job to stall them I guess” sabi ni Mikan kaya natawa ang dalaga.
“Grabe ha, pero wait…does this mean ako din manager ni Enan?” tanong ni Yvonne. “Of course, mas madali pag ikaw na nagmanage sa aming dalawa. Pero uy wag mo naman siya singilin ng mahal pa, kahit konti lang sa kanya tapos kahit sa akin mo nalang ibawas” sabi ni Mikan.
“Hala to, I am new to this so kahit yung standard manager’s fee will be okay. Pero I don’t know about that so magtatanong nalang ako muna” pacute ni Yvonne.