Chapter 24: First Date

3234 Words
“Among all the places sa club house pa” sabi ni Lea. “Well I want people to see who I am dating. The friends of dad will see him, they will tell dad and hopefully it will be easier for him to accept that I am already dating someone” paliwanag ni Katrina. “Why don’t you just tell him directly?” tanong ni Lea. “As if naman papayag siya, at least pag ganito na meron na sana pumayag na siya” sagot ng pinsan niya. “Hay naku ewan ko sa iyo, pero cuz bad impression ka agad kasi we are already one hour late” sabi ni Lea. Pagdating nila sa main building nakita na nila si Enan na tumatawa kasama ang kaibigan niya. “Eeeeh, how do you I look? Do I look pretty?” tanong ni Katrina. “Yup, sige na baba ka na at nakakahiya at kanina pa sila nag aantay” sabi ni Lea. Bumaba yung dalawang dalaga, lumapit si Enan at agad sila nagngitian ni Katrina. “Hi, you look so demonically pretty” sabi ng binata kaya napataas ang kilay ng mga dalaga. “Demonically?” tanong ni Katrina. “Sorry, lost for words…nakapula ka kasi pero bottom line is you look pretty” sabi ni Enan kaya napangiti si Katrina at nahaplos braso ng binata. “Oh Enan this is my cousin Katrina pala” sabi ni Katrina kaya natawa si Lea. “Ikaw si Katrina, ako si Lea” sabi niya. Napahaplos sa mukha ni Katrina sa hiya, si Enan inabot kamay niya kay Lea at nagkamayan sila. “Enan” sabi niya. “I have heard so much about you everyday” sabi ni Lea. “Uy ang gaga mo” sabi ni Katrina. “Siya nga pala, my friend Greg” sabi ni Enan kaya nagkamayan naman sila ni Katrina. “Uy Gori” sabi ni Lea kaya nagulat si Enan. “Gori?” tanong ni Katrina. “Yeah he reminds me of the anime character sa Slam Dunk kasi” sabi ni Lea. “Okay lang, Gori din tawag ni Enan sa akin” sabi ni Greg. “Oh so he watched Anime too like me” landi ni Lea kaya nagsimangot si Katrina. “Tara Gori, dito yung basketball courts” sabi ni Lea kaya hinila niya si Greg at lumayo sila. “Sorry kung nag antay kayo ha, ang tagal kasi niya magbihis. Imagine one hour siya nagpalit palit ng damit” bulong ni Lea. “Okay lang, ganon din si Enan kanina” sabi ni Greg. “Wow ha, pero too early to say” sabi ni Lea. “So..this is the club house, madami pwede puntahan dito” sabi ni Katrina. “Ang laki ng lugar nga e, medyo naiignorante pa ako” sabi ni Enan. “Hmmm so where do you want to go? You want to play mini Golf?” tanong ni Katrina. “Kahit san basta kasama kita okay na” sagot ng binata kaya binangga siya ng dalaga. “Syempre wala ako alam dito no, ang laki ng lugar kaya didikit nalang ako sa iyo kasi mas alam mo dito” paliwanag ng binata. “Aahhh…sorry pala late kami ha si Lea kasi ang tagal kumilos e” palusot ni Katrina. “Its okay, I actually like it here” sabi ni Enan. “Come on let me give me you a tour” pacute ni Katrina kaya nagsimula na silang maglakad. “Dito yung kainan, mamaya kain tayo dito” sabi ng dalaga pero nagulat siya nang may kumaway kay Enan. “You know them?” tanong ni Katrina. “Nope, pero kumaway kaya its rude if I don’t kaway back” sagot ni Enan. Di pa sila nakakalayo e may kumaway ulit sa binata kaya si Katrina dumikit na at napahawak konti sa braso ng binata. Nagkatitigan sila, “Aah..habit with my cuz” palusot ni Katrina. “Oh..okay lang kasi ganyan din si Greg sa akin” biro ni Enan kaya napahalakhak si Katrina. Mga daliri ng dalaga kumapit sa braso ng binata, pasimple siya lumingon sabay inirapan yung mga babaeng kumaway kay Enan kanina. “Tapos dito naman is the coffee area, parang tambayan ng mga walang magawa” biro ni Katrina. “Ang liliit naman ng tasa nila dito, isang lunok lang yan e. Pero tignan mo matagal nila iniinom kasi siguro ang mahal ng kape na yan ano? Siguro isang libo isang tasa kaya kahit gano kakonti ng laman pinapatagal nila ng isang oras” biro ni Enan kaya muling natawa si Katrina pero sumimple ang kamay niya na kumapit na talaga sa braso ng binata. Pansamantalang nanigas si Enan pagkat bigla niyang naalala si Cristine. Kinailangan niya tignan si Katrina kaya ang dalaga tila natunaw at hindi makagalaw. “Enan bakit?” tanong niya. “Wala naman” sagot ng binata kaya pagtingin ni Enan sa harap e halos matunaw na talaga ang dalaga. “Oh they make a really good choco shake here, tara dito muna tayo” alok ng dalaga. Pagkaupo nila may waiter agad na lumapit, “Kuya two choco shakes…hmmm at cheesecake yung special ha” pacute ni Katrina. “Yes miss Katrina” sagot ng waiter kaya nabilib si Enan. “They know you” sabi ni Enan. “Well lagi kasi kami dito ng pinsan ko, I often swim here” sabi ng dalaga. “You really remind me of someone” sabi ni Enan. “Yung favorite anime character mo?” tanong ni Katrina. “Yeah something like that, pero I really like your hair, iilan lang ang may kaya magsuot ng pulang buhok na ganyan” sabi ni Enan. “Actually ginawa ko ito just to piss off my dad, long story” sabi ng dalaga. “He is really gonna get pissed off kasi bagay mo…sorry pala sumilip ako sa f*******: mo, mas maganda ka with red hair compared sa black hair” sabi ng binata. “Really?” tanong ni Katrina. “As proof I cant stop looking at you nga e, pero syempre nagpipigil din ako baka iba na maisip mo” sabi ni Enan kaya kinilig ang dalaga at nakurot kamay nito. “Bolero ka talaga” pacute niya. “Uy may nalaman pala ako tungol sa iyo” sabi ni Katrina. “Good or bad?” tanong ni Enan. “Basta may nalaman ako tungkol sa iyo” sabi ng dalaga na parang bata. “Okay, pero pag bad yan pasensya ka na. Di naman ako santo e” sabi ng binata. “I am not expecting you to be one naman, even I di rin naman ako santo. Anway forget about what I said, no big deal naman yon sa totoo” sabi ni Katrina. Dumating yung waiter at nilapag yung mga cheese cake at shakes. “Dali tikman mo agad” sabi ni Katrina. Ngumuya si Enan dahan dahan kaya kinabahan ang dalaga. “Teka bias ata, isa pang subo pero sa malayo ako titingin. Baka kasi sumarap lang lasa ng cheesecake kasi tinitignan kita” sabi ni Enan kaya paglingon niya labis na kinilig ang dalaga at muntikan pang nasipa ang lamesa. Humarap si Enan sabay ngumiti, “The best cheesecake na natikman ko” sabi niya. “I told ya, try the shake” sabi ng dalaga. “Excuse me” sabi ni Enan sabay tumalikod ulit kaya natawa ang dalaga. “Para walang bias” bulong ni Enan kaya naaliw si Katrina at nilaro ang kanyang buhok. “Kung lagi ka dito bakit hindi ka tumataba?” tanong ni Enan. “One time tumaba kaya ako. I stopped swimming kasi sabi nila lalaki mga balikat ko” sabi ni Katrina. “Di naman, you look normal naman” sabi ni Enan. “I mean maganda yung katawan mo…if I use sexy as an adjective sana wag ka mag isip ng iba pero yung lang talaga yung makak describe talaga sa katawan mo e” dagdag ng binata kaya napangiti ng husto si Katrina. “No offense taken pero bakit ganyan ka? I mean you can talk freely” sabi ng dalaga. “E kasi I don’t want to mess things up” sabi ni Enan. “Enan just be yourself, that is why there is communication so we can tell each other the things we like and don’t like” “I am a frank person, if there is something I don’t like I sometimes become vocal or most of the time you can simply tell by my facial reaction” sabi ng dalaga. “Pano ko naman gagawin yon sa iyo e kahit ata nakasimangot ka o nakapikit maganda ka parin e” bulong ni Enan kaya napalo ni Katrina ang kamay ng binata sabay nagngitian sila. “Ikaw ha” pacute ng dalaga. “Ako nga” sagot ni Enan kaya nagtawanan sila. “Ang saya mo kasama, lagi mo ako napapatawa” sabi ni Katrina. “Sinasadya ko yon, nakakaadik kasi ngiti mo kaya gusto kita lagi patawanin” sagot ni Enan. “Naman, baka naman masiraan ako ng bait niyan ha” sabi ni Katrina. “Baka mauna pa ako…mabaliw sa iyo…sorry..too much too soon?” tanong ni Enan pero kinilig muli ang dalaga. “Just right” bulong ng dalaga at sabay sila napangiti at napatingin sa malayo. Isang buong minuto walang nagsalita kaya nagtinginan sila. “I spoke to your mom pala” sabi ng dalaga. “Oo nga e nakwento niya, pasensya ka na sa mama ko ha” sabi ng binata. “Okay nga siya e, I like her. Sorry pala I called kasi I was a bit worried. Late na kasi at di ka nagrereply” sabi ni Katrina. “Ang concern hindi nabibili sa mall o tyangge. Kusa siyang tumutubo sa pagitan ng dalawang tao kaya salamat sa pag aalala sa akin” sabi ng binata. “Ang drama mo” pacute ng dalaga. “Anyway I think I should tell you, may part time work kasi ako sa gabi kaya ganon” sabi ni Enan. “Oh really? Ano naman trabaho mo?” tanong ni Katrina. “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong call boy ako?” tanong ni Enan. “Oh I heard that before, a guy friend of Lea said he is a call boy pero sa totoo pala sa BPO siya nagtratrabaho” sabi ni Katrina. “Hindi BPO, call boy talaga. Yung sumasayaw sa bar, yung naghuhubad tapos sinasayawan kapwa lalake o kaya yung mga super matron na isang milya ang kapal ng make up at halos hindi na sila makalakad dahil sa bigat ng bling bling nila. Most of my clients e mga loose ang pustiso kaya whole night panay pulot ko sa mga ngipin nila” banat ni Enan. Napahalakhak si Katrina kaya madaming napatingin sa kanya. “Baliw, I know you are not like that” sabi niya. “Gusto mo ba ng sample? Bigyan kita ng lap dance dito?” biro ni Enan kaya lalong natawa ang dalaga. “Tell me the truth” sabi ni Katrina. “I was just kidding. But I work sa bar” sabi ni Enan. “I see, you should have told me sooner. Pero still umuuwi ka ng gabi kaya mag aalala parin ako sa iyo” sabi ng dalaga. “Salamat, pero don’t worry I can manage. Minsan naman hinahatid naman ako ng boss ko” sabi ni Enan. “I can ask my tito, para sa umaga ka nalang magtrabaho” sabi ni Katrina. “Ah..meron bang kumakanta sa umaga?” tanong ni Enan. “Oh you sing?” pakunwaring tanong ni Katrina. “A little, part time lang. Long story pero yes I do sing…konting konti lang” sabi ni Enan. “Uy alam mo yung kapitbahay namin namatay, baka pwede ka kumanta don” biro ni Katrina kaya biglang natawa si Enan. “Nice one” sabi niya kaya napagacute ang dalaga. “Kakahawa ka kasi e, so ano naman genre ang kinakanta mo?” tanong ng dalaga. “Halo halo, walang specific. Kung ano gusto ng mga tao sa lamay e di yun ang kinakanta ko. Tulad nung isang gabi sabi nung asawa ng namatayan masayahing tao daw asawa niya so kinanta ko yung…its all about the bass..bout the bass” birit ng binata sabay gumiling giling. Napahalakhak ulit si Katrina, mga tao napatingin at napangiti habang pinapnood si Enan. “Kaloka ka, as in kakantahin mo yon sa lamay?” tanong ng dalaga. “E sinasakyan ko lang biro mo no” sabi ni Enan. “You are really funny…pero ang galing niya sumayaw..uy” pacute ng dalaga. “Minsan kasi kailangan total performer ka sa mga lamay e. Alangan na kantahin ko yon na nakatayo lang ako parang estatwa. Ako nalang yung sasayaw kesa sa bumangon pa yung bangkay at siya magsasayaw” sabi ni Enan. Napasipa si Katrina, nagtakip siya ng mukha sabay hindi makapigil sa pagtawa. Dadabog sana ng dalaga sa lamesa pero hinuli ito ni Enan kaya napatigil ang dalaga at tinignan siya. “Wag…masakit pag tumama sa lamesa” bulong ni Enan kaya kumalma ang dalaga at agad namula. “Grabe ka, you are so funny” sabi ni Katrina. “Not really, remember what I told you?” tanong ni Enan. “Yeah” bulong ng dalaga sabay ngumiti. Ilang minuto lumipas naglakad lakad na ulit sila. Sa hardin sila napadpad at naupo sa isang shade. “Hey Enan” sabi ng dalaga. “Ano yon?” tanong ng binata. “Wala nakalimutan ko na yung sasabihin ko…sorry” bulong ng dalaga. “Hey Katrina” bawi ni Enan kaya tinignan siya ng dalaga. “When is the right time to tell someone that you like them?” tanong ni Enan. Kinilig si Katrina, napayuko siya sabay pinagsisipa ang kanyang mga paa. “I think there is no right time. Basta kung totoo yung nararamdaman mo siguro” sabi ng dalaga. “Thanks, mamaya pag balik nina Greg sasabihin ko na sa kanya” sabi ni Enan. Napahalakhak si Katrina, sumandal siya sa binata sabay tinadtad ito ng kurot sa braso. “I have to tell him right away bago ba siya madevelop sa pisnan mo” hirit ni Enan kaya napahiyaw ng matindi si Katrina. “Baliw ka talaga, akala ko naman na kung ako” bulong ni Katrina. “Di ko lang talaga madiretso pero ikaw nga” sagot ni Enan. Pareho silang nanigas, diretso ang tingin nila at walang gumalaw. “Sorry…too early?” tanong Enan. “Ano ba yon?” tanong ng dalaga. “Kesa magpaikot ikot pa ako…Katrina I like you. I really do” sabi ni Enan. Dahan dahan napatingin ang dalaga at nakita niyang nakatitig sa kanya ang binata. “Enan…kanina sabi mo tumutubo yung concern sa pagitan ng dalawang tao. Alam mo ba bago magkaron non e una tumutubo yung like?” sagot ng dalaga. Napangiti si Enan, napangiti narin si Katrina pero sabay sila napatingin sa harapan. “Oh…ganon ba yon?” bulong ni Enan. “Uhuhmm..too early?” tanong ng dalaga. Napatingin si Enan sa relo niya, “Medyo, try again in thirty seconds” banat niya kaya bungisngis ang dalaga at binangga siya. “Butterflies” bulong ni Katrina. “Soo many” sagot ni Enan. “This is kinda new to me” bulong ng dalaga. “I would like to say this is my first too but I felt something like this before but never this intense. My life story is too complicated but I would like to share it with you soon” sabi ni Enan. “Old stories are boring you know…lets make new ones and let us start at this moment” sagot ni Katrina. “Still you have to know my past” sabi ni Enan. “Eventually I will, you will learn mine too…but would it even matter?” “Better to focus on the stories we create rather than linger on the stories we already made. The important thing about the past is it brought us here right now. Your past brought you’re here, my past did the same…from this point forward we are going somewhere and I do hope we don’t end up as past stories” sabi ni Katrina. “Ang lalim naman non…di ko ata kaya sagutin yon” biro ni Enan kaya muli siyang binangga ng dalaga. “Too fast or too slow…it does not matter…as long as it feels right…do you feel the same?” tanong ni Katrina. “I do” sagot ni Enan. “Now you are moving too fast Enan” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “I never tried mini golf” bulong ni Enan. “You wanna go try?” tanong ni Katrina. “So pano ba yon? Meron din tayong mini caddy? Unano ba?” biro ng binata kaya lalong natawa ang dalaga. “Oo tapos jolens yung bola natin” banat ni Katrina kaya si Enan naman ang natawa ng matindi. “Pero masyado ata mataas yung araw, mamaya nalang kaya” sabi ng binata. “Okay, dito nalang muna tayo…alam mo may garden kaming ganito sa bahay” sabi ng dalaga. “Nagpaparinig ka ba? Dapat ko ba imemorize na yung mga bulaklak dito para di mo sabihin hinugot ko lang sa hardin niyo if ever umakyat ako ng ligaw?” tanong ni Enan. Natili ang dalaga sabay napatawa ng malakas. “Pero alam mo I know the names of all these flowers” pasikat ni Enan. “Ows? Sige nga” hamon ng dalaga. “Okay yung puti sa dulo, yan ang tinatawag na Whitesya Bulaklakesya, scientific name niya yon. Pag normal name, white flower” banat ni Enan kaya umariba sa matinding tawa ang dalaga. “Yung pula naman e, Patnubaya Magulanga” sabi ni Enan. “Bakit naman?” tanong ni Katrina. “In layman terms, patnubay ng magulang kailangan, kasi mukha siyang p***s head…oh sorry pero totoo naman” sabi ni Enan. Nagwala sa tindi ng tawa si Katrina, sa malayo napadaan sina Greg at Lea at kitang kita nila yung tawanan nung dalawa. “Awww..ang bilis no” sabi ni Greg. “Oo pero tignan mo naman sila, parang ang saya saya nila masyado. Your friend is kinda awesome. Mahirap patawanin si Katrina” sabi ni Lea. “Pero tignan mo sila, bagay no?” tanong ni Greg. “Bagay-ish…pero oo…my cousin looks so happy with him…he looks happy too. Tara na nga don sa loob, may bilyaran don” sabi ni Lea. “Para kang tomboy, lahat ng laro mo pang lalake” sabi ni Greg. “Ano gusto mo laruin natin? Dolly dolly? Gusto mo ba yon? Tara may manika yung bata don o hiramin natin” banat ni Lea kaya napakamot nalang si Greg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD