Chapter 15: Excitement

3248 Words
Linggo ng tanghali papunta sina Yvonne, Mikan at Enan sa isang restaurant para makipagkita sa producer. “Enan, pero baka ako lang bibigyan ng album” sabi ni Mikan. “Alam ko, wala naman problema yon no” sagot ng binata. “Pero it is because of you kaya napabilis ito e, I can talk to him and say that maging album nalang nating dalawa if you want” sabi ni Mikan. “Are you crazy? You do not have to do that, hinahangad mo yung second chance mo so eto na yon at happy ako para sa inyo. Happy din ako makatulong sa iyo” sabi ni Enan. “Parang unfair naman ata sa iyo masyado” sabi ni Mikan. “Walang unfair dito, sabi ko naman sa iyo basta makatulong sa karir mo game ako” sabi ng binata. “Pero mababayaran ka naman, sabihin ko bigyan ka din ng royalties, pag ayaw share nalang tayo” sabi ng dalaga. “Alam mo Mikaela, kahit hindi ako bayaran basta alam ko nakatulong ako sa iyo masaya na ako. At hello, I was just like an artistahin yesterday and now I am going to be hearing my voice in an album. So everything is good, kahit di ako bayaran wala ako pakialam at hindi ko naman hinahangad na mabayaran ako” “You are opening doors to places I have never been to, not all can get to places like this so masaya na ako” sabi ni Enan. “Wala ako masabi pero salamat ha” sabi ni Mikan. “O kiss na para tapos na” banat ni Yvonne kaya natawa si Enan. Pagdating nila sa restaurant agad sila sinalubong ng isang matipuno pero mahiyaing lalake. “Finally we get to meet” sabi niya. “Mikan and Enan this is mister Andrew Mendoza. Sir Andrew this is Mikan and Enan” pakilala ni Yvonne. “Please follow me, I have our table on the corner” sabi ni Andrew. Pagkaupo nila tila kinakabahan si Enan at di mapakali. “Enan are you okay?” tanong ni Mikan. “Yes, natatakam lang ako sa amoy ng steak ng kabilang table” biro ng binata kaya natawa si Andrew. “Before we talk let us order first then. Order anything you want” sabi ni Andrew. “Mikaela, makakasira ba ng boses ang steak?” tanong ni Enan kaya bungisngis bigla si Yvonne. “Hindi but you make sure to chew very well before you swallow” sagot ng dalaga. “E softdrinks?” tanong ng binata. “Iwasan mo nalang, juice ka nalang” sabi ni Mikan. “May I ask, are you two a couple?” tanong bigla ni Andrew kaya natulala yung dalawa. “Hindi po sir, magkaibigan lang kami” sagot ni Mikan. “Oh, sorry, because you two look like a couple” sabi ni Andrew. “Don’t you worry sir, I am used to that question. Kahit sino babae kasama ko yan lagi tinatanong sa akin. Artistahin e” banat ni Enan kaya natawa si Andrew. “Actually that is always the impression about people doing duets” sabi ni Mikan. “Sir focus kayo ha, tungkol kay Mikan ito at hindi sa akin. I am just here to help her out” sabi ni Enan. Pagatapos nila mag order nagsalita na si Andrew tungkol sa mga balak niya. “Bago lang ako dito sa industryang ito at nagpapasalamat ako talaga pagkat binibigyan niyo ako ng chance. Nung lumabas yung viral video niyo kinakabahan na ako kasi alam ko mag uunahan na yung ibang producers” sabi ni Andrew. “Bago lumayo ang usapan eto lang sa akin ha. Yung sumira ng karir niya isang gago na producer. Gusto siya maka one night stand, hindi siya pumayag kasi hindi ganon si Mikan. Kaya yung gago na yon siniraan siya, malakas na tao yon kaya hindi na siya nakatanggap ng gigs” “Ikaw sir Andrew ganon ka din ba?” tanong ni Enan. “Enan stop it” sabi ni Mikan. “No no no, let me do this. Sir Andrew kinakapalan ko na mukha ko ngayon, I need an answer from you. If you are just like that a-hole producer that destroyed her career then tell me now and we really have to talk outside” sabi ni Enan. Kinilabutan sina Mikan at Yvonne, si Andrew naman napangiti at tinitigan si Enan. “I am happily married do not worry and I am not like that producer you are talking about” sagot ni Andew. “Naniniwala ako sa iyo, pasensya na kayo sir ha kasi syempre gusto ko din protektahan itong kaibigan ko” “Again sir I am really sorry” sabi ni Enan. “No harm done Enan pero I am totally shocked to learn na ganon pala nangyari sa iyo” sabi ni Andrew. “Siguro sir sikat na sikat ako ngayon if pumayag man ako pero hindi talaga ako ganon na babae kasi” “Kung sisikat ako gusto ko yung pinaghirapan ko at hindi yung…” sabi ni Mikan. “I understand, let us not talk about that anymore. In no way I am like him. To be honest businessman lang ako, wala na ako maisip na ibang business, my mom and dad were good singers, they were stage play actors” “My siblings are all abroad with music degrees at tanging ako lang ang nawalan ng landas. So to pay tribute to them and to keep the music tradition in our family I decided to try producing singers so here I am now” sabi ni Andrew. Nagtagal ang usapan nila hanggang sa dumating ang kanilang pagkain. “Sir, actually they will guesting sa isang morning show on Monday” sabi ni Yvonne. “Ah pagdating naman diyan out naman na ata ako. Decision niyo na yan pero maganda sana magpromote narin don diba?” “I can guarantee you now that we shall be making an album, I wish I had more for you right now para mapromote niyo na sa Lunes pero etong album palang ang maiaalok ko” sabi ni Andrew. “Well sir then let us float your name already, I mean sabihin na may upcoming album under your promotions. Alam ko naman you will make good your promise” sabi ni Enan. “Not only make good, magpipirmahan na tayo ngayon dito mismo” sabi ni Andew kaya napangiti si Mikan. “Kain kaya muna tayo, mahirap magfocus sa magandang usapan pag masarap yung pagkain” banat ni Enan kaya natawa ulit si Andrew. “I like this guy” sabi niya. “I do to” bulong ni Mikan. Nang matapos sila kumain nagtuloy ang kanilang usapan. “Sir should I stop performing sa bar?” tanong ni Mikan. “Of course not, ituloy mo lang. I cannot promise you that all the gigs I will have for you will coincide with day offs. Kakapalan ko na siguro mukha ko pag sasabihin ko na sasakyan natin yung kasikatan niyong dalawa sa ngayon ha” “I am really planning on doing that. Pero siguro ganito nalang gawin natin, what if you monitor your fan page. Do a little contest, yung tipong saan mas madaming fans at yung prize e doon kayo magtatanghal ng mini concert” “We can start small since I am still learning the ropes. Pero now that I got you two under my wing then perhaps we can make the rest of December busy for the two of you. We can go on guestings, mini concerts, appearances para makatulong narin siguro yon sa pagpromote sa ilalabas natin na album mo” sabi ni Andrew. “Basta ako sabihin niyo lang sa akin saan ako pupunta at game ako. Bakasyon naman e so just tell me where I have to be and I will be there for her” sabi ni Enan. “Sir I would really like him to play a big part din sa album” sabi ni Mikan bigla. “Of course, half of the songs will be duets from you two then half solo mo. Sabi ni Yvonne madami ka daw sariling compositions so susugal talaga ako sa iyo. But of course the you will have your name sa album then maybe we can place there featuring Enan. How does that sound?” tanong ni Andrew. “Featurning Enan” bigkas ng binata kaya lahat napatingin sa kanya. “Mikan and Enan nalang kaya sir?” tanong ni Mikan. “No no no, tama na yung sinabi ni sir na una. Nandito lang talaga ako para tulungan ka. Gusto ko muna mag graduate at sapat na pagiging artistahin ko for now. Baka masiraan ako ng bait pag tuluyan ako naging song bird” banat ni Enan kaya napatawa niya silang lahat. “Do not worry sir Yvonne here used to work for a big company so madami siyang alam” sabi ni Mikan. “Oo nga e nasabi niya nung first time namin magkita. So you can tell them now I guess Yvonne” sabi ni Andrew. “Aside from being your manager, sir Andrew here offered me a job” sabi ni Yvonne. “Uy congrats” sabi ni Mikan. “Nakakahiya aminin pero madami ako iaasa sa kanya habang nagsisimula pero fast learner din ako” sabi ni Andrew. “I just need to help him set up his production unit then we are set to go” sabi ni Yvonne. Nauna nang umalis sina Enan at Mikan pagkat mamasyal pa sila sa malapit na mall. “Yung dalawang yon, hindi ba talaga sila couple?” tanong ni Andrew. “Hindi po sir, bakit po?” tanong ni Yvonne. “Wala naman, para kasing couple sila. I could not help notice that she keeps staring at him. Si Enan naman very protective kay Mikan. Natakot talaga ako kanina to be honest” sabi ni Andrew. “Well its too early to say sir since they just met recently. Pero aaminin ko din na ang bilis nila maging ganyan na kaclose” sabi ni Yvonne. “That is good for us right?” tanong ni Andrew. “Yes sir, maganda talaga yan kasi parang evolving teleserye sila. Lahat naman gusto happy ending so aside from the fans wanting to hear their voices, they too would like to see them ending up with each other” sabi ni Yvonne. Samatantala sa mall naglibot sina Mikan at Enan. May konting nakakilala sa dalaga at talagang lumalapit para magpautograph at magpalitrato. “Sorry about that” sabi ng dalaga. “Sanay na ako diyan, nung kasama ko si…” sabi ni Enan pero agad siya tumigil. “Si Cristine” sabi ni Mikan. “Yeah…mas madami pa lumalapit. Di ko naman sinasabi na mas sikat siya sa iyo ha” sabi ni Enan. “Okay lang ano, mas gusto ko nga yung kokonti lang para malaya ako makagala” sabi ng dalaga. “Yan din gusto niya, ako talaga sanay ko na pero alam mo fans ko may respeto sila” “Pag nakikita nila ako sapat na yung titignan nila ako. Understood na sa kanila na bibigyan nila ako space for my private time” banat ni Enan kaya natawa si Mikan. “Enan lucky charm ata kita” sabi ng dalaga. “Wag mo naman sabihin yan, magaling ka naman talaga at deserve mo talaga and second chance. In the first place di ka naman dapat nagkakaganito kung di lang para sa gagong producer na yon. Alam mo matutuwa si Clarisse pag nalaman niya ito” sabi ni Enan. “So are you ready for Monday?” tanong ng dalaga. “Sana hindi mo tinanong, kinikilabutan ako to be honest” sabi ni Enan. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Well we will be on live television, alam ko camera lang makakaharap natin pero yan ang masama kasi I am sure I am going to get bashed big time sa Internet” sabi ng binata. “Ayan ka nanaman e, sana wag kang ganyan. I will be depending on you on that day Enan. Alam mo nung break out duet natin you brought out the best in me. Totoo yan, ginulat mo ako, lumabas bigla yung palaban kong side kasi ayaw ko din masapawan” sabi ni Mikan. “Ows? Did I do that? Uy sorry talaga di ko sinasadya yon” sabi ni Enan. “Okay nga e. Nachallenge ako, a lot are saying I sang my best that night. Maski sarili ko ginulat ko kasi di ko akalain kaya ko pala abutin yung mag notang ganon” “Siguro napansin mo I always sing mellow songs kasi hirap talaga ako sa mga birit birit pero that night ewan ko anong nangyari. Iniiwasan ko yung mga kanta na may birit masyado kasi alam ko di ko kaya mga ganon” “But that night, I let loose thanks to you at nakayanan ko naman pala. We surprised a lot, madaming fans ko talagang nagulat talaga kasi sanay na sila sa aking mellow style” sabi ni Mikan. “I see, well at least good influence ako para sa iyo so happy na talaga ako” sabi ni Enan. “Sana ganon din ako sa iyo. Alam mo Enan don’t mind what other people say about you. Well kokonti nalang sila, if only you read the comments sa fan page ko. Madami din don tungol sa iyo at sa boses mo. Sana magbasa ka para lalo ka magkaroon ng confidence sa sarili mo” “On Monday I will really need you to be on top of your game. Di naman para sa akin pero para sa iyo din. Madami siguro nakapanood ng video mo nung pageant, madami siguro nakapanood nung duet natin sa bar, pero sa Lunes Enan ibang stage na yon. Mas madaming tao makakapanood sa iyo” “Oo kasama na don yung mga lumalait sa iyo so its your stage to make them shut up. At makikita narin nila yung new look mo which by the way you look so handsome” sabi ni Mikan kaya natawa ang binata. “You really think so?” tanong ni Enan. “Uhuhmm…kaya nga nung Friday night medyo off ako kasi nakakadistract new look mo” sabi ni Mikan. “Awww you are just trying to make me feel good” sabi ni Enan. “Hay naku Enan, I am being honest” sabi ni Mikan. “Well I had help from a friend actually. Alam mo yun siya ang isang nanlalait sa akin noon. As in ang sasakit ng lait niya pero nagbago siya at magkaibigan na kami” “I trusted her at siya may pakana nitong pagbabago ko ng itsura. So tama ba siya?” tanong ni Enan. “Oo tama siya, pero what made you trust her? I mean siya pala nanalait lait sa iyo noon so why did you trust her?” tanong ni Mikan. “E wala naman mawawala sa akin e. Pag niloloko niya ako, ano pa nga ba ikapapangit ko pa diba? Nasa max level na ako ng kapangitan e” sabi ni Enan. “Stop saying that, hindi maganda pakinggan. Pero she did a good job huh, you do really look good Enan..sabi ko nga sa iyo magbasa ka sa fan page ko para mabasa mo din reaction ng followers ko” sabi ni Mikan. “E sa totoo kasi pag uwi ko tulog ako agad e. Di kasi ako sanay sa puyatan sa totoo. Pero siguro itong Christmas break masasanay na ako. Oo nga pala uuwi ba parents mo this Christmas?” tanong ni Enan. “Hindi e, minalas kasi duty pareho papa at mama ko. Baka next year” sabi ni Mikan. “So pano na Christmas mo? Mag isa ka?” tanong ni Enan. “Sanay na ano, hanap lang ako ng gigs siguro or baka bisita sa bahay ng tita ko” sabi ni Mikan. “Mikaela do you remember the firs time nag live ka sa TV?” tanong ni Enan. “Oo naman bakit?” tanong ng dalaga. “Ikwento mo nga kasi kinakabahan parin ako e” sabi ng binata. “Well to be honest mas madali pa yon kasi kaharap mo lang camera. Oo naisip ko din na behind that camera e milyon milyon na tao na” “Kinabahan din talaga ako, pipiyok ba ako? Out of tune ba ako? Ano kaya itsura ko? Baduy ba suot ko? Basta madami ako iniisip that time. Pero sabi ko sa sarili ko para sa karir ko ito so I must give it my best” sabi ni Mikan. “I see, yun nalang iisipin ko na para sa iyo yon” sabi ni Enan. “Wag naman ganon Enan” sabi ni Mikan. “Basta ganon yon, kung hindi edi baka magpanic ako. Mas maganda ganon kasi sure ako ayaw ko din magkamali” sabi ng binata. “You always leave me speechless recently” sabi ng dalaga. “Pwede mo naman gamitin ngiti mo para makipag usap sa akin pag wala kang masabi” sabi ng binata kaya ngumiti si Mikan at binangga ang binata. “She might see you on TV, baka makita pa natin siya sa studio” biglang sabi ni Mikan. “Sino? Be specific kasi artistahin ako kaya madami ako talaga kilala don” sagot ni Enan. “Aysus, alam mo na sino tinutukoy ko” sabi ni Mikan. “I doubt that, yung guesting natin sobrang aga kaya hindi mangyayari yon” sabi ni Enan. “Pero deep inside dinadasal mo na sana magkita kayo?” tanong ni Mikan. “Uy alam mo may maganda ako nakitang earphones na katulad ng sa iyo. Tara kasi balak ko din bumili e” sabi ni Enan. “So you are not still ready to talk about it? Sorry for bringing it up” sabi ni Mikan. “Siguro gusto ko lang gawin private yon, the rest of me open book na” sabi ng binata. “Okay I will respect that, siguro pag ready ka na pag usapan then you can talk to me” sabi ni Mikan. “Alam mo mas maganda pag usapan nalang natin yung tungkol sa ating dalawa. Mikaela aamin ko kinakabahan parin ako so kailangan ata natin mag rehearse” sabi ni Enan. “Oh yun din sana sasabihin ko e. Kahit ako nakakaramdam din ako ng kaba no” sabi ng dalaga. “Pwede ba tayo magpractice sa bar?” tanong ni Enan. “Hindi e, if you want we can practice sa place ko. If you want lang that is” sabi ng dalaga. “Alam ko na, sa amin nalang para sakto mag dinner ka doon later. Lutong bahay ka naman for a change” sabi ni Enan. “Pwede naman sa place ko” pilit ni Mikan. “No no no, makinig ka sa akin. Tara libot na tayo, sasabihan ko na mama ko para magluto ng something special for you” sabi ng binata. “Okay…yung sandwich ulit sana” bulong ng dalaga. “Automatic yon meryenda natin mamaya. Tapos gagawa pa siya para iuuwi mo. Tara na libot tayo saglit tapos uwi tayo sa amin para mag practice” sabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD