Chapter 25: Crooner

3156 Words
“Enan gig mo yan, wag mo na ako isama. You can do it” lambing ni Mikan. “Pero kailangan kita don, kaya lang naman ako pumayag kasi pumayag siya na kasama ka e” sabi ni Enan. “Alam mo I am so proud of you na may opportunity ka na ganyan. Mas maganda na yan kesa na kunin ka na kumanta sa lamay” sabi ni Mikan. Natawa si Enan sabay inuga ang kanyang ulo. “Katrina and I were joking about that” sabi ng binata. “So kumusta na pala kayo?” tanong ni Mikan. “Di ko alam e, nagaroon ng exchange of I like you. Ano ba ibig sabihin non?” tanong ni Enan. “E di kayo na” sagot ng dalaga. “Kami na agad? Alam ko hindi pa” sabi ni Enan. “Nagbibiro ka naman ata e, you should know that since nagkaroon ka na ng girlfriend noon” sabi ni Mikan at napansin niya yung biglang pagtamlay ng mukha ng binata. “Enan..did I say something wrong?” kabig niya agad. “Wala naman, hayaan mo na. Wag na natin pag usapan” sagot ng binata. “Hey, you can open up to me” lambing ng dalaga. “Mikaela kung di ka sasama pwede ba turuan mo nalang ako? Kasi binigyan ako ni sir Robert, take note not my dad ha. Magkapangalan lang sila” sabi ng binata. “Let me see the list” sabi ng dalaga. “Most of them are old songs” sabi ni Mikan. “Yeah, I started practicing pero kailangan ko ng tips on how to perform. Ang laki ng ibabayad niya sa akin kaya ayaw ko mapahiya. Don’t worry pag nabayaran ako ililibre kita kahit saan” sabi ng binata. “Most of the songs are serenades, ang sweet naman ng sir Robert na yan. Thirty years na sila pero itong mga kanta parang nililigawan parin niya asawa niya” sabi ni Mikan. “Patay na lahat ng mga kumanta niyan” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Sperm palang ako nung nauso mga yan” hirit niya kaya laugh trip silang dalawa. “Hay Enan, sige nga kantahin mo nga sa harapan ko. Imagine ka na live performance na tapos papanoorin kita…no kunan kita video para pwede natin pag usapan mamaya yung mga kailangan mong ayusin sa performance mo” sabi ng dalaga. “O sige nga, uy sorry kung sinisira ko yung day off mo ha” sabi ng binata. “Sumaya nga e, wait lang kunin ko yung camera” sabi ni Mikan. “Sige set up mo at iluluto ko tong sandwich” sabi ni Enan. “Yung katulad ng ginawa ng mom mo?” tanong ni Mikan. “Yup, dumaan talaga ako sa grocery kanina kasi alam ko naman favorite mo yon e. Sige take your time at special sandwich for a special someone ang gagawin ko” sabi ni Enan kaya labis na napangiti ang dalaga. Kinabukasan ng bandang alas sais nagulat sina Rosa at Robert nang may dumating na magarang kotse sa tapat ng bahay nila. Isang driver na may dalang suit ang lumapit sabay kumatok kaya agad nila binuksan yung pintuan. “Good morning po, gising na ba si sir Enan?” tanong ng lalake. “Kuya ano yan?” tanong ni Enan na biglang sumulpot. “Ito daw isuot mo sabi ni sir” sagot ng driver. “O sige, pasok ka muna at magkape, magbibihis lang ako” sabi ni Enan. Ilang minuto lumipas bumaba si Enan at napangiti ang kanyang mga magulang. “So how I do I look?” tanong ni Enan sabay nirampa ang suot niyang tuxedo. “Anak you look stunning” sabi ni Rosa. “I feel so rich…oh no..i feel like James Bond…shaken and not stirred with s**o please” banat ng binata kaya natawa ang kanyang tatay. Isang oras lumipas nakarating na sila sa isang pribadong subdibisyon. Pagbaba ni Enan nalula siya sa dami ng magagarang kotse na nakaprada sa buong paligid. “Dito po tayo sir” sabi ng driver. “Enan lang kuya, pero grabe ang yayaman siguro ng mga bisita ano?” tanong ng binata. “Mga bigatin mga yan, may mga heneral, senador, congressman, mayor, at mga businessman” bulong ng driver. “Wow, ano po ba trabaho ni sir Robert?” tanong ni Enan. “Madami silang pag mamamay ari na lupain, resort, building at basta madami” sagot ng driver. “Karamihan ng nandito mga sipsip, gusto lang ng suporta niya para sa election” dagdag ng driver kaya natawa si Enan. “Ikaw kuya ha, showbiz ka. Kinakabahan tuloy ako, baka pag di maganda pagkanta ko e baka barilin ako bigla” sabi ni Enan. “Teka pala, sir baka pwede maki selfie sa inyo. Para sa anak ko na fan mo” sabi ng driver kaya nagualat si Enan. “Fan ko? E di naman ako sikat kuya e” sabi ng binata. “Ikaw talaga, basta sinusundan niya kayo ni miss Mikan lagi. Kumakanta nga rin siya” sabi ng driver. “E di sana sinama niyo kuya” sabi ni Enan. “Nandon kasi sa isang resort, part time job na bigay ni sir. Nakwento ko na ikaw yung kakanta e gusto niya umuwi dito pero sabi ko nakakahiya naman kay sir kasi pinag aaral na nga siya tapos binibigyan pa siya ng extra income” paliwanag ng matanda. “Wow pinag aaral?” tanong ni Enan. “Oo sa Ateneo” sabi ng driver kaya napalunok sa gulat si Enan. “Kuya baka pwede magpaampon sa inyo, sabihin niyo din anak niyo ako baka pag aralin din ako ni sir Robert sa Ateneo ng masters degree ko” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. Sa malaking hardin sumalang si Enan sa isang corner podium na ginawa para talaga sa kanya. Nagsimula na siyang kumanta para mga bisita at lahat sila namangha sa kanyang magandang boses. Si Robert natuwa pagkat kitang kita niya na masaya ang kanyang mga bisita, paglingon niya may dumating na bagong bisita kaya agad niya ito sinalubong. “Senator I am glad you could make it” sabi ni Robert sabay nakipagkamayan sa isang matanda. “Ang ganda ng boses ng nakuha mong singer. Sino siya?” tanong ng senador. “Enan” bigkas ni Katrina sabay hila kay Lea. “Oh your daughter knows him” sabi ni Robert. “You know him?” tanong ni Edwardo pero di sumagot anak niya pagkat abala itong nakasandal sa pinsan niya at kinikilig. “Come let me guide you to your table” sabi ni Robert. Pagkaupo nila nakita na ni Enan si Katrina kaya nginitian niya ito. Nag ayos na si Robert pagkat sinensyasan na siya ng kanyang staff. Tinignan ni Robert si Enan sabay sumenyas kaya ang binata uminon ng tubig sabay hinanda ang sarili sa susunod na kanta. Nagpakita na sa malayo ang asawa ni Robert, “Be my lady…come to me and take my hand and be my lady” birit ni Enan sa sobrang gandang boses. Si Robert naglakad na dahan dahan na may hawak na isang rosas para salubing ang kanyang asawa. Gumanda sobra yung eksena dahil sa magandang boses ni Enan, sina Lea at Katrina walang tigil na kinikilig kaya panay ang tingin ni Edward kay Enan sa podium. “Lea how does your cousin know that guy?” bulong ni Edward. “Tito they are dating” sabi ni Lea kaya kumunot ang noo ng matanda. Sa sumunod na kanta sumayaw ng slow dance yung mag asawa. Si Katrina titig lang kay Enan kaya ang kanyang ama hindi na mapakali. Isa pang kanta at madaming bisita ang nakisayaw na sa gitna, si Robert tinignan si Enan sabay binigyan ng thumb up sign kaya natuwa ang binata. Nung nagsimula yung kainan napalingon si Katrina at hinahanap si Enan. Tumayo ang dalaga sabay nilapitan si Robert, “Tito nasan si Enan?” tanong niya. “Oh nagpapahinga lang saglit iha, kasi kakanta ulit siya habang kumakain” sabi ng matanda. Nagsimangot si Katrina sabay bumalik sa kanyang upuan. “How come I didn’t know you are already dating?” tanong ni Edward. “Daddy I am not a child anymore, and yes I am dating Enan. He is a good guy” sagot ng dalaga. “Since when?” tanong ni Edward. “Lately” sagot ng dalaga. Di na umimik si Edward pagkat sumalang ulit sa podium si Enan para kumanta. Ang mag asawa napadpad sa table nila para makipaglitrato pero bago nangyari yon may isang matanda lumapit. “Robert sino yang kumakanta? I want to get him for the debut of my daughter” sabi niya. “That is Enan, I will introduce you to him later” sabi ni Robert. “Good find, saan mo siya natagpuan?” tanong nung matanda. “Me and my wife went gallivanting like the old days, nahanap namin siya sa isang bar” sabi ni Robert kaya napatingin si Edward sa kanyang anak. Pagkatapos ng tatlong kanta bumaba sa podium si Enan at agad siya pinuntahan ni Katrina. “Hi” pacute ng dalaga. “Wow you look so beautiful” sabi ni Enan. “Grabe you look so stunning” sagot ng dalaga. “Salamat, pero pahiram lang ito ni sir Robert” sabi ng binata. “You didn’t tell me ikaw pala yung kakanta dito” sabi ng dalaga. “E biglaan lang ito at di ko pa nga halos kilala si sir Robert e. Akala ko dati nagbibiro lang siya” bulong ng binata. “Katrina lets go” sabi ni Edward na biglang sumulpot. “Daddy? Aalis na tayo…oh Daddy eto pala si…” sabi ng dalaga. “Lets go Katrina, now” sabi ng matanda sa pagalit na boses. “Daddy I want to stay” sabi ng dalaga. “Stay? No, lets go home now Katrina. Don’t make me drag you to the car. I don’t want you to be seeing this person anymore” sabi ni Edward bigla. “Daddy bakit ka ganyan?” tanong ng dalaga. “Anong bakit ako ganito? There are other guys better for you anak. I will not let you see a guy like this who works in a bar” sabi ng matanda. “Tito its not what you think” sabi ni Lea. “Ikaw konsitindor ka pa, I told you to look out for your cousin tapos hahayaan mo siyang makipagkita sa ganito?” sabi ng matanda kaya labis na nasaktan si Katrina at Enan. “Daddy listen to me” sabi ni Katrina. “No, and you whoever you are. You stay away from my daughter. Do you understand?” tanong ni Edward sabay duro sa dibdib ni Enan. Lumapit na si Robert, “Teka lang Edward, you don’t have the right to do that” sabi niya. “I am sorry Robert but we have to go. Happy Anniversary” sabi ni Edward. “I want to stay” sabi ni Katrina. “Katrina!” sigaw ni Edward. “Sige lang Katrina..its okay” sabi ni Enan. “No its not okay, daddy will you listen to me first” sabi ng dalaga. “Do not be hard headed. Will you look at him. You can do better Katrina. Let us go now, kung ayaw mo tawagin ko yung mga guard at kaladkarin kang palabas dito” banta ng matanda. “Sige na Katrina” sabi ni Enan kaya tumalikod ang luhaan na dalaga sabay tumakbong palayo. Tinitigan ni Edward ng masama si Enan, duduruin ulit sana siya ng matanda pero sinuway siya ni Robert. “Umalis ka na dito. He is my guest, Edward…forget we know each other already” sabi ni Robert. “Wait, I am just looking out for my daughter” sabi ni Edward. “So you say. You don’t know this young man and you are quick to judge. Goodbye Edward, leave immediately” sabi ni Robert kaya napalunok ang senador at dahan dahan tumalikod. Tumalikod din si Enan, hinaplos ni Robert likod niya kaya agad naluha ang binata. “I am so sorry” bulong ng matanda kaya niyuko ni Enan ulo niya at lalo siyang naiyak. Naglakad yung dalawa palayo, “I am really sorry, I didn’t expect that to happen” sabi ng matanda. “Hindi niyo po kasalanan” sagot ng binata. “Enan sorry talaga iho. Come inside sige na sumama ka sa akin” sabi ni Robert. “Hindi po, bigyan niyo lang po ako ng ilang minuto at itutuloy ko po yung pagkanta” sabi ng binata. “Iho wag na, sige na tara na sa loob” sabi ng matanda. “Hindi po, kaya ko po magtuloy. Bigyan niyo lang po ako ng ilang minuto, pahupain ko lang konti yung sakit. Kaya ko po magtuloy, kailangan ko po maging professional, yun ang turo sa akin kasi artistahin ako…the show must go on” bulong ng binata. “Iho listen, wag na. Okay na iho” sabi ni Robert. “Hindi po, anniversary niyo poi to. Kailangan po masaya, wag kayo mag alala kaya ko magtuloy. Two minutes po…hayaan niyo po ako mag isa saglit” sabi ni Enan. “Hindi ko alam ano sasabihin ko iho, but if you decide not to continue it will be okay. I have to attend to my guests, pero iho kung gusto mo pumasok sa bahay pumasok ka lang” sabi ni Robert. “Sige po..” bulong ng binata. Pagsapit ng gabi nakaupo sa stage si Mikan at hawak ang kanyang gitara. “Good evening, solo ako ngayon kasi wala partner ko. May event siyang dinaluhan. It feels so odd…nasanay na ako na meron siya sa tabi ko…anyway let me start off with something slow…” sabi ni Mikan. “Ang disyembre ko ay malungot…pagkat miss kita. Ano man pilit kong magsaya, miss kita o giliw” birit ng dalaga. Sa isang sulok ng bar naluha si Enan. Hinawakan niya yung bote ng beer sabay niyuko lalo ang kanyang ulo. “Pasko’y sasapit, di ko mapigil ang mangulila” kanta ni Mikan. Naantig ang crowd sa ganda ng boses niya ngunit di niya alam sa isang sulok ng bar labis na tumama yung kanta sa dibdib ng malungkot niyang kaibigan. Huling kanta sa first set niya nang mapansin niya si Enan. Natuwa ang dalaga pero agad din siya nalungkot nang mapansin na lumuluha ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng kanta niya nagmadali siya bumaba ng stage at pinuntahan si Enan. “Enan ano nangyari?” tanong ni Mikan sabay haplos sa likod ng binata. Si Enan niyuko ulo niya sabay sumandal sa dalaga at humagolgol kaya agad siya niyakap ng dalaga. “Oh my God, Enan ano nangyari?” bulong niya pero di sumasagot ang binata. Ayaw magsalita ni Enan, nilayo ni Mikan yung bote ng beer at inaalok ang binata na magtungo sa dressing room. Ayaw sumama ni Enan kaya nanatili ang dalaga at sinamahan nalang ito. Ilang minuto ang lumipas tinignan niya si Enan, “Hey I need to do my second set, stay here okay? Mag uusap tayo mamaya. Dito ka lang ha” lambing ng dalaga. Pagkasalang ni Mikan sa stage agad niya tinignan yung lamesa ni Enan pero ang binata wala na doon. Pilit niya hinanap yung binata, gusto niya lumabas para hanapin ito pero nag aabang na yung mga tao para kumanta siya. Samantala loob ng mansyon pumasok si Edward sa kwarto ng kanyang bunsong anak. “Come to dinner” sabi niya. “I would rather starve to death” sagot ni Katrina na namamaga na sobra mga mata niya sa kaiiyak. “Anak, I am just looking out for you” sabi ng matanda. “Tao ako daddy. Katrina this course is better, yes daddy. Katrina this sport is better for you, yes daddy. Katrina mas maganda dito tayo magbakasyon, yes daddy. Katrina this, Katrina that, yes daddy, yes daddy, yes daddy!” sigaw ng dalaga sabay humagolgol. “Anak wag kang ganyan, I just want the best for you” sabi ni Edward. “The best for me…or the best for you?” “How would you know what is the best for me if you are not me? You may be a good politican daddy but you are not a good dad. Kung yung mga pinagsisilbihan mo napapasaya mo pero mismo mong anak hindi. Kung ano gusto mo yung lagi masusunod, buti pa yung mga bumuboto sa iyo sinusunod mo gusto nila” “I am not hungry, maybe I am. I don’t know. What do you think daddy? Baka kailangan mo na pareformat tong utak ko, baka kailangan palitan ibang pyesa sa katawan ko…robot kasi ako daddy e. If you want me to keep saying yes daddy then get a good programmer to reboot me” sabi ni Katrina. Di nakaimik si Edward kaya lumabas siya ng kwarto. Nakasalubong niya si Lea pero ang dalaga agad umiwas. “Lea, bakit mo kinunsiti ang pinsan mo?” tanong niya kaya tumigil ang dalaga. “Kasi tao siya tito at mahal ko siya. I wanted her to be happy. If you want to send me away I will pack my things now. I am not hungry too tito. Si Katrina nalang ang naiwan sa inyo tito, don’t drive her away like kuya Mark and ate Claire..and tita Pauline. Alam ko wala ako karapatan magsalita ng ganito pero tito I would not be surprised if Katrina decided to go stay live with tita” sabi ni Lea. Napahaplos sa noo si Edward sabay bumaba ng hagdanan dahan dahan. Kinuha niya telepono niya sabay may tinawagan. “Hello anak, I need your help. Can you drop by and check on your sister” sabi ni Edward. “What did you again dad?” tanong ni Claire. “I made a big mistake anak. A really big mistake” sabi ni Edward. “Again? What is it this time?” tanong ni Claire. “Will you just come and check on her. I feel that she will not talk to me anymore” sabi ni Edward. “Oh my God daddy, sige I will be there in two days” sabi ni Claire. “Thank you, kung pwede ka dumating bukas anak much better” sabi ng matanda Author’s Notes: At biglang natuwa ang Team Cristine hahahaha. Next chapter, sino ba talaga si Katrina? So next chapter we get to know Katrina’s past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD