Chapter 23: Don Enan

3352 Words
“Wow pare your car is shining shimmering splendor huh” sabi ni Enan kaya napangiti si Greg. “Syempre pare ininvite tayo sa club house kaya dapat naman presentable kahit kotse palang” sagot ni Greg. “Double date ba yung mangyayari pare?” tanong ni Enan. “Of course not, si Katrina daw hindi pwede lumabas kapag wala pinsan niya. So Lea invited me to come para daw hindi siya ma out of place” paliwanag ni Greg. “Aba you and Lea are communicating oftenly it seems” landi ni Enan. “We are just friends, at wag mo ibaling sa akin ang atensyon kasi tungkol ito sa iyo. I am just being your friend, wala ka kotse kaya meron ako para naman hindi ka na magcocommute. At sabi nga ni Lea gusto niya may kasama siya so pano ko naman tatanggihan yon?” sagot ni Greg. “Oh Greg nandito ka pala, pumasok na kayo at kumain muna” sabi ni Rosa. “No tita I am watching my diet” sabi ni Greg. “Diet mo mukha mo, halika na at masarap almusal” sabi ni Enan. “Pare mula nung nakilala ko si Lea e nagdidiet na ako e” sabi ni Greg. “Buking! Kaya jumajaporms ka narin to the max ha” sabi ni Enan. “Pare naman, ang sarap niya kasama. Trato niya sa akin normal na tao kaya aamin ko naman na nag eeffort narin ako baka sakaling…alam mo na” landi ni Greg. “Hmmm kung pinalad tayo magiging magpinsan tayo?” tanong ni Enan. “Parang ganon ata since magpinsan sila, so we are some kinda cousin in law” banat ni Greg. “Sabi nga ni Lea invite some friends kung pwede…sabi ko naman busy silang lahat” dagdag ni Greg. “Tama sagot mo, baka biglang magbago ihip ng hangin at magustuhan pa nila si Tommy at Jason” biro ni Enan. Pagkatapos kumain ni Enan naligo na siya kaya si Greg naiwan sa salas. “Greg may itatanong ako iho” sabi ni Rosa. “Ano po yon tita?” tanong ng binata. “Ayaw ko masaktan ulit damdamin ni Enan, kaya ito bang Katrina na ito e sa tingin mo ba may pag asa talaga anak ko?” bulong ni Rosa. “Ay naku tita I was there, maniwala ka sa akin tita yung pagtitig ni Katrina sa kanya kakaiba. Tapos nung nagkakilala na sila, tita pareho sila nag twinkle twinkle ang mga mata nila. Lalake ako tita pero alam niyo po kilinig ako na parang babae” kwento ni Greg kaya natawa si Rosa. “Tapos tita text ng text yung pinsan ni Katrina sa akin, ang daming tanong tungkol kay Enan na pinapatanong ni Katrina. Tita it does not take a genius to know that she is really interested in him” sabi ni Greg. “Ah talaga? Ayaw ko na kasi makita anak ko na nasasaktan” sabi ni Rosa. “Ako man din tita ayaw ko narin siya makitang nasasaktan kasi tita nakakahawa siya. Sinasarili niya most of the time kaya pag nararamdaman ko e niyayaya ko siya uminom. E sa ganong paraan ko lang naman siya mapagsasalita kasi tita e” sabi ni Greg. “Greg tapos na ako maligo, halika naaaa” landi ni Enan. “Enan!” sigaw ni Rosa. “Hay naku mother, we are both consenting adults already and its high time you know about me and Greg” banat ni Enan mula sa second floor. “Pare kadiri ka! Tumigil ka nga!” sigaw ni Greg. “Biro lang! Basta umakyat ka dito at tulungan mo ako mamili ng damit” sabi ni Enan. “O sige na umakyat ka na” sabi ni Rosa. “Sorry tita loko loko talaga anak niyo” sabi ni Greg. “Alam ko na yon iho, hala sige na pero keep the door open” sabi ni Rosa. “Tita naman” reklamo ni Greg kaya natawa si Rosa. Ilang minuto lumipas naging makalat na sa kwarto ni Enan. “Wala kang silbi! Ano gusto mo magborles ako?” biro ni Enan. “Okay na nga yung una kasi e. Ikaw yung makulit pare” sabi ni Greg. “Shut up, tatawagan ko si Salina” sabi ni Enan kaya kinuha niya phone niya sabay sinidni ang video ang call. Pagsagot ng dalaga napatili siya agad pagkat topless na Enan ang una niyang nakita. “Para hindi ka na mahirapan sa iyong pagpapantasya sa akin Salina. Eto ang katawan ko angkinin mo na kahit sa Skype man lang ito” landi ni Enan sa sobrang landing boses. “Ew! Enan!” sigaw ng dalaga. “Joke lang, uy Salina kailangan ko tulong mo” sabi ng binata. “Sino kasama mo diyan?” tanong ni Salina. “Boyfriend ko” sagot ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Gago ka pare, wag kang gagawa gawa ng kwento nga” sabi ni Greg. “Oh si Greg pala, hi Greg” sabi ni Sally. “Hi Greg tapos naka focus ang mga mata mo sa aking katawan?” biro ni Enan. “Ew! Kadiri ka talaga Enan” sabi ni Sally. “Late na nasa kama ka parin, anyway tulungan mo na ako. May date ako, well not date pero niyaya niya ako sa club house. Ano ba tamang isuot ko papunta don?” tanong ni Enan. “Oh yung Katrina na sinasabi mo?” tanong ng dalaga. “Hindi, si Stephen, bagong jowa ko” sagot ni Enan kaya natawa ang dalaga. “I know its Katrina, so club house…alam ko kahit ano naman pwede isuot don e. Si daddy nga pag pumupunta kami don naka shorts lang siya” sabi ni Sally. “Shorts? E I will be with Katrina. Gusto ko naman maging presentable ako” sagot ng binata. “You called me so that means you trust me right?” tanong ni Sally. “Yeah, sige na nga. Make me presentable Salina” sabi ng binata. “Show me what you have” sabi ng dalaga kaya tumayo ang binata sabay nagbirong mag aalis ng brief. “Enan!” sigaw ng dalaga kaya nagtawanan sina Enan at Greg. “Sabi mo show you what I have” sabi ng binata. “Yung clothes!” sabi ng dalaga. “E bakit ka hindi tumingin sa malayo? Aha gusto mo ano?” landi ni Greg. “Che, syempre gusto ko” sagot ng dalaga kaya natameme yung dalawang binata kaya humalakhak ang dalaga. “Gotcha, sige na show me your closet” sabi ng dalaga. Ilang minuto lumipas nagpaikot si Enan at napangiti. “O yan you look good. Ang dami mo palang damit grabe ka” sabi ng dalaga. “Okay ba talaga ito?” tanong ni Enan. “Oo pare ang porma mo kahit shorts. s**t parang gusto ko umuwi at gayahin porma mo” sabi ni Greg. “Wag na, let him stand out. Ayan e di ang gwapo mo tignan. Parang ang confident ng dating mo. Oh Enan don’t forget that smile of yours that I taught you. Sanayin mo na yon lagi, wag mo isipin na nagpapacute ka, basta trust me always flash that smile pag may chance ka” sabi ng dalaga. “Don’t bow your head, tigil mo yung kamot ulo mo. I told you wala ka dapat ikahiya Enan okay?” lambing ng dalaga. “Okay, uy Salina maraming salamat ha” sabi ng binata. “Anytime Enan, o sige na at tutulog pa ako at nabitin yung pagpapantasya ko sa iyo” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. Pagpatay ng tawag nakangisi si Greg. “She likes you” landi niya. “Tumigil ka nga, magkaibigan lang kami” sabi ni Enan. “Yeah right, kahit nandito ako nakikita ko mga twinkle twinkle sa mga mata niya” sabi ni Greg. “Hello pare, if she likes me then hindi niya ako aayusan ng ganito” sabi ni Enan. “Bahala ka pare, basta I can tell she likes you” sabi ni Greg. “Well as a friend I like her too. Galing no? Dati kaaway tapos ngayon kaibigan na. Pare okay siya maniwala ka sa akin. Minsan nga nag uusap kami sa phone niyan nandon pa si Earl e” kwento ni Enan. “Ano naman pinag uusapan niyo?” tanong ni Greg. “Kahit ano, most of the time ako nagkwekwento. Lately napag usapan namin si Katrina. If she likes me then dapat hindi niya na ako kausap. Trust my friend kaibigan ko lang siya, siguro magiging bestfriend ko din yan” sabi ni Enan. “Baka manhid ka lang” banat ni Greg. “Manhid ka diyan, teka lang finishing touches lang ako at alis na tayo” sabi ng binata. Tumayo sa harapan ng salamin si Enan sabay tinignan ang sarili. “Pangit…naligo…pumorma…” bigkas niya sabay spray ng konting pabango sa sarili. “Nagpabango…pangit parin” banat niya kaya natawa si Greg. “Walanghiya ka, akala ko naman kung bombastic yung tag line” sabi niya. “Magpakatotoo tayo kaibigan, the truth shall set us free” sabi ni Enan. “Sabi ni Sally gwapo ka” landi ni Greg. “Blessed are the those with eye defects…on judgement day they will never know the difference of Heaven and Hell” sabi ni Enan kaya tawang tawa ang kanyang kaibigan. Malapit na sila sa club house at nakapila ang kotse nila sa entrance. “Ang gagara ng kotse pare o, diba bago yun” tanong ni Enan. “Uy umayos ka nga, pakita mo naman na we belong” biro ni Greg. “Right, oh look a cheap car, that is like two million only right?” landi ni Enan kaya nagtawanan sila. Isang kotse nalang ang pagitan at pinagmasdan nila yung mga gwardya na iniikutan yung kotse na sinusundan nila. “Ang higpit naman dito, chinecheck talaga kung may bomba” sabi ni Greg. “Syempre ang yayaman ng tao na pumupunta diyan ano. Malamang pag tayo baka pababain tayo, paghubarin, baka interrogate pa tayo pare” sabi ni Enan. “Mukha kasi tayong hoodlum” sabi ni Greg kaya nagbungisngisan sila. Nung sila na yung tumapat sa guard house binaba ni Greg bintana niya. “Guest of..” sabi ng binata pero nanlaki ang mga mata nung gwardya nang makita si Enan. “Enan” bigkas ng guard sabay tinawag ang mga kasama niya. “Si Enan o” sabi niya sabay turo sa binata sa loob ng kotse. “Sir Enan” bati nung isang guard kaya ang gulat na binata napangiti at kumaway. “Sige sir diretso lang po sir” sabi nung naunang guard kaya natulala si Greg. “Balik kami dito mamaya” sabi ni Enan. “Sige sir” sagot ng guard kaya diniretso na ni Greg yung sasakyan niya papasok ng gate. “Pare ano yon?” tanong ni Greg. “Ewan ko nga e, bakit kilala nila ako?” tanong ni Enan. “Wow pare di ka na mareach. Ibang level na stardom mo” sabi ni Greg. “Well..artistahin has its perks my friend. Pero what the hell was that?” tanong ni Enan kaya nagtawanan sila. Pagkaparada ng kotse agad sila bumaba. “Dude, langhapin mo ang simoy ng hangin dito sa kaharian ko. Gate palang parang we belong already” sabi ni Enan. May mga dumaan na grupo ng tao, tinignan silang dalawa sabay binati. “Good morning” sagot ni Enan sabay tinabihan ang kanyang kaibigan. “Pare I love this place, parang wala sila pakialam sa atin” sabi ni Enan. “Teka tawagan ko si Lea para sabihin nandito na tayo” sabi ni Greg. “Wag muna, balikan natin yung mga guard” sabi ni Enan. “Bakit pa?” tanong ni Greg. “Pare pinapasok tayo dito ng walang tanong at nakilala ako so pagbibigyan ko sila ng aking artistahin presence” sabi ni Enan. “Teka lang pare pipiktyuran ko yung auto don o, ngayon lang ako nakakita ng Hummer sa actual” sabi ni Greg. “My friend, we are inside the clubhouse so we have to act like them. That Hummer is like the car of my maid whenever they go to the market” landi ni Enan. “Oh right, and look at that Dodge Viper over there, that is like the car of our gardener” sagot ni Greg kaya laugh trip yung dalawa. Habang naglalakad papuntang guard house napatigil sila nang makita nila ang isang grupo ng nagsisigandahang mga mestiza. Ngumiti si Enan, mga dalaga ngumiti sabay kumaway kaya halos malaglag ang panga ni Greg sa gulat. “Tennis” bigkas ni Enan. “You play? Join us” sabi nung isang babae. “Maybe next time, see you around” sagot ni Enan. Pagkalayo ng mga babae inuga ni Greg si Enan. “Kilala mo sila? Ang gaganda ng mga yon tapos ang kinikis sobra” sabi niya. “Hindi ko sila kilala, pare wag ka na magtaka, artistahin itong kasama mo. Call me Don Enan and this is my playground” sabi ni Enan. Pagdating nila sa guard house tuwang tuwa yung mga gwardya. Sakto naman wala nang papasok na kotse kaya nagmistulang photographer si Greg. Tatlong phone ang hawak ni Greg at panay ang kuha niya ng litrato ni Enan kasama yung mga gwardya. Ilang minuto lumipas naglakad na palayo yung mga binata at paglingon nila nakita nila gaano kasaya yung mga gwardya. “Pare sikat ka na talaga, akalain mo kilala ka nila” sabi ni Greg. “I told you my friend once lumabas ako in public hindi na maiiwasan ang ganito” sabi ni Enan. “Di man lang ako sinama sa picture” tampo ni Greg. “Wag ka na magtampo dude, pag titignan mo naman yung mga picture parang I belong. Para lang ako kaibigan nila na naka day off” biro ni Enan. “At pag sumama pa ako e dalawa na tayong kasama nila na naka day off” sabi ni Greg. “Enan” narinig nila boses ng babae kaya paglingon nila nakita nila isang babae buhat ang isang sanggol na kumakaway sa kanila. Kumaway si Enan sabay nagtuloy sila ng lakad, “Oh my God pare, kilala ka talaga ng mga tao dito” bulong ni Greg. “Pare ayusin mo lakad mo, pakita mo naman we belong. Pero pare never ko inexpect ito talaga. Nananaginip ba ako?” bulong ni Enan. “Hindi pare pinansin ka talaga non, at tignan mo yung kotse…three million isang ganon” sabi ni Greg. “Nabagok ba tayo pare? Bakit nila ako kilala?” tanong ni Enan. “Pero hindi naman lahat kasi ang dami natin nadaanan e ilan lang pumansin sa iyo” sabi ni Greg. “Yeah I know pero pare pano nila ako kilala?” tanong ni Enan. “Internet siguro, o kaya baka showbiz fanatics yung iba. Naging kayo ni Cristine e so baka dahil don” sabi ni Greg. “Ay oo nga pala” sagot ng binata. “Enan!” may sumigaw kaya paglingon nila isang grupo ng babae ang kumaway. “Manonood kami bukas” sigaw nung isa. “O sige see you there” sabi ng binata. “I followed you on Twitter but you don’t Tweet often” sigaw nung isa. “Really? Okay I will start Tweeting again soon” sabi ni Enan. “Follow back ha, Tweet kita later para alam mo” sabi nung babae. “Holy cow pare, ibang level na ito. May Twitter ka?” tanong ni Greg. “Tagal na pero di ko naman ginagamit. Last time ko nagamit nung…basta matagal na” sabi ni Enan. “Para ka na talagang artista pare ha” sabi ni Greg. “I know right, pero pare ang sarap dito sa lugar na ito” sabi ni Enan. “Isanla mo bahay niyo para makapag member ka” biro ni Greg. “Ganon ba kamahal?” tanong ni Enan sabay may tumigil na magarang sasakyan sa harapan nila. May isang attendant ang lumapit, paglabas nung mukhang mayaman na lalake inabutan niya ito ng pera sabay susi ng kotse. “Two thousand pesos na tip para lang iparada yung kotse?” bulong ni Enan. “Magtratrabaho nalang ata ako dito…magparada lang ako ng dalawang kotse makakabili na ako ng sapatos ko” sabi ni Greg kaya nagbungisngisan sila. “Pare tip na two thousand pesos? Baka hindi lang bahay namin maisanla ko, baka pati parents mo mabenta ko para lang maka join dito” sabi ni Enan. “E ganon talaga dito e, para sa mga may kaya lang at sikat..ikaw sikat ka na” landi ni Greg. “This place is nice pero ang mahal naman para makasali dito. Pero sa ganitong mundo pare ang ganda para sa katulad natin. Mag aaral na ako ng mabuti, magpapayaman ako para maka join ako sa magandang mundo na ito” “Kasi pag nandito ka parang magkakalevel ang lahat kahit ano itsura mo” sabi ni Enan. “Kaya pag ako sa iyo tuloy mo yang singing career mo pare. Tignan mo nakilala ka sa Youtube, tapos ngayon sa bar ka na kumakanta. Yun palang pare kilala ka na ng madami” “Siguro dagdag mo narin naging ex ka ni Cristine so maganda na start mo pare” sabi ni Greg. “Parang ang pangit din, just to be accepted kailangan ko pa pumasok dito? E kung idasal ko nalang kaya na magbago nalang ang mundo at gumanda ang pakitungo ng tao sa mga katulad natin?” tanong ni Enan. “Asa! Yang dasal mo gamitin mo nalang sa iba. Gamitin mo sa pwedeng mangyari at hindi sa imposible. Para ka narin nagdasal ng world peace niyan e” sabi ni Greg. “Sabagay ilang taon na tayo dito sa mundo hindi parin nagbabago pakitungo nila sa atin” sabi ni Enan. “Except for Katrina and Lea. Idasal mo nalang na sana dumami pa ang katulad nila pare” sabi ni Greg. “Siraulo ka ba? Pag dumami sila mahihirapan na ako! Lahat sila hahabulin ako, masisiraan na ako ng bait pare. Tama na yung isang Katrina” banat ni Enan kaya nagtawanan sila. “Pare tell me honestly, kung babae ka magkakagusto ka sa akin?” tanong ni Enan kaya natawa si Greg. “Ang hirap ng pinapagawa mo sa akin pare. Ibang tanong nalang kasi di ko maimagine sarili ko na bilang babae. Lalake ako pare, itanong mo nalang kay Clarisse” sabi ni Greg. “Bakit naman si Clarisse? Kaibigan ko yon e, natural sasagot ng oo yon” sabi ni Enan. “Kaibigan mo din ako, natural sasagot din ako ng oo kahit na kadiri isipin kasi lalake parin ako” sagot ni Greg kaya nagtawanan sila. “Pare Katrina likes you, ang tanong ko do you like her?” tanong ni Greg. “I do, I honestly do but I am afraid” sabi ni Enan. “Kasi baka niloloko ka lang ano?” tanong ni Greg. “Oo pare, nababasa mo ata isipan ko” sabi ni Enan. “Hindi ko nababasa isipan mo, pareho tayo e. Nasanay tayo sa wala, kaya pag meron pinagdududahan pa natin. Pare if you like her go for it. Maging normal ka for a change. Ito na yung inaasam asam natin, lucky you at may chance ka na ganito” “Ako masaya na ako kasi si Lea trato sa akin normal. Don’t screw this up pare or else magsolihan na tayo ng kandila. Kung hindi kayo magkakatuluyan ni Katrina pare ang laki mong tanga” sabi ni Greg. “May takot lang ako pare pero deep inside I really like her too already” sabi ni Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD