Chapter 20: Happiness

3356 Words
“Naku may napuyat ata katetext ah” sabi ni Rosa. Ngumiti si Enan, naglagay siya ng kanin sa kanyang plato sabay tinignan agad phone niya. “Kumain ka muna anak, mamaya na yang pagtetext mo” sabi ng matanda. “Okay lang ma siguro tulog pa siya pero ma…parang may mali e” sabi ni Enan. “Ano naman ang mali anak?” tanong ni Rosa. “Why do I feel like I am cheating on Cristine?” tanong ng binata kaya napatigil ang kanyang ina. “Cheating? You are not cheating. Hindi naman kayo ni Cristine anak, single ka tapos single si Katrina. So what is wrong with that?” tanong ni Rosa. “Ma, in love parin ako kay Cristine. Oo kahit na one sided pero nasa puso ko parin siya e. I feel that I am cheating on her” sabi ni Enan. “Anak, ganyan talaga pag first love mo. It just saddens me na naging one sided” sabi ni Rosa. “Bakit yung mga artista, isang araw sila tapos next day iba na agad. Artista naman ako ma diba? I should not be feeling this way” sabi ni Enan kaya natawa ang matanda. “Sa tingin mo ba yung mga ganyan na ang bilis magpalit e nagmahal talaga?” “You are old enough to have this conservation so maybe it was just lust. Nagkagusto sila sa isa’t isa, nung nakuha na nila gusto nila move on agad. I do really hope hindi ka ganon anak” sabi ni Rosa. “Ma, artistahin ako pero di ako ganon. Sabagay you make sense ma. Tignan mo nalang yung nakapila sa listahan ko. Lahat sila nagproprofess ng love for me pero sa totoo habol lang nila ang aking katawan” landi ng binata kaya napingot siya sa tenga. “Enan hindi ko gusto yang sinasabi mo” sabi ni Rosa. “Sorry po ma pero di naman ako ganon kay Katrina. She makes me happy, she makes me feel normal and accepted. Pero ma kahit na inclined ako patungo sa kanya hindi ko parin maalis si Cristine sa aking puso. Di ko naman siya pwede itabi tapos ipagkasya si Katrina” sabi ng binata. “Look anak, focus on what is real. Sabi mo Katrina makes you happy then why don’t you stick to the one that makes you happy. Think about it anak, oo mahal mo si Cristine pero does she love you back? If magpansinan ulit kayo magiging masaya ka ba talaga?” “Kaya mo ba habang buhay magbigay nalang ng magbigay? Kung kay Katrina magbibigay ka at may matatanggap ka din, well that depends on you if mapasagot mo siya” sabi ni Rosa. “Hay, ang hirap talaga maging artistahin, ang dami pagpipilian e” banat ni Enan kaya nanlaki ang mga mata ng nanay niya. “Ma, I feel something for Clarisse too. I know bestfriend lang kami at aaminin ko crush ko siya noon. Alam ko din hindi pwede kasi girlfriend siya ng bestfriend kong si Shan pero ma lately…how come I am staring to have feelings for her? Normal lang ba yon kasi masyado siya mabait sa akin?” tanong ni Enan. “I do like Clarisse to be honest pero anak she is the girlfriend of Shan” sabi ni Rosa. “I know ma, sinasabi ko lang sa inyo yung totoo. Nag oopen up na nga ako sa inyo kasi wala naman ako makausap tungkol sa mga ganito e” sabi ni Enan. “If only things were different then I will say you go for Clarisse, ang bait niya sa iyo. Sinasabi ko lang kasi siya lang kilala ko ng husto anak” “Maybe if I get to know Katrina then maaring magbabago isipan ko” sabi ni Rosa. “Ma isa pa, si Mikan. Lagi ko siya nakakasama, ganon siguro yon ano pag lagi mong kasama nagkakaroon ka narin ng feelings para sa taong yon ano? Tulad sa mga palabas sa TV, sila magkatrabaho sa teleserye, mamaya sila na pala” sabi ni Enan. “That is normal, lagi mo kasama kasi e. Mikan is also nice. I can feel mabait siyang bata” sabi ni Rosa. “Alam mo ma ang lungkot ng buhay niya, she lives alone. She only goes out to work. Gago talaga yung producer na yon na sumira ng career niya” sabi ni Enan. “Watch your words anak” paalala ni Rosa. “Sorry po ma. Pag kasama ko siya tanong siya ng tanong about our family. Minsan ayaw ko na sumagot kasi nakikita ko nalulungkot siya at namimiss niya family niya” sabi ng binata. “Anak kumain ka na nga, nagiging babaero ka na ata ah” biro ni Rosa. “Ma expected na yan, artistahin anak niyo e” landi ni Enan kaya muling napingot tenga niya. “Will you eat already, mamayang gabi may rampa ka nanaman” sabi ni Rosa. “Kaya nga e, oh wait ma. Magset kayo ni dad ng isang araw. Yung wala siyang trabaho ha, basta magset kayo ng isang araw” sabi ni Enan. “Para saan? Pupunta kami sa bar?” tanong ni Rosa. “Basta ma, magset kayo ni dad ng isang araw. Yung pareho kayong free. Take note isang buong araw, overnight pa. Make it two days pala para sure. Basta no more questions, advance ko na regalo ko sa inyo” sabi ni Enan. “Aba, sige sige naeexcite ako ah” sabi ni Rosa. Bandang alas sais nadatnan ni Mikan si Enan sa labas ng bar. Nakasandal ang binata sa isang tabi at busy siya na nagtetext. “Hi Enan” bati ng dalaga, nagulat si Mikan nang bigla siyang niyakap ng binata sabay hinalikan sa pisngi. “Hello Mikaela” sabi niya. Bungisngis ang dalaga sabay haplos sa kanyang pisngi, “Good mood ka ata” sabi ni Mikan. “Hindi lang mood, I am happy. Maaga pa so why don’t you come with me at let us eat” sabi ni Enan sabay inakbayan ang dalaga kaya si Mikan nanigas at lalong nagbungisngis. “Pero I need to…” sabi ni Mikan. “No you don’t, tara na. Snack lang naman e. Happiness makes me hungry” sabi ng binata. “Sige na nga” pacute ng dalaga sabay sumandal at napangiti ng husto. Sa loob ng isang fastfood restaurant tumayo sila agad sa tapat ng counter. “Come on kahit ano” sabi ni Enan. “Maganda talaga mood mo ha, ano kaya meron?” tanong ng dalaga. “Too early to say, baka maudlot. Teka nga, hmmm..ang bango mo naman ata ngayon at..new hairdo? Oooh you made paayos pa your kilay” sabi ni Enan. “You noticed” bulong ni Mikan sabay napangiti. “Oo naman, ang ganda mo na nga nagpapaganda ka pa. Ganda problems?” banat ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Minsan na nga lang ako nagkaka time para sa sarili ko, well you taught me that kasi” sabi ng dalaga. Umatras si Enan sabay tinitigan talaga si Mikan kaya ang dalaga pinalo siya sa kamay. “Uy stop it” bulong ng dalaga. “Mikaela, you look super pretty” sabi ng binata. “Ano ka ba? Lately kasi pumoporma ka so sabi ko dapat ako din” pacute ng dalaga. “I wanted to look good for you naman kasi. Para presentable naman kasama mo pag kumakanta ka” sabi ng binata. “Diba usapan casual, so nagporma kaya dapat ako din” sabi ni Mikan. “Pero sobra naman na ginawa mo e. Ang ganda mo na nga, lalo ka pa gumanda. Pano ba yan crush na kita” banat ni Enan. Tumalikod si Mikan, nagbungisngis sabay pinaypayan ang sarili. “Bolero ka talaga” sabi niya. “Na ah, hey masama ba pag sinabi ko yon? Better honest diba?” tanong ni Enan kaya humarap si Mikan at napangiti. “Its alright I guess” bulong niya. “Uy sana wag maging awkward ha, normal lang. Anyway come one let us order food” sabi ni Enan. Dumikit si Mikan, muli siyang napangiti nang mahuli niya ang binata na nakatitig sa kanya. “Enan stop” bulong niya. “Sorry naninibago lang ako talaga, nasanay na ako sa dati mong itsura kasi” sagot ng binata. Pagkaupo nila para kumain muling napangiti si Mikan. “Oh Enan, we have to hurry. Photoshoot natin today” sabi ng dalaga. “Oh..oo nga no. Bakit di mo pinaalala kanina?” tanong ng binata. “Eh..ikaw kasi e…nabigla ako..ah I mean I forgot” sagot ng dalaga. “Let them wait, sige lang kain lang. Pero para saan yung photoshoot?” tanong ni Enan. “Well sir Bobby wanted to change the tarp sa harapan ng bar” sabi ng dalaga. “Oh okay, pero di naman ako permanent star, ikaw naman yung permanent star niya at sabit lang ako” sabi ng binata. “Do not say that, the bar is doing much better eversince you came in” sabi ni Mikan. “Oooh lucky charm pala ako. Pero pano na yan e hanggang break lang ako. Sa January e wala na ako” sabi ni Enan. “I know, nakakalungkot na nga isipin e” sabi ni Mikan. “Pero pag sinabi mo Enan stay then I might stay” sabi ng binata. “Will you?” tanong ni Mikan. “If only you still need me I will” sagot ni Enan. “I would really love if you could be permanent” sabi ni Mikan. “Hmmm permanent…no promises yet pero sige I will stay. Ayusin nalang natin siguro schedule ng mabuti para di magconflict sa studies ko” sabi ng binata. “Really?” tanong ng dalaga. “Yes really, alam mo Mikaela you should go back to school. Pag isipan mo din kaya yon. Di ko alam kung may gusto kang course sa school ko pero astig kaya yon pag school mates tayo no?” sabi ng binata kaya napangiti ang dalaga. “If ever e di araw araw na tayo magkasama” sabi ni Mikan. “Ayaw mo ba?” tanong ni Enan. “I didn’t mean it in a negative manner, syempre gustong gusto ko” sabi ng dalaga. “Ayun naman pala e. So think about it. You will get your album song, magsisimula na ulit career mo, pero pag isipan mo parin yung studies” “You will never know what will happen sa future. At least pag may diploma ka may babagsakan ka. Ang dami mong options, pwede ka sumali sa Binibining Pilipinas din. Lagi ko sinasabi kay Clarisse yon pero ayaw niya. Pero pag pumayag siya, sana wag kayo magkalaban kasi mahahati puso ko kanino ako kakampi” banat ni Enan kaya natawa si Mikan. “Wala po ako balak sumali sa ganyan. Sapat ka na para sabihin maganda ako” pacute ni Mikan. “Oohh of course, artistahin authority. Good answer” sabi ni Enan kaya nagtawanan sila. Sa loob ng isang kwarto ng bar naganap ang photo shoot. Yung photographer hindi nagustuhan yung mag unang kuha niya kaya tinabihan siya ni Enan. “Ano po ba yung hinahanap niyo?” tanong niya. “Parang may kulang e, you two look good but there is something missing” sagot nung lalake. “Makikialam na ako ha, pagdating dito makakaasa kayo sa artistahin” banat ni Enan kaya natawa ang lahat. “She is pretty, everyone knows that so let us flaunt it. We take her at the center, nakatayo siya tapos yung gitara niya nakatayo sa harapan niya at hawak niya” “Tapos ako nakapwesto sa likuran niya, may dark effect kunwari. O ha. Parang Beauty and the Beast effect, ako nasa likuran majority covered by shadows pero may hawak akong microphone. Siya naman looking innocent in front holding her standing guitar, yung para bang nag aantay siya na dumating na so siguro medyo nakangiti siya” sabi ng binata. “Oh I like that, lets try it now” sabi ng photographer. Lumipas ang ilang minuto nagustuhan nilang lahat yung isang litrato. “I want this one, I want this one too for my album cover” sabi ni Mikan. “Naku iha salamat, bibigyan mo pa ako ng extra income niyan” sabi ng photographer. “Yeah I like it too” sabi ni Enan. “Pero may kulang pa, what if we go with this then make another shot where it becomes more personal” sabi ng photographer. “Pwede ba ako naman masunod?” tanong ni Mikan. “Fair enough, sige ano idea mo?” tanong ng photographer. “Well I want this one sa front cover ng album ko at sa harapan ng bar. Then hmmm…nakaupo ako with my guitar…I am playing it then Enan is standing closer and looking at me..and I am looking at him too” sabi ng dalaga. “Sige nga, set it up” sabi ng photographer kaya pumwesto yung dalawa. “Perfect! Ito yung hinahanap ko! Sige sige hold that pose” sabi ng photographer. Maganda yung kuha niya, sa litrato nakangiti pareho sina Enan at Mikan habang magkatitigan. “Gusto ko ng kopya niyan, gusto ko ipaframe at ipaskil sa loob ng bar. Kunan mo pa sila ng solo shots, tapos shots na magkasama at punuhin natin bar ko ng mga larawan nila” sabi ni Bobby. “Sir kawawa naman yung ibang performer” sabi ni Enan. “Sabagay, pero sige kahit two shots. Yung solo sila pareho tapos paskil natin sa magkabilang dulo ng bar ko. Itong second shot nila ito ang sentro tapos yung una sa labas” sabi ni Bobby. “Let me just do some retouches then I will send them to you right away” sabi ng photographer. Samantala sa loob ng mansyon napasugod si Katrina sa kwarto ng kanyang pinsan. “He is not texting me anymore” sabi ng dalaga. “Bakit ano ba ginawa mo?” tanong ni Lea. “Ewan ko, okay naman kami magkatext up to two in the morning. Tapos I forgot to charge my phone before I slept. Kanina akala ko hindi siya nagtetext pero pagcheck ko patay na pala phone ko” “I charged it, pag on ko ang dami niyang messages. I replied pero hindi na siya sumasagot e” kwento ni Katrina. “Baka busy lang siya” sabi ni Lea. “You really think so?” tanong ni Katrina. “Grabe ka, syempre naman. Ano ba gusto mo magkatext nalang kayo lagi?” tanong ni Lea. “Okay, pero pwede din kaya wala siyang load? Should I send him load?” tanong ni Katrina kaya natawa ang kanyang pinsan. “Baka mainsulto mo siya” sabi niya. “Okay, pero gabi na e. Impossible naman na busy pa siya. Tsk, late ko na kasi nakita dead na pala phone ko. After dinner ko lang napansin. Di naman kasi ako palagamit ng phone ko e” sabi ni Katrina. “Will you just wait baka busy lang siya” sabi ni Lea. “Its already nine in the evening, why is he still busy? Kagabi naman magkatext kami ng ganitong oras e. Just because I didn’t reply to his earlier text messages ayaw na niya?” tanong ni Katrina kaya napahalakhak si Lea. “Hay naku Katrina. Fine I have no choice but to tell you” sabi ni Lea. “I knew it! Magkatext kayo no? Oooh you b***h” sabi ni Katrina kaya lalong natawa ang kanyang pinsan. “No I am not texting him, there is something you should know. Tara sa kwarto mo para magamit mo din laptop mo for a change” sabi ni Lea. “Ano naman kinalaman ng laptop ko?” tanong ni Katrina. “Will you just shut up and trust me” sabi ni Lea. Pagpasok sa kwarto agad sinindi ni Lea yung laptop sabay may pinakita sa kanyang pinsan. “I really didn’t want to tell you, I wanted you to find out on your own. So ayan siya panoorin mo” sabi ni Lea. Nagtakip ng bibig si Katrina nang makita si Enan sa stage, nakabukas ang polo habang kumakanta. “He sings!” sigaw ni Katrina. “Nice body too” landi ni Lea kaya nakurot siya ng kanyang pinsan. “Ano yan? Pageant naman..oh my God sumali siya? Did he win?” tanong ni Katrina. “Sadly no but watch that video first then may ipapakita pa ako sa iyo mamaya” sabi ni Lea. “Oh my God ang ganda ng boses niya. He never told me he sings” sabi ni Katrina. “At least alam mo na hindi siya mayabang. O ano tapos na?” tanong ni Lea. “Wait ulit pa” pacute ni Katrina kaya natawa ulit pinsan niya. “So that was before, eto latest video niya sa isang bar” sabi ni Lea. “Oooh I know that girl, I have her album” sabi ni Katrina. “Mikan, listen to them singing kasi” sabi ni Lea. “s**t ang ganda ng boses niya…he really sings” sabi ni Katrina. Ilang beses niya inulit yung video, si Lea naman napangiti nang haplusin ng pinsan niya yung screen. “He works sa bar part time” sabi niya. “You researched about him, interested ka din ba sa kanya? Please say no” sabi ni Katrina. “Do not worry I am not, kaya yan siguro dahilan bakit hindi siya nagtetext kasi busy siyang kumakanta” sabi ni Lea. “I see, he really never told me he sings” sabi ni Katrina. “I spoiled the surprise ano?” tanong ni Lea. “Medyo pero okay lang kesa naman iniisip ko na hindi na siya interested sa akin” sabi ni Katrina. “Its too early but napapansin ko na you already like him. Masyado ata mabilis insan” sabi ni Lea. “I know, pero ngayon lang naman ako makakaramdam ng ganito e. Alam mo naman ang boring ng buhay ko pero I feel so happy since yesterday” “Eversince I set eyes upon him I already felt happy. Lea I really like him already even know a lot would say its too fast” sabi ni Katrina. “Do not rush it cuz, take your time” sabi ni Lea. “Take my time? Tignan mo nga sino kasama niya o. Mikan is so pretty” sabi ni Katrina. “Well I am prettier than her” landi ni Lea kaya nagsimangot si Katrina. “Joke lang, iyong iyo na si Enan ano. I want you to be happy too cuz. I am just teasing you don’t worry” sabi ni Lea. “Cuz, normal ba ako? O mali na tong nararamdaman ko?” tanong ni Katrina. “You are perfectly normal, ganyan din naman ako noon. Then we broke up. Its life” sabi ni Lea. “Ang sama mo naman, bakit mo pa sinama yung broke up. Remember I told you pag nagkaroon ako ng boyfriend…isa lang kasi if ever siya na talaga mapapangasawa ko” sabi ni Katrina. “Ay ang bilis naman ata kasal agad” biro ni Lea. “Bwisit ka. I really like him” bulong ni Katrina. “Halata naman, payo ko lang take your time to get to know him. Wag kang padalos dalos, emotions can be very tricky I tell you” sabi ni Lea. “I know…sana lang magustuhan din siya nina daddy. Siya lang naman ang magiging problema if ever. I missed my chance before…I thought I would never see him again…this is fate…I saw him, I met him…finally” bulong ni Katrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD