Chapter 16: Enan Live

3139 Words
Nagising si Clarisse dahil nagriring ang kanyang cellphone. “Shan..ano ba? Its only five thirty in the morning” reklamo ng dalaga. “Sorry pero I just woke up too and saw a text from Enan. Manood daw tayo ng TV kasi mag guest siya” sabi ng binata. + “Sus naniwala ka naman don” sabi ng dalaga. “Wala ka ba natanggap na text?” tanong ni Shan. “Wait nga” sabi ng dalaga kaya tinignan niya phone niya at may sampung text message siyang nakita na mula kay Enan. “Wait lang…he sent me a lot” sabi ng dalaga kaya nagsimula siyang magbasa. “Clarisse! Anak! Gising! Si Enan nasa TV!” narinig niyang sigaw ng kanyang ina. “Oh my God! I think its real. Did you hear that?” sabi ng dalaga. “Dinig na dinig, sige sige baba ako manood ng TV” sabi ni Shan. Mala kidlat ang pagbaba ng hagdanan ni Clarisse, nadatnan niya ina niya na kinukulit ang kanyang asawa na irecord yung palabas. “Dalian mo na baka lumabas na sila” sabi ng matanda. “Ma si Enan talaga?” tanong ni Clarisse. “Will you two relax, the show just opened. Pinakita lang nila si Enan to let everyone know siya yung guest. Pero sa totoo mamaya pa yan lalabas. Technique yan para wag na kayo maglilipat ng channel. Di na ako magtataka pag sa huli pa sila lalabas” sabi ng ama niya. “Ay basta irecord mo na, malay mo maaga sila ipakita” sabat ng kanyang asawa. “Oh my God, I got a text from him pero tulog ako. Shan called me to ask…” sabi ng dalaga pero napatigil siya pagkat nagring phone niya. “Clarisse totoo ba tong text ni Enan?” tanong ni Greg. “Oo totoo, nakita na ng mama ko si Enan sa TV pero mamaya pa siya lalabas” sagot ng dalaga. “Sige sige irerecord ko yung show, bye” sabi ni Greg. Pagpatay ng tawag muling nagring phone ng dalaga. “Clarisse totoo ba tong text ni Enan?” tanong ni Tommy kaya natawa na ang dalaga. “Bakit ba ako tinatawagan niyo? Di ako manager ni Enan” reklamo ng dalaga. “E kayo yung close e, so totoo?” tanong ni Tommy. “Oo totoo, sabihan mo narin si Jason baka mamaya baka tawagan din ako” sabi ni Clarisse. Pagpatay ng tawag natawa ang dalaga, “Grabe ako lahat ang tatawagan nila” sabi niya. “E pano parang boyfriend mo siya tapos si Shan lang yung bestfriend e” sabi ng nanay niya. “Di naman, mag bestfriend lang kami ni Enan” sabi ni Clarisse. “O siya siya wag na kayo maingay at manonood na ako” sabi ng nanay niya. “Ma, luto ka muna habang wala pa” sabi ni Clarisse. “Ikaw yung gutom ikaw yung magluto. Timplahan mo narin ako ng kape” sagot ng nanay niya. “Ma naman, sige na naka record naman na e” lambing ng dalaga. “Masyado malayo yung kusina, mamaya na maaga pa naman e” sagot ng nanay niya kaya tawang tawa si Clarisse. “Ma ano itsura niya?” tanong ng dalaga. “Diyos ko gwapong gwapo, nagulat nga ako kasi parang hindi siya. Ayan o!” sigaw ng matanda kaya natili si Clarisse nang pinakita ulit sina Enan at Mikan sa screen. “Sabi ko naman sa inyo papatakamin lang kayo ng show na yan. Mamaya pa sila lalabas. Style nila yan para hindi na maglilipat ng channel” sabi ng ama ng dalaga. “Daddy ikaw nalang kaya magluto?” biro ni Clarisse kaya nagtawanan sila ng nanay niya. Sa dressing room muling nag antay sina Mikan at Enan, ang dalaga biglang natawa at inuga ang kanyang ulo. “Kanina ka pa natatawa ha” sabi ni Enan. “Kanina pagdating natin, nagulat ako nang salubungin tayo nung mga make up artist at staff ng wardrobe. Grabe kilala ka at todo alaga sila sa iyo” sabi ni Mikan. “Mikaela…sinabi ko naman sa iyo na artistahin ako. Normal lang yon sa buhay ng isang artista. Ganitong TV studio? Sus parang second home ko na mga ito no” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Yung totoo kasi” pacute ng dalaga. “Joke lang katropa sila ng kaibigan ko na nag ayos sa akin nung pageant. Baka natunugan niya paglabas ko sa TV kaya tinimbrehan na niya mga troops niya” sabi ng binata. “Naks, pakisabi sa kanila salamat din sa pag ayos sa akin” sabi ng dalaga. “Mamaya makikita pa naman natin sila e” sagot ng binata. “Grabe, ineexpect ko na ikaw yung kinakabahan pero kalmado ka habang ako yung kinakabahan” sabi ng dalaga. “Sanay na ako sa limelight Mikaela. This is nothing, inside the tummy of my mom, ganito narin don ano. Sabi ko sa iyo I was born for this stuff. Parang ako yung messiah ng showbiz” banat ni Enan kaya muling natawa ang dalaga. “Kinakabahan din ako pero I am trying to calm myself down. Ayaw ko magkalat, alam ko kailangan mo kasi ito” sabi ni Enan. “Aww…youre so sweet” sabi ng dalaga. “Sweet? Tignan mo nga ako, pinagmukha nanaman nila akong callboy” sabi ng binata kaya napahalakhak ang dalaga. “Bagay mo actually, para kang siga na…macho…that tight hugging polo with it opened a bit to expose your chest is…sexy” sabi ng dalaga kaya natawa si Enan. “Sexy ka dyan, sino naman ang maattract? Mga anito at engkanto? Mga wood carving na babae?” tanong ni Enan. “Grabe ka, well honestly its appealing to me…being honest” sabi ni Mikan. “Oh really? E di good para naman maganda backdraft mo habang kumakanta ka. At least hindi yung parang wood carving lang katabi mo” sabi ni Enan. “Enan and Mikam, come to the set, another teaser shot” sabi ng isang PA. “Lets go, panay teaser shot nalang. Baka naman mamaya hanggang pagsara ng show teaser shot nalang” reklamo ni Enan. “Hindi naman po, sa gitna kayo tapos ayo din magsasara ng show” sabi ng PA. “Two times?” tanong ni Mikan. “Yes, maganda yung feedback sa social networks so to keep the viewers in our show medyo papatagalin talaga paglabas niyo” sagot ng PA. Samantala sa condo unit ni Cristine abala si Jelly sa paghahanda ng almusal. “Hoy bakla mamaya ka na nga tumawag at busy pa ako sa pagluto ng almusal. Baka mamaya magising na yung amo kong saksakan ng taray” sabi ni Jelly. “Hoy babae, tumawag ako kasi si Enan nasa TV” sabi ng kaibigan niya. “Tumigil ka nga” sagot ni Jelly. “Isindi mo yung TV dalian mo at sila na ata susunod” sabi ng kaibigan niya. Kinuha ni Jelly yung remote sabay sinindi yung TV. Bumalik siya sa kusina sabay humigop sa tasa ng kape niya. Nanlaki ang mga mata ni Jelly, nabitawan niya yung tasa sabay bigla siyang natili ng sobrang lakas. Sa loob ng kwarto nagising si Cristine, napamura siya ng malakas sabay sumugod siya palabas ng kwarto. “Demet! Bakit ka nag iingay ng sobrang aga?! Ano ka ba Jelly?!” sigaw niya. Si Jelly hindi makagalaw, dahan dahan niya lang tinuro yung TV kaya lumapit si Cristine at sumilip. Tila tumigil mundo niya nang makita niya ang binata sa screen, t***k ng puso niya biglang nagloko kaya dahan dahan siya naupo sa sofa. “Enan” bulong niya. “Two miliion hits, inasahan niyo bang aabot sa ganon kadami?” tanong ng host. “Actually we did not even know someone was taking a video of us” sagot ni Mikan. “How about you, Enan? Tama ba?” tanong ng host. Nakafocus ang mukha ni Enan sa screen, dahan dahan siyang napangiti na palandi. “Enan wag! Wag kang magkakalat!” sigaw ni Clarisse. Samantala sa condo, “Sige sige sabihin mo yung linya mo…sige sige” sabi ni Jelly kaya si Cristine lalong napangiti at pinaghahaplos ang kanyang mga hita. “Say it” bulong niya. “Mawalang galang na po pero…Expected na yon, ganyan talaga ang artistahin” banat ni Enan sabay inayos ang suot niyang shades. Nagsigawan at nagtitili sina Clarisse at nanay niya, si Greg naman parang bading na nagtitili din habang si Jelly humalakhak ng malakas. Si Cristine kinuha yung unan sabay niyakap ng mahigpit, matapos ang matagal na panahon ngayon nalang siyang napangiti at napasaya ng husto. “Aba, confident ata si Enan” sabi ng host. “Kaya nga e, so wag na natin patagalin pa, gusto na ata ng mga viewers panoorin ang pasampol niyo” sabi nung isa. Inalis ni Enan shades niya sabay tinapon palayo, inagaw niya yung mic ng host kaya nagpigil ng tawa si Mikan. Nagsimulang tumunog yung minus one, si Enan nagsimulang bumirit kaya lahat tinayuan ng balahibo. Lalong niyakap ni Cristine yung unan, nakatitig si Enan sa screen mismo kaya pakiramdam ng dalaga na siya mismo ang tinitignan ng binata. Mas mahusay ang pagkanta nila ngayon at lalong nagustuhan ng mga tao ang ganda ng pagsama ng kanilang mga boses. Labis na humanga ang lahat nung tila nagpaligsahan na sila sa pagtaas ng pagbirit at nung matapos ang kanta nabigyan sila ng standing ovation ng lahat ng host ng morning show. Nang matapos yung show dahan dahan tumayo si Cristine, “Jelly” bigkas niya. “Yes Cristine” sagot ng bading. “Pakitawagan si Arlene, sabihin mo sa kanya icontact kakilala niya sa network at kunan ako ng kopya nung show” sabi ng dalaga. “Of course” sagot ni Jelly. “Salamat” sabi ni Cristine na parang robot na yakap yung unan na bumalik sa kanyang kwarto. Agad tinawagan ni Jelly si Arlene, “Oh my God, did you watch?” tanong agad ni Arlene. “Oo, pati siya nanood. First time after a very long time…ngumiti siya at ang lumanay ng kanyang boses kanina” sumbong ni Jelly. “Let me guess, she wants a copy of the show” sabi ni Arlene. “Korak, ngumiti siya tapos ang bait niya parang anghel” sabi ni Jelly kaya nagtawanan sila. “Pero iba na itsura ni Enan” sabi ni Arlene. “Kaya nga e, ang gwapo niya kanina in fairness. Di naman gwapo na gwapo pero gwapo siya kanina” sabi ni Jelly. “Umayos ka ha, baka marinig ka niya at awayin ka” sabi ni Arlene kaya lalo sila nagtawanan. Sa loob ng dressing room nagsasaya sina Enan at Mikan. “How did we do?” tanong ng binata. “I don’t know, ano sa tingin mo?” tanong ng dalaga. “Ewan ko din, check mo page mo. Oh my God, I cant believe I just did that” sabi ni Enan. May kumatok sa pintuan, binuksan ni Enan ito at isang PA ang ngumiti sa kanya. “Hi, I am from the another show. May appointments or commitments pa ba kayo today?” tanong ng dalaga. “Wala naman” sagot ni Mikan. “Great, would you like to guest at our show at nine? Sa ANC siya” sabi ng dalaga. “Enan” bigkas ni Mikan kaya nagtitigan sila. “E nandito na e di sige” sagot ng binata. “Nice, give me five minutes tapos sunduin ko kayo tapos lipat tayo sa kabilang studio” sabi ng PA. Pagsara ng pintuan biglang nagring phone ni Mikan. Sinagot ng dalaga at sinet sa speaker phone pagkat si Bobby ang tumawag. “Ang galing niyo and thank you so much for promoting my bar” sabi niya. “Syempre naman boss” sabi ni Enan. “Sir, may isa pa kaming live guesting at nine sa ANC” sabi ni Mikan. “Oh talaga? Sige manonood kami, good job you two and thank you again sa pagpromote ng bar” sabi ni Bobby. “Alam mo Mikalea ito yung kinakatakutan ko e, sabi ko na paglabas ko sa big screen e di na ako tatantanan. Feeling ko hindi na nga tayo makakauwi nito e. Pagkatapos ng next guesting baka kunin narin tayo sa noon time show. Baka nga kunin pa tayo sa new show ng hapon at tayo pa siguro guest ulit sa Bandila” banat ni Enan. “Sayang, sana nauna yung album para maipromote ng husto” sabi ni Mikan. “Okay lang yan, at least aabangan nila album mo. Are you okay? Tell me if you are not para bigyan kita ng tips. Ako kasi sanay na ako sa ganitong buhay” hirit ng binata kaya nagtawanan sila. “Dati naranasan ko na ito pero alam mo mas masaya ako ngayon. Dati kasi nag iisa ako sa dressing room. Ngayon mas masaya na nandito ka parang mas enjoy ko” sabi ni Mikan. “E ganon naman talaga diba? Kahit saksakan ka ng saya kung wala ka naman karamay parang useless kasi ikaw lang nakakaranas non” “Masaya ako para sa iyo, sana magtuloy tuloy na karir mo after mo this” sabi ni Enan. “O bakit ako lang? Dapat kasama ka” sabi ng dalaga. “Part time lang ako no, ikaw full time per if you need me syempre isang tawag mo lang dadating naman ako. You know to show you the ropes of fame” “Alam mo madali lang naman e, basta wag mo ilagay sa ulo mo. Ito ang iniiwasan ko talaga kasi, ayaw ko sapawan yung ibang mga artista. Pero mapilit sila so sorry nalang talaga sa malalaos na artista bigla dahil sa muling paglabas ko” sabi ni Enan. Napatawa si Mikan pero bigla niyang niyakap ng mahigpit ang binata. “Oh ano to?” tanong ni Enan. “Wala. Thank you lang ito. This is not possible kung hindi kita nakilala” sabi ng dalaga. “You are welcome, ang lambot lambot pala ng katawan mo, pero lahat ata ng babae malambot ang katawan” sabi ni Enan. “Madami ka na siguro nayakap” sabi ni Mikan. “Hmmm ikaw palang ang third” sabi ni Enan. “Oh so before Cristine nagkaroon ka pa ng isang ex?” tanong ni Mikan. “Oh no, si Clarisse yung isa. Pero let us get the facts straight ha, sobrang daming ex” “From all over the world at yung iba nga di ko pa alam na naging kami e. Naging ex ko na sila agad. Ginagawa nila akong boyfriend without me knowing about it. Of course flattered ako pero at least naman I should know diba?” landi ng binata kaya napahalakhak ng husto si Mikan. Biglang bumukas yung pintuan, natulala si Enan pagkat sumilip si Joanna. “Hi Enan” bati ng magandang dalaga kaya si Mikan medyo umatras. Pumasok si Joanna at biglang niyakap si Enan sabay hinalikan sa pisngi. “Uy Joanna, long time no see” sabi ni Enan. “Kababalik ko lang galing Korea, I got lucky to star in a teleserye there” sabi ng dalaga. “Wow international star na ha, ay teka. Joanna eto pala si Mikan. Mikan this is Joanna” pakilala ng binata. “Uy ang galing niyo pala kanina ha. Minsan pasyal ako sa bar para panoorin kayo. Sige na pala at may shoot pa ako. Hey Enan call you later” sabi ni Joanna sabay muling hinalikan ang binata sa pisngi. Pagsara ng pintuan kinurot ni Mikan si Enan sa tagiliran. “Grabe artista yon ha” sabi niya. “Well..what can I say? Sabi ko naman sa iyo once nalaman nila nandito ako e magdadagsaan sila” landi ng binata. “Grabe star struck ako…ang ganda ni Joanna in personal” sabi ni Mikan. “Sauce, halos magka level lang kayo ng ganda non. Actually I find you prettier nga e” sabi ng binata kaya tumalikod ang dalaga sabay kinilig. “Parang close kayo non ha” sabi ni Mikan. “Yep, pero di naman yung super close. Kaibigan ko yon” sabi ni Enan. “I see. I can tell that she likes you” sabi ni Mikan. “Everybody likes me, that is a fact” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Seryoso, she really likes you. Kitang kita sa mga mata niya” sabi ni Mikan. “Ewan ko don, kaibigan ko lang yon” sabi ni Enan. “Alam mo you should start dating again, start with her” sabi ni Mikan kaya biglang natawa ng malakas si Enan. “Ayoko, to tell you honestly she asked me out on a date pero di ko siya sinipot” sabi ng binata. “Ows? Bakit naman?” tanong ni Mikan. “E..mabait siya, maganda, pero walang spark e” sabi ni Enan. “Syempre pano mo malalaman pag wala talaga if you don’t go on a date with her? Sana di mo siya inindyan” sabi ni Mikan. “Ewan ko lang, pero wala talaga e. Sinasabi ko na habang maaga pa…although mabait talaga siya sa akin. You really think I should?” tanong ni Enan. “Yeah, why not?” sagot ng dalaga. “Hmmm saka na, busy pa ako” sabi ni Enan. “Busy naman saan?” tanong ni Mikan. “Syempre sa iyo. You still need me so I am all yours hanggang majump start yung career mo” sabi ni Enan. “Enan, isipin mo din kaya sarili mo” sabi ng dalaga. “Iniisip ko naman sarili ko no. At masaya naman ako na kasama ka. Walang biro yon ha, totoo masaya ako pag kasama kita no. Its like you bring out stuff in me that I could not bring out before” sabi ni Enan. “Ditto” bulong ng dalaga. “Hmmm maybe after this we can go out for lunch?” tanong ng dalaga. “Wag mo nga babasahin utak ko, I was supposed to ask you out to lunch later” sabi ni Enan. “Ah talaga?” tanong ng dalaga. “Oo kasi alam ko hindi ka nag almusal. Ilang beses ko na narinig pagsaklolo ng mga bulate mo” sabi ni Enan kaya natawa ng husto ang dalaga. “Second date huh” pacute ni Mikan. “Second lang ba? Nag dinner date tayo sa amin…ay teka midnight snack not counted..so yeah second date” sabi ni Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD