Chapter 22: Solo

3238 Words
“Sir Bobby is he there?” tanong ni Mikan. “Yes nandito siya at pinapatawa niya yung staff” sagot ng manager. “Okay, is the camera set up?” tanong ni Mikan. “Oo inayos na namin at ready na for streaming mamaya” sagot ng matanda. “O sige, can you call me up pag magstart na set niya para makanood ako stream” sabi ng dalaga. + “Of course, hey are you feeling better?” tanong ni Bobby. “Yes, inalagaan niya ako sir. Sir pakibantayan naman siya o, always check if he needs anything. Mahiyain kasi yan so keep asking him” sabi ni Mikan. “I will, ihahatid ko siya mamaya don’t worry” sabi ni Bobby. “Oh no need sir, I lent him my car. I am with Yvonne now don’t worry so I am okay” sabi ni Mikan. Ilang minuto lumipas pumasok si Bobby sa dressing room. “Enan are you okay?” tanong niya. “Kinakabahan lang po sir, ang dami kasing tao sa labas” sabi ng binata. “You will do just fine, wag kang kabahan. Pag nakakanta ka ng isa everything will be alright” sabi ni Bobby. “Sana hindi ko kayo mapahiya. Baka naman mag walk out sila kasi wala si Mikan” sabi ni Enan. “Well iho you have to catch their attention right away to make them stay” sabi ni Bobby. “I will do my best, pero sir kung palpak hihingi na ako ng pasensya ha” sabi ng binata. “Wag mo ako ipapahiya Enan at nandito yung boyfriend ko” sabi ni Bobby. “Pressure naman sir e” sabi ng binata. “I know you will do just fine. Relax and be who you are” sabi ni Bobby kaya natawa ang binata. “Kausap mo si Mikan ano?” tanong niya kaya natawa narin si Bobby. “Oh by the way the band is ready for your disposal if you need them. Just in case you wanted to try something different” sabi ni Bobby. “Pero diba day off nila?” tanong ni Enan. “I had to call them in, was not sure if you would show up” sabi ni Bobby. “Sige sir, kung gusto nila sabit nalang ako sa kanila okay lang yon” sabi ni Enan. “No, magagalit fans ni Mikan. Gusto ka din nila mapanood” sabi ng matanda. Samantala sa loob ng isang condo pumasok si Jelly sa kwarto ni Cristine. “Bumangon ka diyan, halika dito” sabi ng bading. “Aba kung maka utos ka” reklamo ng dalaga. “Bangon! Sundan mo ako” sabi ni Jelly kaya lumabas ng kwarto si Cristine at nakita yung laptop sa dining table. “Upo!” sigaw ni Jelly kaya naupo si Cristine at agad nanlaki ang mga mata niya nang mabasa yung title ng live stream. “Enan Solo” bigkas ni Cristine. “Manood ka, eto pagkain at inumin” sabi ni Jelly. “E ikaw?” tanong ni Cristine. “Aba manonood din ako syempre” sabi ng bading kaya napangiti Cristine at nag abang na sa stream. Samantala sa loob ng mansion napasugod si Lea sa kwarto ni Katrina. “Wag kang matutulog pa! Eto eto live stream” sabi niya. “Live stream ng ano?” tanong ni Katrina. “Live stream ni Enan” sabi ni Lea. “What? How did you know?” tanong ni Katrina. “He texted me” landi ni Lea. “Oooh you b***h!” sigaw ni Katrina kaya natawa ang kanyang pinsan. “Joke! Trending sa Twitter kaya ayan manood ka” sabi ni Lea. “Ayaw ko, nandon yung babaeng maganda” sabi ni Katrina. “Hello diba may sakit nga. Mag isa niya” sabi ni Lea. “Oh right, oh my God solo niya? Ano yan concert?” tanong ni Katrina. “Ewan ko. Di ko din alam bakit naka live stream pero manood ka” sabi ni Lea sabay tapos ng mga junk food sa kama. Ilang minuto lumipas nagsimula na yung live stream, kasama ni Enan yung banda sa stage at madaming nagtilian na mga babae sa crowd dahil sa tikas at porma ng binata. “Good evening po, pasensya na kayo pag wala si Mikan ngayon kasi may sakit po siya. Pasensya narin po pag kinakabahan ako kasi di ko talaga linya ito e” “Anyway I would like to start the evening with a blast so if you feel like dancing then by all means get up” sabi ni Enan. Nagsigawan ang mga tao, ang daming tumayo nang tumugtog na yung banda ng intro ng kantang “s*x Bomb” Sinuot ni Enan ang shades niya sabay hinawakan yung mic. “Spy on my baby use a Satellite, Infrared see me move throught the night” birit niya sa mababang boses na nagpakilig sa mga babae. Kuhang kuha ng binata yung boses ni Tom Jones, nabighani talaga ang lahat pagkat hindi nila inaakala na siya talaga yung kumakanta. Nagsigawan sina Mikan at Yvonne, ang dalagang may sakit napatayo at napasayaw bigla. “Mikan may sakit ka!” sigaw ni Yvonne. Napatili ng sobrang lakas si Jelly nang gumiling giling si Enan, napahaplos si Cristine sa screen, “Hoy babae ano yang hinahaplos mo?” tanong ng bading kaya natawa ng malakas si Cristine. Sa loob ng kwarto ni Katrina walang tigil siyang nagbungisngis at pinagtutulak ang kanyang pinsan. “Oooh shet he got the moves” hiyaw ni Lea kaya napatili ng sobrang lakas si Katrina at natuwa sobra. Nang matapos yung kanta matinding palakpakan at sigawan ang sumalubong kay Enan kaya ang binata napangiti sabay tinuro din yung kasama niyang banda at pinalakpakan din sila. “Maraming salamat po, ngayon na lively ang lahat malungkot na kanta naman” banat ni Enan kaya napatawa niya ang lahat. “Pasensya na kayo ha kasi nangangapa din ako, pero wag kayo mag aalala, alam ko ang pinuntahan niyo dito si Mikan kaya kakantahin ko din mga kanta niya mamaya” sabi ni Enan. “What did he say?” tanong ni Mikan. “He said he will sing your songs” sabi ni Yvonne. “Actually why don’t I sing one right now, pero magpasalamat muna tayo sa band” sabi ni Enan kaya muling nagpalakpakan ang mga tao. “At pasensya na ulit kayo kung may kodigo ako, kabisado ko ang liriko ngunit yung pag gitara hindi kaya mag cheat ako konti” sabi ni Enan sabay kinuha gitara ni Mikan. “I will sing her song and give my own twist, medyo bago siguro sa pandinig niyo kasi lalake ako pero kakayanin ko kantahin ito sa husay niya” sabi ng binata sabay nagsimula na siyang mag gitara at kumanta. Napakagat nalang sa labi si Mikan at namuo ang luha sa kanyang mga mata. “Most unpopular song of yours” bulong ni Yvonne. “I know…pero tignan mo reaction ng mga tao…they like it” sabi ni Mikan. “Baka naman nagpaparinig siya sa iyo na ganyan dapat paraan ng pagkanta don” sabi ni Yvonne. “I think so..pero ang galing ng atake niya…Yvonne I am falling in love with Enan” bulong ni Mikan. “I know” sagot ni Yvonne sabay haplos sa balikat ng kanyang kaibigan. “Everyone one is falling in love with him” dagdag niya kaya pareho silang ngumiti. Isang pang di sikat na kanta ni Mikan ang kinanta ni Enan at pagkatapos tinignan niya yung crowd. “Yang mga narinig niyo nasa album niya, mukhang nagets niyo na ata takbo ng gabing ito. Di ko kakantahin yung mga sikat niyang kanta kasi siya lang makakanta non ng maigi. Kakantahin ko nalang yung mga bihira niyong marinig…para kung magkamali man ako e at least konti lang kasalanan ko” sabi ng binata. “Ito namang susunod na kakantahin ko para sa mga katulad kong…mala winter ang pasko. Kakainggit naman yung mga may mga kasama sa crowd, holding hands naman kayo diyan pag kayo. Wag narin kayo mahiya pag di pa kayo out in the open, if you know what I mean” “Kung may pag ibig, wag kayo mahihiya ipakita sa lahat. Para sa mga snow man at snow women sa Pasko para sa atin ito. Para narin ito sa mga merong minamahal, sana kung ano meron kayo alagaan niyo para di kayo maging popsicle katulad namin” sabi ni Enan. “Pasko na sinta ko, hanap…hanap kitaaaaa….Bakit nagtatampo, nilisan ako” birit ni Enan sa sobrang malumanay na boses. Natahimik ang lahat ng tao sa crowd, ang mga magnobyo at magnobya naghawakan talaga ng kamay at nagsandalan habang yung mga wala e nakikanta nalang sa binata. Naluha ng husto si Cristine, titig siya sa screen na tila siya yung kinakausap ni Enan gamit ang kanyang kanta. Di tuloy makakibo si Jelly kaya nanahimik nalang siya at tumingin sa malayo. “No Enan please don’t sing that. Hindi ka magiging snowman” bulong ni Katrina. “Aba balak mo ba siyang sagutin na agad agad?” biro ni Lea. “Hindi naman kailangan maging kami agad. Pwede naman sumaya Pasko namin kahit ganito palang kami ah” sagot ni Katrina. “Damn, I can feel his sadness” bulong ni Lea. “Me too…Lea maybe I should stop watching” sabi ni Katrina. “Why?” tanong ng pinsan niya. “I don’t want to like him even more knowing he can sing this good. I already like him for who he is. Ayaw ko magkaroon ng iba pang rason na magkagusto ako sa kanya” sabi ni Katrina. “Just watch, isipin mo nalang extra bonus yan. Diyos ko ang galing gumiling parang walang buto” landi ni Lea kaya naghalakhakan sila. “Baka mamaya sabihin mo ginusto ko siya dahil sa mga yan” sabi ni Katrina. “Hindi, sa daldal mo halos nakikilala ko narin siya. Who would have thought that someone like him would turn out to be mister perfect-ish” sabi ni Lea. “Kailangan mo pa ba idikit yung ish? Pero hindi din siya perfect, hindi siya yung dream guy ko pero aanhim ko si mister perfect at mister dream boy pag hindi naman sila katulad ni Enan?” sabi ni Katrina. “You are not making sense” sabi ni Lea. “I have not been making sense ever since I met him. I am not trying to make sense because whatever is happening to me I feel happy. Maybe it is the things that don’t make sense that really work or maybe whatever I am feeling is not meant to be understood…instead it should be cherished…like the feelings I have for him” sabi ni Katrina. Sa dressing room nagpahinga si Enan, habang nagpupunas siya ng pawis biglang pumasok si Bobby. “Sir okay lang?” tanong ng binata. “My God Enan you did great. Walang umalis, unang kanta mo ang daming naintriga at nagsipasukan sila sa bar. Kaya lang nakakatawa ka, ang bongga ng simula mo tapos pinabagsak mo naman ang lahat sa ending ng first set” sabi ni Bobby. “Is it a bad thing?” tanong ni Enan. “I don’t think so kasi wala parin naman umaalis at nakakahiya sa banda kasi wala ata nakikinig sa kanila. Well at least panay order nila ng pagkain at inumin habang inaantay ka. Nung ikaw ang nakasalang walang umoorder, lahat busy nakikinig” sabi ni Bobby. “E di malas pala ako” banat ni Enan. “Oh no, pero madami nagtatanong pala kung tumatanggap ka ng requests” sabi ni Bobby. “E sir kokonti lang naman ang kaya ko kantahin e” sabi ni Enan. “Alam mo ba meron laptop diyan na parang videoke?” tanong ni Bobby. “Meron ba?” tanong ni Enan. “Meron, tumanggap ka kaya ng requests, try mo lang. Pwede mo naman tanggihan or just be honest if di mo kaya” sabi ni Bobby. “Okay I will try, grabe naman feeling singer na talaga ako” sabi ni Enan. “You are a singer already, only a few can manage to do what you just did. Hala sige at may hangover pa boyfriend ko sa unang kanta mo” landi ni Bobby kaya natawa ang binata. Pagsalang ni Enan sa second set nagulat siya sa dami ng napkin sa sa upuan niya. “Ano to? Mukha po ba akong natatae kaya nagdonate kayo ng ganito kadami?” sabi niya kaya napatawa niya ang lahat. “Joke lang, I cannot promise you much but let me try to take some requests…let us see…Please sing any song by John Legend” basa niya sabay tingin sa crowd. “Please sing any song by the Beatles” basa niya ulit kaya ang binata napakamot. Tinignan ni Enan yung laptop sabay ngumiti, “Ah eto meron, o sige Beetles muna tayo…and I would like to dedicate this song to a special someone. Kahit naman sabihin ko pangalan niya wala naman siya dito diba? So pag kanta ko, kahit na nasa malayo ka at naramdaman mo e di ikaw na” landi ng binata kaya natawa ang lahat. “There were bells on a hill but I never heard them ringing. No I never heard them at all til there was you” birit ng binata sa sobrang gandang boses kaya napangiti ang lahat ng tao. Napangiti sina Cristine at Katrina habang si Mikan napasimangot konti. “O bakit ka nagsimangot?” tanong ni Yvonne. “Because I know its not for me” sabi ni Mikan. “Really? Will you listen to the lyrics” sabi ni Yvonne kaya nakinig si Mikan at unti unti siyang napangiti na. “It could be a song for me too but I know its not” sabi ni Mikan. “Alam mo mahirap yang pinagdadaanan mo. Baka mamaya hindi na maganda yung blending niyo sa pagkanta” sabi ni Yvonne. “I have to keep it professional I know pero ang hirap na. Siguro a week ago kaya ko pa pero lately I am completely falling for him” sabi ni Mikan. “Baka false feelings lang yan kasi lagi mo siya kasama” sabi ni Yvonne. “How I wish it was just like that but…” bulong ni Mikan. “But what?” tanong ni Yvonne. “Wala forget it, baka false feelings nga lang to” sabi ni Mikan. “Pero alam mo after tonight di na ako magtataka if people will want him for a solo set. He is doing good actually” sabi ni Yvonne. “He is doing great, I will suggest that to sir Bobby” sabi ni Mikan. “Aba sumangayon ka agad” sabi ni Yvonne. “Oo kasi ayaw ko din lang masaktan sa huli” bulong ni Mikan. Natapos ang final set ni Enan, pabalik na yung binata sa dressing room nang tapikin siya ng isang waiter. “Sir iniinvite po kayo nung mga yon sa table nila” bulong niya. “Para saan?” tanong ng binata. “Ewan ko sir pero ayun o tinatawag kayo” sabi ng waiter kaya napalingon ang binata. Nakita niya si Bobby na tinatawag din siya kaya bumulong si Enan sa waiter. “Binubugaw ba niya ako?” tanong niya kaya natawa yung waiter. Paglapit ni Enan tumayo ang isang mukhang mayaman na matanda. “Robert” sabi ng matanda kaya nakipagkamayan si Enan. “Please join us, we enjoyed the show so as a sign of our appreciation we would like to treat you to some drinks and food” sabi ng matanda. Napatingin si Enan kay Bobby, sumenyas ang manager kaya ang binata ngumiti sabay naupo. “Juice nalang sir kasi magmamaneho pa ako mamaya. Di ko pa naman kotse yon” sabi ni Enan. Ilang minuto ang lumipas napalunok si Enan nang hawakan ng matanda ang kamay niya. “Iho, me and my wife will be celebrating our thirtieth wedding anniversary soon. Gusto ka sana namin kunin para kumanta. Name your price” sabi ng matanda. “Ako po? Wow..hindi naman po ako ganon kahusay kumanta” sabi ni Enan. “Oh don’t be so humble. We heard you the whole night, range ng boses mo maganda. You actually sang one of our favorite songs tonight, yung sa Beetles, kami yung nagrequest non at nagulat kami nang kinanta mo talaga yung paborito namin” sabi ni Robert. “Wow, ah baka si Mikan po mas magaling” sabi ni Enan. “Well if she is available then she can come too. So what do you say para maayos na namin. Yung kinukuha naming singer kasi e masyadong paimportante at maarte” sabi ni Robert. “O sige sir, just tell me when” sabi ni Enan. “Give me your number and I will call you. Name your price” sabi ni Robert. “Sir kahit wala po, makikikain nalang ako okay na” sabi ni Enan kaya tumawa yung matanda. “O sige iho ako na bahala sa iyo. Basta may usapan na tayo ha” sabi ni Robert. Pag uwi ni Enan sa kanila nagulat ang kanyang nanay pagkat may kotse siya. “Kay Mikan po ma. May sakit kasi siya” sabi ni Enan. “Alam ko may sakit siya, napanood ka namin anak” sabi ni Rosa. “Let me guess, si Clarisse ano?” tanong ng binata. “Oo, tumawag siya dito tapos tinuro niya san ka namin pwede panoorin. Ang ingay ingay sa kanila anak” sabi ni Rosa kaya natawa ang binata. “She just called a minute ago asking kung nakauwi ka na. Di ka daw kasi sumasagot sa phone mo” sabi ni Rosa. “Ay naubusan ako ng battery ma. At di na ako kakain ma kasi after nung set nilibre ako nung mayaman na mag asawa” sabi ng binata. “Nilibre ka?” tanong ni Rosa. “Opo ma, appreciation daw. Tapos niyaya pa ako kumanta sa wedding anniversary nila. Name my price daw pero sabi ko kahit libre. Pero sabi niya siya na daw bahala sa akin” kwento ng binata. “Aba nagkakaroon ka na ata ng career sa pagkanta ha” sabi ni Rosa. “Ma masaya ako, kinuha ako dahil sa boses ko. Tapos ma alam mo ba ako nalang daw kukunin kesa don sa singer talaga. It feels so good ma” sabi ni Enan. “Ay teka bago ko makalimutan tumawag din pala si Katrina” sabi ni Rosa. “Really?” tanong ng binata. “Sobrang galang niya tapos ang cute ng boses. Sabi ko nga sa kanya sana makilala ko na siya e” kwento ni Rosa. “Ma! Sinabi mo yon?” tanong ni Enan. “Oo bakit? E don din lang kayo papunta e di sinabi ko na. Sagot niya looking forward din siya so kailan mo siya ipapakilala sa amin?” landi ni Rosa kaya natawa si Enan at nakiliti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD