Chapter 14: Full Time

3301 Words
Biyernes ng tanghali nag inat si Enan pagkalabas niya ng kanilang building. “Manners naman” narinig niya kaya agad siya napalingon at nakita si Sally. “Manners?” tanong ng binata. “Oo kasi kinakalat mo yung body odor mo sa lahat e” pacute ng dalaga sabay tawa. “Excuse me, ginagawa ko ito para sa mga nagnanasa sa akin. Kinakalat ko ang aking body aroma para tulungan sila sa kanilang pagpapantasya sa akin” banat ni Enan. “Ew, kadiri ka” sabi ni Sally. “Kadiri ba? Bakit may BO ba talaga ako?” tanong ni Enan sabay amoy sa kanyang kili kili. “No naman, actually you smell good always” sabi ni Sally. “Ikaw ha, siguro inaamoy amoy mo ako lagi no?” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Gagi ka talaga, e sa mabango ka naman talaga lagi” sabi ni Sally. “Ikaw din naman, well anyway san ka punta Salina?” tanong ni Enan. “Wala naman, naglakad lakad lang. Ikaw san ka pupunta?” sagot ng dalaga. “Sa mall kasi kailangan ko bumili ng attire ko para sa aking shooting” sagot ng binata. Nagtakip ng bibig si Sally sabay nagbungisngis. “Ay ayaw maniwala. Tapos na exams so full time artistahin ulit ako. Ako yung nakuha sa fifty shades of Gray e, alam ko halos buong movie borles ako kaya bibili lang ako ng bathrobe o kaya tapis” sabi ni Enan kaya napahalakhak ng husto ang dalaga. “Oo na sige na. Whatever Enan” pacute ng dalaga. “Joke lang, kailangan ko lang ng bagong maisusuot para sa mga set ko” sabi ng binata. “Ay oo nga no, napanood ko pala yung trending video niyo. Ang galing mo, congrats ha” sabi ni Sally. “Wala yon no, tsamba lang yon” sagot ng binata. “You always say tsamba, minsan wag ka masyado humble. Nakakairita din no” sabi ni Sally. “Ay ganon ba?” sagot ni Enan na pabulong. “Uy don’t take offense, pero minsan naman mag thank you ka nalang ganon. O kaya ngumiti ka lang ganon. Sorry talaga prangka akong tao” sabi ni Sally. “Okay lang, e di thank you” sagot ni Enan. “Yeah you should buy some clothes kasi yung suot mo sa video…hmmm it was okay pero since you are singing in front of a paying crowd e magbihis ka naman konti. Para di nila sabihin na, ano ba yan di man lang pumorma e nagbabayad naman tayo ng cover charge” sabi ng dalaga. “E sabit lang naman talaga ako don e” sabi ni Enan. “Kahit na, if you say sabit ka then you also should make Mikan look good. Siguro sasabihin mo gusto mo makilala ka sa sariling style mo, saka mo na gawin yon pag sikat na sikat ka na talaga. For now na papasikat ka palang e you have to make porma naman too” sabi ni Sally. “Papasikat” bigkas ni Enan sabay tumawa. “Grabe ka di ko naman habol yon. Nakikisabit lang ako because she asked me too at extra income din” dagdag niya. “E kung sinabi mo nalang kasi na ginagawa mo yan para makalimutan mo yung sakit? You can be honest with me you know” sabi ng dalaga kaya nagulat si Enan. “Buking, its okay lahat tayo may para paraan naman. At least ikaw parang shooting two birds with one stone ka. You are trying to get rid of the pain at the same time papasikat ka” sabi ni Sally. “Papasikat, di ko habol yon talaga” sabi ni Enan. “Hay Enan wag kang magsisinungaling, admit it, gusto mo din e” sabi ng dalaga kaya natawa na ang binata. “Ang dami mong alam Salina, samahan mo nalang nga ako sa mall. Parang mas magaling ka sa fashion compared to Clarisse. Magpapasama sana ako sa kanya e pero pag may time ka ngayon samahan mo nalang ako. Treat kita lunch” sabi ng binata. “O sige, wala naman ako pupuntahan. Let us go then” sabi ni Sally. “Uy dito nalang tayo sa main gate dumaan” sabi ng binata. “E dala ko yung kotse ko e” sabi ng dalaga. “Oh wow, iba na talaga ang mayaman” sabi ni Enan. “Please do not say that. Lucky lang kami ng kuya ko kasi our parents really worked hard for everything we have now” “Ikaw you are starting early at sana maging successful ka. Siguro after a few months may kotse ka narin, but if ever man maabot yung kasikatan make sure mag graduate ka din ha” sabi ni Sally kaya napakamot ang binata at muling napangiti. “Can I be honest with you?” tanong niya. “Sure” sabi ng dalaga. “Akala ko talaga b***h ka, pero okay ka naman pala” sabi ni Enan. “Yeah I know, sometimes I am. I am trying to change you know” sagot ni Sally. “Oo Salina, mas okay ka pag mabait ka. So tara na, baka naman may metro yang kotse mo ha” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. Sa loob ng kotse inayos ni Enan ang upuan sabay pinaghahaplos yung dashboard. “Bago” bulong niya. “Uhmmm yeah kasi nakapasok ako sa dean’s list so regalo ito ng dad ko sa akin” sabi ng dalaga. “Beauty and brains” sabi ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Di halata?” tanong ni Sally. “Hindi e, pero alam mo you remind me of Cristine. Kasi ang dami nagsasabi b***h siya. Pero sa totoo hindi naman. Ikaw akala ko b***h ka pero hindi naman pala. Pareho pa kayo maganda kaya” sabi ni Enan. “Aray, so are you trying to say now that pag nakikita mo ako nasaaktan ka?” tanong ni Sally. “Hindi naman, naalala ko lang siya” sabi ng binata. “Yeah I know but nasasaktan ka ba?” tanong ng dalaga. “Hindi naman, medyo may gamot na ako para sa sakit” “Yeah we broke up pero hindi ko na kailangan magfocus on that part. I just remember the good memories” sabi ng binata. “Pero in the end it still hurts because when you stop remembering the good memories matatauhan ka at maalala mo na wala na” sabi ng dalaga. “Naranasan mo narin ba ang ganito?” tanong ni Enan. “Oo naman, once and it took me time to recover. After I got hurt that was the time I became bitchy” kwento ni Sally. “Minahal mo talaga siya ano?” tanong ng binata. “Oo naman, masasaktan ba ako pag hindi ko siya minahal?” sagot ng dalaga. “Matagal ba bago ka naka recover?” tanong ni Enan. “Medyo..pwede ba wag na natin pag usapan” sabi ni Sally. “Okay sorry, sige drive ka na” sabi ng binata. “Don’t you worry makaka move on ka din. Maganda yang ginagawa mo making yourself busy” sabi ni Sally. Pagdating nila sa mall nagtungo sila sa isang shop na pang lalake. “Salina, take charge. I will entrust you my appearance, make me look good” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Uy alam mo ba mahal ang bayad sa mga fashion consultants” pacute ng dalaga. “Sige labas ka na, ako nalang. Akala ko magkaibigan na tayo” banat ni Enan. “Biro lang, hmmm teka nga. Yung suot mo sa new video niyo was so boring. Parang nagpakita ka lang don tapos kumanta. Yung suot mo nung pageant, nung kumanta ka was really good” sabi ni Sally. “Ganon isusuot ko?” tanong ng binata. “Gagi hindi ganon, something close to that. Medyo magbigay ka ng kiliti, like exposing some chest, gawin natin medyo fitted but not too much para makagalaw ka pa pag uupo ka” sabi ni Sally. “Wag naman yung ganon” sabi ni Enan. “O sabi mo ako bahala? Will you trust me. Maganda katawan mo, lets flaunt it. Mamaya magpagupit ka, something close to a military cut but magpaiwan tayo ng patilya mo. Basta ako bahala sa iyo” sabi ni Sally kaya napakamot sa ulo si Enan. Dalawang oras ang lumipas lumabas si Enan ng barber shop. “Naks, gwapo ha” sabi ni Sally. “Tumigil ka nga, gandang gupit lang siguro” sabi ng binata. “E totoo naman, gumwapo ka” sabi ng dalaga. “Wag mo na ako lokohin no, kilala ko na mukha mo” sabi ni Enan. “Di wag ka maniwala, honestly pumogi ka. Syempre sanay na ako nakikita yang mukha mo, now you look different and honestly pogi nga” sabi ni Sally. “Wag mo nga ako biruin ng ganyan at nakikiliti utak ko” sabi ni Enan. “Oo pangit ka pero di naman masyado pero right now pumogi ka nga. Ang kulit mo” sabi ni Sally. “Aray, compliment with matching insult” banat ni Enan. “Makulit ka e, you remember how you walked and moved sa pageant night?” “You should do it more often. Not the usual na para kang nahihiya lagi na ewan. Sige na do it, yung lakad na may confidence” sabi ni Sally. “Para lang sa pageant yon no” sabi ni Enan. “Ay ang kulit mo talaga, I am trying to help you out already. Will you trust me, babae ako no so I know what attracts us” sabi ni Sally. “Ganyan, keep your chin level. Then when a girl looks at you, smile ka agad. Wag masyado malaki, yung sakto lang na ngiti” sabi ni Sally kaya natatawa na ang binata. “Binubugaw mo ba ako?” tanong ng binata. “Ngayon mo lang nahalata? Sige na para madami tayo kikitain” sabi ni Sally kaya nagtawanan sila. Nang may naasalubong silang magandang babae agad niyuko ni Enan ulo niya. “Tsk, bakit ka yumuko? She was already looking at you. Nakuha mo na atensyon niya” sabi ni Sally. “Really?” tanong ng binata. “Hay naku Enan” sabi ng dalaga. “E kasi maganda yon e, usually pag ganon sila yung masakit manlait” sabi ng binata. “E pano mo naman napasagot si Cristine aber? Will you trust me on this? O yan may makakasalubong tayo, do what I told you” bulong ng dalaga. Napatingin yung magandang babae kay Enan, ang binata ngumiti ng konti. Ngumiti din yung magandang babae at pagdaan niya agad lumingon si Enan kung saan nakita niya yung babae napalingon din at nakangiti parin sa kanya. “Holy s**t” bigkas ni Enan. “Now do you believe me?” tanong ni Sally. Bungisngis si Enan, masarap ang pakiramdam niya kaya naaliw si Sally. “She smiled at me, nilingon pa ako” sabi ni Enan. “I told you, so next time you see her that is when you introduce yourself already. Nagkaroon na ng first contact, so next time make sure you introduce yourself then ikaw na bahala from there” sabi ni Sally. “O eto eto pa isa” sabi ng binata. Minalas siya pagkat irap ang natanggap niya kaya natawa si Sally. “Di naman gumana” reklamo ng binata. “Di ko naman sinabi lahat ng babae no, there will be some who will find you attractive. Some of course may sarili silang standards” “Ang point ko Enan is you just have to be confident. Ang galing mo sobra sa pageant. Tinilian ka ng sobrang dami at isa na ako doon. Yung dumaan na maganda tapos inirapan ka, chaka yon, pero she did check you out. Kaya lang she just didn’t find your face attractive enough for her” “Pero wag sasama loob mo, di naman lahat ng babae ganon tulad niya. Like I said there will be some who will find you attractive…tapos pag nakilala ka pa nila na mabait at humorous, naku they will fall in love with you” sabi ni Sally. “Salina, you make me feel good about myself” sabi ni Enan. “You are welcome” sagot ng dalaga. “So do you find me attractive?” tanong ni Enan. “I do” sagot ng dalaga kaya nagngitian sila. Bandang alas tres ng hapon nakarating sila sa tapat ng bahay ng binata. “Uy Salina maraming salamat talaga ha. I really never saw myself being friends with you pero ngayon I am so thankful you are my friend” sabi ni Enan. “Same here Enan, oh remember what I told you ha. Tiwala lang sa sarili ha. Di ko sure if I can go out tonight pero promise ko bibisita ako sa bar at papanoorin kita” sabi ni Sally. Nagulat ang dalaga nang halikan siya ng binata sa pisngi. “Salamat talaga” sabi ni Enan. Napangiti si Sally, “You are welcome. Sige na kailangan mo pa magprepare. I will text you later” sabi ng dalaga. “Salamat ulit ha, ingat ka sa daan” sagot ng binata sabay lumabas na ng kotse. Pagkalayo ni Sally agad niya tinigil kotse niya sabay natili siya ng sobrang lakas. Pagpasok ni Enan sa bahay nila napatigil ang kanyang ina, “What is it ma?” tanong ng binata. “You look so handsome today anak” sabi ng matanda. “Really? Yung totoo ma” tanong ng binata. “Oo anak, ganda ng gupit mo, gusto ko yang pag iwan mo ng patilya. You look good” sabi niya kaya lalong napangiti si Enan. “O bakit ka tumatakbo?” tanong ng nanay niya. “Ma, magseselfie ako bago pa magbago itsura ko. Ito gagamitin ko profile pic ko sa lahat ng social accounts ko. Kailangan ko magmadali bago pa ako mahipan ng hangin at bumalik sa dati itsura ko” banat ni Enan kaya napatawa niya ang kanyang nanay. Pagsapit ng gabi nag aabang sina Mikan at Yvonne sa entrance ng bar. “Bakit wala pa siya? Maaga naman siya lagi e” sabi ni Mikan. “Baka natraffic lang siya” sabi ni Yvonne. “Tsk, tawagan ko na ata” sabi ni Mikan. “Ito naman, natraffic lang yon no” sagot ng dalaga. “Oh my God” bigkas ni Mikan at tila nanigas siya. Pati si Yvonne napatigil nang makita si Enan patawid ng kalsada. “Shit..ang gwapo niya ngayon” bulong ni Mikan. Pagkalapit ng binata, tulala parin si Mikan. “Sorry I am late” sabi niya pero wala parin kibo ang partner niya. “Is she okay?” tanong ni Enan. “She is, uy Mikan” sabi ni Yvonne kaya ang dalaga tumingin sa malayo sabay inuga ang kanyang ulo. “Hey are you okay? Are you sick?” tanong ng binata sabay hawak sa kamay ng dalaga. “I am fine” bulong ni Mikan na lalong kinikilig nang haplusin ng binata ang kanyang noo. Sobrang lapit ng mukha ni Enan kaya ang dalaga agad niyuko ang kanyang ulo. “Inaantay ka na nila” sabi ni Mikan. “Ay oo nga, pero are you sure you are okay?” tanong ng binata. “I am fine Enan” sabi ng dalaga. Pagpasok ni Enan lumabas si Mikan at pinaypayan ang kanyang sarili kaya natawa si Yvonne. “Grabe you are blushing” sabi niya. “Ang gwapo niya today s**t” bigkas ni Mikan kaya lalong natawa ang kanyang manager. “Yeah he looks good, I mean really good today” sabi ni Yvonne. “Sorry talaga, buking ba masyado?” tanong ni Mikan. “Medyo, naaliw ako sa iyo ha. Para kang teenager na nakita crush niya” sabi ni Yvonne. “Gagi ka, teenager palang ako no. Diba ate?” biro ni Mikan kaya natawa si Yvonne. “Mikan iba na yan ha, kaya mo pa ba kumanta mamaya?” tanong ni Yvonne. “Ewan ko, teka nga pasok na pala tayo baka mapansin din siya ni sir Bobby” sabi ni Mikan. “Bakit..oh..oh my God…totoo ka?” tanong ni Yvonne kaya natawa si Mikan. “Yep kaya dali baka maunahan pa niya ako” sabi ni Mikan kaya napahalakhak ang kanyang manager. Sa loob ng dressing room panay ang tingin ni Mikan sa binata. “Is there something wrong?” tanong ni Enan. “No..you really good look today” sabi ni Mikan. “Good look?” tanong ng binata. “Ay ano ba yan? Look good, you look good” sabi ni Mikan kaya nagtawanan sila. “Uy salamat, syempre nakakahiya naman sa iyo kasi. You always look good every night so kahit papano naman makikisabay ako konti sa iyo” sabi ni Enan. “You really look good, parang may iba sa iyo” sabi ni Mikan. “Ay oo, nagpalit na ako ng brand ng napkin ko” banat ni Enan kaya napahalakhak ng malakas ang dalaga. “Sinubukan ko yung may wings for a change” hirit ni Enan kaya umariba sa tawa si Mikan. “Tampon yung binibigay sa akin, di ko naman alam san ko ipapasok yon no” dagdag niya kaya napaluha na ang dalaga sa tindi ng pagtawa. “Uy tama na, I just wanted to jump start your senses para mamaya award winning performance ulit tayo like last time” sabi ni Enan. “Uy Enan about that, may good news pala kami sa iyo” saib ni Mikan. “Ows? Ano good news?” tanong ng binata. “They want us to guest sa isang morning show” sabi ng dalaga. “Ha?! Oh no, no no no” sabi ni Enan. “Yes Enan its true. Kaya lang sabi namin may exams ka pa so now vacation niyo na can we?” tanong ng dalaga. Napatigil si Enan, napalunok dahan dahan sabay naalala yung sinabi ni Sally sa kanya. “Ah..pero..makakatulong ba ito sa karir mo?” tanong ng binata. “I think so, pero hindi ito tungkol sa karir ko. Tungkol ito sa performance natin last time” sabi ng binata. “But can it help your career?” tanong ng binata. “Honestly..oo ata” sabi ng dalaga. “Okay set it up” sabi ni Enan. “Really?” tanong ni Mikan. “Kahit ano basta makakatulong sa karir mo you don’t have to ask me anymore. Sige iset mo lang siya tapos sabihan mo ako” sabi ng binata. “Thank you, pero meron pa” sabi ng dalaga. “Ano yon?” tanong ni Enan. “Ah..may producer..Yvonne found me one” sabi ni Mikan. “Wow congratulations! Wow! So magkaka album ka?” tanong ng binata. “Oo pero Enan…he wants us to sing that same song at isasama sa album” sabi ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Enan, dahan dahan siya naupo kaya agad lumapit ang dalaga at pinaypayan siya. “Enan? Enan are you okay?” tanong ni Mikan. “Say that again please” sabi ng binata. “Oo he wants us to record that duet song tapos isasama sa album” sabi ng dalaga. “Oh..are you saying that..magiging recording artist na ako?” tanong ng binata kaya natawa ang dalaga. “Yes Enan” sabi ni Mikan. “Well…I’d be damned! It’s about damn time yo” sabi ng binata kaya nagtawanan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD