Chapter 21: Fallen Angel

3376 Words
“Enan…I will not be able to make it tonight. I am sick” sabi ni Mikan. “Can you get up?” tanong ng binata. “Kaya naman pero mabagal ako gumalaw” sagot ng dalaga. “Come on get up and open your door” sabi ng binata. “What?” tanong ng dalaga. “Get up, walk to the front door and open it” sabi ni Enan. “Why?” tanong ni Mikan sabay nagulat siya nang makarinig siya ng katok. Nagmadali ang dalaga nagtungo sa pintuan, pagbukas niya nagulat siya nang makita niya ang binata na madaming dala. “Enan, bakit nandito ka?” tanong ni Mikan na mukhang nanghihina. “Yvonne called me a while ago” sabi ng binata na agad pumasok. “I brought medicine, ready to eat food. Madaming juice tapos lulutuan kita. Pero first things first, may sakit ka tapos ganyan suot mo maiksing shorts at sando?” sermon ng binata. “Enan you should not be here, baka mahawa ka” sabi ni Mikan. “Di ako tinatablan ng sakit. Takot ang sakit sa mukha ko. Kung meron man sakit na tatama sa akin e sakit sa puso yon, meaning heart break. Yung ibang sakit immune ako, maski yang Ebola na yan matatakot sa akin” banat ng binata. “Enan” sigaw ng dalaga nang bigla siyang buhatin ng binata. “Hush, ibabalik kita sa kwarto mo. Doon ka magpahinga” sabi ng binata. “Enan its so dull inside my room” sabi ng dalaga kaya tumigil sa paglakad ang binata. “Dito ka sa sofa?” tanong ni Enan pero hindi makasagot ang dalaga at nakatitig lang sa binata. “Okay dito ka pero kukunan kita ng pajama or jogging pants” sabi ni Enan. “Wala ako non” sagot ng dalaga. “Ano? Alangan na magpantalon ka…oh I know kumot nalang na makapal. Meron ka non diba?” tanong ng binata. “I think so” bulong ni Mikan. Pinahiga ni Enan ang dalaga sa sofa, “Hey papasok ako sa kwarto mo ha, hahanap ako ng masusuot mo at kukunan kita ng unan at kumot” sabi ng binata. “Okay” bulong ng dalaga sabay ngumiti. Kinumutan ni Enan ang dalaga sabay hinaplos ang pisngi nito. “Hey you relax and get some rest. Itulog mo saglit at lulutuan kita ng breakfast. May sakit ka kaya sisirain natin figure mo today para gumaling ka. Wag kang magrereklamo, makikinig ka sa sasabihin ko” “Mamaya na gamot mo pag may laman na tiyan mo…pero teka lang” sabi ni Enan sabay umalis. Pagbalik niya may dala siyang tumbler ng juice. “Ayan fresh orange juice yan, piniga ko yan kanina kaya pasensya ka na kung may buto na nakalusot…eto may straw akong binili kaya mahiga ka lang diyan. Sayang wala kasing tsupon” sabi ni Enan kaya natawa si Mikan. “Hey Enan” bulong ng dalaga. “This is what friends do so say nothing. Buti ka pa kahit may sakit maganda ka parin. E kami pag may sakit akala mo kung near death na” biro ng binata. “Don’t say that” bulong ng dalaga. “Okay, you rest and I cook…I mean I will try to cook” banat ni Enan kaya bungisngis ang dalaga. Nakaidlip si Mikan ng ilang minuto at nagising nalang nung may naramdaman siyang kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Pagmulat niya ng mga mata niya agad siya napangiti nang makita si Enan. “Gising ka muna at kumain ka para maka inom ka ng gamot” sabi ng binata. “Ang sarap pala magasakit pag kasama ka” bulong ng dalaga. “Wag mo naman sasabihin yan. Pangit pakinggan, para naman akong bringer of death. Hindi maganda nagkakasakit, kaya nga ako nandito para gumaling ka agad e” lambing ng binata sabay ginabayan ang dalaga maupo. “Okay so we have two boiled eggs, a slice of wheat bread, three pieces of bacon kasi kinain ko na yung iba kanina at figure conscious ka kasi so tatlo lang iniwan ko” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Then we have sweetcorn, carrot slices that I don’t know why dinagdag ko pero kailangan mo din ng gulay kasi” “Yan lang pero pag nagutom ka meron don naka ready na ensaymada, cinnamon, at madaming klaseng juice” sabi ng binata. Di umimik ang dalaga pero naluluha siya, “Oy wag maging emotional naman, kumain ka na at kung may kailangan ka sabihin mo lang” sabi ng binata. “Thank you” bulong ni Mikan. “You can thank me later pag magaling ka na. You know what maupo ka lang at susubuan nalang kita” sabi ni Enan. “No Enan I can manage” sabi ng dalaga. “No Mikaela I want to, sabi ko sa iyo wag mo ako susuwayin e. Come on don’t be shy” sabi ni Enan. Ilang minuto lumipas sumandal ang dalaga sa binata. “Tatawagan ko si sir Bobby mamaya at sasabihin ko hindi tayo makakapasok” sabi ni Enan. “I cant but you can” sabi ng dalaga. “Yeah right, ikaw naman yung bida don at side kick mo lang ako” sabi ni Enan. “Pumasok ka, nakakahiya naman kay sir Bobby baka wala pumunta sa bar niya” sabi ng dalaga. “Bakit mo pa prinoproblema yon?” tanong ng binata. “Inaalala ko lang yung mga regular customers kasi” bulong ng dalaga. “Di ko ata kaya mag isa, nahihiya ako” sabi ni Enan. “Kaya mo yan, magaling ka naman e” sabi ni Mikan. “Hindi natin priority yon, ikaw ang priority ko. I want you to get better. Mamaya tatawagan ko si Yvonne para matulog dito para may kasama ka. I can stay until I made sure naka pag dinner ka na at naka inom ng gamot mo then I can come back tomorrow morning” sabi ni Enan. “Enan busog na ako” bulong ng dalaga. “No no no, uubusin mo lahat ito. Sige na para makapag gamot ka na. Mikaela wag na matigas ulo mo, alam mo madaming hindi kumakain sa Somalia. Itong natitirang piraso ng sweet corn naku ginto na ito para sa kanila” “E malayo sila dito so ubusin mo na parang tribute sa kanila. Ubusin mo tapos say a prayer for them nalang” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. Nang maubos yung pagkain agad kinuha ni Enan yung mga gamot, “Nagdala na ako madami kasi di ko naman ako sakit mo so it seems wala kang sipon per mainit ka at nanghihna so ito nalang paracetamol” sabi ni Enan. Pagkainom ng dalaga tumabi ang binata sabay inakbayan ito. “Wag ka muna hihiga, upo ka lang saglit tapos mamaya sige mahiga ka na para matulog” bulong ng binata. Sumandal ang dalaga at niyakap ang isang kamay niya. “You are so sweet” bulong ni Mikan kaya tinaas ng binata kamay niya sabay pinaamoy ang kilikili niya sa dalaga. “Oh yeah?” biro niya kaya napahalakhak si Mikan at tinadtad ng kurot ang binata. “Uy sorry, sabi nila laughter is the best medicine pero tama na baka mag back fire” sabi ni Enan. Nilabas ng binata phone niya sabay nakibasa ang dalaga sa kanyang mga text. “Daming text ha, panay babae pa” sabi ni Mikan. “Artistahin e, ganito talaga” banat ni Enan kaya nagbungisngisan sila. “Si Clarisse daig pa nanay ko, tanong ng tanong nasan ako lagi. Ito naman si Salina, kapatid ng kaaway ko to dati pero naging friends kami at fashion consultant ko siya” “Ito namang si Miss Universe, nanay ko yan. Itong si Katrina naman nakilala ko a few days ago at…nasa getting to know each other stage kami” sabi ng binata. “Oh so you like her?” tanong ni Mikan. “Kinda, she makes me happy, long story so wag na pag usapan ngayon” sabi ng binata. “Baka naman may lakad ka Enan” sabi ni Mikan. “Mas kailangan mo ako dito” sagot ng binata kaya napangiti si Mikan. “Baka naman may magseselos ha” bulong ng dalaga. “Sino naman?” tanong ni Enan. “Isa sa mga yan siguro” sagot ng dalaga. “Hindi naman siguro, I told them all naman I would be spending the day with you kasi may sakit ka” sabi ng binata. “You told them that?” tanong ni Mikan. “Oo naman, para alam nila nasan ako. Mahirap kasi maging artistahin, gusto nila malaman nasan ako lagi. You know para pag pinagpantasyahan nila ako mailalagay din nila yung tamang settings” banat ni Enan kaya natawa si Mikan. “Clarisse has Shan so either Salina or Katrina will be so lucky” bulong ni Mikan. “You think so?” tanong ni Enan. “I know so, kung ako nga kaibigan lang ako ganito na trato mo sa akin. What more kung girlfriend mo pa” bulong ng dalaga. “So ibig mo sabihin dinaig mo pa sila sa oras na ito?” biro ni Enan kaya yumakap si Mikan sabay ngumiti. “Kahit konting saglit” bulong ng dalaga. “Baka tumama na meds, ihiga mo na at magpahinga ka” sabi ni Enan. Nahiga na si Mikan at naidlip habang si Enan naghugas ng pinggan. Isang oras lumipas namulat si Mikan at nakita ang binata nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa. Humarap ang dalaga sa binata sabay bigla ito niyakap ng isang kamay. Napalingon si Enan, pinakiramdaman ang noo ng dalaga at sabay sila ngumiti. “Pababa na fever mo” bulong niya. “Kung may lakad ka sige ka punta ka na” sabi ng dalaga. “Wag kang makulit Mikaela” sabi ng binata. “Okay..is it okay if I embrace you?” bulong ni Mikan. “Okay lang pero yuyuko ako kasi pag sumandal ako e malambot ang sasandalan ng ulo ko” biro ni Enan kaya pinigot ng dalaga ang ilong ng binata. “So tell me more about Katrina” bulong ni Mikan. “You better sleep some more. Kailangan mo magpahinga” sabi ni Enan. “Siya ba yang katext mo ngayon?” tanong ni Mikan. “Yup, sabi niya ang bait ko daw pero nakakasense naman ako nagseselos siya” sumbong ni Enan. “What do you expect babae ako e” bulong ni Mikan. “Di lang babae, babaeng maganda. Pero nagseselos siya, that is a good sign right?” tanong ni Enan. “It is Enan, hindi maganda sa pakiramdam ang selos…mas gusto ko pa magkasakit kesa magselos” sabi ni Mikan. “Never felt selos, most often inggit ang nararamdaman ko” sabi ni Enan. “Inggit kanino?” tanong ni Mikan. “Sa mga gwapo, pero dati yon. Nung nakilala ko si Katrina alam mo ang saya ko kasi yung mga kinaiinggitan ko e narasan ko sa kanya” “Yung normal process of getting to know someone, I experienced that with her. The way she talks to me, the way she looks at me, its all normal…parang ikaw lang ba” sabi ni Enan kaya dalawang kamay niya pinagyakap ng dalaga sa binata. Sumandal si Enan konti hanggang sa dumikit yung baba ng dalaga sa kanyang pisngi. “Si Clarisse naman bestfriend ko pero we both started out the normal pangit way. Through the years naging close kami, si Salina naman nilalait ako niyang dati, bestfriend niyang babae kasi niligawan ko pero basted ako agad sa kanya. Ikaw at si Katrina ang bait niyo agad sa akin” “Kaya ang bilis kong naka relax sa iyo kasi sobrang bait mo sa akin” sabi ni Enan. “You never talk about Cristine” bulong ni Mikan. “There is nothing to talk about” sabi ng binata. “She hurt you that bad huh” sabi ng dalaga. “Kasalanan ko naman lahat yon, the story is too complicated but no cheating involved ha. Basta masyado complicated” sabi ni Enan. “I know you are not the cheating type” bulong ng dalaga sabay hinalikan si Enan sa pisngi. Napangiti ang binata sabay napalingon, “What was that for?” tanong niya. “A thank you maybe” sagot ng dalaga. “Exag ka na ha” hirit ng dalaga nang di maalis ng binata ang malaking ngiti sa kanyang mukha. “Hinalikan ako ng crush ko e” sabi ni Enan kaya bungisngis si Mikan. “Crush talaga ha” sabi ng dalaga. “Sabi ko sa iyo honest naman ako e. “Baka lalong magalit si Katrina” sabi ni Mikan. “Alam mo to be honest takot ako sa kanya e” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ni Mikan. “Para kasi siyang panaginip lang e. Its too perfect kasi, parang impossible pero nangyari talaga e. Oo masaya talaga ako pero nandon yung takot na panaginip lang pala lahat o kaya baka niloloko lang niya ako” sabi ni Enan. “You really think niloloko ka niya? Ano naman rason para lokohin ka?” tanong ni Mikan. “Ewan ko, baka good time ganon. Paasa siguro pero its just me siguro kasi ayaw ko masaktan. Katrina is too good to be true. Isang katulad ko hanggang panaginip lang naman yung mga pangyayaring ganon e” “If its true, I must be so damn lucky” sabi ni Enan. “Wag ka ganyan Enan” sabi ng dalaga. “Hey look, you have no idea what it is like to have pangit problems. You were born pretty and you are lucky. Kami naman sobrang daming paghihirap ang pinagdaanan” “People like you can easily have friends, kami naman we have to show something extraordinary muna bago matanggap. Kasi pag wala mauuna na yung lait at takot. Ikaw all you have to do is smile, kami we cannot even smile kasi the more kami malalait” kwento ni Enan. “Hey stop it” sabi ni Mikan. “No you listen to me para maintindihan mo ako” sabi ng binata. “Just take Salina for example, lait to the max naman siya noon. Siguro nung napakita ko magandang talent ko she started to see beyond the lait-able stuff. Si Clarisse takot din naman sa akin noon yon e, pero naging mabait akong kaibigan sa kanya kaya siguro naging close narin kami” “Tayo naman, we got to know each other because of music. Kung wala yon do you think magkasama tayo ngayon? Siguro you will not even bother to get to know me” sabi ni Enan. “Wag ka magsasalita ng ganyan Enan” sabi ni Mikan. “Totoo kasi e, may gusto ako babae, kailangan ko pa aralin mag drawing kasi mahilig din siya doon. Kailangan ko pa matuto mag gitara para makilala ko naman yung isa o kaya mapansin ako. Ang dami ko natutunan pero wala din lang. Imagine if I didn’t learn to sing…malamang wala ako dito ngayon. Si Katrina wala naman ako pinakita sa kanya pero I got to know her, kaya ang saya ko pero natatakot ako kasi di ako sanay sag anon. Parang hindi ko mundo ginagalawan ko” sabi ng binata. “Enan makinig ka naman sa akin” bulong ng dalaga. “Okay” sagot ng binata. “Totoo yung sinabi mo about us. If you didn’t sing well in that cup song baka nga di kita napansin. Pero you sang well, you caught my attention. You sang even better sa pageant and honestly you totally caught my full attention” “But you didn’t sing to get my attention, di mo naman ako kilala noon ha. Look at us now, you are here, I am here, yes it took music to get us together but after that it was all you already” “I have sang with a lot of people, pero they are not here. I am not close with them. Kung musika lang nag uugnay sa atin Enan wala tayo ngayon dito. Mag isa ako na may sakit, ikaw siguro nandon ka naman sa ewan ko san lupalop ka. I am not making sense I think but what I am trying to say is that kahit napansin ng isang girl yung talent mo sa drawing e magiging okay na ang lahat?” “Ikaw parin naman magdadala e. You may impress me with a super nice drawing, it may start a connection but what happens next is all you. Kumanta ka, narinig kita, nabighani ako, nakilala kita at nagustuhan kita…” sabi ni Mikan kaya napalingon ang binata at nagtitigan sila. “Bilang kaibigan” pabulong na pahabol ng dalaga. “Dami daming magaling kumanta na lalake, madami ako nakatrabaho pero di ko sila nagustuhan. E ikaw nandito ka, inaalagaan mo pa ako, lalo kita nagugustuhan. The meds are making say crazy things maybe but Enan you are such a great guy” “Siguro nga you need that spark but the rest is all you already. I am so thankful you sang on that video…if not I would have never known that a wonderful person like you existed” “Naiintindihan kita Enan, pero salamat sa musika at nakilala kita. Kaya wag mo naman sabihin dahil lang sa musika nagkakilala tayo, oo siguro dahil sa musika nga pero pag hindi ikaw si Enan baka hanggang doon nalang tayo. Ikaw si Enan kaya nandito tayo ngayon” sabi ng dalaga. Ngumiti si Enan, nanlaki ang mga mata ng dalaga nang halikan siya ng binata sa labi. “Ooops…” bigkas ni Enan sabay humarap. Pareho silang nakangiti, “I was aiming for you cheek” bulong ng binata. “Its okay” bulong ni Mikan. “Thank you lang yon din” sabi ni Enan. “I know, you just caught me off guard kaya siguro nalihis” sagot ng dalaga. “Oo nga…you have soft lips” sabi ng binata kaya nagtawanan. “Pati naman ikaw…parang nahalikan ko narin si Cristine” banat ni Mikan kaya nagtawanan sila. “Nahalikan mo narin si Clarisse” sabi ni Enan kaya nagulat ang dalaga. “You kissed the girlfriend of your bestfriend?” tanong ni Mikan. “By accident lang naman..parang yung nangyari sa atin” sabi ni Enan. “I see, happy accident” sabi ni Mikan kaya napangiti si Enan. “Happy accident…ang bait mo talaga. Siguro pag ibang babae na e nagsusuka na sila” sabi ni Enan. “Hay naku eto nanaman tayo. Why do you have to spoil something good?” tanong ni Mikan. “I don’t know, siguro ganito lang siguro ako to keep me grounded” sabi ng binata. “Alam mo Enan lumipad ka din naman minsan. Kung ano man yang kinakatukan mo kalimutan mo din minsan at hayaan mo sarili mo lumipad” “If you do spread your wings and fly then it would not only be a few of us who would learn that you are a very wonderful person. Forget your inhibitions, unchain yourself and just aim for the sky Enan. Wag mo papansinin yung sinasabi ng ibang tao. Be yourself, reach the farthest star you can then maybe someone will hold your hand to take you even farther” sabi ni Mikan. Lumingon si Enan, tinitigan niya magandang mukha ng dalaga habang nakapikit ito. “Inaantok ako” bulong ni Mikan pero nagulat siya nang maramdaman niya dampi ng labi ng binata sa kanyang mga labi. Hindi siya gumalaw, akala niya sasaglit lang pero nagtagal yung halik ng tatlong segundo. Pagmulat niya ng kanyang mga mata nakaharap na si Enan kaya ang dalaga labis na napangiti. Sumandal lang si Enan kaya niyakap siya ng mahigpit ni Mikan at sabay sila pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD